5 DAYS Chapter 14

Inalalayan niya akong makababa ng puno. Sinilip namin kung nandito pa 'yong mga babae, wala na.

"I'm in big trouble. We can't stay outside," bulong

niya.

"Ang guwapo mo kasi," tumawa ako.

Well, that's true. He's feature is like Denveir. I can't deny that I'm attracted to him, too.

Ngumiti siya nang malapad. "Guwapo na ako ngayon?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil nahiya ako. "M-medyo," pagsisinungaling ko.

"Fudge!" May nakita siyang kung ano kaya hinila niya nanaman ako.

Nagtago kami sa pader habang sisilip-silip siya. "Bakit?"

"Si Cecelia nandito."

Akmang tatayo ako, pero pinigilan niya ako. "Bakit naman natin tataguan ang kapatid mo?"

"Hindi niya alam na nandito ako at may kasamang babae."

"Kilala ako no—"

"I know, but she doesn't know why I'm here."

"Sabi—" Napatigil ako sa pagsasalita nang tingnan niya ako at ganoon na lang ang lapit ng mukha naming dalawa. Magkaharap kami at nakasandal ang likod ko sa pader.

Ngayon ko lang natitigan ang mga mata niya. Ang pilik mata na mahaba, ang ilong na matangos, ang kurba ng mukha niya na bumabagay sa kaniya at nang mapatingin ako sa labi niya ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Hindi siya si Denveir.

Inulit-ulit ko nanaman 'yon sa isip ko. Inangat niya ang mukha kong nakababa at tumitig sa mata ko. Gusto kong iiwas ang tingin dahil parang nalulusaw ako sa tingin niya. Kumakarambola nanaman ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

Hanggang sa may humila ng laylayan ng shirt niya kaya tiningnan namin iyon. Nakita ko ang batang gusgusin na nakalahad ang kamay kay Denmeir. Hinila niya ulit ang short ni Denmeir.

“’Wag mong hilahin may lalabas na birdy riyan kapag nalaglag ang short ko.”

Napabungisngis ako. Baliw talaga nito.

Inilahad ng bata ang kamay, "Kuya, pahinging piso."

Akala ko ay mandidiri si Denmeir, pero hindi ngumiti siya sa bata at dumukot sa bulsa niya.

"Fudge, I don't have money here."

Nagulat pa ako nang kargahin niya ang bata, walang pandidiri at nakangiti pa ito.

Hinaplos niya ang mukha ng bata. "You're dirty. Sama ka muna sa amin wala akong dalang pera rito."

Naglakad kami pabalik sa hotel room. Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil sa karga niyang bata, pero wala siyang pakialam. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nakikipagkwentuhan sa bata.

May mabuti pala siyang puso.

Hindi ko mapigilang humanga at mapatitig sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy matagal ko na siyang kilala. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at may tinawagan. May dumating na lalaki na may dalang paper bag. Inilabas niya ang laman niyon, mga damit at pagkain.

"Nasaan ba ang magulang mo?"

"Nasa palengke po nagbebenta ng gulay."

"Jelo, maligo ka roon sa banyo tapos isuot mo ito." Inamoy niya pa ang bata at tumawa. "Ang baho mo na," tumawa rin ang bata.

"Salamat po, kuya."

Namamangha ko siyang tinitigan nang magtama ang mata namin, ngumiti siya.

"I really like kids that's why I donated my extra money to The Heart of Rose, foundation to help the poor."

"Ang bait mo naman." Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko inaasahang aakbayan niya ako kaya napatitig ako roon.

"S-sorry," tinanggal niya ang kamay. "Matulog ka na muna kasi mamayang gabi may date tayo."

"Wala akong damit."

"Maghanap ka ro'n, marami akong binili sa iyo."

Napamaang ang labi ko. "Bakit mo 'to ginagawa?"

Ngumiti siya nang malapad. "Simple. I want you to love me."

"Bakit? Wala ka namang mapapala kung mamahalin kita."

Nagkibit-balikat lang siya at hindi na nagsalita.

Ano bang mayro'n sa lalaking ito at ginugusto ako? Gusto niya nga ba talaga ako? Hindi ba magagalit ang kakambal niya kung nabubuhay lang ito?

Pumasok na lang ako sa kwarto at naghanap ng damit. Sa huli ang nakuha ko ay sleeveless na white, fit sa katawan ko at maiksi lang siya na hindi pa umabot sa tuhod.

Para namang ang daring nitong masiyado? Magalit kaya siya kapag ito ang isinuot ko? Siya naman bumili nito, bakit magagalit?

Natulog ulit ako dahil masakit pa ang ulo ko. Nang magmulat ako ng mata ay gabi niya. Naligo agad ako sa banyo at lumabas.

Nasaan si Denmeir?

Hinanap ko siya sa buong room at ang nakita ko lang ay note.

Prepare your heart, Buko pie.

- Mokong

Natawa ako sa nakalagay sa baba 'Mokong' tanggap na niya ang tawag ko sa kaniya. Natigilan ako nang pumasok sa isip ko ang nakalagay.

Prepare your heart, Buko pie.

Anong sinasabi nito?

Pumasok ulit ako sa kwarto at nag-ayos ng sarili. Hindi naman ako nagme-make up dahil may allergy ako roon. Itatali ko sana ang buhok ko kaso naalala ko na wala ako sa school kaya inilugay ko iyon.

May kumatok kaya binuksan ko, akala ko si Denmeir, pero lalaking may katandaan na ang bumungad.

"Hi, Ma'am Ailey. Ako po si Mang Arnes pinapasabi po ni Sir Denmeir na maghanda na raw po

kayo para sa date niyo at ihahatid ko raw po kayo roon." May inabot siyang sun flower.

How did he know my favorite flower?

"S-salamat."

Umalis na si Mang Arnes. Titig na titig ako sa bulaklak. May nakatikop na note roon kaya binasa ko.

Open your heart for me, Buko pie.

- Mokong

Napahawak ako sa dibdib ko dahil 'ayon nanaman ang matinding kabog nito.

Iwanan ko kaya siya?

Ayaw kong mahulog ulit sa taong hindi ko naman lubos na kilala. Mauulit lang ang nangyari sa amin ni Denveir.

Pero paano ko siya iiwan kung paunti-unti na siyang nakakapasok sa puso ko?

Nanlulumo akong umupo sa sofa. Naalala kong kailangan ko na nga palang maghanda kaya nagbihis na ako.

Hinatid ako ni Mang Arnes sa yacht nang nakapiring ang mata. Nang tanggalin niya iyon ay napanganga ako dahil sa ganda ng lugar. Inilibot ko ang mata, may mga kandila na nakapatong sa kung ano na nasa karagatan na nagsisilbing ilaw, may romatic table for two, may musikang nakakapanatag sa kalooban, may maliliit na ilaw nakalambitin sa kung saan at may lalaking nakatayo na may hawak na bugkos ng sunflower. Nakangiti siya sa akin at guwapong-guwapo siya sa suot niyang black na coat na may neck tie na itim, pormal na pormal ang suot niya na lalong nagpa-angat sa kaguwapuhan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.