Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 32

ASLAN’S POV

“Zarina, tapatin moa ko. Ano ang alam mo sa nangyaring pag-atake noong kalian kay Tiara?” tanong ko at hinawakan siya ng mahigpit sa kanyang mga balikat.

“Nagsisimula ka na bang mag-alala sa maliit na batang iyon, kapatid? Nakatatak na sa akin na tadhana niya ang mamatay. Kailangan lang ng tamang oras.”

Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko sa salitang nais kong bitawan. Alam kong sinusubukan lamang ako ni Zarina sa mga nais kong gawin at hinding-hindi ko hahayaang mawala ang tiwala niya, “Limang buwan na tayong nagpapanggap na may pakialam tayo kay Aurora. Ngayon, if namantay si Tiara bago pa natin makuha ang Heart of Magic, hindi ba’t mapupunta lamang sa wala ang mga pinaghirapan natin?”

“Huwag kang mag-alala, Aslan. Binalaan ko na si Logan na huwag nang subukang atakihin pa si Tiara.”

Pakiramdam ko ay may sumusuntok sa akin ng napakalakas. “What the F***! Tama ba ang narinig ko… si Logan?”

“Madalas kong nakakalimutan na kaunti nga pala ang mga nalalaman mo tungkol sa mga witches. Ang kaluluwa ni Celeste ay konektado sa katawan ni Logan. Kaya naman kaya niya itong kontrolin kung gugustuhin niya,” pagpapaliwanag ni Zarina, at tila ba parang normal lang sa kaniya ang ganoong bagay sa mundo.

“Bloody hell! Zarina! May ideya ka ba sa mga sinasabi mo ngayon?”

“Alam ko siyempre, aking ignoranteng kapatid. Ginawa lang naman ni Celeste na utusan ang katawan ni Logan na lasunin si Tiara.”

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ko ang mga nangyari, “Kaya ba sinunog mo ang boteng iyon?”

“Uhmmmm…hmmm… Hindi ko gustong atakihin ni Tyson o ni Aurora si Logan. At hindi na ako makapaghintay na magawa ko balang araw ang aking paghihiganti,” nanggigigil na sabi nito habang umaalis ng silid.

Sa sandaling umalis siya ay agad naman akong nagpunta sa silid ni Tyson. Tila ba nakatitig sa akin ang sirang locker at pinapaalala nito na walang nagpunta roon nitong mga huling limang buwan. At ang dahilan lang ng pagpaparito ko ay upang makatakas ako sa anumang mahika ni Zarina.

Nanginginig ang mga kamay ko habang patagong tinatawagan ko si Tyson. Nagpasya na akong sabihin sa kanya lahat ng tungkol kay Logan. Hindi ko hahayaan na magkaroon ng problema hangga’t alam kong dawit dito ang heart of magic.

AURORA’S POV

“H**y C**p! Hindi ko inakala iyon!” ang pagsigaw ni Tyson ay ginising ako sa pagkakatulog ko. Ang mga mata ko ay agad tumungo sa direksyon ni Tyson.

Ang mga mata ko ay nakatitig lamang sa monitor habang pinapanuod ko ang mga nangyayari. Nakahiga si Selena, ang taong nagpapanggap na ako, sa aking silid katabi ang isang sanggol.

Ilang minto lamang ay lumipas ay pumasok si Logan sa loob ng kwato. Ang mga mata niya ay kakaiba na tila wala ito sa kanyang sarili. Naglakad siya ng diretsyo palapit sa sanggol. Ang mga kamay niya ay gumawa ng hindi makitang lubid upang sakalin ang bata at saka ito unti-unting lumalapit sa bata.

At bago pa man niya mahawakan ang sanggol ay dumating si Zarina mula sa likudan niya at bigla itong sinaksak ng kutsilyo na mukhang antigo. Ang mga mata ko ay nanlaki sa takot nang marinig ko siyang sumigaw at saka humandusay sa sahig.

Isa namang maitim na usok ang siyang lumabas mula sa kanyang katawan hanggang sa mawala ito.

At nang mapagtanto ko at bumalik ako sa katinuan ay isang kinikilabutang pagsigaw ang kumawala sa aking bibig, “Bakit? Tyson, bakit? Bakit pinatay ni Zarina si Logan? Isa lamang siyang inosenteng bata...”

“Ang sinasabi mong inosenteng batang iyon ay sinubukang patayin ang ating anak. Siya ang taong naglagay ng lason sa gatas ni Tiara. Siya rin ang taong gumawa ng death spell sa silid na iyon, at siya rin ang taong sinubukang kontrolin si Serena para patayin ang sarili nitong anak. At lahat ng mga nangyari noong mga nakaraang linggo, lahat ng iyon ay kagagawan niya, Auora.”

Ang malambing at matulungin na batang iyon ay alam kong hinding-hindi niya iyon magagawa. “Hindi ako naniniwala sa’yo, Tyson. Tandaan mon a nakasama ko siya ng isang buwan. At mas malayo ang ugali niya sa’yo.”

Naupo naman si Tyson sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay, “Aurora, kontrolado siya ni Celeste.”

“Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, Tyson? Baka nagawa ko pa siyang tulungan mula kay Celeste…”

“Hindi mo maintindihan, Aurora. Ang kaluluwa ni Celeste ay nakapaloob sa kanya.”

Halos tila tumigil na ang puso ko sa pagtibok sa narinig kong iyon. At wala nga sigurong paraan para tulungan siya. Hangga’t nabubuhay siya, kayang-kaya lamang itong angkinin ni Celeste at gawin ang mga bagay na nais niyang gawin.

Pumatak ang mga luha sa aking mga pisngi habang inaalala ko ang mga sandaling nakasama ko si Logan noong mga panahong nasa ilalim ako ng mahika ni Celeste. Napakalambing niya, masiyahin at lagging nag-aalala sa akin.

“Kasalanan ko lahat Tyson. Hindi ko man lang napansin ang pagbabago ng mga kinikilos niya. Hindi ko man lang napansin kung gaano siya nag-iba simula ng dumating kami sa Pearl palace,” sabi ko at nagsimulang humagulhol sa iyak.

Walang anumang sinabi si Tyson sa mga sinabi ko. Niyakap niya lamang ako ng mahigpit habang patuloy ako sa pag-iyak at ang bagay na ginawa niya ang tanging kailangan ko.

Sa sandaling iyon, hindi siya ang taong nakilala kong pigheaded, makasarili; siya ngayon ay isang taong nasa tabi ko upang samahan ako sa kalungkutan ko.

ASLAN’S POV

“Hindi talaga kita maintindihan, Zizi! Kahapon lang noong gusto mong protektahan si Logan, at ngayon, pinatay mo na lamang siya ng ganun-ganon na lang?”

Kung hindi ko lang napanuod kung paano siya lumapit kay Logan at kung paano niya sinaksak ito mula sa puso, hindi siguro ako maniniwala na kayang gawin iyon ni Zarina. Isa lamang siyang batang hindi pa nakikita kung gaano kaganda ang mundo.

Nagpakawala si Zarina ng isang malalim na buntong-hininga. Hinawakan niya ako sa balikat at sinabi sa nakakatakot at mahinang boses, “Maaaring hindi mo ako maintindihan, pero kilalang-kilala kita, Aslan. Alam kong pinapanood tayo ni Tyson, at para makuha ko ang tiwala niya kailangan kong gawin iyon. Sa anong paraan niya pa tayo pagkakatiwalaan pagdating kay Tiara?”

F***! Paano niya nalaman ang pagtawag kong iyon? Dapat tumawag na lang ako kay Tyson sa loob ng silid niya. Hindi siya makakagamit ng mahika mula roon o kaya naman maaari kayang nakahanap siya ng paraan?

Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba. Alam ng Diyos kung anong gagawin niya ngayon.

“Alam kung tatawagan mo si Tyson. Alam kong gusto mo ding makuha ang heart of magic higit pa sa akin. At wala akong pakialam kung pinatay ko man si Logan. Sa kabila ng lahat, kailangan din matuto ni Celeste sa hindi niya pagsunod sa akin.”

Napabuntong-hininga ako ng may kaginhawaan. Maaaring nagkakaroon na siya sa akin ng pagdududa pero hangga’t wala pa siyang mas malalang pagdududa kayang-kaya ko pa rin magpatuloy sa pagpapanggap. Ngumiti ako sa kanya at itinanong, “Anong gagawin na natin ngayon?”

“Ang tanging dapat natin gawin ay hintayin si Tyson na dumating…”

“Sa tingin mo ba darating siya?” tanong ko.

“Ngayong wala na ang kalaban siguradong ….”

Habang nag-uusap kami bigla na lamang naming narinig si Tyson, “Aslan, Zarina, at Caleb, magpunta kayo rito.”

“Tara na… at oo nga pala, suportahan mo lamang ako sa mga kung anong sasabihin ko,” sabi ni Zarina at nagpunta na roon.

Sinundan ko si Zarina, pero ang isipan ko ay punong-puno ng milyung-milyon na mga katanungan. Sa panahong makuha naming ang heart of magic, papatayin ni Zarina na patayin si Tyson at sisiguraduhin niyang ibabalik niya ang paghahari ng mga witches. Kailangan ng mga dragon ng gagabay sa kanila, at sa kakayahan ni Zarina at tulong niya maaaring ako na ang dragon na iyon.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Aurora sa tabi ni Tyson. Pareho silang nilalaro si Tiara na para bang isang masayang buong pamilya.

Dati halos gustong-gusto kong makita ang bagay na iyon para kay Tyson… pero ngayong nasa harapan ko na… wala na akong maramdamn na kahit anong saya. Alam kong kapatid ko siya pero siya rin ang taong pumatay sa aming pamilya.

Lahat ng galit, sakit at pagkamuhi ko ay nararamdaman ko kay Tyson. At gusto kong pagbayaran niya lahat ng ginawa niya.

“Aslan, saan ba tumatakbo ang isip mo?” sabi ni Aurora at pinitik ang kanyang mga daliri.

At ibinalik ako nun sa aking katinuan. Nakisalo ako sa kanila sa may lamesa at sinabing… “Uhmmm… May iniisip lamang ako…”

Pinilit kong ngumiti at sinabing, “Nagagalak akong makita kang muli, Teddy.”

Huminga siya ng malalim at saka sinabing, “Napakagaan sa pakiramdam na makabalik dito. Ang manirahan sa lugar na iyon ay pambihira!”

Hinawakan naman ni Aurora si Tyson at pinakalma ito. Nagugulat ako sa ginawa ni Aurora. Hindi ba’t galit siya dahil hindi man lang siya dumating para tignan ang kanilang anak?

“Kahit pa mas masaya ako na wala ka dito na nag-uutos… maligayang pagbabalik!” sabi naman ni Zarina at saka pumalakpak ng mahina.

Ang mukha ni Zarina ay kalmado lang at parang normal lang. Mukhang masayang-masaya nga siya sa pinapakita niya, at masasabi ko na ang kanyang pagpapanggap ay mas mabuti kaysa sa akin.

Lumunok si Tyson at saka sinabing, “Ang mga pag-atake kay Tiara ay siguradong darami pa. Kaya naman, si Aurora at ako ay nagpasya na makipagsapalaran. Sa panahong makuha natin ang heart of magic, ipupunta natin ito sa ligtas na lugar na malayo sa palasyong ito, upang mailayo natin sina Aurora at Tiara sa anumang kapahamakang ito.”

Labis ang pagkagulat ko sa binitawang salita ni Tyson. Hindi ba’t kakarating niya lang ngayon? Paano nila napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon ni Aurora.

Kung paano kumislap ang kanyang mga mata sa sandaling tignan niya si Aurora at Tiara, kita ko ang pagmamalasakit niya sa mga ito. Alam kong may bagay akong hindi nalalaman pero nagpasya akong hayaan na lamang iyon. Kailangan naming ituon ang sarili naming sa paghahanap sa “Heart of Magic.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.