5 DAYS Chapter 12

"Ako si Denveir."

Mabilis ko siyang nilingon. "A-ano?"

"Isipin mong ako si Denveir, Buko pie."

Bumagsak ang balikat ko. Malamang hindi nga siya 'yon, pero wala namang masama kung iisipin kong siya nga si Denveir.

Bumaba kami ng stage. Panay papuri mula sa audience. Lumalim ang gabi na masaya lang kami.

"Anong paborito mong pagkain?"

Nakaupo kami sa lamesa habang ang lahat ay kagulo pa rin sa pagsayaw. Twelve AM na, wala kaming balak matulog dahil sinusulit namin ang five days.

"Tortang talong," nakangiti kong sabi. "Ikaw?"

"Sea foods," uminom siya ng alak. "That's also Denveir's favorite."

Tumango ako. "Magtanong ka sa akin ng kahit na ano."

"Ilan na naging ex mo?"

Natawa ako. "Sa lahat ba ng tanong 'yan pa?"

"Answer it."

"Dalawa, I consider Denveir as my boyfriend."

Ngumisi siya. "Break na pala kayo ni Kuya?"

"Playing bunso again."

"May pag-asa ba ako?"

Natigilan ako sa akmang pag-inom sana at tumingin sa kaniya. "Anong pag-asa?"

"Pag-asa as i—"

"Literal nanaman," tumawa ako. "Bakit ka ba ganyan magsalita? Hindi mo ako gusto 'wag kang ano riyan."

"Dadalhin ba kita rito kung hindi?" Napatitig ako sa kaniya nang haplusin niya ang pisngi ko. "Pretty."

"Hindi pretty ang pangalan ko," pagbibiro ko. Ngumiti siya nang malapad. "You're pretty." "Thanks, Mokong."

Sumama ang tingin niya sa akin. "Mokong? Ang pangit naman."

Tumawa ako. "Mokong, mokong, mokong." Ulit-ulit kong sinabi.

"Babe, babe, babe, It's better than that."

"Ayaw ko hindi naman kita boyfriend."

"Boyfriend lang ba ang pwedeng tawaging babe? Ay, wait! boyfriend mo ako."

Inirapan ko siya. "Kailan pa?"

"Ako si Denveir, ‘di ba?"

"Baliw ka na."

"Medyo."

Tumawa ako. Iba ang inaasahan kong isasagot niya, pero 'yon ang sinabi niya.

Weird.

Bukas ng gabi ang date sa yacht. Sana naman maganda roon.

"Let's go home. You look sleepy."

"Tara."

Tumayo na rin ako at nauna sa kaniya maglakad. Sumunod naman siya at umakbay sa akin. Inalis ko ang kamay niya.

"Boyfriend mo ako."

Inirapan ko siya. "Bahala ka nga."

Umakbay siya ulit sa akin. Hindi ko na itatangging masaya sa pakiramdam ang malapit ako sa kaniya at nakalapat ang katawan namin sa isa't isa.

Don't fall, Ailey Espinar.

DAY 2

Mag-uumaga na nang marating namin ang hotel. Parehas kaming tumatawa dahil susuray-suray kami at nakailang dapa kami sa buhanginan bago marating ang lugar.

Itinap niya ang keycard. "Hey, pakyu! Why are you not opening?" Pinalo niya ang pinto. "Papasukin niyo kami! Answer me! Damn!"

Tinatawanan ko siya dahil para na siyang baliw sa kakasigaw kaya kinuha ko ang keycard at ako ang nag-tap. Bumukas agad 'yon.

"Bakit bumukas sa iyo? Pinaglololoko ako nito." "Baliktad kasi," nakangiti kong sabi.

Nadapa ako sa kalasingan kaya tumawa siya bago ako alalayan. Naka-ilang bangga kami sa kung saan-saan bago kami bumagsak sa kama.

"Buko pie?"

"Hmm?"

"I—"

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nakatulog na ako dahil sa kalasingan.

Pagkagising ko diretso agad ako sa banyo. Sapo ko ang noo palabas. Nakita ko si Denmeir sa kusina. Mukhang nagluluto nanaman ang mokong.

"Sunog ka nanaman? Dapat nagsabi ka kung luto ka na!" Inis niyang sinabunutan ang ulo habang nakatingin sa itlog. "Hindi ka niyon kakainin. Kainis naman! Wala talaga akong future sa pagluluto."

Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya napatingin siya sa akin.

"Buko pie?"

Umupo ako sa harap niya. "Kausap mo nanaman ang sarili mo. Ang weird mo talaga."

Pilit siyang ngumiti. "Sorry, 'yong itlog kasi." Tinuro niya ang itlog.

Tawa ako nang tawa nang makita kong kulay uling na 'yon. Ang likod ay luto naman, pero ang kalahati ay sunog at ang nakakatawa pa may smiley pa na nakaguhit sa ketchup.

"Nakakatawa ka!" Humagalpak pa ako ng tawa at nasapo na ang tiyan.

"Hehe. Sorry."

"Trying hard ka sa pagluluto hindi ka naman marunong."

Nagkamot siya ng noo at lumapit sa akin. Kinuha niya ang itlog kaya pinigilan ko.

"Saan mo dadalhin 'yan?"

"Itatapon, baka kasi sumakit ang tiyan mo."

Bumungisngis nanaman ako. Kinuha ko ang hawak niya. "Pagtiya-tiyagaan ko na sayang ang effort mo."

Ngumiti siya. "Ganyan mo ba ako kamahal?"

Natigilan ako at napatitig sa nakangiti niyang mukha.

Oh, kamukha niya si Denveir kaya ang guwapo

niya.

"Kumain na tayo," pag-iiba ko ng usapan.

Umupo siya sa tabi ko at nilagyan ng fried rice ang plato ko. Natawa nanaman ako dahil sunog ang bawang.

"You are happy," nakangisi niyang sabi.

"Natatawa kasi ako sa iyo. Anong pinaggagagawa mo sa buhay mo?"

"Lagi akong nasa laboratory room at nag-eexperiment tapos—"

"Oo na. Literal ka nanaman. Inaasar kita hindi mo napansin."

"Pang-aasar pala 'yon?"

"Oo."

"Sorry. Hindi ako seryosong tao hindi katulad ng kapatid ko puro biro ang lahat ng lumalabas sa bibig ko at palagi akong nakangiti. Hindi rin ako katulad niya na bihira kung mag—"

"MMK?" Tumawa nanaman ako kaya inis niya akong tiningnan.

"Sinasabi ko lang sa iyo ang ugali ko, Buko pie."

Kung mayro'n man akong napapansin sa kaniya bihira siya mag-english hindi katulad ni Denveir na puro english lumalabas sa bibig niya.

"Sama mo naman ako sa iniisip mo," nakangisi niyang sabi.

"Hindi ka kasya sa utak ko," literal kong sabi.

Sumimangot siya. "Sa puso mo na lang," bulong niya, pero narinig ko.

"Hindi ka rin kasya rito at mahal ang renta kung mananatili ka kung sakaling magkasya ka."

"Magkano ba? Ibibigay ko sa iyo lahat kahit mamulubi pa kami basta ba…" malapad siyang ngumiti. "Akin ka na."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. No! Hindi naman ako kinikilig, ‘di ba?

Nilagyan niya ng ketchup ang pisngi ko. "Kinikilig siya," pang-aasar niya pa.

Inis kong tinanggal ang ketchup at inilagay sa noo niya. "Mas pogi ka kapag may ketchup."

"Gano'n ba?" Nanlaki ang mata ko nang ilagay niya sa mukha ang ketchup. "Pogi?"

Hindi ko na napigilang tumawa pa dahil ang hitsura niya ngayon ay parang ewan.

"Hindi naman ako literal mag-isip. I just want you to be happy. Tumatawa ka kasi kapag gano'n ako."

Napatigil ako sa pagtawa.

Lahat ba gagawin ng isang ito mapatawa lang ako?

"Kapag ba sinabi kong tumalon ka sa bangin, tatalon ka?"

"Oo basta masaya ka."

"'Yong totoo?"

"Oo nga, Buko pie. Kahit pa ipalapa mo ako sa leon basta makita ko lang ang ngiti mo gagawin ko. Just tell me what should I do, I will not hesitate to do it for you."

Nagkibit-balikat na lang ako. Sumubo ng pagkain at nagkunwaring walang epekto ‘yon kahit ang totoo tumitibok nang sobrang bilis ang puso ko.

Gusto kong iluwa ang itlog dahil lasang uling, tiniis ko na lang. Effort niya 'to.

Sino ba ako para tanggihan siya? I'm no one, but Ailey without any title.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.