Angel With A Shotgun Chapter 43

Commander Nazi's POV 

Tonight the executives and I will have a serious meeting. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang silang nag-set ng meeting sa ganitong oras. Usually naman ay kapag may mga meeting ginagawa nila before lunch. 

"Good evening Commander!"

Agad akong napatayo sa swivel chair na kinauupuan at bahagyang ngumiti. Si Mr. Feliciano ang may mataas na ranggo sa executives at dumadaan rin sa kanya ang lahat ng mga report.

Sila ang gumagawa ng analysation para sa ibang report at nag e-evaluate ng performance ng bawat miyembro sa Black Crystal Revolution. Si papa ang dahilan kung bakit sila nasali sa listahan na hindi naman dapat pa.

Dahil sa kanila ay masyadong gumugulo sa organisasyon dahil hindi sila puwedeng maalis sa pwesto kahit na ano pang mangyari, Unless kung tuluyang mabubuwag ang organisasyon. 

"Good evening Mr. Feliciano! I am glad to see you." magiliw kong saad kahit na ang totoo ay gusto ko na s'yang sipain sa mukha.

"Same here, Commander!" Aniya. 

Agad ko s'yang inalok na maupo at nagpahatid ako ng maiinom dahil apat lang naman kaming nandito. Maagang umalis si Ezra at maging sina Justin at Dia at gano'n din. Tanging si Lance lamang ang nandito at halos dito na s'ya tumira dahil wala naman s'yang pamilyang uuwian.  

"So, ang sabi mo kasi Mr. Feliciano- that we'll going to talk some important matter. What is it?" Tanong ko rito. 

Inayos muna nito ang suot na salamin at tsaka itinaas ang dalawang kamay at pinagdikit ang gitnang daliri at mga hinlalaki upang makagawa ng tunog. Tumalima naman ang dalawang taong kasama nito at inilabas ang mga papeles. 

"Gusto ko lang namang mapag-usapan natin si Captain Mendivel.." nakangisi nitong saad. 

Agad ko namang hinawakan ang papel na inalabas ng dalawa n'yang alipores at agad itong binasa. Puro performance ni Captain Ezra ang nandito. Lahat ng mga misyong natapos n'ya ay recorded! Kahit ang oras at araw kung kailan 'yon ginawa. So far, I must say na lampas na ito para sa magandang record n'ya sa organisasyon!

So ano pang problema ni Feliciano rito? 

"As you can see, record 'yan ni Captain Mendivel. But.. at this point she need to prove something to maintain her position in the organization.." aniya. 

Mabilis akong napatingin sa kanya and at this time ay seryoso na ang mukha nito. Ano na naman bang gusto nilang mangyari? 

"To prove something? Why the hell she needs to do it? Maayos ang record n'ya at kung tutuusin ay puwedeng-puwede na s'yang pumalit sa posisyon ko!" Inis kong saad. 

Talagang gumagawa sila ng paraan para mapatumba kami! Pero sorry nalang sila dahil wala kaming planong umatras sa laban na ito! Ipaglalaban namin kung ano ag tama, kahit na sariling ama ko pa ang makakalaban ko ay wala akong pakialam! 

S'ya ang may kagagawan ng lahat ng ito, ang puno't-dulo ng paghihirap ko! Kaya handa na akong harapin s'ya at patayin para matapos na ang lahat! 

"Well, hindi naman n'ya kailangang gawin kung ayaw n'ya. Pero- she will lose her good position and reputation na matagal n'yang iningatan." mapang-asar nitong saad at agad kong ikinuyom ang kamao. 

"Anong basura na naman ang plano n'yong gawin?!" Nanggigigil kong tanong at humalakhak muna ito bago tuluyang sagutin ang tanong ko. 

"Don't worry Commander! It's easy as one, two, three- Kailangan n'ya lang maikasal or magkaroon ng asawa! Malinaw ang nakasaad sa bawat dokumento na kapag lumapas ng mahigit anim o sampung taon ang pagiging Captain n'ya sa organisasyon ay kailangan n'yang maikasal sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay matatanggal s'ya sa posisyon!" Hinampas pa nito ang kamay sa mesa. 

Nanlumo ako sa narinig, maging si Lance na nasa kabilang linya ay napamura sa inis. Anong klaseng laro ba ang gusto nila?! Oo- at nakasaad nga 'yon sa dokumento pero hindi pa dapat 'yon mangyayari! 

"Baka nakakalimutan mong limang taon pa ang lumipas bago siya tuluyang naging Captain ng organisasyon! At limang taon din ang iginugol n'ya sa posisyon n'ya ngayon. Nakasulat sa record na sampung taon palang s'yang nandito at hindi pa umaabot ng anim o sampong taon ang posisyon n'ya bilang female Captain ng organisasyon!" 

Tumawa lang ito sa narinig mula sa akin. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng isang 'to at ginagago ng harap-harapan! 

"Commander, are you brainless now? Did you forget that I am the highest executive member! I can even change a single details whenever I want too.." sabi n'ya at agad na hinithit ang sigarilyong iniabot sa kanya ng isa sa mga alipores nya. "Anyway, just inform our dearest Captain about this matter! Goodbye Commander, Goodnight!"

Naiwan akong tulala at para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Ezra was in troubled this past few days especially to her family. Alam ko namang marami s'yang pino-problema at iniisip ngayon tapos dadagdag pa ang mga executives na ito! 

Muling bumukas ang pinto at this time ay si Lance na ang nagmadaling pumasok, mukha rin s'yang dismayado sa mga narinig mula kay Feliciano. 

"Anong gagawin natin Commander? Kapag nalaman ng pamilya ni Captain ang tungkol sa bagay na ito ay hindi natin alam kung anong mararamdaman nila. Isa pa, nahihirapan narin tayong mahanap ang dating Commander. Marami na ding taong nadadamay sa gulo.." may pangamba sa tuno ng pananalita nito. 

Marahan akong umiling. Hindi ko na rin alam ang dapat naming gawin, hindi ko lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng lahat. Ang ama ko ang puno't-dulo ng lahat ng gulo na ito. Sana pala, sana pala ay hindi ko nalang s'ya nakuhang suportahan sa mga pangarap n'ya! 

"Basta ang dapat na mangyari ngayon ay hindi s'ya mawala sa puwesto! Sa oras na mangyari 'yon ay wala na s'yang magiging habol pa sa kaso ng pagkawala ni Chase!"

"Ipapaalam ko sa-"

"No, hindi natin dito pag-uusapan ang bagay na 'yan. We need a place para doon mapag-usapan ang mga importanteng bagay. Hindi na ligtas dito, alam kong kayo-kayo nalang ang mapagkakatiwalaan ko dito sa organisasyon. Ang bawat tao natin dito ngayon ay halos ang mga executives na ang nagdala." Paalala ko. 

"Don't worry Commander, maghahanap ako ng lugar na magiging convinient para sa atin." aniya. 

Agad kong kinuha ang aking cellphone at mabilis na idinial ang number ni Ezra. 

"Lance, ihanda mo ang sasakyan. pakitawagan narin sina Dia at Justin!" utos ko. 

Agad akong tumayo  pero bago pa man ako nakalabas ng pinto ay nakita ko ang isang kwintas, may initial itong letter F. Agad ko itong pinulot at inilagay sa bulsa. Sakto namang sinagot na ni Ezra ang tawag kaya agad kong itinapat sa kaliwang tenga ang aking cellphone na hawak. 

"Good evening Commander!"

"Good evening Captain, may ginagwa ka ba ngayon? We need to talk as soon as possible.." halos bulong ko ng saad. 

May iilan pa akong nakakasalubong na miyembro ng organisasyon at bahagya pa silang ngumiti sa akin. Tango na lamang ang aking naiitugon. 

"Alright. pupunta na ako d'yan Commander. I'll be there in thirty minutes."

"NO, kami na ang pupunta ni Lance." mabilis kong sabi. 

Agad akong sumakay sa sasakyan na inihanda ni Lance at ito na mismo ang nagmaneho ng sasakyan. Nanatili akong nakatingin sa labas, wala ng masyadong sasakyan sa daan. Hindi rin naging sapat ang street lights para tuluyang maging maliwanag ang daan. 

"I wiill just send my exact location, Commander-" 

Ako na mismo ang nagbaba ng tawag at hinawakan ng mahigpit ang cellphone, napansin ko ang bahagyang pagbilis ng takbo ng sasakyan kaya naman agad akong napatingin kay Lance na nasa driver seat. 

"May problema ba Lance?" tanong ko rito. 

"May sumusunod sa atin Commander!" sigaw nito kaya naman agad kong binunot ang baril at mabilis itong ikinasa. 

Agad kaming napayuko ng may tumama sa likod ng sasakyan at maging sa harap ng salamin ng sasakyan ay nabasag. Iniba rin ni Lance ang direksyon ng sasakyan. Itinutok ko sa likuran ang baril kung saan may dalawang lalaki sa likuran na nakasakay sa motorsiklo, mabilis ko itong pinaputukan ng bala at agad na natumba ang isa!

"Commander!" sigaw ni Lance. 

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga nakahintong sasakyan at nakatutok sa direksyon namin ang mga baril sa daraanan namin! 

"Banggain mo!" utos ko at mas binilisan pa ni Lance pagpapatakbo. 

Narinig ko ang malakas na pagkabangga at mga putok ng baril. Tuloy-tuloy parin sa pagmamaneho si Lance para makalayo kami. Agad kong ni-reload ang baril para maging handa kung mayroon pang hahabol sa amin. kahit na naka-stop ang traffic light ay nagpatuloy parin si Lance at walang planong huminto. 

"Ayos ka lang ba Lance?" tanong ko rito na agad namang tumango. 

"Ayos-"

Mabilis kaming nasubsub at napahinto ang aming sasakyan sa lakas ng impact na pagbangga sa aming sasakyan. Hinigpitan ko ang paghawak sa baril at bahagyang napahawak sa ulo. 

Agad na bumukas ang sasakyan at mabilis akong hinila palabas ng kotse, napaluhod ako ng bigla akong suntukin sa sikmura at tutukan ng baril! Gano'n din ang ginawa kay Lance at ngayon ay magkatabi kaming nakaluhod. 

"Magandang gabi Commander!" 

Agad akong napakuyom ng kamao ng makilala ang lalaking nasa harapan namin at bahagya pang nakangisi.

"Hayop ka talaga, Beltran!" sigaw ko at mas lalo lang itong ngumisi sa amin. 

Miyembro ng organisasyon si Beltran, una palang ay alam kong hindi na s'ya mapagkakatiwalaan.

"Pasensya na Commander, napag-utusan lang ako eh! Bilyon din ang bayad sa akin sayang naman kung tatanggi ako!"

"Para lang sa pera kayang-kaya mo kaming trayduring gago ka!" asik naman ni Lance.

"Ang daming n'yong satsat! hala! isakay n'yo na sila.." utos nito. 

Dahan-dahan kaming naglakad sa sasakyan nila at ang isang kasamahan n'ya ang nagbukas ng pinto ng kotse. May dalawang tao sa likuran namin at nakatutok ang gatilyong hawak nila sa ulo naming dalawa ni Lance, nagkatinginan naman kami ni Lance ng nasa harap na kami ng pinto. 

Agad kaming umikot paharap at sabay na sinuntok ang mga lalaking may hawak ng baril, nagpaputok naman sa direksyon namin si Beltran pero agad namin itong naiwasan. Kinuha ko ang baril na nabitawan ng alipores ni Beltran at mabilis itong ikinasa at binaril sa ulo!

"Mga tanga kumilos kayo!" Galit nitong sigaw at sabay-sabay nilang ikinasa ang mga baril at mabilis kaming pinaputukan! 

Wala kaming choice kundi ang umilag, naaamoy ko ang pagtagas ng gasolina sa sasakyan kaya agad kaming tumakbo ng huminto sila sa pagbaril sa direksyon namin. Nasa gitna kami ng tulay kaya agad kong binaril ang sasakyan at agad na tumalon sa tubig! 

Napakalakas ng naging pagsabog! Agad akong umahon at nakita kong humihingal rin si Lance ng umahon ito. 

"Tara na!" Saad ko at agad kaming lumangoy. 

Hindi naman ganoon kalayo ang lokasyon na nai-send sa amin ni Ezra at kayang-kaya ng lakarin. Mahirap na at baka masundan kami. Ayokong madamay ang iba pang tao tungkol sa bagay na ito! 

"Commander! Ito na yung tinutuluyan ni Captain Ezra!" seryosong saad ni Lance. 

Tumango lang ako at diretsong naglakad. Hindi na kami dumaan sa entrance dahil paniguradong magtataka ang guwardiya kung bakit pareho kaming basa ni Lance samantalang hindi naman umulan. Sa hagdan narin kami dumaan dahil paniguradong siksikan sa elevator. 

Nang makarating kami sa tapat ng unit ni Ezra ay agad na pinindot ni Lance ang buzzer at mabilis namang bumukas ang pinto. Si Justin ang nagbukas at bahagya pa itong nagulat ng makita kami. Nagmadali kaming pumasok at nakita kong nandito silang lahat. 

"Commander!" Sigaw ni Dia. 

"Commander anong nangyari?!" Takang tanong ni Ezra at agad itong lumapit sa amin. 

Narinig ko naman ang pagsarado ng pinto at naki-usisa din si Justin sa amin. 

"May naka-engkwentro lang kami, mabuti nalang at nakatakas agad kami!" sagot ni Lance. 

Nagmadali namang pumasok si Ezra sa kuwarto at paglabas nito ay may dala ng dalawang tuwalya at iniabot sa amin. 

"Drake at Alexis, bilhan niyo ng masusuot sina Lance at Commander Nazi!" rinig kong utos ni Nexus at agad namang kumilos ang dalawa. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you liked it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.