Angel With A Shotgun Chapter 39

Ezra's POV

Today I finish the reports and all the files na hinihingi ng mga executives sa akin para kay Ranz, nasa puder pa rin namin s'ya at sinisiguradong hindi kami matatakasan ng isang 'yon.

Matalino si Ranz at magaling makipaglaban, sa ngayon si Odyssey ang nakatoka na magbantay sa kanya. Dinala siya sa isa sa mga properties nito sa Siargao at doon muna panandaliang itatago habang hindi pa namin nahahanap ang lokasyon ni Alvazar. 

Matapos rin ng pag-uusap namin nina Vienna at Asher ay wala na akong iba pang naging balita sa kanila bukod sa nag-file ng resignation sa Montaire Company si Vienna na sobrang nakakapagtaka. 

Back when we're colleges, gustong-gusto ni Vienna na makapasok sa kumpanya ng mga Montaire. I guess may iba pang dahilan kung bakit bigla nalang s'yang nag-resigned. 

Pero sa tingin ko ay hindi ito patungkol sa pag-aaway namin noong nakaraan. Sinabi din ni Mr. Alfonso na si Asher ang nag-abot ng resignation letter ni Vienna sa mga Montaire. 

Isa-isa kong isinalansan ang mga libro at papeles na nandito sa opisina ko. Ang sabi rin ni Mr. Alfonso kanina bago ako pumunta rito sa organisasyon ay nakuha ko- ang deal sa limang kumpanya which is a good news for us, lalo na sa kumpanya. 

Agad na akong tumayo at binitbit ang bag na dala ko kanina, alas-singko na ng hapon at nabasa ko rin ang tinext ni mommy na gusto n'yang magkaroon ng kaonting salo-salo sa bahay para narin daw sa makapag-celebrate kami para sa pagkakakuha ko ng deal sa limang malalaking kumpanya sa ibang bansa. 

Nang makarating ako sa parking lot ay agad ay sumalubong sa akin sina Justin at Dia na mukhang inip na inip na. Plano kasi nilang sumama since inimbita sila ni mom. 

"Grabe Cap, akala ko ba ay thirty minutes lang? Shutaneeees bakit naging two hours ang extend?" Maarteng saad ni Justin at inihagis sa akin ang susi ng sasakyan ko na mabilis ko namang nasalo. 

"Duh, si Captain Mendivel 'yan eh. Kaya matuto kang maghintay!" Mataray namang sabi ni Dia at nilagpasan si Justin na mukha pang nag-iisip. 

Sumakay na ako sa aking sasakyan at agad itong pinaandar. Hindi pa man ako naaabutan ng ilang minuto sa pagda-drive ay tsaka namang tumawag si tito Pabio. Agad kong sinagot ang tawag habang hinihintay na magkulay green ang traffic light.

"Where are you Ezra?"

Sa tono ng boses n'ya ay mukhang may hindi magandang nangyari kung nasaan man s'ya ngayon. Nakaramdam ako ng kaonting kaba sa aking dibdib at agad kong pinaandar ang sasakyan ng makita ang kulay berde na ilaw. 

"Pauwi na 'ko tito Pabio, bakit? May nangyari ba?" Tanong ko. 

"May masamang balita.." Aniya. 

Napalunok ako sa narinig, mas lalong nadagdagan ang kaba sa aking dibdib at kahit hindi ko pa man alam kung ano 'yon, sa tingin ko ay walang panahon si tito na biruin ako sa mga oras na ito. 

"Ano yun?" Matapang kong tanong. 

"A-Ang daddy mo...alam na nilang lahat ang tungkol sa organisasyon na sinalihan mo," narinig ko ang bahagyang paghina ng boses n'ya at para bang nawalan ng pag-asa ang tinig ng boses n'ya sa mga oras na ito. 

Mas dumoble ang kaba sa aking dibdib dahil sa narinig, mas binilisan ko ang pagpapaandar ng sasakyan at naramdaman ko ang namumuong pawis sa aking noo. 

Ako na mismo ang nagbaba ng tawag, paano? Paanong nalaman nila ang tungkol sa mga ginagawa ko? Sinisigurado akong sa bawat misyon na gagawin namin ay wala akong maiiwanang bakas o anumang ebidensya! 

Kahit sina Dia at Justin ay malinis rin ang trabaho patungkol dito. Kung alam na nga nila ay wala na akong maitatago pa. Matagal ko ng inihanda ang sarili ko para sa bagay na 'to pero, parang hindi pa rin sapat ang sampung taon. 

Wala akong ideya sa naging reaksyon nila pero kung pagbabasehan ang boses kanina ni tito Pabio ay nahalata ko na ang takot. Mas sumeryoso ang aking reaksyon ng mai-park ko na ang sasakyan sa garahe. Hindi muna ako agad bumaba at huminga muna ng malalim bago ko naisip na tuluyan ng lumabas. 

Tahimik, masyadong tahimik kaya naman rinig na rinig ko ang sariling tibok ng aking dibdib. Dahan-dahan akong pumasok sa loob.. Nandito silang lahat. Si tito Pabio, sina Nexus at maging ang pamilya ko. 

Napatingin silang lahat sa akin at napahilamos nalang sa mukha sina Drake at Flare dahil sa pagpapakita ko dito. Nakita ko rin si mommy na umiiyak habang nakatingin sa akin at sina kuya Shan at Cody na tulala. 

Naglakad ako papunta sa gitna kung saan naroon si dad, nakaupo at magkadikit ang dalawang kamay habang nakapatong sa hita ang mga siko at nakatingin sa laptop na nasa center table. 

Isang hakbang pa palapit sa kanya at tuluyan na s'yang tumingin sa akin, bahagyang namumula ang mga mata. Ramdam ko ang galit n'ya kahit hindi pa man s'ya nag-uumpisang nagsasalita. 

"Totoo ba 'to?" Malamig n'yang tanong at inihagis sa direksyon ko ang mga kuhang litrato sa akin na hawak ang baril. "Ikaw ba 'yan Samantha Ezra?" 

Umiiyak na lumapit sa akin si mommy at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, pakiramdam ko ay durog na durog ako sa mga oras na ito dahil sa nakikita ko s'yang ganito.

"Anak., hindi ikaw 'to hindi ba? Sabihin mo sa daddy mo na hindi ikaw 'to." pinilit n'yang ngumiti pero hindi parin naging sapat para alisin ang tensyon na namumuo sa paligid. 

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni mommy, kitang-kita ko ang mga luhang umaagos pababa sa kanyang pisngi, mukhang nakuha na n'ya ang sagot kaya dahan-dahan s'yang umiling at mas lalong umiyak. 

"Totoo, totoo ang lahat ng ito.." matapang kong sabi at dahan-dahang tinanggal ni mommy ang mga kamay na nakahawak sa akin. 

Tinakpan n'ya ang bibig at bagsak ang balikat na lumayo sa akin. Nakita ko ang madilim na tingin ni dad habang hinila papalayo sa akin si mom. 

"Lumayo ka Emerald, wala kang anak na kriminal!"

It hits me! Nasaktan ako sa narinig mula sa sinabi ni daddy, akala ko ay handa na ako kapag nalaman na nila ang totoo. Akala ko ay hindi ganito kasakit kapag nalaman na nila- pero mali pala ako. 

"Dad.."

"Don't you dare to go near me!" Dumagundong ang buong boses ni dad sa kabahayan, kusa ng tumulo ang luha ko sa narinig. 

"Paano mo nagawa 'to Ezra? You disappoint me big time! We trusted you pero anong ginawa mo?! You choose to lie! Pinaikot mo kami, pinaniwala! Ang dami mong pinatay!" Singhal nito. 

Napalunok naman ako sa narinig, mapait akong napangiti dahil ang tingin na nila sa akin ngayon ay isang kriminal o mamamatay tao na dapat katakutan ng lahat. 

"Patrick, hindi mo kailangang magalit ng ganyan kay Ezra-"

"Then what? ano pala dapat Pabio? You knew about this pero hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin!" Sigaw ni dad kay tito.

Hindi nila kailangang madamay sa bagay na 'to! kasalanan ko ito kaya hindi ko hahayaang saluhin nila ang galit ni dad.

"Dad, walang kasalanan si tito. Ako mismo ang humiling na itago n'ya ang bagay na 'to, h'wag kang magalit sa kanila." sabi ko at agad s'yang tumingin sa akin. 

Hangga't kaya kong salubungin ang galit na mata ni dad ay hindi ako titingin sa ibang direksyon. Wala pa ring tigil sa pag-iyak si mom na akap-akap na ni kuya Shan.

"Tell me, saan ba ako nagkulang ng paalala sayo? saan ba kami nagkulang para gawin mo 'to? Paano ka natutulog sa gabi na ganito ang ginagawa mo Samantha Ezra..."

Galit, disappoinment at kung ano-ano pang emosyon ang nakikita ko sa mukha ni dad. Oo, hirap na hirap na din akong tiisin 'to, pero alang-alang kay Chase ay gagawin ko.

"Wala kayong pagkukulang dad, I just want to bring back Chase. Kailangan n'ya ako, tay-"

"Chase? are you out of your mind? Matagal na s'yang wala Ezra! kaming lahat ay naka-moved on na sa bagay na 'yan, pero ikaw lunod na lunod parin sa nakaraan! Why don't you just accept the fact that he's gone?! Why do you still keep insisting things na hindi na dapat?!" Sigaw nito sa akin. 

Nakita ko rin ang pag-iwas ng tingin sa akin ni Cody at mom. I know, galit sila. I can see it in their eyes.  

"Dad, buhay s'y-"

"Stop this bullshit! H'wag mo ng isali ang kakambal mo sa mga maduduming gawain mo, Ezra! H'wag mo s'yang gamitin para lang lokohin ulit kami. You disrespect us, kami na mga magulang mo! kami na pamilya mo! At walang kapatawaran 'yon!" 

"Dad, sobrang saya sa pakiramdam ko kapag may natutulungan akong ibang tao. Oo, mali sa paningin n'yo pero iba 'yung fulfilment nararamdaman ko kapag may mga buhay akong naililigtas. Hindi ko man kayang ibigay sa lahat ang perpektong buhay na gusto nila- pero, 'yung mabigyan sila ng panibagong umpisa.. malaking bagay na 'yon! Hindi pantay ang batas! Hindi kayang lumaban ng mahina, hindi lahat ay nabibigyan ng hustisya! Alam kong kakamuhian n'yo 'ko sa mga nagawa ko pero hindi ko pagsisisihang pinili ko 'to.." tuluyan ng naglandas ang aking mga luha sa aking pisngi. 

Nakita ko ang panandaliang paglambot ng kanyang ekspresyon pero agad din 'yong natakpan ng galit. 

"You will never have my support, not in this way- Samantha Ezra.." malamig n'yang sabi. 

I know dad, I know. 

"Captain, may panibagong misyon!"

Agad kaming napatingin kay Lance at mukhang nagulat pa s'ya sa naadatnang sitwason.

Agad n'yang natutop ang bibig at bahagyang yumuko. Ibinalik ko ang tingin kay dad at mukhang hindi na s'ya nagulat sa narinig. 

"Now, mamili ka. Kaming pamilya mo o ang organisasyong 'yan?!" 

Bahagya akong napanganga sa narinig, maging si kuya Shan at ang lahat ay napatingin na kay dad. 

"Dad, importante kayo.. pero- hindi ko kayang bitawan ang organisasyon! Hindi natin kailangang umabot sa ganito." Pag-aapila ko pero nanatili s'yang matigas sa desisyon. 

Kilala ko si dad, kapag sinabi n'ya gagawin n'ya. 

"Kami o ang organisasyon.." pag-uulit n'ya. 

"I'm sorry dad, pero titigil lang ako kapag naibalik ko na si Chase." malamig kong saad at nakita ko ang pagtiim bagang n'ya at halatang galit sa narinig mula sa akin. 

"Alright, then from now on- you will never be part of this family!" Sigaw nito. 

"Dad, don't be like this.." sabat ni kuya Shan pero mabilis s'yang pinigilang lumapit ni Cody. 

"Mending! Mending!"

Agad namang lumapit si yaya Mending kay dad at halata ang takot sa kanyang mukha. 

"Gusto kong itapon mo ang lahat ng gamit ni Ezra, ayoko na may matitira kahit isa!" Malamig n'yang utos at ilang beses akong napakurap sa narinig. 

"S-Sir..."

"Gagawin mo o mawawalan ka ng trabaho?"

Nang sumunod ang katulong ay agad s'yang umalis sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanilang lahat at tsaka umalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Nexus pero mabilis akong sumakay sa sasakyan. 

Bakit ba kailangan na ganito kahirap ang lahat? Sinali ko silang lahat sa gulo ko, ngayon naman nawala sa akin ang pamilya ko. Alam kong pagkatapos nito ay wala na akong uuwian. My dad is firm with his decision, he's mad. I disappoint him that much na hindi n'ya na ako kayang tanggapin. 

Alam kong gano'n din sina kuya Shan at Cody. Nasaktan ko si mommy na walang ibang ginawa kundi ang intindihin ako. I lied to them to choose this path, to bring back Chase and to end this war between me and Alvazar. 

I can't blame my family if they feel betrayed! Kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat. Pero kung una palang sinabi ko na 'to alam kong gagawa si dad ng paraan para lang pigilan ako. 

I can't just give up everything that easy, this is my last resort. And my secret will never use against me from now on. Para saan pa ang ikakatakot ko? Kung ito ang gustong laro ni Alvazar- edi ibibigay ko sa kanya! 

Sisiguraduhin ko na matatapos ang kahibangan n'ya sa mga gusto n'yang mangyari! Hindi n'ya makukuha ang gusto n'ya. Kung kailangan kong kumilos mag-isa ay gagawin ko. 

Hindi ko na hahayaang may mawala pa, hindi sina Dia o Justin at mas lalong hindi sina tito Pabio o Nexus. Masyado ng malaki ang naitulong nila sa laban kong ito. 

Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa kanilang lahat! 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.