“BAKIT hindi mo na lang inutusan si Denim na siya mismo ang kumuha ng kuwintas dito sa condo niya?” nagtatakang tanong ni Lilac kay Tyrus habang nasa elevator sila paakyat sa floor kung saan nakatira si Denim kapag nagtatrabaho ang babae.
Nanatiling deretso ang tingin ni Tyrus at nakapamulsa pa. “I’m only half-vampire, Lilac. Hindi ko kayang i-hypnotize si Denim ng matagal. She’ll snapped out of it eventually. Thirty minutes na ang pinakamatagal na makokontrol ko ang isipan niya. Kung siya ang inutusan kong kumuha ng kuwintas sa condo niya, baka sa biyahe pa lang papunta sa building na `to ay “magising” na siya.”
Napa-“ah” naman si Lilac habang tatango-tango. “Kaya inutusan mo na lang siya na ibigay sa’tin ang keycard ng condo niya, saka mo siya pinapunta kay Eton.”
Tumango si Tyrus. “Tinawagan ko na si Eton nang umalis si Denim kaya alam na niya ang sitwasyon.”
“Will this be okay, Tyrus?” nag-aalalang tanong ni Lilac. “Hindi ba talaga maaalala ni Denim ang kakaibang mga utos mo sa kanya?”
“Hindi niya maaalala `yon dahil kasama `yon sa utos ko sa kanya,” confident na sagot ni Tyrus. “Sinabi ko sa kanya kanina na kalimutan ang paghingi ko sa keycard niya kapag nakarating na siya sa grocery store kung nasaan si Eton. Ang maaalala na lang niya ay ang pagsasabi ko sa kanya kung nasa’n ang kakambal ko. Dahil sa dugong salamangkera ng aming ina, mas mabisa ang paghihipnotismo ko sa mga mortal.” Nilingon siya ng lalaki. “Kailangan nating bilisan, Lilac. Hindi ko sigurado kung ga’no katagal ma-be-babysit ni Ethan si Denim.” Saglit itong natigilan. “But actually, I’m more worried that Denim might jump my brother as soon as she sees him. She looks like the aggressive type.”
Natawa si Lilac. “Mukhang gustung-gusto talaga ni Denim si Eton.”
“Too bad for her,” iiling-iling na sabi ni Tyrus. “Iisang babae lang ang nakikita ni Eton.”
Itatanong sana ni Lilac kung sino, pero bumukas na ang elevator at nauna nang lumabas si Tyrus. Mabilis naman siyang sumunod sa lalaki at gaya ng bilin nito kanina, dalawang hakbang ang layo niya rito. Precautionary measure siguro `yon para maprotektahan siya nito kung may mangyari mang masama.
Nang marating nila ang condo unit ni Denim, sinenyasan siya ni Tyrus na tumigil muna. Nang tumango siya, kumilos naman ang lalaki at dinikit ang tainga sa pinto na para bang pinapakinggan o pinapakiramdaman kung may tao o kung anong nilalang sa loob.
Ayaw mang aminin ni Lilac, pero bigla siyang kinabahan.
“I don’t hear nor feel anything off inside,” anunsiyo ni Tyrus, saka nito ini-slide ang keycard sa pinto. Nauna itong pumasok para silipin ang loob bago siya nito sinenyasan. “It’s safe, Lilac.”
Tumango lang si Lilac, saka siya sumunod kay Tyrus sa loob ng condo.
Namangha agad siya sa sumalubong sa kanya na malaking portrait ng magandang mukha ni Denim na nasa dingding. Lahat ng gamit, furniture, at appliance na nakikita niya sa sala pa lang, halatang mamahalin na. Spacious din ang lugar para sa isang tao lang. Mas malaki `yon kaysa sa condo ni Marigold noon.
Ah, everything seems to remind me of my twin sister.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang marinig niya ang pagsara ng pinto.
And then it happened.
Hindi alam ni Lilac kung ano `yon, pero pagkasarang-pagkasara ng pinto ay may napakalakas na puwersang napagluhod at nagpayuko sa kanya. Bigla ring nanayo ang mga balahibo niya at nanginig ang katawan niya sa takot kahit wala pa namang nangyayari para makaramdam siya ng gano’n.
Pero ang mas ikinagulat niya ay nang mapaluhod din si Tyrus sa kanyang tabi kahit halata namang pinigilan nito kung ano man ang napakalakas na kapangyarihang nakabalot sa buong condo ngayon. Umaangil ang lalaki na parang mabangis na hayop hanggang sa magbago ang shade ng mga mata nito. Lumabas na rin ang mga pangil at kuko nito na para bang ginagamit nito ang buong lakas para lumaban.
Bloodlust ba `tong nararamdaman namin?
Humugot ng malalim na hininga si Lilac nang mapansin niyang naninikip na ang dibdib niya. Parang sino-suffocate siya ng makapal, malakas, pero masamang enerhiya na napaloob sa buong unit.
Damn. I can’t breathe!
“Lilac…?”
Kahit mabigat na ang katawan ni Lilac, pinilit niya ang sariling lingunin si Tyrus. Ah, lumabas na nga ang pagiging kalahating-bampira ng lalaki. Mas lalo itong namutla sa paningin niya. Malamang, gaya niya ay nahihirapan itong labanan ang napakalakas na Bloodlust sa paligid. “I’m fine,” pag-a-assure niya kay Tyrus at para hindi ito mag-alala, ngumiti pa siya. “Don’t worry about me.”
Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus pero alam niyang hindi para sa kanya ang galit ng lalaki. “You’re not okay. I’ll get you out of here, Lilac,” determinadong sabi nito, saka inangat ang kamay nito na may mahahaba at halatang matatalas na kuko.
Bago pa makapagtanong ni Lilac kung ano ang gagawin ni Tyrus, kumilos na ang binata na ikinagulat niya ng husto.
Hiniwa ni Tyrus ang dibdib nito pababa sa sikmura nito. Natural na napunit din ang suot nitong polo, gano’n din ang balat nito na mabilis bumukas at nilabasan ng sariwang dugo. Parang gripo ang paglabas ng pulang likido sa katawan ng binata na walang naging reaksyon sa ginawa nito sa sarili.
Napansin ni Lilac na nakatitig si Tyrus sa dugo nito habang malalim ang konsentraston. Sunod naman niyang napansin na `yong dugo ng lalaki, parang nagkaro’n ng sariling buhay dahil himbis na sa paligid lang nito, biglang nagkahugis ang malapot na likido at kumalat sa buong sahig na parang mga ahas.
Inuutusan ba ni Tyrus ang dugo niya na kumalat sa buong condo?
“Tyrus, what are you planning?” kabadong tanong ni Lilac.
Isang malakas na sigaw lang ang sagot ni Tyrus. And as soon as he growled at the back of his throat, his “snake-like” blood that was scattered on the floor turned into a huge, bright, burning flame.
Beautiful.
Ang mas ikinatuwa pa ni Lilac, hindi siya napapaso o naiinitan kahit nasa gitna sila ng apoy na gawa sa dugo ni Tyrus. Kaya rin bang utusan ng lalaki ang dugo nito kung kailan lang magiging mapanganib sa iba?
Unti-unti, humina ang pagsigaw ni Tyrus at naging ungol `yon na para bang nahihirapan na ito. Pagkatapos, naitukod nito ang mga kamay sa sahig, halatang nanghihina na dahil malalalim ang hiningang hinuhugot nito habang nakayuko. “Damn.”
“What’s wrong, Tyrus?”
“My flame can’t break the barrier,” frustrated na sagot ni Tyrus. Nang lingunin siya ng lalaki, kitang-kita niya sa mukha ng lalaki ang matinding pag-aalala para sa kanya. “I was trying to make a safe way out for you. Pero kahit ang mga salamin sa condo na `to, hindi mabasag ng apoy at dugo ko.”
Nagulat si Lilac sa narinig. Nang lumingon siya sa paligid, no’n lang niya napansin na walang nasusunog o nasisira man lang ang apoy ni Tyrus. Protektado nga ng malakas na kapangyarihan ang buong condo! Isa lang ang ibig sabihin no’n. “We’re trapped.”
“Bingo!”
As soon as that deep baritone voice echoed in the whole place, the powerful Bloodlust disappeared. So was Tyrus’s burning flame. Sa madaling salita, bumalik sa normal ang buong paligid.
Humugot ng malalim na hininga si Lilac para ibalik sa normal ang kanyang paghinga. Wala na `yong malakas na puwersang pumipilit sa kanyang lumuhod. Pero hindi pa rin nawala ang takot niya nang makita ang isang pares ng itim na mga sapatos. Habang tumataas ang tingin niya, nadodoble rin ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya na dala ng matinding kaba.
Brasong may patalim na gawa sa dugo.
Nakangising mga labi na may dalawang mahahaba at matatalas na pangil.
Magkaibang kulay ng mga mata: light sa kaliwa, dark sa kanan.
Pamilyar na mukha.
“Miguel Lorenzo Benitez…” hindi makapaniwalang bulalas ni Lilac habang titig na titig sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Ang kulay ng dugo nito na sa paningin niya noon ay mainit na asul lang, nahaluan na ng kakaibang tingkad ng pula. If she wasn’t mistaken, the shade was called magenta. “Paanong nangyaring may dugo ka na ng bampira ngayon?”
Ngumisi si Miguel, nakatingin pababa sa kanya na para bang naaaliw. “Finn is telling the truth, huh? Nakikita mo ang kulay ng buhay na dugo sa kakaibang paraan, at do’n mo binabase kung anong klaseng nilalang nasa harapan mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa gulat. “Paano mo naman nalaman ang tungkol sa ability ko?
“Oh, that’s very easy,” sagot ni Miguel na parang nababasa ang isipan niya. “Finn is a good observant, you see. Pinaiwan ko siya sa condo ni Marigold ng araw na `yon dahil alam kong darating ang kakambal niya. At dumating ka nga, Lilac Alonzo. Simula no’n, sinusubaybayan ka na ni Finn nang hindi mo alam. Gamit ang dugo ng Bloodkeeper na `yon, nagagawa niyang ikubli ang sarili niya. `Yon nga lang, mula sa malayo ka na niya pinag-aralan dahil alam niyang nakikita mo ang dugo niya kapag malapit siya sa’yo.”
“Magnus Cadmus Stratton!” galit na sigaw ni Tyrus, kay Miguel nakatuon ang mapanganib na tingin. “Paano mo nagawang saniban at gamitin ang katawan ng isang mortal?!”
Nalipat ang naaaliw na tingin ni ‘Miguel’ kay Tyrus. “That’s the amazing thing about the Noblebloods, Tyrus Hector Rousell. Walang imposibleng gawin sa napakalakas naming dugo na nagmula mismo sa mga Rareblood.” Tinuro ni Miguel ang dulo ng patalim sa braso nito kay Tyrus. “Pero hindi mo maiintindihan ang bagay na `yon dahil isa ka lang hamak na Bloodkeeper. Kalahating-bampira na kailanman ay hindi mararanasan ang nakakabaliw na kapangyarihang taglay ng mga purong katulad ko.”
“Ang Bad Blood,” parang hindi makapaniwalang bulalas ni Tyrus. “Sinusubukan mo bang gawin ang luma at ipinagbabawal na paraan ng mga bampira sa pang-aagaw ng katawan ng ibang nilalang?”
Tumawa lang si Miguel. “Wala akong oras magpaliwanag sa isang mababang uri ng nilalang na tulad mo, Bloodkeeper.”
Tyrus growled angrily. Pagkatapos, sa mabilis na pagkilos ay tumayo ito at patalong sumugod kay Miguel. Nakaangat na ang mga kamay nito na parang handa nang lumaban.
Mabilis namang tumayo si Lilac at dinikit ang sarili sa dingding, malayo sa labanang magaganap dahil ayaw niyang alalahanin pa siya ni Tyrus habang nakikipaglaban ito. Pero sa totoo lang, kung hindi niya lang alam na makakagulo lang siya, sinugod na rin niya si Magnus kahit pa nasa katawan ito ni Miguel na malamang ay walang alam sa nangyayari ngayon.
Ang walanghiyang bampirang `to ang pumatay kay Marigold!
Naikuyom niya ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pagkakataong `yon, dala na ng matinding galit.
Please kill that old vampire for me, Tyrus.
Tinangka ni Tyrus na ibaon ang kamay nito sa dibdib ni Miguel pero nasangga ng huli ang pag-atake gamit ang talim na gawa sa dugo. Ang braso ni Miguel, parang ulo ng pating na may matulis na fin. Mukhang hiniwa ang braso ng matanda at ang dugong lumabas mula ro’n ay naging patalim.
Si Miguel naman ang kumilos. Gamit ang isang braso nito, mabilis nitong binaon ang kamay sa dibdib ni Tyrus. Tumawa pa ang matanda nang magtagumpay ito.
Napasinghap naman si Lilac, nanlalaki ang mga mata, nang tumagos ang kamay ni Miguel sa dibdib ni Tyrus na napasigaw ng malakas na parang nasasaktan ito. “Stop!” sigaw niya, saka siya tumakbo palapit sa dalawa. “Bitawan mo si Tyrus!”
Hindi nasundan ng mga mata ni Lilac ang mga pangyayari.
Nakita na lang niyang humagis si Tyrus at nabasag pa ang salaming pinto papunta sa balkonahe kung saan bumagsak ang katawan ng lalaki.
At natagpuan naman niya ang sariling nakadikit sa dingding habang sinasakal siya ni Miguel.
“Ah, nahawakan din kita sa wakas,” nakangising sabi ni Miguel. “Ang pinakamamahal na kakambal ni Marigold Hamilton.”
Sinubukan ni Lilac na alisin ang kamay ni Miguel sa leeg niya pero hindi ito natinag kahit anong kalmot, suntok, at kurot niya sa braso nito. Parang naging sing tigas na rin ng bakal ang katawan nito. Hindi naman mahigpit ang pagkakasakal nito sa kanya, pero hindi niya gusto ang posisyon niya ngayon.
“Huwag ka nang manlaban, munting binibini,” playful na banta ni Miguel, kumikislap ang mas madilim na shade sa magkaibang kulay na mga mata nito. “Baka bigla kong mabali ang payat mong leeg.”
“Paano mo nalaman na papunta kami rito?” tanong ni Lilac para i-distract si Miguel.
Nakita niya kasing kumilos si Tyrus. Kailangan niya `tong bigyan ng oras para mabawi ang lakas kahit paano. Ngayong nabasag na ang salaming pinto ng balkonahe, may daan na sila palabas. Ayaw niyang tumatakas sa laban, pero sa malalang kalagayan ni Tyrus, alam niyang matatalo sila dahil hindi na kayang lumaban ng lalaki.
Mas gugustuhin na niyang tumakas sa ngayon kaysa ang mamatay nang hindi naipaghihiganti si Marigold. Puwede pa naman silang bumawi sa susunod.
“Si Finn ang nagplano ng lahat ng `to,” nakangising sagot ni Miguel. “Alam niyang gusto niyong makuha ang kuwintas ni Marigold, kaya ginawa niya `yong pain para kayo na ang lumapit sa’min. All Finn had to do was manipulate Denim to meet you at the mall. He made that phone call on purpose. Inasahan na niyang ganito ang magiging pagkilos niyo dahil alam niya ang takbo ng isip ng mga kapwa niya Bloodkeeper.” Iminuwestra nito ang paligid gamit ang isang kamay. “At hinintay ko naman kayo dito.”
Umangil lang si Lilac sa galit. Marami pa sana siyang gustong itanong pero nakita na niyang tahimik na tumatayo si Tyrus, kaya kumilos na rin siya. Tinitigan niya sa mga mata si Miguel. Kung si Magnus ang nasa loob nito, magtatagumpay siya. “Sleep,” mariing sabi niya gamit ang lengguwahe ng mga salamangkera.
Nanlaki ang mga mata ni Miguel, halatang nagulat. Pero bago pa ito makakilos, lumuwag na agad ang pagkakahawak nito sa leeg niya at bumagsak nang wala nang malay.
Literal na nakahinga ng maluwag si Lilac. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo papunta kay Tyrus dahil sigurado siyang ilang segundo lang ang itatagal ng pagtulog ng malakas na nilalang na gaya ni Magnus. Kailangan na nilang makatakas.
Kung kelan malapit na siya sa balkonahe, saka niya nakita ang pag-ma-materialize ng pisikal na katawan ni Finn na nakatuntong sa railing ng balcony. May nakaipit na mga patalim sa mga kamay nito. Sa kanya nakatuon ang masamang tingin ni Finn, gano’n din ang mga sandata ng masamang Bloodkeeper.
Lilac froze in fear.
“Lilac!” sigaw naman ni Tyrus, saka ito mabilis na tumakbo palapit sa kanya.
The next thing Lilac knew, she was already enclosed in Tyrus’s arms.
At sumisirit na ang napakaraming dugo mula sa katawan nito dahil sa pagbaon ng mga patalim na para sana sa kanya sa likod nito.
NAKANGITI at pa-hum-hum pa si Denim habang naglalakad papunta sa kanyang condo. Hawak niya sa kamay ang chocolate bar na binigay ni Eton sa kanya kanina.
Hanggang ngayon, kinikilig pa rin siya kapag naaalala niyang tinulungan siya ni Eton na makatakas sa mga fans niya. Hinatid pa nga siya nito hanggang sa kotse niya. Wala itong sinabi, pero binigyan siya nito ng chocolate bar. Maybe it was his way of apologizing to her.
Ayaw naman niyang sagarin ang suwerte niya ng gabing `yon kaya umalis na rin siya agad. Marami pa namang ‘bukas’ ang darating para makita at makasama niya uli si Eton.
I’ll make you mine, Eton.
Huminto siya sa tapat ng pinto ng condo niya. Hahanapin pa lang sana niya sa kanyang clutch bag ang keycard niya nang bigla nang bumukas ang pintuan. Napabuga na lang siya ng hangin sa inis.
Finn is invading my place again!
Pumasok si Denim sa loob ng unit niya at padabog na sinara ang pinto. Balak sana niyang sermunan si Finn pero napasimangot agad siya at naitakip ang kamay sa kanyang ilong na biglang inatake ng malansa at masangsang na amoy.
What’s that smell?
Wala siyang makita dahil sobrang dilim sa condo niya kaya binuksan niya ang mga ilaw. Napatili siya at napaupo sa sahig sa sumalubong sa kanya.
Dugo.
Maraming dugo.
Bukod do’n, sobrang gulo rin ng mga gamit sa condo niya. Basag pa ang sliding glass door ng balcony niya. Mukhang may labanang naganap sa lugar niya nang hindi niya alam. Nanginig siya sa takot.
Biglang namatay ang mga ilaw.
“I’m sorry I didn’t have the time to clean your place.”
“Finn?” relieved na sabi ni Denim nang marinig ang boses nito. Kahit nanginginig pa ang katawan niya, pilit siyang tumayo. “Are you okay? Nasaktan ka ba? Please tell me na hindi sa’yo ang dugong nakita ko!”
“Ohh. Someone is worried,” playful na sabi ni Finn.
Napasinghap si Denim sa gulat nang maramdaman ang maiinit na kamay ni Finn sa baywang niya bago nito pinalupot ang mga braso sa katawan niya para kabigin siya palapit. Dahil madilim, kinapa na lang niya ang mukha ng lalaki gamit ang mga kamay niya. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang makinis pa rin ang magkabilang pisngi nito. Pero nag-aalala pa rin talaga siya. “You’re not hurt, are you?”
“I’m not hurt,” malambing na pag-a-assure ni Finn sa kanya. Pagkatapos, sinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. Pinaraan nito ang tungki ng ilong sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. “But I’m really hungry right now, Denim.”
Tumango si Denim sa pang-unawa at sinuklay ang mga daliri niya sa buhok ni Finn. “Drink my blood and don’t die on me, okay?”
Finn licked her neck before speaking. “I won’t, Denim. We’ll be together for a long time.”