AURORA’S POV
Ang aking mga bituka sa aking tiyan ay tila nagkabuhol-buhol. Anong kalokohan ito, at gusto ni Tyson na kumain ng hapunan na kasama ako?
Nanigurado pa ako na maging maingat para lamang hindi kami magkasalubong nitong nakaraang linggo. Naging sobrang awkward na sa akin na nasa paligid siya matapos ang halik na iyon. Pero ngayon, wala akong mapagpipilian kundi ang harapin siya.
Nabangga ako sa isang haligi habang naglalakad papasok sa silid kainan. Kung hindi lamang ako nahuli ni Tyson sa mismong oras na iyon nahalikan ko na ang sahig.
Dinala niya ako sa mesa, hinugot pa ang isang upuan para maupuan ko. Ang kanyang pambihirang pag-uugali ay nagtutulak sa akin sa dulo ng higit pang inaasahan ko. Nagnakaw ako ng isang tingin sa kanya at ang tanging nakita ko ay nakadamit siya ng isang kulay kayumanggi at pormal na damit. Ibinagay nito ang kulay ng kanyang mga mata.
Pinagmamasdan niya ang aking tingin nang siya ay tumitig sa akin. Namula ang mukha ko at agad na tumingin pailalim. Sobrang nanginginig ang mga kamay ko na sa bandang huli ay natapon ko ang tubig sa may lamesa.
“Bakit ba hindi ka mapakali at ninenerbyos?” ang boses niya na may halong kayabangan sa tono ng pananalita niya ang siyang sumira sa napaka-awkward na sitwasyon. Sa pagitan namin
Hindi na bale kung gaano man siya kagwapong tignan, mananatili pa rin siyang isanag nilalang dito sa planeta na mapagmataas sa sarili.
“Paano ba ang inaasahan mong pag-asta ko? Nakita kita at si Aslan na naging isang malalaking mga dragon. At para sa kaalaman mo, hindi iyon normal para sa mga normal na tao na katulad ko!” naiinis na sabi ko.
“Hindi ko sinasadya na bugyain ka, Aurora. Mag-pie ka muna, alam kong paborito mo iyan,” sabi niya, at pinakislapan ako ng isang ngiti.
“Tyson, hindi mo na kailangan pang magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na lang sa akin agad kung ano ba ang gusto mo?” sinabi ko nang may naiiritang buntong hininga.
“Ano pa bang magagawa ko? Palagi mo na lang akong tinatakbuhan, at isa pa, may isang napakahalaga akong kailangan na itanong sa’yo…”
“Ano ang gusto mong itanong, Tyson?”
“Paano ka nakarating sa lugar ng labanan noong araw na iyon?”
Medyo kinabahan ako sa itinanong niya sa akin. Halos sinusubukan ko na huwag isipin ang bagay na iyon…
“Hindi ko alam, Tyson. Sa sanadaling iyon ay iniisip ko lang si Caleb at pagkatapos nun ay isang iglap ay bigla na lamang akong nasa harapan ni Caleb…”
“Anong ibig mong sabihin, Aurora?” galit na sabi niya at binalibag ang kamao niya sa may taas ng lamesa. Ang mga plato na nasa lamase ay gumawa ng ingay at ang iba ay nahulog sa sahig at nagkalat.
Isang sigaw ang kumawala mula sa aking bibig at napatalon ako mula sa kinalalagyan ko. Alam kong magagalit siya kung hindi ko siya mabibigyan ng kasiya-siyang sagot. At iyon ang isang dahilan kaya ko siya tinataguan.
“Wala na akong ibang sagot na maibibigay sa’yo Tyson! Kung ayaw mo akong paniwalaan, oh di sige!... mabulok ka sana sa impyerno!” sumbat ko sa kanya at agad na akong naglaho sa silid na iyon.
Tyson’s POV
Nakakaasar! Sinira ko na lahat. Ngayon, kinkailangan ko pang hintayin si Aslan na dumating bago ko makuha ang sagot mula kay Aurora.
“Aking pinuno, andito si Adrian para makipagkita sa’yo…” ang boses mula sa gwardya ang nagbalik sa akin sa katinuan.
Uminom ako nng tubig at sinabi sa gwardya na papasukin siya.
Bakas sa mukha ni Adrian ang pag-aalala. Yumuko siya sa akin at sinabi sa nanginig na boses, “Ser, parang-awa mo na po, hayaan mo po akong manatili dito! Matindi ang pagdududa sa akin ni Caleb. Sa oras na malaman niya na ako ang nagpalit sa mga painite na sandata, papatayin niya ako.”
Oh! Ganun-ganon na lang iyon. Kung ganun, wala na siyang silbi sa akin. Hinugot ko nag napakaliit na bote mula sa aking bulsa.
Nanlaki ang mga mata niya sa takot at itinanong, “Ano… ano ang gagawin mo…”
Kinaladkad ko siya mula sa kanyang lalamunan at itinusok sa may bandang lalamuna niya ang karayom mula sa maliit na bote.
Naglalaho ang kulay mula sa kanyang mukha, “Paano mo ito nagawa sa akin? Tinulungan kita na iligtas ang mga buhay ng maraming dragon…”
“Para lang ipatikim sa’yo ang iyong kasakiman. Kung nagawa mong traydorin ang iyong Alpha, malamang magagawa mo rin iyon sa akin…” madiin kong sinabi at pinakawalan siya.
Natumba siya sa sahig at sumisigaw sa sakit. Kumakayod ang didbdib niya habang nangangapa ng hangin para huminga.
“Ngayon hindi mon a malalaman ang katotohanan…” sabi niya ng may ngiti bago nawala ang mga kislap sa kanyang mga mata.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang niyuyugyog siya pero wala na siya.
“Ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niya?!” sigaw ko habang sinasabunutan ang aking buhok.
“Sinuri ko ang mga sandata na ibingay niya sa amin. Hindi ito gawa sa Painite. Maaaring iyon ang tinutukoy niya,” sabi ni Aslan habang papasok sa silid.
“F***! Kung ganon, nasaan ang mga sandata?”
“Hindi ko alam, Tyson. Huwag kang mag-alala, hahanapin ko iyon sa lalong madaling panahon.”
Sa kakayahang mayroon si Aslan, natuklasan niya n asana pero mukhang may gumugulo sa kanya nitong mga nakaraang araw. Mukhang mali na pinatawad ko si Raina.
“Naiintindihan kong bala ka pero anong ang ginagawa ni Raina? Walang kumulsulta sa akin nitong mga huling tatlong araw o baka gusto niyang mamaalam sa pagpapatawad ko sa kanya?”
“At ng apala… ilibing niyo na ang bangkay niya…” tawag ko bago ako tuluyang umalis.
ASLAN’S POV
Bumalik na si Tyson sa normal na pagkatao niya, tinatakot ang lahat. Tama nga si Zizi, sarili niya lang ang iniisip niya.
Natuklasan ko na kung nakanino ang sandata pero hindi pa ako handing sabihin sa kanya.
Kailangan ko munang pag-isipang maigi ang inaalok sa akin ni Zizi bago ako magdesisyon.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at itinaas ang aking kamay. Isang mainit na sensasyon ang dumaloy sa aking mga ugat at maya-maya pa ay may malaking bola ng apoy ang siyang bumuo sa tuktok ng aking palad.
Sa mabilis na pagwagayway ng aking kamay, sinunog ko ang katawan ni Adrian. Umupo ako sa upuan at pinanuod ang kanyang katawan na nasusunog hanggang maging abo papunta ng impyerno.
Nagpakawala ako ng mahaba at malalim na buntong hininga at sinabing, “Ganun na nga talaga siguro si Tyson. Ang alam niya lang ay ang gamitin ang mga tao. Ano ngayon kung ipinagkanulo mo ang alpha mo para lang sa kanya?... Ano ngayon kung iniligtas mo ang buhay niya?... papatayin ka lang din naman niya sa tuwing hindi ka na niya kailangan.”
Sa panahong hindi na niya ako kailangan palagay ko ay papatayin niya rin ako… Tama si Zizi… Panahon na rin siguro na sa oras na ito ay isipin ko ang sarili ko at si Raina.