Bad Blood/Bad Romance Duology Chapter 25

NAGLULUTO ng agahan si Lilac para kay Denim. Chicken soup ang hinanda niya dahil alam niyang kailangan nito ng mainit na sabaw ngayon. Bukod sa malamig ang panahon, sigurado siyang masama pa ang pakiramdam ng babae kaya baka mahirapan itong kumain ng solid food.

Sigurado siya kasi gano’n din ang naramdaman niya no’ng nawala sa kanya si Marigold. Wala siyang ganang kumain pero pinipilit niya ang sarili niyang magpalakas. Panay sabaw, sopas, at lugaw ang pinagkakakain niya no’ng mga unang araw na nagluluksa siya.

“Babe, bakit ikaw ang nagluluto dito?”

Pinatay muna ni Lilac ang kalan bago siya nakangiting lumingon kay Tyrus na sobrang bango at fresh sa suot na white long-sleeved shirt, black tight pants, at sneakers. Halatang bagong paligo ito dahil bukod sa amoy-baby ito, basa pa ang buhok nito na mas nagpa-sexy dito. Talaga bang boyfriend niya ang lalaking `to na ganito kaguwapo? “Good morning, babe,” nakangusong bati niya sa lalaki.

Patagilid na sumandal si Tyrus sa lababo at humalukipkip, saka siya kunot-noong nilingon. “Bakit ang haba ng nguso mo?”

Mabilis inayos ni Lilac ang mukha niya saka niya tinalikuran si Tyrus para kumuha ng mangkok. “Sabi ko nga, busog ka pa.”

Narinig niyang tumawa si Tyrus. The next thing she knew, she was already trapped between the kitchen sink and his warm, solid body while he covered her mouth with his in a very sexy way.

Mabilis namang pinalupot ni Lilac ang mga braso sa leeg ni Tyrus at marahan niyang kinagat ang ibabang labi nito, pagkatapos ay nauna na siyang ipasok ang dila niya sa bibig nito at siya na rin ang unang nakipaglaro sa dila ng lalaki. Umungol naman ito at napahawak ng mahigpit sa baywang niya.

Tyrus was competitive, though. Soon he was dominating her tongue with his. And she moaned in his mouth because his kisses were so mind-blowing and recklessly good.

Oo, sumusuko na ko. Adik na po kasi ako sa halik ni Tyrus. Blame it on his sexy mouth.

“Good-yucking-morning to you, love birds.”

Balak sanang deadmahin ni Lilac si Eton hanggang sa lumuwa ang mata nito kakahintay matapos sa paghahalikan nila ng boyfriend niya. Pero itong si Tyrus naman, hindi natiis ang kakambal nito kaya pinutol nito ang halik para harapin ang kapatid. Buti na lang, nanatiling nakapalupot ang braso nito sa baywang niya kaya hindi naman siya masyadong nagtampo.

Honestly, she had a love-hate relationship with her clingy side.

Binigyan niya ng masamang tingin ang istorbong si Eton na nakasandal ngayon sa hamba ng pinto at nakahalukipkip habang binibigyan sila ni Tyrus ng blangkong tingin. Hindi niya alam kung matutuwa o maaasar siya na pareho ng outfit ang kambal. Kulay gray nga lang ang long-sleeved shirt ni Eton.

“Good morning, brother,” masiglang bati ni Tyrus kay Eton na tumaas lang ang kilay. Marahang kinabig naman si Lilac ng boyfriend niya paharap sa kakambal nito. “I want you to officially meet Lilac Alonzo as my future wife and lifetime partner.”

Nag-init ang mga pisngi ni Lilac. Hindi pa siya sumasagot sa tanong ni Tyrus, pero hindi rin naman niya minasama ang gano’ng pagpapakilala nito sa kanya kay Eton. Alam naman kasi niyang ayaw ng lalaki sa term na ‘boyfriend-girlfriend’ dahil masyado raw mababaw `yon para ilarawan ang relasyon nila.

Dumako ang tingin ni Eton kay Lilac. “Hello, sister-in-law.”

Ngumiti si Lilac, pigil ang ngiti. Maybe getting married at a young age wasn’t so bad. “Hi, brother-in-law. Nagugutom ka na ba? Maghahain na ko.”

“Kung puwede sana, pakiuna ang paghahanda sa agahan ni Denim,” pakiusap ni Eton. Mula sa pagiging blangko ay nagkaro’n ng bahid ng pag-aalala ang mukha nito. “Dadalhan ko na lang siya ng pagkain sa kuwarto niya dahil baka hindi pa siyang handang lumabas.”

Bigla namang na-guilty si Lilac na nagpapakasaya siya habang `yong nag-iisang kapwa niya mortal sa mansiyon na `yon ay miserable.

Kagabi, dumating sina Eton at Denim. May malay na no’n si Denim pero tahimik ito at hindi nagsasalita, malayo sa madaldal nitong persona na kilala nilang lahat. Hindi rin ito kumain ng hapunan. Nanghiram lang si Denim ng damit pantulog at panloob sa kanya, saka ito nag-shower at natulog na.

“Dinala ko kanina sa kuwarto niya ang mga damit na pinahiram mo sa kanya,” pagpapatuloy ni Eton. Habang tumatagal, mas lalong nagiging halata ang pag-aalala nito para kay Denim. “Gising na siya pero nang tanungin ko kung anong gusto niyang agahan, hindi siya sumagot. Iniwan ko na lang muna siya dahil baka kailangan pa niya ng oras ng mag-isa. Pero hindi naman puwedeng hindi siya kumain.”

Nabigla si Lilac dahil ngayon niya lang narinig si Eton na magsalita ng ganito kahaba. He must really be worried about Denim. Now she felt bad about being happy in her own little world. “Ihahanda ko na ang breakfast niya,” sabi niya, saka siya kumalas kay Tyrus para makakilos na siya.

Sabay namang napaderetso ng tayo sina Tyrus at Eton, saka sabay na nagsalita habang nakatingin sa pinto ng kusina. “Mukhang hindi na kailangan, Lilac.”

Kumunot ang noo ni Lilac. Na-gets niya lang ang kambal nang mayamaya, dumating si Denim.

Na parang diyosa, as usual.

Eh pa’no, ang suot ni Denim ay long-sleeved light gray dress with navy blue collar, white sneakers, at naka-full make-up pa ito. Nakasabog ang mahaba at aalon-alon nitong buhok, pero may tirintas ito na pabilog sa ibabaw ng ulo nito. Her braided hair looked like a crown and it fit her princess-like beauty.

Natabunan na rin ng matamis na amoy ni Denim ang buong kusina. Mukhang hindi lang ang perfume nito ang mabango dahil sina Eton at Tyrus, tiningnan ang babae na para bang masarap itong putahe.

Wait, what?

“Good morning,” bati ni Denim sa kanila sa natural na malakas nitong boses. Pero kunot-noong tiningnan nito sina Eton at Tyrus. “Why are you looking at me like that?”

Si Eton ang unang nakabawi dahil sa isang kisap-mata lang, nasa tabi na ito ni Denim at kunot-noong nakatingin pababa sa babae. “Kumusta ang pakiramdam mo?”

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Denim kay Eton. “Hindi pa rin okay, pero nakakaramdam na ko ng gutom,” sagot nito, saka ito dumeretso sa dinning area at umupo sa isa sa mga mesa. “Puwede na ba kong mag-breakfast?” Kumunot ang noo nito, saka ito tumayo uli. “Sorry. Hindi ko nga pala bahay `to kaya kailangan kong tumulong sa paghahanda, `di ba?”

“Ako na,” pag-ako naman ni Eton habang nirorolyo ang manggas ng damit hanggang sa mga siko nito. “Maupo ka na lang d’yan at maghintay.”

Tumango lang si Denim at naupo naman, saka nangalumbaba at tumingin sa labas ng bintana.

Is she ignoring Eton?

Si Lilac naman, pumihit paharap sa kalan. Gano’n din ang ginawa ni Tyrus. Habang si Eton naman, seryoso sa paghahain ng agahan para kay Denim kaya hindi na nila inistorbo ang lalaki. Nag-usap sila ng boyfriend niya ng mahina habang nakaharap sa lutuan.

“Bakit gano’n ka makatingin kay Denim kanina?” istriktong sita ni Lilac kay Tyrus.

“Sorry, babe,” parang nahihiyang sabi naman ni Tyrus. “Her scent has changed. She smells so delectable. Kahit sa’min pang kalahating-bampira lang. Ang bango tala– damn!”

Hindi alam ni Lilac kung saan mas nasaktan si Tyrus– sa pag-apak ba niya sa paa nito o nang biglang nabalutan ng yelo ang ilong nito.

Painosente naman si Eton na nilayasan na sila bitbit ang tray na naglalaman ng breakfast ni Denim.

Ohh. Some people are jealous, huh?

Nagmura si Tyrus gamit ang ibang lengguwahe bago nito tinunaw ang yelo sa ilong nito gamit ang apoy sa daliri nito. “Anyway, I think the real scent of Denim’s blood has returned because Finn is gone…” Biglang natigilan at napaderetso ng tayo ang boyfriend niya. “Shit.”

Kumunot ang noo ni Lilac. “Bakit, Tyrus?”

Binalingan siya ni Tyrus. Para bang mas naging maputla pa ito kaysa sa normal. Pabulong lang din nang magsalita ito. “Babe, we have a problem. Kung bumalik na ang tunay na amoy ng dugo ni Denim ngayong wala na si Finn, ibig sabihin ay bumalik na rin ang tunay na amoy ng dugo ng pamangkin mo. Kung hindi man si Magnus, siguradong maaakit niya ang mga bampira sa paligid. Ang dugo ng mga tulad niyang sanggol pa lang, mabango `yon at kinababaliwan ng mga Bloodsucker na mabilis mawala sa sarili.”

Nanghina si Lilac. Lalo siyang na-guilty na nahibang siya sa saya dahil kay Tyrus na muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa pamangkin niya. “Kailangan na nating mahanap ang pamangkin ko. Pero paano? Wala na si Finn. Siya lang ang nakakaalam kung nasaan ang sanggol.” Hinilamos niya ang mga kamay sa mukha niya. “Para akong tanga sa saya simula kagabi eh may problema pala. Nakaka-guilty.”

Inakbayan siya ni Tyrus at marahang pinisil ang balikat niya. “Babe, kagabi mo lang din nalaman na buhay ang pamangkin mo. Sa dami ng pinagdaanan mong sakit at hirap nitong nakaraan, dapat ka lang maging masaya uli. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay nakalimutan mo na ang mga tungkulin mo. You deserve a break. Don’t be too hard on yourself, okay?”

Sumandal si Lilac sa dibdib ni Tyrus. Na-comfort siya sa mga sinabi nito. “Thank you, babe.”

“Mag-agahan muna tayo, pagkatapos ay aalis tayo para maghanap sa mga naiwang gamit ni Finn sa condo niya. Hahanapin din natin ang bahay niya na siya lang ang nakakaalam gaya ng sinabi ni Marigold sa isa sa mga video,” sabi sa kanya ni Tyrus habang marahan siyang inaakay papuntang dinning area. “Siguradong nag-iwan siya ng mga clue para sa’tin. He was a good ally after all.”

Tumango na lang si Lilac. Nasa malapit na kasi sila at ayaw naman niyang marinig ni Denim ang tungkol kay Finn dahil baka malungkot lang ito lalo.

Magkatabi sina Denim at Eton pero hindi nag-uusap. Tahimik lang ang babae sa paghigop ng sabaw. Samantalang ang Bloodkeeper naman, nakasandal lang sa kinauupuan at pinaglalaruan ang hawak nitong kutsara habang titig na titig sa mukha ni Denim.

What’s happening here, hmm?

Natauhan lang si Lilac mula sa “pag-o-observe” nang ipaghila siya ni Tyrus ng silya. Pagkatapos, umupo na rin ang lalaki sa tabi niya. Katapat niya si Denim, samantalang katapat naman ng boyfriend niya ang kakambal nito. Nakapagitan sa kanila ang mahabang mesa kung saan nakahain na ang agahan.

“How’s the chicken soup, Denim?” pagbasag ni Lilac sa katahimikan habang nilalagyan niya ng soup ang mangkok ni Tyrus. Gusto niyang pagsilbihan ang boyfriend niya kahit na nagpilit ito kanina na ito na ang kumilos para sa kanila. “Ako ang nagluto niyan kaya sana nagustuhan mo.”

Natigilan si Denim sa pagsubo. “I’m sorry, but I really can’t taste the food right now.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya at binigyan siya ng apologetic na ngiti. “Pero siguradong wala namang problema sa luto mo, Lilac. Ako lang talaga ang walang panlasa ngayon.”

Marahang umiling si Lilac. Nilagay niya muna sa harap ni Tyrus ang mangkok na may soup na bago niya muling hinarap si Denim. “Hindi mo kailangang mag-sorry, Denim. Naiintindihan kita dahil ganyan din ako noon nang nawala sa’kin si Marigold. Kahit na wala akong gana at walang panlasa, pinilit ko pa rin ang sarili kong kumain. Kasi kailangan kong lumakas para maipaghiganti siya. Alam kong hindi tamang sabihin `to sa harap ng pagkain, pero lakasan mo ang loob mo. Hindi ka puwedeng maging mahina habang malaya pa ang nilalang na gumawa no’n sa kaibigan mo.”

Tumango si Denim, tangong puno ng determinasyon. Magkahalong lungkot at galit ang makikita sa mukha nito. The fire in her eyes reminded her of the days she was mourning for her sister while seeking justice. “Tama ka, Lilac. Hindi ko sasayangin sa pagiging miserable ang buhay ko kaya nga tinigilan ko na ang pagmumukmok. After all, I’m only alive because of Finn. I won’t let his sacrifice go in vain, so I’ll try to live happily like what he wanted me to do. Pero hindi ko `yon magagawa hangga’t buhay pa si Magnus.”

“Then I’ll kill him for you,” deklara ni Eton sa seryosong boses, nakatitig pa rin kay Denim. “I’ll kill that damned vampire so you could live happily.”

Hindi sumagot si Denim. Bumaba lang ang tingin nito sa soup at nagsimula nang kumain uli.

Nagtagis naman ang mga bagang ni Eton na halatang napahiya dahil hindi ito pinansin ni Denim. Umayos ito ng upo pero himbis na kumain, kinuha nito ang mansanas sa fruits basket at binalatan `yon gamit ang bread knife. Then, he silently put the apple down on Denim’s empty plate. “You can ignore me for the rest of your life, Denim. But you have to be healthy, okay?”

Bumuntong-hininga naman si Lilac habang iiling-iling. Parang nagkabaligtad ng sitwasyon sina Eton at Denim. Ang Bloodkeeper na ngayon ang lumalabas na naghahabol sa babae.

Tumikhim naman si Tyrus. “Denim Blue, sa tingin ko ay may kailangan kang malaman dahil baka ikaw ang makatulong sa’min. Okay lang ba kung ngayon ko na sabihin? Nagmamadali kasi kami.”

Nag-angat ng tingin si Denim kay Tyrus, saka ito tumango. “Okay lang. What is it about?”

“Buhay ang pamangkin ni Lilac,” deklara ni Tyrus na nagpalaki sa mga mata ni Denim. “Pero si Finn lang ang nakakaalam kung nasaan ang sanggol. Nagbabaka-sakali lang ako na baka may nabanggit siya sa’yo tungkol do’n. O kahit pahapyaw man lang sana.”

Kumunot ang noo ni Denim na parang hinahalukay ang mga alaala nito. “Walang nabanggit sa’kin si Finn na ganyan. Bukod sa little Mancinis na napag-usapan namin noon, wala na kong matandaan na nag-mention siya ng mga bata…” Biglang natigilan ang babae. “Wait.”

Biglang nabuhayan ng pag-asa si Lilac. “May naaalala ka, Denim?”

Ilang segundong walang imik si Denim na parang nag-iisip, hanggang sa mabitawan nito ang kutsara. Nanatiling nakababa ang tingin nito pero nagsimula naman itong magsalita na parang kausap ang sarili. “Kagabi, habang nasa kotse kami ni Finn, may weird siyang sinabi sa’kin. Mas makakabuti raw kung babaguhin ako ni Eton para magkasama kami ng matagal.”

Nalaglag ang panga ni Eton sa gulat, pero may kumislap na interes sa mga mata nito.

“Pero ang sabi ni Finn, baka raw hindi ako mabuntis dahil hindi ako espesyal na mortal,” pagpapatuloy ni Denim sa naguguluhang boses. “Kung gusto ko pa rin daw ng anak, puwede naman daw kaming mag-ampon ni Eton ng bata mula sa sinusuportahan naming orphanage.” Kunot-noong nag-angat ito ng tingin kay Lilac. “Posible bang gusto ni Finn na pumunta ako, o tayo, sa orphanage na `yon dahi–”

“Dahil nando’n ang pamangkin ko,” pagpapatuloy ni Lilac sa boses na puno ng pag-asa. “Denim, anong orphanage ba `tong sinusuportahan niyo ni Finn?”

Ngumiti si Denim sa kanya. “It’s called Blue Haven’s Orphanage, Lilac.”

“I NEVER believed Magnus when he said that we have a badblood between us, Denim.”

Napatingin si Denim kay Lilac na kasabay niyang maglakad pababa ng grandstaircase. May bitbit na malaking backpack ang babae at komportable rin ang damit nitong puting V-necked shirt, black leather jacket, ripped jeans, at combat shoes. Ngayong gabi pa lang kasi, bibiyahe na ito papuntang Blue Haven’s Orphanage para sa pamangkin nito. “Why didn’t you?”

Huminto si Lilac sa paglalakad para harapin siya. Pagkatapos, ngumiti ito sa kanya. “Well, I hated you at first. Pero no’ng nag-sorry ka sa’kin, nawala agad ang inis ko sa’yo. Ikaw ba?”

Humalukipkip naman si Denim at bahagyang napangiti. “Kung hindi kita gusto, hindi kita tutulungang tumakas no’ng gabing `yon.”

Naging malungkot ang ngiti ni Lilac. “Thank you for helping me back then, Denim. And I’m sorry kung napahamak kayo ni Finn dahil sa pagtulong sa’kin. I’m really sorry.”

Marahang umiling si Denim. “No’ng una, ang dami kong sinisi kung bakit nangyari ang lahat ng `to. Pero sinabi sa’kin ni Finn na walang ibang may kasalanan nito kundi si Magnus lang, kaya huwag ko na rin daw sisihin ang sarili ko. I never listened to Finn when he was still here. So this time, I’ll be a good girl.” Hinawakan niya sa balikat si Lilac. “Wala kang kasalanan sa nangyari, Lilac. Don’t feel guilty.” Tumingin siya sa wristwatch niya. “You have to go. Jett is expecting you tonight. Siya `yong Bloodkeeper na kasa-kasama noon ni Finn at siya rin ang nagbabantay sa orphanage ngayon.”

Nangilid ang mga luha ni Lilac, pagkatapos ay tumango ito. “Ang dami ko nang utang sa’yo, Denim. Ngayon naman, tinutulungan mo kaming hanapin ang pamangkin ko. Babawi ako sa’yo, promise.” Sa pagkagulat niya, niyakap siya nito at marahang hinagod sa likod. “Be strong. You’ll eventually get by.”

“Thank you, Lilac,” nakangiting sabi ni Denim nang kumalas siya sa yakap ni Lilac. “You know what? I think we can be BFFs.”

Natawa si Lilac, saka kumindat sa kanya. “I declare us BFFs from this very minute.”

Ngumiti lang si Denim dahil nakita na niya si Tyrus na parang bigla na lang sumulpot sa tabi ni Lilac.

“Ready to go, babe?” tanong ni Tyrus kay Lilac, nakapalupot agad ang braso sa baywang ng babae. “Handa na ang kotse sa labas.”

Nakangiting tumango si Lilac, saka ito muling humarap sa kanya. “I’ll see you tomorrow, Denim. Ikaw ang gagawin kong unang ninang ng pamangkin ko.”

“I’d love that,” nakangiting sagot ni Denim.

Kumaway sa kanya si Lilac, saka ito patakbong bumaba ng hagdan ng nag-iisa.

Nagtaka si Denim ng nanatiling nakatayo si Tyrus sa harap niya. “May sasabihin ka ba?”

Tumango si Tyrus. “Nasa poder ni Lord Nicholas ang Uncle Miguel mo.”

“Nabanggit nga sa’kin ni Eton kagabi habang nasa biyahe kami. How’s my uncle now?”

Ngumiti ng tipid si Tyrus at marahan siyang tinapik sa balikat. “Ligtas na siya sa panganib. Si Irina, isa sa pinakamalakas na manggagamot sa uri naming mga Bloodkeeper, ay matagumpay na naalis ang lahat ng dugo ni Magnus sa sistema ni Miguel. Ibig sabihin, hindi na uli magagamit ng bampirang `yon ang katawan ng uncle mo. For extra measure, do’n muna siya sa poder nina Lord Nicholas magpapagaling.”

Humugot ng malalim na hininga si Denim dala ng matinding relieved. “Thank you, Tyrus. Thank you sa lahat ng tulong niyo sa’kin.”

“Mas malaki ang tulong na naibigay at ibinibigay mo sa’min, Denim,” sagot ni Tyrus. “This time, let us protect you. You’re not alone, okay? We’re here for you. You also have Ethan.”

Ngumiti lang si Denim dahil hindi niya alam ang isasagot do’n. Pero aaminin niyang nabawasan ang bigat ng kalooban niya sa mga narinig niya kahit pa parang lutang pa rin ang isipan niya ngayon.

Nang hindi siya sumagot, nagpaalam na sa kanya si Tyrus na nawala agad sa harap niya.

Dahil pagod pa rin ang pakiramdam niya, umakyat muna siya at bumalik sa kuwarto. Nangako siyang tutulungang magluto ng hapunan si Hyacinth. Pero maaga pa naman kaya magpapahinga muna siya.

Pagbukas ni Denim ng pinto ng kuwarto, nagulat pa siya nang makita ang malaking tent na naka-set up sa tapat ng kama. Mas lalong nabigla siya nang makita si Eton na nakatayo habang may kung anong kinakalikot na lubid. “Eton?” nagtatakang tanong niya, saka niya sinara ang pinto.

“Ah, at least you still know my name,” blangkong sabi ni Eton, hindi lumilingon sa kanya.

Lumabi lang si Denim, saka siya umupo sa kama at pinanood si Eton sa ginagawa nito. Hinintay niyang magpaliwanag ito, pero nagpatuloy lang ito sa pag-aayos ng tent. Ang dami niyang tanong pero kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling magsalita.

“Damn, I give up,” frustrated na sabi ni Eton, saka binitawan ang hawak na lubid. The next thing she knew, he was already kneeling beside her while looking up at her with pleading eyes. “Bakit hindi mo ko pinapansin, Denim Blue Benitez? May nagawa o nasabi ba kong masama sa’yo? Kung oo, anong kailangan kong gawin para mapatawad mo na ko? O pansinin man lang.”

Napakurap-kurap si Denim. “Kailan ka pa naging matanong?”

“Simula nang itrato mo ko na parang hindi mo nakikita.”

Bumaba ang tingin ni Denim sa mga kamay niya. Gumulo na naman ang mga emosyon niya ngayon. “It’s not that I don’t see you, Eton. I just can’t look at you without my chest aching.”

“Why, Denim? Dahil ba wala akong nagawa para iligtas si Finn kahit nando’n ako kagabi?”

Kunot-noong nag-angat ng tingin si Denim kay Eton. Nanikip ang dibdib niya nang makita ang matinding guilt sa mukha nito. “Hindi, Eton,” umiiling na sagot niya. “Hindi kita sinisisi sa nangyari. Alam kong ginawa mo ang lahat para protektahan ako at tulungan si Finn. Nakita ko naman na sinubukan mong iligtas siya. Kaya bakit mo naman naisip na `yon ang dahilan ng pag-iwas ko sa’yo?”

“Kung gano’n, iniiwasan mo nga ako?”

Bumuga ng hangin si Denim. Yumuko siya at tumango. “I feel guilty, Eton. Alam kong ikaw ang mahal ko. Pero mas pinili kong sumama kay Finn kasi hindi ko siya kayang saktan at mas lalong hindi ko siya kayang iwan. May pakiramdam kasi ako na maliligaw ng landas si Finn kapag umalis ako sa tabi niya. Kaya nagdesisyon akong kalimutan ang feelings ko para sa’yo at mahalin ng higit pa sa pagiging best friend o pamilya si Finn.” Nangilid na ang mga luha niya kaya basag na ang boses niya nang nagpatuloy siya. “But at the end, Finn told me that I have to choose the man I truly love this time. Hindi raw dapat ako mag-settle sa lalaking mas mahal ako. Gusto niyang bumalik ako sa’yo, pero parang hindi ko kaya.”

“Bakit naman hindi, Denim?”

“Kasi hindi ako deserving sa inyo ni Finn,” katwiran ni Denim. “Minahal ko si Finn pero alam kong hindi sapat `yon para masuklian ko `yong pagmamahal na binigay niya sa’kin. Mahal din kita, Eton, pero hindi ko naman napanindigan.” Pinunasan niya ang mga luha niya na basta na lang pumatak. “Sobrang hina ko. I can’t believe that Finn died because of someone like me.” Nag-angat siya ng tingin kay Eton na napansin niyang titig na titig sa kanya. “Mas lalong hindi ako makapaniwala sa sinabi mo kanina na papatayin mo si Magnus para maging masaya ako. Are you in love with me or something?”

“What if I am?” deretsang tanong ni Eton, hindi kumukurap.

“Forget about it and find someone else to fall in love with,” sabi ni Denim kahit nasaktan siya sa sarili niyang utos, kaya yumuko na lang uli siya. “O kaya, hintayin mo na lang si Lola Isabel na maging single. Ang sabi sa’kin ni Aunt Cerise dati, babalik sa batang anyo ang mortal na babaguhin ng isang Bloodkeeper kung `yon ang gusto nito. Kapag binago mo si Lola Isabel, puwede siyang maging bata uli kaya hindi na kayo alangan sa mata ng ibang mga tao. Siya naman ang mahal mo, eh. Naaawa ka lang sa’kin.”

“Paano mo naman nasabi `yan?”

“Dahil ganyan din ang nararamdaman ko para kay Finn noon,” pabulong na sagot ni Denim. “`Yong kulang na pagmamahal ko sa kanya, pinatungan ko ng awa para magkaro’n ako ng buong dahilan para hindi siya iwan.” Muli, nag-angat siya ng tingin kay Eton. “I’m a horrible woman, am I not?”

“The people around you won’t love you if you are,” marahang sagot ni Eton. “Denim, espesyal ang ugnayan na meron kayo ni Finn. Higit pa `yon sa pag-ibig. Hindi ko alam kung ano `yon, pero sigurado akong sapat `yon para piliin niyong manatili sa tabi ng isa’t isa sa kabila ng lahat.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “At hindi mo kailangang magpaliwanag sa’kin kung bakit si Finn ang pinili mo kahit ako ang mahal mo. Hindi sa lahat ng oras ay binibigyan tayo ng pagkakataong makasama ang mga minamahal natin. Sinakripisyo mo ang sarili mong kaligayahan para mapasaya ang lalaking alam mong hindi mabubuhay ng wala ka. You saved him by staying with him because you can’t watch other people suffer when you can help them, even at your expense. Huwag mong isiping kahinaan mo `yon. That’s how you are and that what makes you a unique individual. `Yon din eksakto ang dahilan kung bakit mahal ka namin.”

Napangiti si Denim dahil hindi naman siya gano’n ka-slow para hindi maintindihan ang mga kinikilos at sinasabi ni Eton simula kagabi. Ang maramdaman ang pagmamahal ng lalaki, sobrang sarap sa dibdib.

“You finally smiled at me,” parang relieved na komento ni Eton, saka nito marahang pinisil ang pisngi niya. “I’m happy to see this smiling face again, Baby Blue.”

“‘Baby Blue?’”

Nagkibit-balikat si Eton pagkatapos alisin ang kamay sa pisngi niya. “I like the sound of it.”

Sumimangot si Denim kahit gusto niyang ngumiti uli. “Ayoko pang maging masaya hangga’t hindi pa nahuhuli si Magnus, Eton. I know Finn wants me to be happy. But still, it doesn’t feel right yet. Nakaka-guilty na nagagawa ko na uling ngumiti kahit kamamatay lang ni Finn nang dahil sa’kin.”

“Sigurado akong hindi pinagsisisihan ni Finn na inalay niya ang buhay niya para iligtas ka.”

Marahang tumango si Denim. “Alam ko `yon, Eton. Wala naman akong balak maging miserable habambuhay dahil nangako ako kay Finn na magiging masaya ako. Pero sa ngayon, gusto ko muna siyang ipagluksa. It’s something that pure mortals should do for their loved ones who passed away.” Pinisil niya ang pisngi ni Eton. “So don’t make my heart flutter yet.”

“Alright, I’ll try not to,” seryoso nang sagot ni Eton, saka ito umupo sa tabi niya. “Pero ipangako mo munang hindi mo na uli ako iiwasan.”

Tumango si Denim. “Hindi na uli kita iiwasan.”

Ipinatong ni Eton ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. “How are you?”

“Kahit pagsama-samahin pa ang mga salitang lungkot, sakit, pagkamiserable, hindi pa rin `yon sapat para ma-describe ang nararamdaman ko ngayon,” malungkot at matapat na sagot ni Denim. “A huge part of me died with Finn. Pakiramdam ko, comatosed patient ako at mga apparatus na lang ang dahilan kung bakit humihinga pa ko. `Yon nga lang, ang aparatong bumubuhay sa’kin ngayon eh `yong mga huling bilin sa’kin ni Finn. He saved me because he wanted me to have a happy life.” Marahang tinapik-tapik niya ang mga pisngi nang maging emosyonal na naman siya. “Imposibleng hindi ako malungkot sa tuwing maaalala ko si Finn. Pero nakiusap siya sa’kin na huwag siyang gawing “sad memory” dahil ang gusto niya, nakangiti ako kapag maiiisip ko siya. Maybe later. But for now, I just want to cry.” Nilingon niya si Eton at nang makita niya ang pag-aalala sa mukha nito, ngumiti siya at biniro ang lalaki. “Don’t tell Finn, okay?”

Marahang tumango si Eton. “I won’t.”

“Thank you, Eton,” nakangiting sagot ni Denim, saka niya tinuro ang tent. Hindi na siya makatiis. “Dito ka ba matutulog? Pero bakit? Nag-aalala ka ba na baka saktan ko ang sarili ko sa sobrang lungkot ko? Babantayan mo ba ko? Gaano kalalim na ba ang feelings mo for me?” Napasinghap siya at nanlalaki ang mga matang muling nilingon si Eton. “Pang-forever na ba `yan?”

Much to her delighted surprise, Eton smiled at her. It was a full-blown smiled which showed his complete set of white teeth and gave a different kind of sparkle in his usual dull eyes. “Finally. You and your curiosity. I never thought I’d miss listening to your endless questions, but I did.”

Napahawak si Denim sa dibdib niya nang biglang kumabog ng mabilis at malakas ang puso niya. “You promised not to make my heart flutter but you just did!”

Eton just smiled again. Pero nang sumimangot siya, sumimangot din ito. “Fine. Ngingiti na lang uli ako kapag ikaw na mismo ang nagmakaawa sa’king ngumiti ako.”

Kinagat ni Denim ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti.

Akmang may sasabihin si Eton, pero natigilan ito at sumenyas sa kanya. Dinukot nito ang phone nito at bigla itong napaderetso ng upo nang sagutin ang tawag. “Lord Nicholas.”

Nag-iwas ng tingin si Denim para bigyan ng privacy si Eton. Pero wala rin naman siyang naintindihan dahil puro tango at ‘Yes, Lord Nicholas’ lang ang narinig niya mula rito. `Yon nga lang, napansin niyang hindi okay ang boses ng lalaki. Parang hindi ito masaya.

“I have to leave,” pagbabalita ni Eton pagkatapos makipag-usap sa phone. Humarap ito sa kanya at naging pormal na uli ang mukha. “Biglaang umuwi si Prince Estefano mula sa Europe dala ang ataol ni Lord Riccos na nakuha ng prinsipe mula sa mga Grandkeeper. The prince is badly injured so Lord Nicholas is summoning the squad captains to escort him back to the mansion. Pero dahil nasa official mission si Captain Tyrus ngayon, ako muna ang magiging representative ng squad namin.”

“Ah,” tumatango-tangong sabi ni Denim. “Okay. Mag-iingat ka, Eton.”

Tumango lang si Eton, saka ito tumayo sa harap niya at pinatong uli ang kamay sa ibabaw ng ulo niya habang nakatingin pababa sa kanya. “I’ll be back as soon as I can, Denim. Nandito lang naman sa mansiyon sina Hyacinth, Saffron, at Onyx. They’ll keep you safe in my place.”

“I’m not a baby,” reklamo ni Denim, saka niya marahang inalis ang kamay ni Eton sa ulo niya. “Go.”

Eton just snorted. Saka ito naglakad papunta sa pinto. Pero no’ng isasara na nito `yon, pumihit ito paharap sa kanya. “May nakalimutan pala akong sabihin sa’yo, Baby Blue.”

“Ano `yon?” kumukurap na tanong ni Denim.

Kinagat ni Eton ang ibabang labi na parang nagpipigil ngumiti. “I found you. Kaya pagbalik ko, gusto kong isauli mo sa’kin `yong bagay na ninakaw mo no’ng iligtas mo ko sa mansiyon.”

Bago pa makapag-blush si Denim, wala na si Eton. Nasapo na lang tuloy niya ng mga kamay ang mga pisngi niya. Sigurado siyang `yong “kiss” ang tinutukoy ng lalaki. “Paano niya nalaman `yon?”

Nang masiguro niyang wala na si Eton, humiga siya sa kama, nakatitig lang sa kisame. Ngayong mag-isa na uli siya, muli na naman siyang bumalik sa kalungkutan. Lumipas ang ilang oras na tulala lang siya. Kahit na nagagawa na niyang magpatuloy sa buhay, nabubutas pa rin ang puso niya sa tuwing naaalala niya si Finn. Gaya ngayon. Na-mi-miss na niya ang best friend niya. Pero himbis na ang mga huling araw nilang magkasama ang alalahanin niya, inisip na lang niya ang lahat ng happy memories nila.

Do I really deserve the life you gave me, Finn?

Isang malakas na pagsabog ang gumising sa diwa ni Denim. Napabangon siya pero pagtayo pa lang niya, bigla na lang may malakas na puwersang tumulak sa kanya para muli siyang mapaupo at yumuko. Habang nakatingin siya pababa, bigla na lang may sumulpot na isang pares ng kulay pulang mga sapatos.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at sa bawat sumasalubong sa paningin niya, para siyang kinakapos ng hininga: Mahabang bestida, ginintuang buhok na nakatirintas, at kulay emerald na mga mata.

Napalunok si Denim sa takot. “Aunt Cerise…”

“Hi, Denim,” malungkot na bati ni Aunt Cerise sa kanya. “Gusto mo bang dalawin ang puntod ni Finn?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.