Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 2

TYRUS couldn’t believe the range of emotions this Lilac Alonzo managed to make him feel in less than ten minutes. For a pure mortal, that was a feat.

Nang dumating si Lilac, una niyang naramdaman ang gulat dahil sa mabilis at malakas na pag-atake nito kina Hyacinth at Saffron gamit ang orasyon ng mga malalakas na salamangkera.

Pangalawa, nakaramdam siya ng paghanga nang hindi natinag si Lilac sa pagbabanta ni Onyx. Nadagdagan `yon nang ihagis pa ng babae ang mayabang niyang tauhan. Naramdaman niyang hindi niya ito mapipigilan kaya hindi na siya nagtangkang kumilos.

Sa kabutihang palad, hindi rin kumilos ang kakambal niyang si Eton at gaya niya, binantayan lang din nito ang mortal.

At pangatlo, awa. Nang sumigaw si Lilac na puno ng sakit at bumagsak ito habang umiiyak, nakaramdaman siya ng kirot sa puso niya. Nang magsimula naman ang mortal na buhayin si Marigold Hamilton, parang may sumuntok na sa dibdib niya. Dahil do’n, natinag ang damdamin niya.

Kaya nga pinigilan na ni Tyrus si Lilac sa ginagawa nitong orasyon. Totoo ang sinabi niyang madudurog na ang puso ni Marigold Hamilton kapag hindi pa ito huminto. Ginawa niya `yon dala ng simpatya.

Empathy was something he thought he had forgotten a long time ago.

Hindi tuloy niya alam kung ano ang mararamdaman ngayong binuhay ni Lilac ang isang klase ng emosyong hindi siya komportableng maranasan uli.

“Hindi na dapat ako umalis sa tabi mo,” umiiyak na bulong ni Lilac kay Marigold.

Muli, may sumuntok na naman sa dibdib ni Tyrus. Hindi niya gustong marinig ang bulong ni Lilac sa kaibigan nito. Pero dahil sa matalas niyang pandinig, hindi niya naiwasan `yon.

“I’m sorry, Marigold. I should have protected you while keeping you beside me. I’m so sorry…”

Hindi alam ni Tyrus ang nangyayari sa kanya, pero kusang umangat ang kamay niya at akmang ipapatong `yon sa balikat ni Lilac. Pero nanigas siya na parang estatwa nang bigla na lang bumangon ang mortal mula sa pagkakayakap sa kaibigan nito, sabay lingon sa kanya.

He was stunned by her wonderful ash gray eyes. When she entered the condo, he was sure that she had dark orbs. But right now, they were the color of one of the lightest shades of gray he had seen in his long life. It felt like he was staring right through the window of her soul. He could almost see dark forming clouds, and the tears falling from her eyes seemed like tiny raindrops. Beautiful, yet sad.

“Ilang half-breeds ang kasama mo?” deretsang tanong ni Lilac sa kanya.

Irritation. That was the fourth emotion this mortal made him feel in a span of eight minutes.

Binaba ni Tyrus ang kamay niya na balak sanang makisimpatya sa Lilac Alonzo na `to, pero mabuti na lang at mabilis siyang natauhan. Nagtagis ang mga bagang niya habang kinakalma ang sarili. Hindi nga rin niya alam kung bakit sumagot pa siya sa mortal na `to. “Lima kaming Bloodkeepers na nandito ngayon. You knocked three of us down, so only my brother and I are left standing.”

Kumunot ang noo ni Lilac, pagkatapos ay may itinuro ito sa tabi ng salaming bintana. “Then, who’s that half-breed?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Tyrus at nilingon ang tinuro ni Lilac. Pero wala siyang nakita o naramdamang ibang Bloodkeeper sa paligid. Imposible namang may makita o maramdaman ang isang mortal na hindi niya kayang tukuyin. He was a squad captain, for damned sake!

“You’re just hallucinating,” deklara ni Tyrus. “Alam kong shocked ka sa nangya– hey!”

Tumayo si Lilac at tumakbo ng mabilis papunta sa salaming bintana.

Napatayo rin si Tyrus nang bigla-bigla ay may naramdaman siyang malakas na Bloodlust sa direksyong tinatakbuhan ni Lilac. Without thinking twice, he ran after her fast, then grabbed her by the waist and used his own body to protect her. If he had been a minute too late, she would have been badly hurt.

Sa paghakbang kasi ni Lilac kanina, biglang nabasag ang bintana at nagtalsikan ang mga matatalim at matatalas na piraso niyon na ngayon ay nakabaon sa likod at iba pang parte ng katawan niya. Pero hindi naman siya nakakaramdam ng sakit kaya bale-wala lang ang mga `yon sa kanya.

“I can’t breathe!” reklamo ni Lilac mayamaya.

Nang tumingin si Tyrus pababa kay Lilac, no’n lang niya napansin na nakapalupot pala ang mga braso niya sa mga balikat ng babaeng mortal. Hindi niya alam kung mahigpit ba `yon para sa payat at malambot nitong katawan, pero para sa kanya, sapat lang ang lakas na ginamit niya para maramdaman ang malaking pagkakaiba ng isang babae at isang lalaki, mortal man o hindi.

Lilac’s softness was a beautiful contrast to his solid body.

And this mortal smelled so sweet that she was actually making him feel thirsty, which no mortal had ever made him feel before. Labag man sa kalooban niya, bigla siyang napatingin sa payat at maputing leeg ni Lilac. Dahil sa maputlang balat ng mortal at matalas niyang paningin, nakikita niya ang mga ugat nito kung saan dumadaloy ang dugo ng babae na para bang napakasarap inumin…

Bigla siyang sinampal ni Lilac sa pisngi ng pagkalakas-lakas.

Siyempre, hindi natinag si Tyrus dahil ang pakiramdam ng palad ni Lilac sa pisngi niya ay para lang may paru-parong dumapo sa mukha niya. But he was absolutely shocked that a mere mortal slapped a Bloodkeeper like him. A squad captain at that.

Napangiwi si Lilac, halatang nasaktan ang kamay. Ang ginawa nitong pagsampal sa kanya ay katumbas naman ng paghampas sa isang bakal na poste. Mangiyak-ngiyak na nga ito sa sakit. She even held her right wrist as if she was nursing the pain. “Puwede mo ba kong dalhin sa rooftop?”

The desperation in her voice and the pain in her eyes snapped him out of his trance.

Niluwagan na ni Tyrus ang pagkakahawak niya kay Lilac, saka niya binuhat ang babaeng mortal. Nilingon niya si Eton na sing bato niya rin, pero tumango ang kakambal niya na para bang sinasabing ito na ang bahala sa biktima at sa mga kasamahan nilang wala pa ring malay.

Without further ado, he bolted out of the room while carrying Lilac in his arms. Sa emergency exit niya piniling dumaan. Ginamit din niya ang mala-kidlat niyang bilis para akyatin ang hagdan papuntang rooftop. Sigurado naman siyang mas mabilis siya kaysa sa elevator.

Sa sobrang bilis niya siguro kaya biglang pinalupot ni Lilac ang mga braso sa leeg niya at sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya.

Napalunok naman si Tyrus. Ngayong ganito kalapit si Lilac sa kanya, mas lalo niyang naaamoy ang matamis nitong dugo. Hindi nga lang niya alam kung ilusyon lang ba niya o ano, pero parang naririnig na rin niya ang malakas at mabilis na tibok ng puso ng mortal na babae.

Or was it his own?

“Bakit mo nasabing sa rooftop papunta ang bampirang nakita mo?” tanong ni Tyrus para maiba ang direksyong tinatahak ng mga iniisip niya.

“Nakita ko siyang nagpunta sa balcony pagkatapos niyang basagin ang bintana,” sagot naman ni Lilac na napansin niyang mas humigpit ang yakap sa kanya na parang natatakot ito sa bilis nila. “Pagkatapos, nakita ko naman siyang tumalon pataas. Malakas lang ang kutob ko na sa rooftop siya papunta. May helipad ang building na `to kaya naisip ko na puwedeng may escape route siya ro’n. O baka mas madali para sa mga tulad niyo ang magtatatalon sa mga building kaysa maghabulan sa kalsada kung saan maraming mga ordinaryong mortal ang posibleng makakita sa inyo.”

Tumahimik si Tyrus. Hindi niya aaminin, pero humanga siya sa talas ng pag-iisip ni Lilac. Kung magsalita ito, para bang kilalang-kilala nito ang mga tulad niyang may lahing-bampira. “We’re here,” anunsiyo na lang niya, saka niya binagalan ang takbo niya bago siya tuluyang huminto. Then, he kicked the door open. Helipad nga ang rooftop pero wala namang nag-aabang na chopper gaya ng inaasahan niya. Wala rin siyang maramdaman kaya naglakad siya papunta sa gitna ng rooftop. “No one is here.”

Nag-angat ng tingin si Lilac at tumingin sa paligid na parang may hinahanap. Pagkatapos, tumingala ito. Ilang segundo itong nakatitig lang sa itaas hanggang sa bigla itong suminghap. “Above us!”

Wait, what?!

Sa pagkagulat ni Tyrus, piningot ni Lilac ang kaliwa niyang tainga na para bang sinasabi nitong sa direksyong `yon siya tumalon. Labag man sa kalooban niya, sumunod ang katawan niya sa tahimik na utos ng babae. Pero nagpapasalamat siya na ginawa niya `yon.

Dahil sa eksaktong lugar kung saan siya nakatayo ilang segundo pa lang ang lumilipas ay pinagbagsakan ng tatlong mga Bloodsucker na halatang uhaw na uhaw at wala sa sarili. Black eyes with golden pupil, frenzied thirst for blood, barcode marks on the neck.

It’s time to work.

Maingat na binaba ni Tyrus si Lilac, saka siya pumuwesto sa harap ng babae para protektahan ito mula sa mga Bloodsucker na masama ang tingin sa mortal. Kung siya ngang Bloodkeeper na nasa matinong pag-iisip ay naakit sa amoy ng dugo ni Lilac, ang mga mabababang uri pa kaya ng bampira?

“Stay close to me,” utos ni Tyrus kay Lilac. Hinawakan niya ang marka sa likod ng tainga niya at inipon niya ang lakas niya sa pagpapakawala ng kapangyarihan niya. “Remove.”

As soon as Tyrus said the “magic word,” he felt his power unleash. Nagdulot ng malakas na hangin sa paligid niya ang pagkawala ng kanyang Bloodlust na nakadirekta sa tatlong mababangis na Bloodsucker dahilan kung bakit humagis ang mga ito at tumama sa balustre ng rooftop.

Naramdaman niya ang mabilis na paghaba ng kanyang mga pangil at kuko. Mas doble na rin ang lakas at bilis na taglay niya ngayon. Maging ang senses niya, mas makapangyarihan na.

Biglang tumakbo si Lilac palayo sa kanya.

Iritadong umangil si Tyrus at nilingon si Lilac. Patakbo ang babae sa isa sa mga sulok ng rooftop at may kung sinong sinuntok sa ere. Pero mukhang tumama naman ang kamao nito sa hindi nakikitang nilalang dahil ang kilos ng mortal, halatang solido. Hindi ito basta nag-sha-shadowboxing lang.

Lilac Alonzo was fighting against an unseen enemy and she was actually putting up a decent fight.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman niya ang pagsakmal ng Bloodsucker sa kanyang leeg. Pero bago pa bumaon sa balat niya ang mga pangil ng nilalang ay pinataas na niya ang Bloodlust niya para ihagis muli ang kalaban.

Nang nasa ere na ang baliw na bampirang kumagat sa kanya, tumalon siya ng mataas para habulin ito. Bago pa malaman ng Bloodsucker ang nangyayari, nadukot na niya ang puso nito sa mabilis at makinis na pagkilos. The moment he crushed the low ranking vampire’s heart in his hand, the bastard turned into ashes and instantly vanished with the wind. Only his clothes with awful smell were left on the ground.

Pagtapak pa lang ni Tyrus sa sahig ay sabay na siyang sinugod ng dalawang Bloodsucker na pareho pang umaangil. Pero sa pagkagulat niya, nilagpasan lang siya ng mga kalaban niyang bampira.

Mabilis siyang pumihit paharap sa direksyon ni Lilac. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakalutang sa ere ang babae at nakaporma ang mga kamay na para bang may kinakalmot ito. Sa porma ng mortal, para bang may hindi nakikitang nilalang na sumasakal dito ngayon.

Ang mas masama pa, pasugod na rin kay Lilac ang dalawang Bloodsucker.

Tyrus knew he had to move fast. But just when he was about to run, his knees suddenly went weak. Biglang umikot at nanlabo ang paningin niya. Sa saglit na pagkakataong `yon, natagpuan na lang niya ang sariling nakaluhod at nakatukod ang mga kamay sa sahig. Dinig din niya ang malakas na pagkalam ng sikmura niya. Gayunman, nilabanan niya ang gutom na nararamdaman niya.

Not now. Not ever. I will never drink human blood again!

Nang narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Lilac, nag-angat siya ng tingin. Napamura na lang siya sa isipan nang makitang humagis ang mortal at tumama ang likod nito sa pinto ng rooftop. Nang bumagsak ito, hindi na ito gumalaw. Siguro ay nawalan ito ng malay.

Ang mga Bloodsucker naman, pasugod na kay Lilac.

Sa estado ng katawan ni Tyrus ngayon, siguradong mabagal na siya at hindi aabot sa oras kung tatakbo siya para pigilan ang mga baliw na bampira. Kaya sumigaw siya at pinuwersa ang sariling tumayo sa kabila ng panghihinang humihila sa kanya ng mga sandaling `yon.

Pagkatapos, gamit ang mahaba at matulis niyang kuko, ay hiniwa niya ng malalim ang kanyang magkabilang palad. Saka niya tinapat ang mga `yon sa dalawang Bloodsucker.

At himbis na dugo, apoy na kulay lila ang lumabas mula sa malalim na hiwa ng kanyang mga palad.

“LILAC, let me borrow your necklace.”

Ngumiti si Lilac nang sumiksik sa tabi niya si Marigold habang nakaupo siya sa malaking couch ng condo nito. Hawak nito sa isang kamay ang maliit na sungay ng unicorn mula sa pendant ng kuwintas nito. Hinubad naman niya ang kuwintas niyang may ulo ng panda bilang pendant at inabot `yon sa kakambal niya. “Anong gagawin mo sa mga `yan?”

Ngumiti lang si Marigold, pagkatapos ay sinuksok nito ang sungay ng unicorn sa pabilog na butas naman sa ulo ng panda pendant niya. Sa pagkagulat niya, nag-echo sa sala ang boses ng kakambal niya.

“Let’s just live together, Lilac!” sabi ng boses ni Marigold mula sa panda pendant na ngayon ay may sungay na ng unicorn.

Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa gulat. Kinuha niya mula kay Marigold ang panda pendant niya na naging kakaiba ang hitsura dahil ngayon ay may sungay na `yon ng unicorn mula sa kuwintas ng kakambal niya. “Ang galing! Voice recorder pala ang sungay ng unicorn necklace mo, Marigold.”

Nakangiting tumango si Marigold. “Oo, Lilac. Parang `yong mga doll `yan na nakakapag-record ng boses kapag pinisil mo. `Yong sa’tin naman, ganito.” Binawi ni Marigold ang maliit na sungay mula sa panda pendant niya at binalik ang silver horn sa ulo ng unicorn pendant nito. She pressed the horn like she was pressing the top of a pen to push the pointed tip out. Saka ito nagsalita. “Lilac, I miss you.”

Pagkatapos magsalita ni Marigold, hinugot uli nito ang silver horn at kinabit `yon sa ulo ng panda pendant niya. Gaya kanina, narinig uli nila ang recorded voice ng kakambal niya.

“This is so useful,” natatawang sabi ni Lilac. Tinapik-tapik ang ulo ni Marigold. “No wonder you spent a fortune to customizing our necklaces this way. Thank you for this wonderful gift for our twenty second birthday, Marigold. Sorry, ha? Wala akong raket ngayon kaya wala akong bonggang regalo for you.”

“Your whole existence is already a wonderful gift that I will forever be grateful for, Lilac.”

Niyakap ni Lilac ang sarili at umarteng kinilabutan sa mga sinabi ni Marigold. “Ang clingy mo naman.”

Bumungisngis lang si Marigold, pagkatapos ay tinanggal naman nito ang golden mare ng unicorn pendant nito at ipinakita `yon sa kanya. “Look. This also has a memory card, Lilac. Puwede nating itago dito ang secret message natin para sa isa’t isa na hindi natin masabi ng harapan.”

Kumunot ang noo ni Lilac sa pagtataka. “Meron ka bang hindi masabi sa’kin?”

Umiling si Marigold, pero tinuro siya nito. “Ikaw ang maraming hindi masabi sa’kin. You can’t even say you love me even when I’m the only sister you have.”

Pumalataktak si Lilac. “Alam mo namang ayokong sinasabi ang magic L-word na `yon.”

Because the first time she said ‘I love you’ to her parents, they died. Alam niyang alam ni Marigold ang dahilan kung bakit ayaw niyang sinasabi ang mga salitang `yon.

“You should say ‘I love you’ to people you love,” maingat na sabi ni Marigold. “Because one day you’ll realize that you regret not saying those words instead of saying them.” Pabirong binunggo ng kakambal niya ang balikat niya. “Mahal na mahal kita, Lilac. Salamat kasi sa twenty two years ng buhay natin, inalagaan at pinrotektahan mo ko.”

Pagmulat pa lang ni Lilac ng kanyang mga mata, pumatak agad ang mga luha niya dahil sa mga alaalang nag-play sa isipan niya sa pamamagitan ng panaginip.

Pero dahil naramdaman niya ang presensiya ng ibang nilalang sa kuwartong `yon, mabilis niyang kinalma ang sarili. Nang masiguro niyang hawak na uli niya ang kanyang emosyon, saka siya bumangon at pasimpleng pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang mga kamay. Ah, base sa mga kagamitan at interior ng kuwarto, malamang ay nasa isang hospital room siya.

“You’re up.”

Nalingunan ni Lilac ang “half-breed” na nagdala sa kanya sa rooftop kanina. Nakasandal ito sa dingding sa tabi ng bintana habang nakahalukipkip at pinagmamasdan siyang mabuti.

Ngayon lang siya bumalik sa maayos na pag-iisip kaya ngayon lang din niya napansin na hindi gaya ng mga baliw na bampirang umatake sa kanya kanina, maayos ang hitsura ng isang `to. Higit sa lahat, wala itong barcode sa leeg kaya siguro hindi siya nakakaramdam ng takot.

Guwapo ang lalaking half-half at kahit alam niyang “matanda” na ito, mukha pa rin itong nasa mid to late twenties lang. Bukod sa clean shaven ang mukha nito, hindi rin sobrang laki ng bulto ng katawan nito. He was tall and lean and he looked good in his dark long-sleeved shirt that hugged his body in a nice way. But even though the way he dressed and his aura seemed casual, she knew that this man was alert and dangerous, just like any vampire in the world.

Naitakip ni Lilac ang kamay sa bibig nang biglang nag-flash sa isipan niya ang walang buhay na katawan ni Marigold at ng patay na sanggol. Parang bumaligtad ang sikmura niya. Ngayon lang siya nagkaro’n ng ganitong reaksyon dahil ngayon lang nag-sink in sa kanya ang mapait na realidad.

Umaasa pa siya kanina na mabubuhay niya si Marigold. Pero ngayon, unti-unti nang natatanggap ng sistema niya ang pangit na katotohanan.

“Before you call me ‘half-breed’ again, let me properly introduce myself,” pagbasag ng lalaking half-half sa katahimikan. Gaya ng naaalala niya, walang emosyon ang boses nito. “You can call me ‘Tyrus.’ I’m a Bloodkeeper. In layman’s term, I’m half human-half vampire. Sa kasalukuyan, ako at ang squad ko ang bumubuo sa investigation team na may hawak sa kaso ng kaibigan mong si Marigold Hamilton.”

“Hindi kayo totoong pulis ng mga kasamahan mo,” deklara ni Lilac.

Tumango si Tyrus. “Papunta sana kami kay Marigold Hamilton dahil may ilang katanungan kami tungkol sa business niya na may kinalaman sa mga bampira. Pero nang dumating kami sa condo niya, gano’n na ang naabutan naming sitwasyon.”

Nasapo ni Lilac ang noo. “Marigold had a vampire lover. Ang bampirang `yon ang hanapin niyo. Hindi ko alam kung sino siya pero please, hanapin niyo ang nilalang na `yon. Kasi kung wala siyang kinalaman sa nangyari kay Marigold, bakit wala siya rito ngayon?”

“`Yon din ang aalamin namin, Lilac Alonzo,” pormal na sagot ni Tyrus. “Anyway, dahil kilala sa mundo ng mga mortal si Marigold Hamilton, nagpasya kaming itago ang katotohanan sa mga taong nakakakilala sa kanya. Instead of murder, we made it look like that she died of giving birth. Sa press release na nilabas ng mga kauri ko pero totoong pulis ninyong mga mortal, nakalagay na patay na ang sanggol nang isilang. Sa mundo niyo, case closed na ang kaso ng kaibigan mo. Sana maintindihan mo kung bakit kinailangan naming gawin `yon.”

Humugot ng malalim na hininga si Lilac. Tinuon niya ang buong atensiyon at lakas niya para i-decipher ang mga sinabi ni ‘Tyrus’ para mawala sa isipan niya ang masamang imahen ni Marigold at ng kanyang pamangkin sa isipan niya. Tinitigan din niya ang ‘Bloodkeeper’ para ito na lang ang makita niya at hindi ang mapait na alaala. Plus, she had to get a hold of herself to catch her twin sister’s murderer. “Pinagtakpan niyo ang nangyaring krimen dahil hindi tao ang pumatay kay Marigold, `di ba?”

Hindi sumagot si Tyrus at nanatili itong nakatitig sa mukha niya.

“Bampira ang pumatay sa kanya,” deklara ni Lilac. “`Yong mga bampirang may barcode sa leeg ba ang gumawa no’n? O Bloodkeeper din ba ang fiancé ni Marigold?”

“Bloodsucker ang tawag sa mabababang uri ng bampirang may barcode sa leeg. Unfortunately, hindi ko pa masasabi kung anong uri ang fiancé ni Marigold na hindi ko pa nakikilala,” paliwanag ni Tyrus. “Marami kang alam tungkol sa mundo namin. Who and what exactly are you, Lilac Alonzo?”

Hindi sumagot si Lilac dahil hindi pa naman gano’n kalaki ang tiwala niya kay Tyrus kahit pa wala naman siyang nakikitang masamang enerhiya rito. Matingkad na pula, mainit na asul, at mapusyaw na lila ang nakikita niyang kulay sa katawan ng Bloodkeeper. Kumunot ang noo niya. “May iba ka pang lahi bukod sa pagiging mortal at bampira `no?” Ang kulay na `yon, malapit sa kulay ng mga salamangkerang nag-alaga sa kanila ni Marigold noon. Mapusyaw lang ang pagka-lila ng kay Tyrus, pero sigurado siya kung anong klaseng dugo `yon. “Witch blood, perhaps?”

Napaderetso ng tayo si Tyrus. Hindi man nagbago ang blangkong mukha nito, halata naman sa biglaang pagkilos nito ang pagkagulat. “How can you tell what kind of blood runs in my veins?”

Napahawak si Lilac sa panda pendant niya. Alam naman niyang delikado ang paglalabas ng sekreto niya kay Tyrus, pero kailangan niyang sumugal para mahuli niya ang nilalang na pumatay kay Marigold. “Ang sabi mo, ikaw ang may hawak sa kaso ni Marigold. Ibig sabihin, hinahabol niyo rin ang bampirang pumatay sa kanya. Kaaway niyo ba ang nilalang na `yon?”

Dahan-dahang tumango si Tyrus, halatang nag-iingat sa kanya. “Gano’n na nga.”

“Your enemy is my enemy,” tumatango-tangong kongklusyon ni Lilac. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kuwintas niya. Marigold, I swear I will avenge your death.

“What do you mean by that?” tanong naman ni Tyrus, mahihimigan na ang kuryosidad sa boses. “Ano ang koneksyon niyo ni Marigold Hamilton sa mga bampira? Anong klaseng abilidad ang meron ka? Sa nakikita ko sa’yo ngayon, hindi lang kayo basta magkaibigan ng biktima.”

“Call her by her name and don’t you dare refer to her as a victim again,” galit na sabi ni Lilac. Sobrang sakit na marinig paulit-ulit na “biktima” si Marigold na parang pinapamukha sa kanyang pinatay ang kakambal niya at wala siyang nagawa para protektahan ito. Tinakpan niya ng mga kamay niya ang mukha niya nang maiyak uli siya. “Tyrus, puwede bang bigyan mo ko ng oras para magluksa?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.