"The future may have changed already." Diyes said as he leaned against the wall of the School Gymnasium.
Tumingin lang ako sa kanya habang may pagtataka sa aking mukha. I can't figure out what he is trying to say.
He stares at me with his usual serious face. "Remember our lessons on Physics earlier?"
I nod. "Yes, the parallel universe."
"You already changed Marco's future. Ang ginawa mo ay nakagawa ng panibagong future kung saan, nag-iba na ang nangyari sa letters. In short, nandito na tayo sa future kung saan wala na ang regrets ng future natin on that specific date. Naiwasan na natin ang future na sinasabi sa atin ng future selves natin. Nakagawa na tayo ng future kung saan hindi na natin alam ang mga susunod na mangyayari."
Ilang segundo kong prinoseso sa utak ko ang sinabi niya. Napakurap ako nang makuha na ang gusto niyang iparating. "Tama. Nagkaroon na ng slight change sa future dahil binago ko na ang dapat na mangyari. Katulad na lang ng nangyari kahapon, nakalagay sa letter na dapat ay manggaling sa akin ang katotohanan pero taliwas iyon sa nangyari. Pero kahit na ganoon, humantong pa rin si Marco sa nais mangyari ng future self ko kahit wala akong ginawa."
"That's the point. Hindi na natin sure kung right choice pa rin ba ang pinapagawa sa atin ng future selves natin kung gayong nasa iba na tayong present. Present na hindi nila naranasan."
He paused for a second. "Also, wala din sa letter na darating uli si Aling Minerva sa buhay ni Marco. That just means na nabago na nga talaga ang future. Something good is happening right now and it's because you already changed the future." Diyes added with the same expression on his face.
I sigh. "What do you think? Is it still a good idea to follow what's written on the letters of our future selves?"
"Nakatanggap din kayo?" Mabilis kaming napalingon ni Diyes sa gilid namin nang may biglang nagsalita sa aming gilid.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita sina Vaeden at Magne na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin. Kanina pa yata sila nakatayo doon at hindi na namin iyon napansin ni Diyes dahil sa lalim ng pinag-uusapan namin.
"Nakatanggap din ba kayo ng letters galing sa future?" Magne repeats with an expression I can't recognize. An expression that's far from her usual element.
"Iyan ba 'yung letters tungkol kay Marco?" Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Diyes si Vaeden. Halatang halatang naguguluhan siya sa nangyayari. Nanatili naman kaming tahimik ni Diyes dahil sa labis na pagkagulat.
"So, lahat pala tayo ay nakatanggap?" Sambit niyang muli habang hindi pa rin makapaniwala ang kanyang mukha.
"Totoo ba 'yon? Tell me. I want to know the truth." Magne continues without minding Vaeden.
***
"Motherfuck-- This shit is real!" Hindi makapaniwalang sambit ni Vaeden habang patuloy na binabasa ang letters namin. Ganoon na rin ang sa future self niya.
Hindi niya kasi ito pinaniwalaan at inilagay lang niya ito sa bag niya. Balak niya daw itong itapon kaso lagi niyang nakakalimutan.
Si Magne naman ay katabi niya habang naluluha. Dulot marahil ng pagsisisi dahil hindi niya ito pinaniwalaan noong una pa lang. Katulad ni Vaeden, hinayaan niya lang kasi ito sa bag niya para gawing scratch papers.
Ngayon ay nandito kami sa rooftop, pinag-uusapan ang tungkol sa letters. Napili namin na 'wag na munang umuwi since si Marco ay nagpasya nang mauna para pumunta sa trabaho niya.
The cold breeze of the air just fuels the gloomy mood I'm feeling right now. The color of the sky is now starting to turn orange, which made me feel the sadness more for an unknown reason.
"Everything on these letters is true. Nangyari lahat ng nangyari, sapat na siguro 'yong dahilan para paniwalaan niyo iyan." Diyes started as he sits beside Vaeden.
"Sobrang nagsisi talaga ako na hindi 'yan pinaniwalaan noong una pa lang. Sobrang nadurog talaga ang puso ko kahapon noong nakita ko si Marco na nagpipigil ng luha habang lumalakad palayo sa atin. That was the only day I saw him to be that sad. Ni hindi niya nga yata tayo napansin, eh." He continued.
Tumingin sa kanya si Magne. "Ito pala ang dahilan kung bakit pinilit mo kaming sundan si Marco kahapon."
Tumango si Diyes. "And to save Margot from Cygny."
Napakunot noo naman si Magne dahil doon. "That bitch. Nang-gigigil pa rin talaga ako sa kanya. I knew she was trouble the moment I first saw her face."
Then she faced me with a knowing anger. "Bakit kasi hindi mo ako hinayaang magpaka-bitch doon noong una pa lang, Margot? Edi sana, natakot na 'yon na lumapit sa atin."
She rolled her eyes. "Gustong gusto ko na talaga siyang saktan kahapon pero naalala ko, it's animal cruelty. Hindi ako nananakit ng hayop."
Tumayo ako habang bahagyang tumatawa. "Baliw ka talaga."
Nagtungo na lang ako sa metal na harang ng rooftop. Tinignan ko mula dito ang iba't ibang building ng school at ganoon na rin ang mga estudyanteng naglalakad. Habang dinadama ko ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko, nagpatuloy sa pagbabasa sina Vaeden at Magne kaya't napuno kami ng katahimikan dito nang ilang saglit.
Kalaunan, nagsalitang muli si Magne kaya't napatingin ako sa kanya. "So kung sana pala, hindi natin niyaya si Marco na sumama sa atin on that specific day. Edi sana pala, nabura na agad natin ang mga pagsisisi ng future self natin?" Hindi niya makapaniwalang sambit.
Itatango ko na sana ang ulo ko nang muling magsalita si Diyes. "Not necessarily because death is inevitable. Walang may kasalanan dahil nangyari ang dapat na mangyari. His father was depressed, hindi tayo makakasigurado na hindi niya iyon gagawin sa susunod na mga araw. Let's say, hindi natin inimbitahan si Marco that day, will that assure us na hindi na uli gagawa ng ganoong krimen ang Papa niya? Will that stop him from . . ." He stopped but after a short moment, he continued, "raping a teenager? 'Di ba, hindi?"
Napalunok ako ng laway habang patuloy na nakikinig sa kanya. "It will still be up to his father. Kasi kahit na maging masaya siya ngayon. Kahit na anong okay ang maging siya ngayon. Drug addiction will still haunt him for a lifetime. And that drug addiction just produced anxiety for him."
Tumingin muna siya kay Magne bago muling nagsalita. "Anxiety will always find its way to attack its victim all over again. That is the sad truth of having anxiety. One moment, you'll be okay to the extent that you will feel like you just want to enjoy life and then another moment, it will attack you again in a way that it will make you want to give up all over again. It's unending. Once you have it, all you have to do is to just bare the pain and then try to survive at the most possible way."
Napapakurap sa sinabi ni Diyes, nauutal akong nagsalita. "So, you mean, Marco will still die no matter what happen?"
Diyes turn his gaze at me with full of sadness on his eyes. "The nature will always find its way to make everything fall to what should happen."
I gasp. "No . . ."
"But, the least that we can do is to make Marco be indulged by our unconditional love and support. We should make him avoid committing suicide by letting him know that we are on his side. That we are always here for him. We should give him the total amount of push that he needs for him to know that giving up isn't a choice and that surviving is the only option in order for him to defeat the monsters inside his head."
He sighed for a moment. "After all, this will all end with him committing suicide so we should make him avoid to end up with it. We should change his mindset and perspectives in life so that he won't repeat what his version on the parallel universe did."
Hinawakan niya ang kamay ko at saka ngumiti. "We can still save Marco, don't worry."
As I stare at them, I realize that Diyes is right. Nabago na ang future at maaaring hindi na relevant ang mga sasabihin sa akin ng future self ko. Pero naguguluhan pa rin ako, ayokong magkamali ng galaw. Ayokong magkamali na naman.
"Nagawan niyo na ba ng paraan ang pinagawa ng future selves natin ngayong araw?" Said Magne while still reading the diary.
Itinango ko ang ulo ko sa kanya. "Oo, pero parang nalungkot lang si Marco sa ginawa namin. Sinabi ko kasing ako na lang ang papalit sa pwesto niya."
Inalis niya ang tingin sa letters at saka napapangiwing tumingin sa akin hanggang sa magsalita si Vaeden. "Siguro, nalungkot siya kasi na-feel niyang parang wala kang tiwala sa kanya. Kasi dito sa letters, gusto niyang mag-bounce back. Gusto niyang patunayan na ang buhay niya ay hindi puro failures lang ang laman. Kumbaga parang tinakpan mo ang nag-iisang liwanag na naaaninag niya kaya siguro siya nagkaganoon."
"Pero iyon ang nakalagay sa letter ng future self ko." I sigh.
"As what I've said earlier, nabago na ang future. Maaring hindi na maging effective ang bagay na pinapagawa sa atin ng future natin. Katulad ngayon, mas lalo lang nasaktan si Marco sa napili nating desisyon." Bigkas ni Diyes habang nakatingin sa sahig. Ang kamay niya ay nakapatong sa noo niya na para bang minamasahe niya iyon.
"What should we do?" I asked, I'm now completely clueless on what should I do.
Magne put her index fingers on her chin and then she looks up as if the answer to my question can be seen on the orange sky. "What if we compete with him? Lahat ng napili ni Ma'am ay nagsabing ayaw nilang lumaban. Let's take their spot na lang."
"Tama, tama." Vaeden agreed. "Para kahit na matalo siya, hindi niya sisisihin ang sarili niya katulad ng nakalagay sa letters. All we have to do is to assure him that no matter what happen, kahit na madapa pa siya o ano pa man, hindi siya failure."
"Good idea. On that way, mag-eenjoy siyang kasama niya tayong lumaban keysa sa mapressure na manalo para sa atin. On that way, he will realize that success isn't about winning the competition because it is all about enjoying the moment and then learning from it regardless if he wins or not." Sambit ni Diyes na ngayon ay nakangiti na.
Itinango ko nang mabilis ang ulo ko. Malaki ang pasasalamat ko dahil ngayon, apat na kaming magtutulong-tulong para sagipin si Marco. Hindi ko ito kaya nang mag-isa, sigurado ako.
***
Matapos ang ilang sandali, nagpasya na kaming umuwi pero naisipan kong pumunta muna sa CR. Ganoon din naman si Magne kaya't nauna na sina Vaeden at Diyes na maghintay doon sa gate habang nandito pa kami ni Magne sa loob ng CR.
Ngayon ay nasa loob pa rin ng cubicle si Magne. Ako naman ay nag-aayos na ng mukha habang nakatapat sa malaking salamin.
On the corner of my eyes, may nakita akong tatlong babae na papasok ngayon dito sa loob. I just shrug and then continue doing my thing.
"Girls, nakakita na kayo ng ahas?" Sambit noong babae nang makapasok na siya dito sa loob.
Natigilan ako, pamilyar ang boses niya. Hindi ako maaring magkamali, kilala ko kung kaninong boses ito.
Tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo si Cygny habang ang dalawang babaeng kasama niya ay isinara ang pinto bago ini-lock iyon.
"Right here, girls. This girl is the real epitome of a snake." She smirks as she points out her index finger on my direction.
Napatingin naman ako doon sa dalawang babaeng kasama niya ngayong tumatawa. Sa pagkakaalam ko, school officers din sila dahil nakita ko na sila noong kumain sila sa booth namin noong foundation week. They are Calizta and Razel.
Hindi pa rin makagalaw, nanatili lang akong nakatingin sa kanila habang napapaawang ang bibig ko.
"Gulat ka ba?" Sambit muli ni Cygny habang lumalapit sa akin.
"Hindi pa pala ako nakakaganti sa 'yo. Should I do it now?" She raised her eyebrows.
Nang malapit na malapit na siya sa akin ay sakto namang labas ni Magne sa cubicle. Automatic na kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ni Cygny.
"Subukang mong ituloy ang gagawin mo, hindi ako magaatubiling burahin 'yang mukha mo gamit ang palad ko." Matapang na sambit niya habang nakakunot noo pa rin kay Cygny.
Tumingin naman si Cygny doon sa dalawang babae. "Girls." She said as she motioned them to walk towards Magne.
Mabilis ang pangyayari, sa isang kurap ko lang ay nakalapit na sila kay Magne. Hinawakan nila ang braso niya na para bang pinipigilan. Habang nagpupimiglas si Magne ay napatingin akong muli sa direksyon ni Cygny.
Muling siyang humarap sa akin. "Going back to the snake." She's still smirking as she raised her hand to slap me.
This time, I didn't close my eyes. This time, I won't let her just slap me so I smirked back before I speak. "Sige, ituloy mo. Kung ayaw mong pagpiyestahan ka sa social media mamaya. Baka nakakalimutan mo, Magne and I know your dirty secrets." I motioned my fingers as I emphasize the "dirty secrets".
Halatang natigilan siya sa sinabi ko dahil bigla niyang ibinababa ang kanyang kamay. Lalo naman akong napa-smirk dahil doon.
Tumingin ako doon sa dalawang babaeng pinipigilan si Magne. "So, I assume you still don't know her dirty secrets?" I said as I emphasized the latter words again.
"L-Let's go, girls. Nagsasayang lang tayo ng oras sa dalawang basurang ito." Natitigalgalang sambit ni Cygny bago tumalikod sa akin. Bagama't nalilito, mabilis siyang sinunod nina Calizta at Razel. Binitawan nila si Magne at saka sumunod kay Cygny.
Before Cygny goes out of the CR, I speak again that made her stop from walking. "Cygny, I will be glad if you just erase us from your world because we already eluded you from ours. You should just move on. We don't need you. We won't ever need a trash like you."
Lumunok ako ng laway at humugot ng malalim na hininga. "So, stay away from us."