Ask for the Moon Chapter 12

Ask for the moon 09

"Sumama ka na, Mawi." Aya ko kay Mawi na abala sa pagbabasa ng libro.

Inayos ko ang shinning silver mini dress na suot ko at bumaling ulit sa kaniya.

Umiling siya "Tinatamad ako,"

"Wala kang kasama dito kasama ko si Angel. Kaya sumama ka na din. Sabado naman bukas at nagpaalam naman tayo diba kahapon kay Ms.Faith na magdeday off tayo bukas? Oh, sumama ka na minsan lang 'to," Pagngungulit ko.

Tamad niya akong binalingan " Okay," walang gana niyang sagot at tumayo.

Napangiti akong tumingin sa kaniya na naglakad papasok sa kwarto.

"Naku! Kaya naman pala! Haliparot ka!" Rinig kong sabi ni Angel.

Napabaling ako kay Angel at Sadnie. Angel is wearing a black fitted dress while Sadnie wearing a white turle neck fitted dress. They looked sexy as hell.

"Anong mayr'on?" Usisa ko.

"Chismosa ka girl?" Masungit na sabi ni Sadnie.

Angel laughed "Ayang si Sadnie! Kaya pala magkandautal-utal kanina at napa-oo agad kanina kasi may gusto kay Benedict!"

"Ayan! Maharot," Biro ko at tinusok-tusok si Sadnie sa tagiliran.

"Ano ba?!" Iritadong saway niya sa'kin. "Ang gwapo naman kasi n'on at ang friendly pa!" Paliwanag niya at umirap.

"Yiee,Benedict ka pala ha," Pang-aasar pa ni Angel.

Natawa na lang ako, Bakit ba hindi ko agad napansin kanina?! Kaya naman pala nataranta masyado si Sadnie at utal-utal kasi may gusto kay Ben!

"Yie, Ben," asar ko.

"Wow, First name basis close kayo," Sarkastikong sabi ni Sadnie.

Umirap ako " Medyo lang," sagot ko.

"Oh, Wala ka pala, e. Sila medyo kayo hindi," pang-aasar ulit ni Angel.

"Ewan ko sa'yo," Pikon na sagot ni Sadnie.

Natawa na lang kami,Hindi naman na matagal mag-ayos si Mawi kaya nakatapos na agad siya. She's now wearing a tube black dress ang sesexy namin!

"Sadnie 'eto nga pala si Mawi, Mawi 'eto naman si Sadnie," saad ko.

"Sadnie," pakilala niya at nilahad ang kamay

"Mawi,"

"Tara na," Aya ko. "Buti pinayagan ka ng kuya mo na gamitin 'yung sasakyan n'yo?" Baling ko kay Sadnie.

She nodded " Sa isang kuya ko 'tong kotse," simpleng sagot niya bago kami papasukin sa loob.

"Wow, Ang yaman," Natatawang sabi ni Angel.

"Hindi naman masyado," Sadnie shrugged. "Kabit n'yo na mga seatbelt n'yo mga hampaslupa,"

"Gago!" Natatawang saad ko.

"Hampaslupa, amputa," natatawa at iiling-iling na bulong ni Mawi.

Nagtawanan na lang kami dito sa loob. Napapabaling ako sa nadadaanan namin madilim na dahil mag-aalas syete na ng gabi. Medyo matraffic pa which is hindi na naman bago dito sa Pinas.

"Dito na 'yon?" Tanong ni Mawi.

Pinark na kasi ni Sadnie 'tong kotse nung kuya niya. Tumango-tango si Angel bago kami bumaba. First time ko lang din dito at hindi ko alam kung ito ba talaga 'yung Lacasa pero dahil sa metal at nailaw na letra na 'Lacasa' ay pwede na pala pumasok.

"Yes, Buti nga dito lang sa Lacasa malapit lang sa bahay," Sagot ni Sadnie ng makababa na din.

"Hindi mo kami hahatid mamaya?" Tanong ko.

Kung hindi niya kami hahatid edi uuwi kami na wasted? So hindi kami pwedeng maglasing talaga? Baka anong mangyari pa sa'ming masama.

Inirapan lang ako ni Sadnie "Ako na naghatid papunta pati ba naman pabalik? Ano kayo chicks,"

"Napakasama ng ugali mo," bulyaw ni Angel.

"Thanks for the compliment," sagot ni Sadnie.

Kumapit na lang ako sa braso ni Mawi na mukhang lutang na lutang. Inaantok na ata 'to agad.

Naglakad na kami agad papasok may iilan pang pamilyar na mukha ang kumakaway sa'min at nginingitian kami. Kaya nginingitian na lang din namin pabalik.

Maingay na din at may mga usok ng sigarilyo.

"Yoreh!" Sigaw ni Sai.

Napatingin kami sa kanila at kumaway.

"Bilis!" Malanding aya ni Sadnie at nauna ng maglakad.

"Wow, Ano ka nagtransform?! Kanina lang pamaria clara ka pa!Tas ngayon?!" Natatawang saad ni Angel.

Hindi naman ga'nong maingay talaga. Pero naririnig pa din ang mga sinasabi pero kailangan na lakasan ng kaunti.

"Wala kayong pake!" Natatawang sagot ni Sadnie.

Naglakad na kami patungo sa gawi nila Sai.

Si Sai, Izi at Hugo pa lang ang nandito.

"Upo kayo," Alok ni Izi at tinuro ang curved sofa.

Nilibot ko ang paningin, Bakit silang tatlo pa lang?

"Kayo palang?" Tanong ko at umupo.

Nagsiupuan nadin ang mga kasama ko. Si Angel parang mababali na sa kakatingin sa paligid.

Tumango si Hugo "Lumabas kanina sila Cyrus at Ben kasama si Wendrix may kinausap lang," sagot niya.

Tumango-tango ako. Gusto ko pa sana tanungin kung sino ang kausap pero masyado naman ata akong tanga. Kasi the hell I care, right?

"Ah, 'eto nga pala si Mawi, Mawi 'eto si Sai, Izi at Hugo,"Nakangiting saad ko tama lang para marinig nila.

Naglahad naman agad ng kamay ang kaibigan ko. Kala ko magsusungit na naman or pangbaliw na naman ang sasabihin niya. Mabuti na lang at hindi.

"Oh! Ayan na pala sila!" Anunsyo ni Sai.

Kumaway pa siya kaya bumaling ako sa tinitingnan niya.

I looked at Cyrus, Our eyes met immediately he even raised his brow when he examined my looks. I saw his jaw clenched when he noticed what I'm wearing. Anong pakialam niya kung ganito ang suot ko?

Hindi ko na inalala pa kanina 'yung sinabi n'yang 'Just don't wear revealing'

"Nandito na pala kayo!" Saad ni Ben at ngumiti sa'min.

Umupo na sila sa tapat namin samantalang si Cyrus ay nagsusumiksik sa tabi ko habang tinataasan ako ng kilay at nag-iwas ng tingin.

"Ah, Oo! Ngayon ngayon lang!" Sagot ko at binalingan ng tingin si Sadnie na pasimpleng natingin kay Ben.

"Sige! Kuha lang kami ng maiinom! Tara!" baling ni Ben sa ibang kaibigan.

Para tuloy kaming nagsisigawan dahil kung normal na tono ng boses lang ay hindi kami magkakaintindihan. Agad naman silang tumayo pwera kay Cyrus kaya binalingan namin siya.

"Ano,pre?! D'yan ka lang?! Walang hahablot d'yan kay Yoreh!" Mapang-asar na sabi ni Wendrix.

Feeling ko tuloy pulang-pula na ako dahil sa sinabi ni Wendrix.

Cyrus chuckled "Just go! Dito lang ako!"

Umiling-iling lang na tumalikod ang kaibigan niya.

"Powder room lang kami," paalam ni Angel.

Kaya napabaling ako sa kanila. Kakadating lang namin powder room agad?

"D'yan ka na lang," Mapanlokong ngiti na awat sa'kin ni Mawi ng akma akong tatayo.

Bago pa man ako makapagsalita ay tinakbuhan na nila ako.

I took a deep breath. Umusog pa ako kaunti para mapalayo kay Cyrus dahil ramdam na ramdam ko ang matipono n'yang dibdib sa braso ko.

I moved and he also moved. Kaya napabaling na naman ang tingin ko sa kaniya.

I swallowed hard when I felt that his arm around my waist. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat unti-unti kong napigilan ang paghinga. Feeling ko isang galaw ko lang ay manlalambot ako na parang gelatin.

He pouted "Didn't I said that don't wear revealing clothes?" Tanong niya.

Nanatili lang akong tahimik ni ibuka ang bibig ko ay hindi ko nagawa dahil sa sobrang kaba.

"Huh? Didn't I?" Malambing niyang tanong.

Agad akong umiling at pinako ang tingin sa mga nagsasayawan.

"Open your mouth and answer me. Didn't I?" Bulong niyang tanong sa'kin.

Halos magwala ang kung anong nasa tyan ko dahil sa pagbulong niya. Naramdaman ko din na nagtayuan ang balahibo ko dahil sa hininga niyang tumama sa tainga ko. This is illegal!

I bit my lower lips, Hindi ko alam kung pa'no ako sasagot dahil sa hindi ko malaman na dahilan ay kinakabahan ako.

"Baby," bulong niya at mas nilapit pa ako sa kaniya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.