Ezra's POV
Ilang araw na simula ng maganap ang nangyaring pag-amin sa akin ni Nexus sa tagaytay, panay din ang pangungulit sa akin ni Justin na sabihin ko kung ano nga bang nangyari pero nanatili akong tikom ang bibig dahil ayokong i-kuwento sa kanila at malamang ay abot hanggang bukas ang pang-aasar nila sa akin.
Nandito kami sa kumpanya upang mapag-usapan ang ilang bagay dahil humingi na naman ng pabor si daddy na kung puwede ay ako na muna ang mamahala nito.
Agad na bumukas ang pinto at nagmadaling pumasok sina Drake at Flare na may dala pang pagkain at softdrinks. Napairap naman si Dia sa nakita at ngumisi lang ang dalawa at naupo sa harap namin.
"Eyow people!" Sabay na sabi nina Zack at Alexis habang kasama si Nexus.
Iniwas ko naman ang tingin sa kanila at itinuon ang atensyon sa mga papeles na inihatid ni Mr. Alfonso kani-kanila lang bago sila makarating dito sa kumpanya.
Kung nagtataka kayo kung bakit nandito sila- well, sila lang naman ang mga representative ni tito Pabio.
Oo, ginawa silang representative dahil gusto daw nilang makapasok dito sa kumpanya.
"Ang sarap pala ng nabili nating pagkain boss 'no? lasang pag-ibig!" may halong pang-aasar na sabi ni Alexis kaya naman ay mas lalo kong inilapit ang papel sa aking mukha.
Sinasabi ko na nga ba at mang-aasar lang sila! Ano pa nga bang aasahan ko sa mga ito? Puro mga alaskador!
"Palibhasa kasi mga wala kayong love life!" pang-aasar naman ni Drake.
Itinaas naman ni Alexis ang kanyang middle finger kay Drake at ngumisi.
"Ulol! wala ka din namang love life, tanga!" sigaw ni Zack at pinagtulungan nilang batukan si Drake.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang pagtitig sa akin ni Nexus. Inilapag ko ang mga papel at umismid dahil sa asaran nila. Naramdaman ko naman ang pagsundot sa tagiliran ko ni Justin at muli na namang ngumisi sa akin.
Para talagang mga abnormal.
"Captain naman! H'wag ka namang madamot, gusto ko ring kiligin 'no!" pangungulit nito at tuluyan ng humawak sa braso ko.
"Dumikit na rin si Dia sa akin at halatang gusto ring maki-chismis ng isang 'to.
"Dapat kasi naglagay tayo ng spy camera sa lugar bago tayo umalis eh! edi sana kinikilig din tayo ngayon diba?!" rinig kong sabi ni Flare.
"Fafa Flare naman eh., nandito ako! willing na pakiligin ka. Hihihi" malanding sabi ni Justin na may pakindat-kindat pa.
Narinig ko naman silang nagtawanan ng makita ang pagkunot ng noo ni Flare dahil sa sinabi ni Justin. Nagulat naman ang lahat ng padabog na bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Vienna na mukhang seryoso at halata ang galit sa mga mata.
"How dare you!" Malakas n'yang sigaw na ikinagulat nilang lahat.
Pumasok din sa loob si Asher at hinawakan agad sa braso si Vienna para pigilan ito.
"Hoy, Bruhilda! Anong problema mo at bigla ka nalang nanunugod dito?!" Matapang na tanong ni Justin pero ni hindi man lang s'ya nilingon ni Vienna.
Nasa akin parin ang atensyon n'ya at mabilis n'yang iwinaksi ang mga kamay ni Asher sa pagkakahawak sa braso n'ya.
"How dare you for hurting Asher!" Sigaw n'ya kaya naman ay nabaling ang tingin ko sa kanyang likuran kung nasaan si Asher.
Hindi s'ya makatingin ng diretso sa akin at kita ko ang pagkuyom ng mga kamao n'ya.
"Hurting him? Kailan ko ba s'ya sinaktan?" Kaswal kong tanong at mukhang mali ata ang lumabas sa bibig ko dahil nakita ko kung paano manlisik ang mga mata ni Vienna.
"You're such a lucky bitch dahil kahit ikaw naman ang umalis noon at nang-iwan ay ikaw parin ang hinahabol ngayon! tapos ano? ito pa ang gagawin mo- ang saktan si Asher ng gano'n lang kadali?!" kusa ng tumulo ang luha nito sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam doon.
Such a good actress! Bravo, Vienna!
"Really? you have the guts to say all those shit in front of me?" Mapanuya kong sabi at pinaningkitan s'ya ng mga mata bago muling nagsalita. "Tell me, saan mo kinukuha 'yang kakapalan ng mukha mo para basta nalang sabihin 'yan?!" inis kong tanong at mukhang hindi naman siya makapaniwala sa narinig.
"Ezra, please. Hindi lang naiintindihan ni Vienna ang nangyayari." May pagmamaka-awa sa boses ni Asher pero agad na humarap sa kanya sa Vienna.
"No Asher! H'wagag mo na s'yang ipagtanggol! All these years s'ya lang ang minahal mo pero anong ginawa n'ya? she just left you alone! Sinayang n'ya lang ang relasyon n'yo!" muli nitong sigaw at humarap sa akin.
Now, alam ko na kung bakit s'ya naghihimutok sa galit. Diba dapat ako ang may karapatang mas magalit dito? kasi ako ang nasaktan sa kagaguhan nilang dalawa. Totoo nga ang kasabihan, kung sino pa ang kabit s'ya pa ang mas matapang!
Akala ko 'yung mga ahas makikita lang sa gubat, pero nasa paligid lang din pala sila at mapapanggap na kaibigan at handa kang tuklawin patalikod!
"Diba dapat masaya ka? Dahil wala na akong pakialam kay Asher and you will have a chance to get him., Tulad ng dati mo pang pinapangarap!" sabi ko at bahagyang ngumisi.
Walang nangialam sa kanila, maging si Nexus ay nanahimik lang at nakatingin sa amin. I can argue with these two idiots, so, no need for help!
"Hindi ako ahas tulad ng iniisip mo Ezra! We used to be a closed bestfriend before! pero nagawa mong itapon ang lahat at iniwan mo kami ng ganon-ganun lang! Kung tutuusin naiinggit ako sayo! Dahil lahat nalang ng bagay nasa sayo! Nagmumukha lang akong basura sa tabi mo! Diba? gano'n naman ang gusto mo?!" umiiyak n'yang sabi kaya naman ay bahagyang tumaas ang kilay ko sa narinig.
Bakit parang kasalanan ko pa?
"Well, it's not my fault kung lumaki kang inggitera. Hindi ko kasalanan na masyado akong mahal ng diyos at binigay sa akin lahat ng kinaiinggitan mo! But listen to me bitch, wala sa bukabolaryo ko ang magpaloko sa pangalawang pagkakataon!" saad ko at natigalgal naman s'ya sa narinig.
Hindi na rin nakatiis si Asher at lumapit sa akin pero bahagya akong umatras.
"Ezra, I didn't cheat on-"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ko ng nasampal si Asher, natulala s'ya sa nangyari at maging si Vienna ay lalong napaluha.
"That's for cheating on me five years ago! for making me a fool! for hurting me so much., Paano n'yo nagawa 'yon? Paano n'yo pa nagagawang ipakita 'yang mga pagmumukha n'yo sa akin at umarteng parang wala kayong ginawang kagaguhan!" I screamed and no one dare to talk.
"W-Wala kaming ginawang masama ni Asher..." Halos bulong ng sabi ni Vienna kaya naman ay pagak akong natawa dahil sa narinig mula sa kanya.
Wala? Wala nga ba talaga? Bakit ba pinipilit n'ya pang magmalinis kahit ang totoo mas madumi pa s'ya sa basura.
Umaalingasaw ang baho n'yong dalawa!
"Ezra, inintindi kita noon. Madalas kang wala, busy ka, or kung ano pa man 'yung mga palagi mong palusot noon pero inintindi at minahal parin kita, pero bakit kailangan nating umabot sa ganito? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang! Tell me? Why do we need to be like this?" umiiyak na sabi ni Asher.
"Wow so ngayon utang na loob ko pa na inintindi mo ako? Edi salamat! Kaya nga sa sobrang bait n'yo sa 'kin nakuha n'yong maghalikan diba? It was our second anniversary that time! Pinilit kong makahabol at mapuntahan ka, para bumawi sayo dahil alam ko ang lahat ng nagawa mo para sa akin. But I didn't know na ako pala ang masusurpresa sa pagdating ko! I saw it with my two eyes, Asher! You're kissing with each other-while naked.." nanlulumo kong saad at nanlaki ang mga mata nila sa narinig.
Kahit sina Justin at Dia ay mukhang hindi inaasahan ang narinig mula sa akin.
"Inakit n'ya lang ako! pero ikaw ang mahal ko!" sigaw ni Asher.
"Nagpaakit ka naman! Nagpadala ka naman!" komento ko at napailing nalang s'ya.
Patuloy pa ring umiiyak si Vienna at wala ng masabi.
"Ano? tapos na ba kayo? kasi kung Oo- puwede na kayong lumabas! pwede na kayong umalis!" malamig kong saad at muli na namang lumapit si Asher, this time ay humawak na s'ya sa mga kamay ko at lumuhod.
"Ezra, Please come back to me. Sige, mali ako-Kasalanan ko pero-"
Mabilis kong tinanggal ang kamay n'yang nakahawak sa akin. Ganyan ba s'ya ka-selfish? Dinaluhan naman s'ya ni Vienna at agad na itinayo mula sa pagkakaluhod. Parehas silang luhaan at pawisan dahil sa pag-iyak.
"Let's go, Asher..." Ani ni Vienna.
Malamig lang akong nakatingin sa kanila hanggang sa makalabas sila. Mukha namang na-estatwa ang iba maliban kay Nexus na agad na lumapit sa akin.
"Are you okay?" may pag-aalala sa boses nito at mabilis akong tumango.
Magkatabi kaming naupo sa magkadikit na upuan at tsaka naman lumapit sa amin sina Drake.
"Tanginang gungong 'yon?! Fuckboy naman pala tapos gusto pang bumalik? Ang kapal ng mukha ah!" inis na sabi ni Flare at naupo rin.
"Buti nalang Captain at hindi ka naawa sa gago na 'yon? Sabi nga once a cheater always a cheater!" komento naman ni Alexis.
"Ang kapal nga no'ng Vienna eh! S'ya na nga nang-agaw s'ya pa ang may lakas ng loob na sumugod dito? Shuta, nakakagigil!" saad naman ni Justin.
"Kapag ako niloko? kakalbuhin ko ang kabit para matanda!" Sabi naman ni Dia at nagtawanan sila.
"Gagi, wala kayo sa 'kin! kapag niloko ako- hahagisan ko na agad ng bomba para masaya!" nakangising saad naman ni Zack.
"Ulol! Ikaw kaya ang cheater, remember?" Asik naman ni Drake at mabilis naman s'yang inambahan ng suntok ni Zack.
"Pabibo lang?" nakasimangot na sabi ni Zack kaya naman ay bahagya akong natawa.
"Ulol! ako lang naman matino sa inyong lahat 'no!" Sigaw naman ni Flare.
Sabay-sabay naman itinaas nina Drake, Alexis and Zack ang kanilang middle finger kay Flare.
"Damn, as far as I remember ako lang ang faithful dito..."
Napatingin kaming lahat kay Nexus ng sabihin n'ya 'yon. Ngumisi naman s'ya ng makita ang mga reaksyon namin at agad na humiyaw si Justin.
"Shutacca fafa Nexus! H'wag mo namang masyadong galingan, baka mainlab lalo si Captain n'yan!" Sigaw ni Justin at sabay-sabay silang tumawa ng mapang-asar.
Napasimangot naman ako sa narinig at mabilis na naibato kay Justin ang folder na nasa harap ko lang kanina.
"Shuta, Captain! Joke lang naman eh, hihi." agad na nag peace sign si Justin pero nakangisi padin.
"Bakit di nalang! totohanin ang lahat? ang kailangan ko'y paglingap.." pakanta-kanta namang saad ni Alexis at narinig ko ding natawa si Nexus at tumingin sa akin.
Bwiset 'tong mga taong 'to! ako na naman ang nakita! Bakit ba nauuwi lagi sa akin ang pang-aasar nila? kainis.
"Punyeta naman Alexis tumigil kana, basag na basag na 'tong eardrums ko dahil sa boses mo!" reklamo naman ni Dia.
"Aruy! Pangit kasi ng boses mo, gago!" pang aasar ni Flare at umirap lang si Dia.
"Dia babe naman, para namang wala tayong pinagsamahan n'yan! Dati nga gustong-gusto mo pang kinakantahan kita!" nakangising sabi ni Alexis.
"Yown oh!" sabay na sabi nina Drake at Zack.
"Mga ulupong talaga!" naiiling na sabi ni Dia.
"Anyway, Odyssey will arrive later.." sabi naman ni Nexus kaya nangunot ang noo ko sa narinig.
Odyssey? parang narinig ko na 'yang pangalang na 'yan noon.
"Don't worry, lalaki si Odyssey. Faithful kaya ako sayo!" nakangising saad ni Nexus at muli na naman silang naghiyawang lahat.
"Baliw!" tanging nasabi ko nalang.
"Kay tamis ng pag-ibig!"
"Shuta ang daming langgam!" sigaw naman ni Justin.
"Alam niyo? para kayong mga baliw 'no?" sarkastiko kong saad at napatingin na naman ako kay Nexus ng magsalita siya.
"Oo, baliw na baliw sayo..." aniya.
"Boss Nexus lang malakas!"
"Pag-ibig na kaya- pareho ang nadarama ito ba ang simula?" muli na namang kanta ni Alexis.
"Singerist amp!"
Napailing nalang ako sa kabaliwan nilang lahat! Minsan normal, madalas hindi! Proven and tested ko na 'yan kapag sila ang kasama.
Nakakatuwa rin dahil alam ko namang pinapasaya lang nila ako. I should be thankful dahil kahit papaano ay may katulad nilang alam kong totoo sa akin.
Masaya rin akong makita na masaya si Nexus, na ngumingiti siya at tumatawa hindi tulad ng dati na aakalin mong galit sa mundo.
Si Chase nalang ang kulang para tuluyan na akong sumaya, para masabi kong kumpleto na ako, ang pamilya ko.
-
Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡