“Class, for your next activity, count from one to six,” utos ng guro nila na si Miss Capulong para sa Understanding Culture, Society and Politics. Group activity tiyak iyon.
“Three,” matamlay na bilang ni Sylvie.
Di siya masyadong naaaliw sa group activities. Mas gusto niyang gumagawa na lang nang mag-isa. May oras na mas inuuna ng mga kaklase niya ang pagdaldal kaysa activities. May utak naman ang mga kaklase niya. Pero parang bata ang mga ito minsan - hawak ang phones, pinag-uusapan ang pinakabagong video at post ng celebrities o bagong tsismis. Kaya siya na lang gumagawa minsan ng activity at pag matatapos na ay saka lang sasahog ang mga ito. Madami pang reklamo minsan. Kung pwede lang lagi na mag-isa siya.
“Four,” narinig niyang bilang ni Knight.
“Hay salamat,” mahinang usal niya. Mabuti naman at di ito ang sakit ng ulo niya. Baka wala itong gagawin kundi magpa-cute habang nagpapakahirap sila sa project.
“Granma, ikaw pala ang groupmate namin,” anang kaklaseng si Andrea.
“Right. Ikaw na ang leader namin, ha? Para di na kami mahihirapan masyado,” sabi naman ni Shannah.
“Masyado naman kayong sinuswerte talaga,” aniya at maasim na ngumiti. In short, sa kanya na iaasa ng mga ito ang trabaho sa grupo.
“Yes. Maswerte talaga ang grupo ninyo,” singit naman bigla ni Lance na nakatayo sa likuran ng dalawa. At namamangha ang dalawang babae dahil sa presensiya nito.
“Group Three kami,” paglilinaw niya sa lalaki. Sa Group Four ito sa pagkakaalam niya. Di niya alam kung bakit may oras pa ito na makipagkwentuhan sa grupo nila samantalang nasa gitna sila ng isang class activity. “Hindi ba sa kabilang grupo ka?” At itinuro niya ang naturang grupo.
“Group Four din ako. Nag-request si Elrick kung pwedeng sa grupo na lang siya ni Candice sumama. Para daw di nila masyadong ma-miss ang isa’t isa.”
Nang lingunin ni Sylvie ang tinukoy na kaklase, magkadikit nga ang magnobyong kaklase. Ayaw ng mga ito na mapaghiwalay. “Valid reason na pala iyon para magpalit ng ka-group.”
“Sawa na rin naman kaming marinig ang mga kwento ni Candice tungkol kay Elrick,” reklamo ni Andrea.
Dumikit si Shannah kay Lance. “We are so blessed to have you in your group. I am sure we will do great with our group activity.”
“Sana okay lang kay Sylvie na maging parte ako ng group ninyo,” anang si Lance sa malumanay na boses.
Inilahad ni Sylvie ang palad sa bakanteng upuan. “Kung gagawin mo ang parte sa activity natin, walang magiging problema,” walang ngiti niyang sabi. Pare-pareho nilang grade ito.
Kinuha ng guro ang atensyon nila. “Class, here is your group activity.”At lumabas sa white cloth ang picture ng iba’t ibang musicians sa iba’t ibang panahon. “Music appreciation. You will present an artist or a group who are around our age when they started in the music industry. Sabihin ninyo kung bakit interesante ang mga kanta nila, paano kayo nakaka-relate at anong value nila sa inyo bilang tao? Magpe-present din ang grupo ninyo ng isang kanta nila sa Friday.”
Nagbulung-bulungan ang mga kaklase nang makita ang mga pagpipilian. Iba’t iba ang genre, may local at international artist din. Pamilyar sa kanya ang iba habang di naman niya kilala ang iba pa. May apat na pagpipiliang artist kada grupo.
“Goshhh! Gusto ko si Darren Espanto,” anang si Candice na pinaglambitinan ang manggas ng uniform ni Shannah. “Dying inside to hold youuu!” At sinabayan pa ng babae ng sayaw.
Pumiksi si Shannah. “Directioners tayo. One Direction is our priority,” pili nito sa paboritong boyband. “Let’s go crazy, crazy ‘til the sun goes down!”
“I nominate Taylor Swift,” sabi naman ni Lancelot.
“No!” kontra agad ni Sylvie.
“Ayaw mo kay Taylor Swift?” tanong ng lalaki.
“Mas gusto ko ang Smokey Mountain.”
“Smokey what?” tanong dalawang babae.
“Smokey Mountain.” At ibinukas ang laptop niya para ipakita dito ang isa sa mga choices na walang pumapansin. “Popular group in the ninetees. Puro sila teenagers. They were handled by Maestro Ryan Cayabyab during their time. Sumikat din sila sa ibang bansa. They sing about the environment, tungkol sa buhay ng kabataan na nawalay sa magulang na OFW…”
“And Da Coconut Nut,” dugtong ni Lancelot. “Sinayaw namin iyon noong high school. Sumikat ulit ang kanta nila nang kantahin ng isang choir at nag-trending. Pwede ko pa kayong turuan ng dance steps para sa performance natin.”
“I think you are such a cute coconut,” hagikgik ni Shannah.
“Noooo! One Direction pa rin ako. Kahit pa si Knight ang pinaka-cute na coconut, sa One D pa rin ako. They are in-the-now. Their songs are romantic.” Sinapo ni Candice ang sariling pisngi. Makislap ang mga mata nito habang nangangarap. “At sa palagay ko mas maraming kikiligin kung One Direction songs ang kakantahin ni Knight kaysa isang coconut nut.”
“May kilig na kanta din naman ang Smokey Mountain. And besides, we are after the essence of the song. Ano ba ang mas mabigat na impact nila as artists? Di puro pa-cute at pakilig lang,” pakli ni Sylvie.