12 Gifts of Christmas- Kissing the Christmas Killer Chapter 7

BUMUNTONG-HININGA si Ashley. Alas diyes pasado na ng gabi at gising na gising siya. Dapat ganitong oras sa Amerika ay ganado na siya sa trabaho. Pero ngayong nasa Pilipinas siya ay di siya makapag-focus sa trabaho.

Sinapo niya ang noo. Di niya gusto na lahat ay di umaayon sa plano niya. Inaakala niya na kapag nakarating na siya sa condo ng ama ay maiuuwi na niya agad ito. Di pa rin ito bumabalik hanggang ngayon.

Mas gusto niyang sa hotel na lang tumuloy. Hindi talaga siya mapakali. Laging bumabalik sa isipan niya ang engkwentro nila ni Robinson kanina. Malaki ang problema niya. Bakit ba siya naapektuhan ng dugyuting lalaking iyon? Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho niya.

Hanggang ngayon ay naririnig niya ang pagkanta nito ng Livin’ La Vida Loca. Nalalanghap niya ang natural na bango nito. She could feel his hot body against hers.

Kumatok ito sa pinto. “Ashley, labas ka naman diyan.”

Speaking of the devil. Bakit ba parang nang-aakit ito sa kanya habang pilit siyang lumalayo? Parang nangangati na ang kamay niya na i-shut down ang computer para mapuntahan niya ito.

Kinuyom niya ang palad at pumikit. “I am busy.”

“Mag-videoke naman tayo,” yaya nito. “May videoke dito si Sir Ron. Di pa gaanong nagamit. Sayang naman kundi gagamitin.”

Napilitan siyang pagbuksan ito ng pinto. Nakasuot ito ng khaki shorts at white sando. Hayyyy! Tukso pa rin. Di maitago ang muscles sa dibdib at braso nito. “No, thanks. I am working.”

“Bakit ka naman nagtatrabaho samantalang bakasyon mo? Dapat nagsasaya ka.”

Humalukipkip siya. “No!”

“Hindi ka naman nagpunta dito para magtrabaho. Nandito ka para mag-relax. Magkantahan tayo,” yaya nito at hinawakan ang braso niya saka hinila siya palabas ng silid. “Nakahanda na ang videoke. May sitsirya din diyan at wine kung gusto mo. Magaganda ang kanta dito sa videoke. May bago at luma.” Kinuha nito ang songbook at inabot sa kanya.

Di maipinta ang mukha niya. Di kasi niya alam kung paano tututol sa lalaki. Sunud-sunuran na lang siya sa kilos nito. “H-Hindi ako kumakanta.”

Inabot nito ang remote sa kanya. “Walang taong di kumakanta. Wala naman tayo sa singing contest. Tayo lang dalawa dito.”

“Alright. Basta ikaw ang mauunang kumanta.”

“Walang problema. Kanina pa ako nag-save,” sabi nito.

Wala naman siyang balak na kumanta. Malalaman din nito na boring ang company niya. Pwede na siguro niya itong pagbigyan ng isa o dalawang kanta tapos ay papasok na ulit siya sa kuwarto para magtrabaho. Hindi na siya aabot sa kanya niya. And the pesky guy would leave her alone.

Isinuot nito ang Santa hat. “Ready to have fun?” Pinindot nito ang play button sa remote at tumugtog ang Pasko Na Naman. “Pasko na naman, o kay tulin ng araw.”

Inabot nito ang tambourine sa kanya at in-encourage siya na patugtugin iyon. Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya at napilitang patunugin iyon.

“Maligayang Pasko!” sigaw nito at inangat ang baso ng iced tea.

Nakitaas din siya ng baso ng iced tea pero di niya ininom iyon at inilapag lang sa center table. “Anong kanta ang napili mo?”

Umiling siya. “Sige lang. Ikaw na muna.” At kunyari ay nagbuklat siya ng song book kahit na di naman niya iniintindi ang nakasulat.

“Ito. Paborito ko ito.”

Pumailanlang ang mapangharuyong tunog ng saxophone at sinimulang igiling ni Robinson. Napanganga na lang siya nang humarap ito sa kanya at nakita niyang nakalas na ang butones ng polo nito. Nakabalandra sa kanya ang naghuhuiyaw na muscles ng dibdib at abs nito. I feel so unsure as I take your hand and lead you to the dance floor.

Napanganga na lang siya habang pinapanood ito at umuugong ang tainga niya. At nang umindayog ito ay kasabay umalon-alon ang muscles sa katawan partikular na sa abs. Akala ba niya ay videoke ito? Bakit biglang naging Magic Mike Live version? He looked like Santa’s naughty surprise this Christmas. Tagadala ng mainit na hangin sa malamig na simoy ng Pasko.

“I’ll never gonna dance again. Guilty feet have got no rhythm.”

Umuklo ito sa harap niya at tiningnan siya nang direkta sa mga mata. Parang siya ang kinakausap nito at kinakantahan nito.

Hayyyy! Pakiramdam niya ay nababalutan siya ng mainit na hangin samantalang malakas ang buga ng aircon. Parang nag-climate change sa condo na iyon. At ang lalaking ito ang sisisihin niya sa global warming.

Napainom tuloy siya ng iced tea nang wala sa oras. Whew! Hindi ba dapat ilegal ang ginagawa nito? Hindi ito dapat kumanta nang nakabalandra ang hot body sa kanya. Hindi niya alam kung lalagnatin siya o mawawala sa sarili. It was like having her own private show. Her own Channing Tatum, Joe Manganellio at Matt Bommer rolled into one.

Lumuhod ito sa harapan niya at ginagap ang kamay niya. “We could have been so good together. We could have lived this dance forever. But now who’s gonna dance with me? Please stay.”

No! She couldn’t do this anymore! Kapag nagtagal pa siya dito baka tuluyan nang bumigay ang katinuan niya at magahasa niya ang lalaking ito. Kailangan niyang ibalik ang katinuan sa buhay niya. Kailangan niyang kontrolin ang emosyon niya at makalayo sa lalaking ito. Malayong-malayo.

Sinikap niyang huwag ngumiti habang nakataas ang kilay dito. “Nakakanta ka na. You had your fun. Pwede na ba akong bumalik sa kuwarto ko?”

“Di pa. Di pa nga tayo nag-iinit sa kantahan.”

Di pa ba nag-iinit iyon? Pinagpapawisan na nga siya nang malapot at parang sinilaban na ang buong pagkatao niya. Ano ba ang mayroon sa lalaking ito at dinaig pa ang siling labuyo sa hotness level?

“Hindi na. I really need to work. And this is not my kind of fun.”

“Pagbigyan mo na ako. Kumanta ka lang kahit isang kanta. Di na kita pipilitin pagkatapos. Deal?” nakangiti nitong tanong habang inaalok ang mic sa kanya.

Umikot ang mga mata niya. Gusto pa niyang makipag-argumento sa lalaki pero sa itsura nito ay mukhang hindi siya nito tatantanan.

“Sige. Pero sabayan mo ako para di naman gaanong nakakahiya ang boses ko.” Sapawan na lang ng magandang boses nito ang boses niyang walang direksyon at laging naka-rerouting.

“Eksakto. May duet akong pinili dito.” Nag-skip ito ng ibang kanta at ngumiti sa isang kanta na pamilyar sa kanya. “All I Ask of You?”

Nagningning ang mga mata ni Ashley. “Phantom of the Opera. Favorite ko iyan.” Saka niya na-realize na sobrang taas ng tono ng kanta lalo na para sa kanya. “Kaya ko bang kantahin iyan?”

“Tulain mo kung gusto mo. I don’t mind. Basta kumanta ka lang at galing sa puso mo.” Kumanta nga lang ay hirap siya. Galing sa puso pa ang gusto nito? At pumailalang na ang boses nito. “No more talk of darkness. Forget this wide eyed fear. I am here. Nothing can harm you. My words will warm and calm you.”

Bumuka ang ibig ni Ashley para kumanta. “Say you’ll love every...” Natigilan siya at kumunot ang noo dahil walang lumalabas na tunog. Tinapik niya ang mikropono at walang lumalabas na tunog. “See? Even the microphone doesn’t want me to sing. Babalik na lang ako sa kuwarto ko.”

Akma ng aalis na siya nang biglang hapitin ng lalaki ang baywang niya at itinutok ang mikropono sa labi niya habang malapit ang mukha nito sa kanya. Nasa gitna nila ang mikropono at sinambot nito kanta para sa kanya. “Say you’ll need me with you here beside you,” kanta nito sa mahinang boses para lang makasabay pa rin siya

Napatitig siya sa magaganda nitong mga mata. Animo’y nahipnotismo siya at bumuka ang bibig niya para umawit. Nakalimutan niya na dapat ay babalik na siya sa kuwarto nito. “Promise me that all you say is true. Love me. That’s all I ask of you.”

Umangat ang gilid ng labi nito na ang ibig sabihin ay nasiyahan ito sa pagkanta niya o pagtula niya kung ano man ang mas bagay doon. Huminga siya ng malalim. It was not so bad. Nasanay lang siya na gawin lang ang mga bagay kung saan siya magaling. Ayaw niyang maging failure. Ayaw niya ng pinagtatawanan. Pero di naman pala lahat ng tao ay magtatawa sa kanya. Di lahat ay iisipin na isa siyang failure dahil wala siya sa tono. Gaya ng sinabi ni Robinson, kailangan lang niyang mag-relax.

Nang sumunod ay di na siya nailang. Wala na siyang pakialam kung tumatama man siya sa tono o hindi. Nang mga oras, siya si Christine, ang magandang dilag na ang gusto lang ay mahalin siya at protektahan.

“Anywhere you go let me go, too. Love me. That’s all I ask of you.”

Hindi niya alam kung dala ng role o dahil sa ganda ng kanta pero natagpuan ang niya ang sarili na nakadikit ang noo kay Robinson. Wala na rin ang mikropono sa pagitan nila. Hinaplos nito ang pisngi niya at napatitig siya sa mga mata nito. He had soulful eyes and she was lost. Naramdaman na lang niya na parang namamagneto sila sa isa’t isa hanggang magdikit ang mga labi nila.

He was kissing her or she was kissing him. Hindi niya alam kung paanong nangyari subalit hindi siya nakadama ng pagtutol. The kiss was tentative first. Animo’y isa siyang babasaging kristal na inaalagaan ng lalaki. Then she opened her lips as if asking for more. Then it became possessive and fierce. Hindi na nakilala ni Ashley ang sarili. Di naman siya basta-basta nagpapahalik sa lalaki. And not this willing. But she was enjoying the possession of his hot lips and the way their body melded together was if it was the most natural thing in the world.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.