After My Death Tomorrow Chapter 39

Bakit ganoon ang buhay?

His voice is weak.

It's signalling a weak hope.

And a heart that's about to give up.

Kung ano pa 'yung gusto mong makuha, 'yon din ang ipagkakait sa'yo? 'Yung tipong gustong gusto mong makuha ang isang bagay pero talagang napakagago ng tadhana kasi hindi niya ito ibibigay sa iyo kahit gaano mo pa ito ka-gusto. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para hindi mo ito makamit at ang masaklap, 'yung wala kang magawa kundi ang tanggapin na lang ang kagaguhan ng mga nangyayari.

Nagsasawa na ako.

Alam mo 'yung feeling na dahil sa sunod-sunod na kabiguan, wala na akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang sakit.

Hindi ko ba deserve ang sumaya?

Marco . . .

As I continue to listen to his audio files, I can't help but to turn down the corners of my lips.

Noong matalo ang section namin noong araw na iyon-- as usual, dahil sa akin-- mas lalong lumaki ang galit ng classmates ko sa akin.

Nadapa ako dahil sa injury na natamo ko isang araw bago ang araw na iyon. Hindi ko ito ipinahalata sa mga kaklase ko dahil ayokong pigilan nila ako sa pag-sali sa kumpetisyong makakapagpa-angat muli ng kumpyansa ko sa buhay.

Pero hindi, natalo na naman ako.

Nabigo na naman ako.

There's a long pause before he continues.

It was a long moment of him just breathing as the silence became the major point of my ears.

And then, his voice came. This time, with anger on his tone.

Putangina.

Hindi na ako nakalakad nang ayos matapos noon. Lumala raw ang injury ko sabi noong nurse na tumingin sa paa ko kaya't nahihirapan ako ngayong lumakad.

Dahil sa sunod-sunod na kamalasang naranasan ko noong araw na iyon, nawala ako sa sarili kong katinuan.

Nilapitan ako kanina ni Margot, pero pinalayo ko siya. Sinigawan ko siya. Nag-away kami.

Sa kaniya ko sinisi lahat ng nararanasan ko ngayon. Sinabi kong kung hindi ko siya nakilala. Kung hindi niya ako niyaya noong araw kung saan gumawa ng kirmen ang ama ko, edi sana, sana napigilan ko siyang gawin iyon. Edi sana, buhay pa rin hanggang ngayon si Papa. Edi sana, hindi ko na dinadanas ang nakakapanghinang kalbaryo na sumisira sa pagkatao ko ngayon.

Oo, ang sama ko.

Pero masisisi mo pa ba ako?

Sawang sawa na akong tumanggap ng kabiguan kaya gusto kong sa iba naman ipasa ang sakit. Pero alam ko, hindi talaga tama ang ginawa ko. That was the reason why right after that day, humingi agad ako ng tawad kay Margot. Pero wala na. Sini-seen lang niya ang mga messages ko.

Napalunok ako ng laway.

Hanggang sa makarinig ako ng malungkot ng buntong hininga mula kay Marco.

Siguro, mas okay na rin 'yon. Hindi ko rin naman talaga planong magtagal pa sa mundong ito. Humahanap lang talaga ako ng dahilan para mabuhay pero unti-unti na itong nawawala sa akin kaya't paniguradong ano mang oras ay mawawala na rin ako dito.

I am blinking as I continue lying on my bed. I was staring at the ceiling as I savor the last words of Marco from the parallel universe.

Napakapait nito.

Napakasakit niyang pakinggan.

Kagabi, dahil hindi ako makalakad nang ayos, late akong dumating sa trabaho. Bad mood si Boss dahil dalawang oras akong late. Sa akin niya ibinuntong ang init ng ulo niya. Sinigawan niya ako sa harap ng mga customers. Pinahiya niya ako. Minaliit niya ako. Dinurog niya ang natitirang pag-asa ko sa buhay. Nasagot ko siya, bad mood din ako, eh kaya ayon, tinanggal niya ako trabaho.

'Wag na 'wag na raw akong babalik sa restaurant niya dahil ang katulad ko raw na walang kwenta at walang utang na loob ay walang mararating sa buhay. Sasagutin ko sana siya ng "Alam ko, hindi na rin naman talaga ako magtatagal sa putanginang mundo niyo." pero kinaladkad na ako ng mga Guard papalabas ng restaurant.

Napahawak ako sa aking bibig.

At any moment, I will just cry hard.

Tanginang buhay talaga 'to. Gusto ko nang mawala. Bakit ba kasi hindi ko pa magawa-gawa? Gusto ko na talagang umalis dito sa impyernong 'to.

Natapos ang voice message.

Kasabay noon ang unti-unting pag-tulo ng luha mula sa mga mata ko.

Kasabay ng pag-kirot ng puso ko.

Katulad ng namamayaning katahimikan sa aking paligid.

Nanghihina man dahil sa lungkot, nagawa ko pa ring kunin ang letter ng future self ko.

To Margot,

Noong mga oras na 'yan, nasaktan ako. Wala akong nagawa dahil nabigla ako sa pinakita niya sa akin. From that moment, sinisi ko rin ang sarili ko. It was really my mistake. Pero ang mali ko lang, pinatulan ko siya. Nagkasagutan kami. Humantong pa sa pagsusumbatan. Hanggang sa nasabihan ko siya ng masasakit na mga salita.

"Ang tanga-tanga mo." I hissed as I continued to read the letter.

For the love of God, that was not about you! You should've let him just do his thing! Hindi mo na dapat pinatulan!

Depressed si Marco, nasabi niya lang 'yon dahil sa hirap ng dinadala niya at hindi ko iyon nakita agad sa kanya. Dahil akala ko, totoo ang mga ngiting pinapakita niya sa mga nakaraang araw. Akala ko, masaya talaga siya dahil sa mga pang-aasar at walang humpay na tawang nakikita namin sa kanya.

Hindi naman pala.

All this time, lahat ng iyon ay peke. Sa likod ng ngiti at mga tawa niyang 'yon, may mga sakit at hirap pala siyang itinatago. I am just so dumb to not realize his pain caused by the chaotic sadness that he has on his mind.

Kung sana lang talaga, inintindi ko siya edi sana, hindi ang away na 'yon ang naging huli naming pag-uusap.

Up to these days-- with Magne, Diyes and Vaeden, hindi pa rin kami nakakahingi ng sorry sa kanya. 'Yung personal. 'Yung buhay pa siya. 'Yung tatawanan niya kami dahil ang drama namin. Pero huli na ang lahat. That was the regret that will  forever haunt us.

Now, what I want you to do is to understand Marco's situation. Kapag may nasabi siyang masakit sa 'yo, intindihin mo. Pasok sa tenga, labas sa kabilang tenga. Ang kailangan niya ngayon ay hindi ang pride mo kundi ang malawak mong pag-iisip.

Napabuntong hininga ako. Sobrang sakit nga talaga ng pinagdaanan ng future self ko pati na rin ang Marco ng mundo nila. It was all about misunderstanding. Nagkulang lang talaga sila sa pag-intindi sa isa't isa.

Pero mabuti na lang, naiwasan namin ang dapat na mangyayari ngayong araw. Natapos ang araw na ito na masaya si Marco. Tawa pa nga siya nang tawa noong mag-paalam na siya sa amin kasama si Diyes habang pumapasok sa subdivision nila.

Ngayon ay kakauwi ko lang galing sa school. Dahil mga puyat at pagod kami, dumiretso na kami sa kanya-kanya naming bahay. Hindi na ako pumupunta kina Marco para magluto dahil si Nanay Minerva naman ay pansamantalang doon nakatira sa bahay niya ngayon.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Napangingiti akong nakatulala sa langit. Ngiting puno ng kasiyahan. Napakasaya ng nangyari kanina. Paniguradong mapapasama ang araw na ito sa listahan ng mga masasayang araw ng buhay ko.

Humikab ako bago muling ibinaling ang atensyon ko doon sa letters. Binuklat ko ang envelope kung saan nakalagay ang mga ito. Pero napakurap ako sa nalaman ko. Isang pahina na lang pala ang may sulat dito.

Habang tinitignan ko ang pahina, kitang-kita ko ang pagkabura ng ilang mga letra dahil sa likidong dumampi sa papel.

Luha ba ito?

Luha ba ito ng future self ko?

Wait . . .

I swallowed hard then directed my gaze to my laptop.

There, I saw the last audio file.

This is the moment where Marco will die.

Wala sa sarili kong pinindot ang kahuli-hulihang audio file sa USB na binigay sa akin ni Diyes.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.