BAIDER (FILIPINO VERSION) Chapter 25

"Kumain ng marami, okay?" Masigla kong sabi habang nilalagyan ng pagkain sa plato si Laurex at Laurenz.

Masigla silang kumain at nagkukulitan. Pinapanood ko lang sila at saka hinalikan ang pisngi nila parehas.

"Mommy! I'm a big boy na!" Nakasimangot na sabi ni Laurex.

"Big boy raw umiihi ka pa nga sa kama," biro ni Laurenz sa kapatid, pinagkunutan nanaman siya nito ng noo.

"Shut up, Kuya!" Matalim niya itong tiningnan.

Para talaga siyang ang batang si Laurent.

"I'm home!"

Biglang tumakbo ang dalawang bata at yumakap kay Laurent. Kinarga niya ito parehas kahit pa ang lalaki na nito. Hindi lang ako ang palagi niyang binubuhat maging sila. Lumapit siya sa akin at humalik sa noo ko.

"Kumain na ba ang bebe girl ko?" Malambing niyang ani.

"Ah hindi pa," nag-iwas ako ng tingin dahil sa pag-init ng pisngi ko.

Bebe girl ko..

Gumapang ang kilig sa buong katawan ko. Ano ba 'yan? Ilang taon na kaming magkasama para pa rin akong batang kinikilig sa kaniya.

"Ayieee!" Natawa ako sa pang-aasar ng dalawang anak namin.

"Si mommy kinikilig," nakangiting sabi ni Laurenz.

"Mommy really loves daddy," nakangiting sabi ni Laurex. Buti naman nakangiti na siya ngayon.

"Kayo talaga!" Kiniliti ko ang dalawang bata habang karga ni Laurent tawa naman sila nang tawa. Nakangiti namang pinagmasdan lang kami ni Laurent.

Kumain kami nang masaya hanggang sa ihatid namin ang dalawang bata sa kwarto nila.

"Sleep well, sa aming mga prinsipe," nakangiting sabi ni Laurent at hinalikan ang dalawang bata sa noo.

"Matulog na, huh? Maaga pa kayo bukas," sabi ko. Lumapit din ako at hinalikan silang dalawa.

"Good night."

Nakangiti naming nilisan ang kwarto ng dalawang bata. Pumasok kami sa master's bedroom. Nauna akong naligo at nagpalit ng nighties. Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin nang lumabas si Laurent galing banyo. Tumutulo pa ang buhok at nakabuhol ang towel sa baiwang niya. Nag-iwas kaagad ako ng tingin daig ko pa ang batang ewan kahit ilang taon na kaming magkasama at may dalawa ng anak. Lumapit siya at hinawi ang buhok ko sa kanan.

"Hmm?" Nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang repleksyon niya sa salamin.

Yumuko siya at dinampian ako ng halik sa leeg bago humalik sa labi ko. Nang lingunin ko siya ay mapungay na ang mga mata niya.

"I want a.. princess," sabi niya habang pinapaliguan ng halik ang noo, ilong, pisngi at labi ko.

Nag-init ang buong sistema ko nang halikan nanaman niya ako sa leeg. Iginaya niya ako sa sofa nang nakangisi. Sumunod naman ako sa kaniya. Iniupo niya ako sa hita niya. Nakaharap ako sa kaniya at nakayakap ang hita sa baiwang niya. Nakakailang naman ang posisyon tapos wala pa siyang damit pang-itaas at towel lang ang nakatakip sa katawan niya.

Asawa mo siya, Anmela. Kailan ka ba masasanay?

"You're so hot and.. sexy," pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Nag-iinit ang pisngi ko sa ginagawa niya. Marahan niyang hinaplos ang curves ko kaya napalunok ako. Nang ibalik ko sa kaniya ang paningin ay hinaplos niya ang pisngi ko pababa sa leeg ko at ibinaba ang kanang strap ng pang-itaas ko.

"Laurent!" Saway ko sa kaniya at itinaas muli ang strap ko pero ibinaba niya lang ulit 'yon.

Nakangisi niyang ibinaba ang pang-itaas kong nighties dahilan upang tumambad sa kaniya ang mammary gland ko na kapantay mismo ng mukha niya. Hindi na kasi ako nagbra-bra sa gabi dahil hindi ako komportable. Pinasadahan niya iyon ng tingin kaya tinakpan ko.

Nahihiya ako!

"Matulog na tayo," akmang aalis ako sa pagkakaupo sa hita niya pero hinapit niya ulit ako.

"I said.. I want a princess," nakangiti at malambing niyang sabi.

Tinunaw nanaman ako ng ngiti niyang iyon. Tuwing nakikita ko iyon hindi ko talaga magawang pumalag man lang. Masiyadong malakas ang mahika no'n.

Tinitigan ko lang ang g'wapo niyang mukha. Hanggang sa isang madamdaming haplos ang ginawa niya sa mammary gland ko pababa sa may puson ko. Natigilan ako nang tanggalin niya ang towel at ihagis iyon sa kung saan. Hinaplos niya ulit ang leeg ko gamit ang hintuturo pababa sa dibdib, tiyan, puson at nang bumaba ay nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin niya ang maiksi kong nighties pang-ibaba. Ngayon ramdam ko na ang lahat.

Humugot ako ng sobrang daming hininga dahil pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin. Pinagpawisan ako at may kung anong hinahalukay sa tiyan ko. Nagkakagulo na rin ang buong sistema ko hindi ito ang una pero bakit parang laging una? Kumalabog nang sobra ang dibdib ko.

"You look nervous," nakangisi niyang sabi. Tumango lang ako.

"Why? I'm your husband," tumawa siya. "Really? We have two sons and now you're telling me you’re nervous?" Ngumisi na siya.

"Eh?" Nag-iwas ako ng tingin.

Napabalik lang ang tingin ko nang iharap niya ang mukha ko sa kaniya at emosyunal na hinalikan ang labi ko saka bumaba at sinimsim ang mammary gland ko.

Samu't saring kuryente ang gumapang sa buong katawan ko iba't ibang pakiramdam ang binuhay niya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang dahan-dahan niyang ipinasok ang kawal sa palasyo. Natutop ko ang bibig ko habang siya naman ay nakangisi. Humugot ako nang malalim na hininga. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing nangyayari ito.

Nakagat ko ang labi ko nang pumasok na iyon hanggang sa kung saan ito aabot. Nakangising pinanood ni Laurent ang bawat ekspresyon ko.

"Hmm. Taste so good," sabi niya habang nakatingin sa mukha ko at saka kinagat ang labi niya. Ilang segundong nanatiling gano'n. Dumiin ang pagkakagat niya sa labi niya nang makitang humuhugot na ako ng malalalim na hininga.

"Is it better?" Nang-aakit na tono niya at saka ngumiti nang malapad. Nilaro ng digits niya ang mammary gland ko.

"Y-yes," nauutal kong sabi. Tumulo na ang pawis ko at may kung ano akong nararamdaman.

"Can I?" Hinawakan niya ang baiwang ko para bang dinadahan-dahan niya.

Hindi ko na magawa pang magsalita kaya tumango na lang ako. Iginaya niya ako sa gusto niyang galaw.

"Laurent!" Pilit kong ginagawang suway iyon pero parang naging tono ng pagpayag.

"Anmela! Ugh!" Hingal na hingal niyang sabi habang ang musika ay patuloy sa pag-beat. Rinig ko ang iba't ibang murang binitawan niya. Mas maingay pa siya sa akin. Pagod akong bumagsak sa balikat niya at yumakap. Ramdam ko ang tibok ng puso naming dalawa. Ang bilis no'n ay nagkakarerahan. Ang saya ko ay hindi na mapangalanan. Siya lang talaga ang lalaking nakapagparamdam sa akin ng katiwasayan at pagmamahal na hinding-hindi mawawala kailanman.

Nakapikit ako nang tumayo siya habang karga ako at ilapag sa kama.

"Are you tired, Bebe girl?" Nagmulat ako ng mata upang makita siya. Nakangiti siya at nakatunghay sa akin.

"Hindi gaano," tipid kong sagot at saka tinitigan ang guwapong mukha niya.

Nagulat na lang ako nang gawin niya nanaman. Gusto ko pang magpahinga pero ipinakita niya sa akin ang malapad niyang ngiti.

Suko nanaman ako. Hindi ako papalag sa ngiting 'yon. Ang ngiting hindi nakakaumay. Ang mukha niyang paborito kong pagmasdan.

"Laurent.."

Wala na akong nagawa at muling nagpaubaya. Akala ko ay tapos na pero itinalikod niya ako at dinapa sa kama.

"I'm sorry, Bebe girl. I'm really craving to you," bulong niya sa tainga ko. Ngumiti lang ako bago niya ako dampian ng halik sa labi. “Bebe girl. You’re the dream that I’ve never wish for.”

Muli niyang pinatugtog ang kanta. Ang kantang tumagal man ang panahon hindi magsasawang pakinggan iyon kung siya ang aking kasayaw.

Pagod na pagod na ako..

Nakapikit na ako nang yumakap siya sa akin. "I badly want.. more," bulong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Huh?"

Bago pa ako makapagsalita ulit ay binuhat niya na ako papunta ng banyo. Tumatawa na ako dahil nagkanda-bangga kami sa mga nakaharang sa pagmamadali niya kaya inis na inis siya at kunot nanaman ang noo. Katulad ng palagi kong ginagawa hinahalikan ko ang noo niya kaya umaaliwalas iyon.

"Wag mo nang ikukunot ang noo mo. Nandito na ako 'di ba? Nandito na kami ng mga anak mo," paglalambing ko sa kaniya at mahigpit na niyakap siya.

Nakaupo ako sa sink at siya naman ay nasa harapan ko.

"That's my normal, Bebe girl."

"Oo nga, pero ang hiling ko 'wag ka nang madalas sumimangot, okay?"

Ngumiti siya nang malapad. Iyong halos hindi na makita ang mga mata. Hindi napagod ang puso kong tumibok para sa kaniya.

Mr. Baider...

Nahaplos ko ang mukha niya at tinitigan iyon nang sobrang tagal.

"Paano naging akin ang ganito kaguwapong lalaki?" Madamdamin kong sabi sa kaniya habang nakatitig sa mata niya.

Umiling siya habang nakangiti. "To be more appropriate, how this beautiful Anmela Eris fell in love with the most masungit member of the Baider's family?"

Nilapit ko ang noo ko sa noo niya hindi namin alintana ang lamig dahil parehas kaming walang saplot.

"Kahit masungit ka.. ikaw pa rin ang Mr. Baider ko." Nakangiti niyang dinampian ng halik ang labi ko.

"Napakaswerte ko sa asawa ko." Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Binuhat niya na ako papunta sa shower.

Talagang hindi siya matigil kakabuhat niya sa akin. Naging normal niyang gawain iyon. Araw-araw, lalo na kapag nakikita niyang pagod na ako kakaalaga sa dalawang bata.

Naramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa shower.

Sinabunan niya ang buong katawan ko. Nakangisi siya habang ginagawa 'yon. Natatawa lang ako sa kaniya kasi 'yong ngisi niya parang laging may masamang balak. Kinuha ko ang sabon at siya naman ang inasar.

"I love you, Anmela Eris Baider," nakangiti niyang sabi.

Okay, talo nanaman ako sa ngiti niyang iyon.

"I love you always, Laurent Baider," hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. Muli niya akong sinunggaban ng halik kaya naulit lang ang muling pagsaliw ng musika.

'Di ko ito pinagsawaan kahit kailan, hindi rin ako tumanggi, dahil kung ano ang gusto niya ay sinusunod ko. Palaging bago sa pakiramdam, palaging akala mo ito ang una siguro dahil siya ang aking kasayaw.

Mr. Baider ko...

Pagod na pagod na ako nang ihiga niya sa kama pero ang ngiti sa labi ko ay hindi na naalis pa. Ramdam kong pinunasan niya ang buong katawan ko at saka blinower ang buhok ko.

Si Laurent Baider lang talaga ang lalaking kinabaliwan ko... kahit mamatay ako ngayon, mamamatay ako ng may ngiti sa labi at masaya.

"You're my one and only, Bebe girl," kahit hindi ako magmulat ng mata ay alam kong nakatunghay siya at nakangiti sa akin. "I hope this time the baby is princess."

"Hmm," yumakap lang ako sa baiwang niya.

"You look really tired."

"Pinagod mo ako," lalo akong sumiksik sa kaniya pero hindi pa rin nagmumulat ng mata.

Nang humiga siya sa tabi ko ay mahigpit akong yumakap at ihinilig ang ulo sa dibdib niya.

"Laurent?" Tawag ko sa kaniya.

"Yes, Bebe girl?" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Sana 'pag nagka-anak na si Laurenz at Laurex babae," malambing kong sabi.

"So, you want a granddaughter?"

"Oo, para hindi masyadong mahirapan ang papakasalan nila." Ramdam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko.

"Gusto kong pangalanan mo silang Bright Sun, Diamond at Shine Clear."

"Okay, Bebe girl," humigpit ang yakap niya sa akin.

"Sabihin mo sa kanilang 'wag silang matakot magmahal dahil kung talagang mahal sila ng taong mahal nila walang dapat ikatakot sa patunay. Ililigtas sila ng puro at totoo nilang pagmamahal," naluha ako sa emusyunal kong sinabing iyon. Pakiramdam ko kung hindi ko ito sasabihin ay pagsisisihan ko iyon.

"Is this a will?" Inangat ni Laurent ang mukha ko.

Umiling ako. "Hindi, gusto ko lang sabihin," ngumiti ako.

Kahit sa dibdib ko ay sinasabing parang 'oo' sa hindi ko malamang dahilan.

"Diamond para sa mahalaga at mamahalin na walang tutumbas pa sa halaga ng tunay na pagmamahal sa pamilya." Humugot ako ng hangin bago muling nagsalita. Nakapikit ko iyong sinasabi sa kaniya. "Bright Sun, para sa pagbibigay ng bagong pag-asa sa tuwing umaga. Nagbibigay ng lakas at enerhiya sa bawat miyembro ng pamilya at Shine Clear..." Ngumiti ako. "Para sa malinaw na pagkinang, walang alinlangang pagmamahal, malinaw, puro, sinsero, walang kinatatakutang pagpapakita ng pag-ibig upang maihayag ang tunay na damdamin."

Humigpit ang yakap sa akin ni Laurent. "Why are you telling these to me? Are you gonna leave me?" Nakita kong umiiyak na siya. Pinunasan ko ang luha niya.

Kung bakit ba naman sobrang emosyunal ko ay hindi ko alam basta gusto kong sabihin ang mga iyon.

"No, I'm always here." itinuro ko ang puso niya at saka tumulo na rin ang luha ko. "No matter what happen. I'm always here, remember that." Tumaas ako para gawaran ng halik ang labi niya matapos ay hinaplos ko ang mukha niya. “Kahit saan ako magpunta palagi kong dala ang pagmamahal ko sa iyo.”

“My Baider.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.