Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 13

AURORA’S POV

Pinagsisisihan ko ang aking pasya na iturok ang serum kay Tyson sa sandaling kumalma na ako. Hindi ako tipo ng taong gumaganti. Alam ng Diyos kung anong nangyari sa akin.

Umikot si Tyson sa tagiliran niya at umungol sa sakit. Puno ang kanyang mukha ng malamig na pawis.

“Huwag! Moma… Parang-awa mo na, huwag mo akong iwan… Magiging mabait na bata na si Teddy. Palagi na siyang makikinig sa’yo… please, iuwi mo na ako…” paulit-ulit na sinasabi ni Tyson na para bang nakarekord ang mga ito.

Ang mukha niya ay nagpinta ng matinding paghihirap.

Pag-iyak at pagsigaw niya ang siyang umalingawngaw sa buong silid na siyang ikinakaba ko.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Pinakalma siya nito ng bahagya at tumigil sa pagkumbulsyon ang kanyang katawan. Gusto ko siyang i-comfort pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay, “Tyson…’’

Namimilipit ang puso ko sa konsensya at kalungkutan habang pinapanood ko siyang naghihirap. Kasalanan ko ang lahat ng ito…

“Aurora, may kaunti tayong problema. Ang Crescent Pack ay inatake ang ating kampo. Kailangan kong magpadala ng panlaban. Maaari bang ikaw na ang bahalang magturok sa kanya ng antidote?’’ sabi ni Aslan na tila wala nang hininga mula sa kanyang boses nang siya ay pumasok sa silid. Natigilan ako sandali ngunit pagkatapos ay tumango ako.

Ibinigay niya ang iniksyon sa aking kamay at binuksan ang screen na ipinapakita kung anong nangyayari mula sa kuha ng CCTV.

“Aurora, seryoso na ito. Sabihin mo na lamang sa kanya na tignan ang footage sa oras na magising na siya,’’ sabi ni Aslan na may nagmamaka-awang mga mata.

Ang mga mata ko ay umalis ng tingin mula sa kanya patungo kay Tyson, “Huwag kang mag-alala, Aslan. Susubukan kong huwag itong gawing mas mahirap pa para sa’yo.”

Tinango niya ang kanyang ulo ng bahagya at sinabing, “May tiwala ako sa’yo…’’ saka tumakbo palabas ng silid.

Heto ang unang pagkakataon na narinig ko ang salitang “Tiwala” simula nang makilala ko sina Tyson at Aslan.

Nanginginig ang aking mga kamay habang sinusubukan kong hanapin ang ugat sa kanyang kamay at itinurok ang antidote. Hindi tumitigil ang mga kamay ko sa pagnginig kahit anong hirap kong sinubukang pahintuin ito. At sa bandang huli, naitusok ko lang din ito sa kanya katulad noong naunang nagawa ko.

Napangiwi siya at hinila palayo ang kanyang kamay. Ang katawan niya ay nagsimulang gumalaw at patuloy siya sa pag-ungol sa sakit, ‘’Please… huwag mo siyang patayin…please… huwag mo siyang saktan… huwag mo siyang saktan… alam ko nakagawa ako ng milyong kasalanan pero siya…’’

Pagkatapos no’n, bigla na lamang siyang humugot ng isang malalim na paghinga at naupo. Ang kanyang mga talukap ng mata ay bumukas. Inaasahan ko siyang magwala, ngunit sa halip na gawin niya iyon ay ang ginawa niya ay ang yakapin ako.

“Salamat sa Diyos at ayos ka lang…’’ sabi niya at nagsimula siyang halikan ako sa labi.

Nanatili akong hindi gumagalaw sa kinaroroonan ko at lumipas ang ilang segundo lang ay napagtanto ko kung anong nangyayari at agad ko naman siyang sinubukan itulak palayo.

Hinawakan niya ako mula sa akinh batok at hinila ako sa isang pwesto bago ituloy ang pagpapahirap na mga halik niya sa akin. Ang mga labi ko ay tila namamanhid dahil sa paghalik niya sa akin, at ang bibig ko ay puno ng kalawang na dugo.

Nang walang ibang pagpipilian na natitira, sinaksak ko sa kanya ang injection na mula sa kamay ko. Tila ibinalik siya nito sa kanyang katinuan habang papalayo siya nang halos agad-agad mula sa akin.

Sumabog ang dugo sa mukha ko na nagmula sa mga labi ko. Lalabas sana ako ng silid ngunit kailangan kong ipaalam sa kanya ang sinabi ni Aslan. Nagtungo ako sa dulo ng kama. Napalunok ako at sinabing, “Alam kong hindi mo sinasadya na halikan ako. Wala ka pa sa iyong katinuan ng husto. Kaya naman, magpapanggap na lamang ako na hindi ito nangyari.’’

Nagsitayuan ang buhok ko sa likod nang hawakan niya ang mga kamay ko at itinaas ang aking ulo. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Nagliliyab ito ng may pagnanasa.

“Paano mo nalaman na hindi ko sinasadya na halikan ka?” bulong niya.

Dinilaan ko ang tuyo kong labi at buti na lamang at nagawa ko pa ding makapagsalita, “Walang meron sa pagitan nating dalawa. Noong gabing iyon ay sobrang lasing lamang ako at hindi ko maalala kung anong nangyari sa ating dalawa. At sa paghuhusga ko sa pagkatao mo, hindi ka rin naghahanap ng isang seryosong relasyon. Hindi ako ang taong gugustuhin mong halikan sa sandaling magising ka sa di kanais-nais mong mga ala-ala…’’

Nangitim ang kanyang mga mata at itinulak ako palayo sa kama at sinabing, “Tama ka…”

 Napatumba ako dahil sa lakas ng epekto ng tulak niya. Nagawa ko namang hawakan ang headstand para suportahan ang sarili mula sa pagkabagsak nang mabilisang oras.

Nakaramdam ako ng kakaibang sakit na bumuo sa aking puso nang makita ko ang kanyang walang malasakit na ekspresyon. Humugot ako ng malalim na paghinga at pinilit kong sinabing, “Sinabi sa akin ni Aslan na ipagbigay-alam ko sa iyo na may pag-atakeng nagaganap sa isang kampo ... Hindi ko maalala ang pangalan ...”

Umalis agad si Tyson mula sa kwarto bago ko pa man makompleto ang sasabihin ko.

TYSON’S POV

Sa sandaling sinabi sa akin ni Aurora ang tungkol sa pag-atake ay nagmadali na akong hanapin si Aslan.

Nagulat ako ng makita ko siyang nakaupo na mag-isa sa conference room.” Aslan, nakalimutan mo ba na ikaw ang aking pangalawa sa utos. Ikaw dapat ang humahawak sa sitwasyon kapag hindi ako pwede.’’

Nagulat siya sa boses ko at tumayo agad. Yumuko siya at sinabing, “Ang sitwasyon ay kontrolado na, aking pinuno. Ipinapunta ko ang ating sundalo sa Nauma. Makikita mo na nananalo tayo.”

Napabuntong hininga ako ng maluwag sa aking nakikita mula sa live-stream sa Nauma. Ang aming tao ay may malaking lamang sa bilang at mga bala.

Ang katahimikan sa lugar ay nasira ng isang malalakas na tunog. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at pinindot ang isang icon para makita ang footage ng CCTV mula sa kinaroroonan namin.

“F***! Tyson. Ang lugar natin ay nasa ilalim ng pag-atake. Anong gagawin natin ngayon? Pinadala ko lahat ng tauhan natin sa Nauma nang hindi man lang nag-iisip!’’

Kumukulo ang dugo ko sa nakikita kong mga kalalakihan mula sa labas ng palasyo. Walang tigil silang nagpapasabog. Kahit pa prinoprotektahan kami ng mga harang, unti-unti itong humihina at nasisira.

Ang mga ugat mula sa ulo ko ay nagsisilabasan at nanigas ang aking kamao, “Aslan, manatili ka sa loob at protektahan mo si Aurora. Lalabas ako at tuturuan ko ang mga asong iyon ng leksyon.’’

“Hindi maaari, Tyson, nanghihina ka pa rin. Hayaan mong ako ang humawak dito. Oras na para turuan sila na walang sinuman ang pwedeng lumusob sa atin sa loob ng ating tahanan.” Sabi ni Aslan at umalis nab ago pa ako makapag-react.

 Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, lumakad ako papunta sa isang selda kung saan ipinunta si Raina. Siya ay sumisigaw at nakikipaglaban sa mga imahinasyon niya lamang na mga nilalang.

Hinawakan ko siya sa kamay at saka isinaksak sa may tapat ng puso niya ang syringe. Bumalik ang kulay ng kanyang mukha at natumba ang kanyang katawan sa aking mga kamay. Inihiga ko siya sa kama at bumalik sa conference upang manatiling manuod.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.