12 Gifts of Christmas- Kissing the Christmas Killer Chapter 9

NAHIHINTATAKUTAN na inilinga ni Ashley ang mga mata sa presinto kung saan siya idinala ng rumespondeng pulis. Nakaupo siya sa bench habang ang katabi niya ay isang babae na kalong ang anak nito at nanginginig sa galit. Ipinakulong kasi nito ang asawa nito na nahuli nitong nambababae at walang ginawa kundi murahin ang lalaki at ang kabit nito habang nagkukwento sa kanya.

Sa tapat naman niya ay nakuyog ang isang magnanakaw ng mga taumbayan habang masama naman ang tingin sa kanya ng isang lalaking lalaking malaki ang katawan at maraming tattoo na kalalabas pa lang ng kulungan matapos na di magpakita ang babaeng nagpa-blotter dito ng sexual harassment. Habang sa di kalayuan naman ay may mga grupo ng kabataan na tinatawag na batang hamog. Magaling daw ang mga ito sa iba’t ibang modus para makapagnakaw.

Samu’t sari ang mga nangyayari sa paligid. Parang circus. Magpapasko daw kasi kaya napakaraming kasong naipa-file. Mula sa pagnanakaw hanggang sa mga kabit. And despite living in New York City, in a flat with five locks on her door, it still looked tame compare to Manila. Parang napakaligalig doon. Ginamot naman ng mga ito ang sugat niya pero tumanggi siyang magpadala sa ospital. She just wanted her bag back.

She felt tired and grimmy. Masakit pa ang mga gasgas niya sa tuhod at binti bati ang sugat sa braso niya. Maswerte siya na may security guard sa kalapit na gusali na tumulong sa kanya at tumawag ng pulis. Ang mga ito ang nagdala sa kanya sa presinto.

Sa halip na nasa eleganteng hotel siya ngayon ay mukhang matutulog pa siya sa presinto habang hinihintay ang aksyon ng kapulisan. After all, she had nowhere to go to. Without her money, she had nothing. Ang tanging natira lang sa kanya ay ang maleta niya na may lamang ilang pirasong damit. Nasa bag niya ang laptop, cellphone, credit cards at ang travel documents niya. Tinawagan niya ang kaibigang si Cara sa Viber nito pero di nito sinasagot. She didn’t know what to do.

“I am so unlucky,” nausal niya habang tulala at niyakap ang sarili. This was the first time in her life that she felt lonely and worthless in a strange place. Tapos ay maririnig pa niya ang masayang kantang pamasko na parang ayos lang ang lahat. How ironic.

“Unlucky? Naku! Wala pang mas mamalas pa sa akin. Ikaw ba naman ang magkaroon ng asawang batugan gaya ng akin tapos may lakas pa ng loob mambabae. Tangnang hayup na iyan! Magsama sila ng kabit niya sa impyerno.”

Napangiwi na lang siya nang makita ang mangiyak-ngiyak na dalawang taon nitong anak. Hindi man siguro lubos ang isip nito pero alam nitong may problema ang mga magulang nito. Kahit paano nang maghiwalay ang mga magulang niya ay di naman niya narinig na nagmurahan ang mga ito sa harap niya. Kinausap siya nang maayos ng ama kung bakit at paano sila iniwan ng nanay niya. Hindi iyon naging traumatic para sa kanya. Ipinagpasalamat niya na hindi niya nararanasan ang dinadanas ng batang ito. Sana lang ay hindi ito ma-trauma.

“Miss Delaney,” tawag sa kanya ng pulis na kumuha ng statement niya.

“Excuse me po,” sabi niya at lumapit sa desk ni SPO3 Manalastas. “Did you catch the men who took my bag, Sir? Did you retrieve my things?” Baka sakaling bumalik ang sampalataya niya sa sistema ng Pilipinas.

“I am sorry, Miss. Wala kasing CCTV sa pinangyarihan ng krimen.”

“You mean that whole area, there is no CCTV footage?”

“Isang buwan nang sira. Nilakad kay Mayor pero wala pa rin. Baka naman may makuha kayong witness sa lugar na iyon...”

Nanlaki ang ulo ni Ashley sa sinabi ng pulis. “What? Y-You mean, I can’t take back my bag? P-Paano pa malalaman kung mababawi ko ang gamit ko?”

Nagkibit-balikat ang pulis. “Pwede po sigurong ma-trace ang cellphone ninyo, Ma’am. Apple product naman po iyon. Pero karamihan po sa nawawalan ng cellphone dito at laptop ay ipinapa-block na lang niya para di na magamit pa. Di na rin po kasi nababawi. Saka ang credit card at ATM card n’yo po baka dapat pong agapan na ninyo dahil baka po magamit pa nila.”

Tumango na lang siya at nagpasalamat nang pahiramin siya ng telepono para makatawag siya sa customer service ng credit card company na mayroon siya gayundin ang bangko. Di lang siya makapag-focus na mabuti dahil sa ingay ng presinto. Hindi rin niya makapasok ang tawag niya sa credit card company dahil marahil sa dami ng sineserbisyuhan ng customer service ng mga ito.

“Miss, matagal ka pa ba?” nakataas ang kilay na tanong ng isang teenager na pagkakapal-kapal ng make up at maigsi ang suot na damit. Mukhang galing ito sa bar. “I need to call my dad. Di naman yata importante iyan. Kailangan kong ilabas ang boyfriend ko sa kulungan.”

The nerve! Kundi lang talaga siya pagod ay papatulan niya ang teenager na ito. Importante ang mga nawala sa kanya. Ni wala nga siyang kapera-pera. Tapos ay problema lang nito ang boyfriend nito na malamang ay nagpapakalasing at nakikipagbasag-ulo sa halip na nag-aaral.

Itinikom na lang niya ang bibig at ibinalik na sa pulis ang telepono. “Thanks for te help.” At saka nilampasan ang malditang dalagita kahit na kulong-kulo ang dugo niya.

This was not good. She was tired, stressed and frustrated. Gusto na niyang umiyak, mang-away at magwala. She was loosing her cool.

Hindi talaga conducive sa kanya ang lugar na iyon. Hindi niya alam kung mapagtutuunan pa ng pulis ang kaso niya dahil na rin sa dami ng kasong hinahawakan ng mga iyon.

“Saan po kayo nag-stay, Ma’am?” tanong ng isa pang pulis na kasamahan din ng pulis na humahawak sa kaso niya.

“I... I don’t know. I can’t contact my dad. I have nowhere to go.” Di rin siya makakapag-check in sa hotel dahil wala naman siyang credit card. Wala siyang pera.

“No friends who can help you out?”

“I...” Naisip niya ang condo ng ama. Pwede naman siguro siyang tumuloy doon. Pero si Robinson lang naman ang aabutan niya doon.

“You can stay here at the precint if you want. Until you get help,” alok ng pulis at saka kumindat sa kanya. Eeeewww! Nakikipag-flirt na sa kanya kahit na may wedding ring sa kamay. Malay ba niya kung ano pang gawin nito sa kanya.

“N-No. I... I have a friend. I-I will just stay there,” aniya habang malakas ang kabog ng dibdib. Bahala na. Ang magtitiyaga na lang siya sa condo ng ama niya at kay Robinson. Bahala na. Basta ang alam niya ay di na siya makakatagal pa sa presintong iyon kahit limang minuto dahil baka mag-amok na siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.