BAIDER (FILIPINO VERSION) Chapter 27

"I will stay single forever," I said that to Resttan, Restelle and Lauressa.

We're here at the coffee shop spending time together.

"I hate doing intimate. I should not fall in love because of that fucking tradition," Resttan said while sipping his caramel coffee.

"Yeah, me too. I'm so scared," Restelle laughed.

Restelle is one of my closest cousin that's why she is really important to me. The day she died because of Dred, I killed him without hesitation.

"What if we meet the love of our life?" Lauressa smirked.

What for?

Love really doesn't matter in our family. They will just die if they try to get involve with us.

"Is it--" I stopped talking when I saw a nursing student walking outside the coffee shop. I shook my head when I saw how focus she is while reading at the street.

She's crazy!

"Cool!" I looked at Resttan.

He also looking at the girl that I was staring at. My eyebrows automatically went up and glared at him. I don't know, but there is something bothering at my chest when I saw his smirk to my girl.

Wait? What?

My girl? I shook my head to ease my craziness.

No way!

The next thing I knew was, I was looking at her everyday at the hallway. I did not talk to her because I really don't want. I just want to look at her face all day. One day, I simply asked one of her classmate about her name.

Anmela Eris Velasco..

I smiled. Nice name, but I can't talk or come near to her anymore.

"Liligawan kita."

Fuck? I was shocked when she say those words.

Really?

I did not take it seriously, but I feel the happiness.

She stole my first kiss. What the fuck, right? She's so naughty, but I really admit that I LOVE HER.

I LOVE HER SINCE THEN..

It's just I'm really scared to make her the part of our family.

She talked to me everyday, naughty and playful. She doesn't new that I liked that, I badly want that every single day.

"Will you marry me?"

Yes, I want to spend my whole life with you, but it's not going to happen. I keep silent while pretending that I'm not hurt.

Every minute, I was looking at my wallpaper, smiling, and fuck my craziness, I kissed my phone every night and saying "Good night, Anmela Eris. I love you."

When we broke up I’m looking at her at the distance. I followed her wherever she goes. I went to the bar and saw Ardent holding her waist. My heart shouted in pain. She sat down to the couch and close her eyes. I got a chance to stare at her face, but it will never enough therefore I gently hold her cheek then I automatically go away when she open her eyes. It’s really painful to see how miserable she is. I almost die when I saw Ardent sleeping at her apartment.

Is he your boyfriend? Is it really easy for you to forget about me?

My tears never left me because I want to be with her, but I’m thinking of my family’s culture that may harm her if we continue to love each other. Months passed, but the pain and my love for her will never ever end.

I love her that’s all I know.

"Buntis ako."

My heart jumps so high. I was really happy and proud to my sperm cells, but my nervous masked my happiness.

She and my little angel will face the fucking patunay.

I cried out loud when I didn't see her for the past few days because of the condition on 'patunay'.

My bebe girl..

I was really hurt but I feel relief when Resttan doing things to be her companion. I'm really jealous! My jealousy is killing me, but what can I do? She badly needs me, but I'm not there to hug and hold her tightly.

My pain was almost killing me when she encounters patunay down the mountain. I was worried, so much worried!

My bebe girl and my angel..

Please be alive!

When I saw her face in front of me. The pain and frustration suddenly going down.

She's alive!

The moment that we married. I wanted to be with her all the time. Every second was precious for me at her side. I'm always happy because of her and our sons. I wanted to have a princess that's why I owned her at times when I'm not busy. She was so happy in love with me.

She doesn't really know how crazy I am loving her so damn much.

For the past years, I feel my NEVER ENDING LOVE FOR HER AND CONTENTMENT.

"Anmela," I kissed her on the forehead. "Mahal na mahal kita, sobrang mahal kita!" Sobrang higpit ng yakap ko sa kaniya pero hindi na no'n maibabalik ang buhay niya.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita! You're my only bebe girl!" Tulo nang tulo ang luha ko.

Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Kumikirot, pinapatay ako, pero wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyari.

"You and our sons and daughter are my comfort," patuloy lang tumindi ang iyak ko.

"Mommy!" Nagwawala na sa iyak ang dalawang anak namin.

Si Resttan ay tulalang nakatitig kay Anmela. Hindi lingid sa kaalaman ko na talagang minahal niya ang asawa ko, pero hindi ko na magawang magselos pa sa kaniya. Naiintindihan ko siya, nagpapasalamat pa nga ako dahil inaalagaan niya ang mag-iina ko.

Sa sobrang ingay ng iyakan ay hindi ko na magawang tumayo pa, hinang-hina ako. Sana pala hindi ko na lang hiniling na magkaroon ng prinsesa pero hindi ko sinisi ang anak ko bagkus lalo ko pa siyang minahal.

"Mahal ko.." Paulit-ulit na haplos sa pisngi niya ang ginagawa ko.

Ang tindi ng sakit sa dibdib ko, sagad na sagad ang pagluha ko, hina ng tuhod ko at ramdam ko ang paulit-ulit na tusok sa dibdib ko. Habol ko ang hininga ko dahil sa sobrang pag-iyak. Hinawakan ko na ang dibdib dahil sobrang sikip na no'n.

Anmela..

Paulit-ulit kong pagtawag sa kaniya sa isip ko. Muling pumasok sa alaala ko ang mga masasayang nangyari sa buhay namin. Ang masayang tagpo na hindi ko pinagsawaang balik-balikan. Ang araw na mabunggo siya sa dibdib ko, nanligaw siya, kinulit niya ako, kahit no'ng gabing muntik na siyang mapahamak, ang mukha niyang laging nakangiti, ang paghalik niya sa nakakunot kong noo, ang mga halik niya sa labi ko, ang yakap niya, ang malambing niyang tinig at marami pang iba.

Anmela naman!

Mahal na maha kita!

'I'm always here.'

Lumala ang paghagulgol ko nang maalala ang sandaling sinabi niya sa akin na palagi siyang nasa puso ko.

Anmela...

Waah! Ang sakit-sakit!

Wala na, hindi ko na mapangalanan ang sakit na nararamdaman ko, pero katulad ng sabi niya palagi siyang nasa puso ko. Hindi ko hiniling na magkaroon ng buhay pag-ibig dahil sa tradisyon pero kusang ibinigay iyon sa akin nang dumating si Anmela Eris. Lahat ginawa niya para mapatunayan niya na hindi nakakatakot ang magmahal. Hindi dapat iwasan dahil nandito siya at handang ibigay ang lahat para lang maging masaya ako. Nandito siya para mahalin ako ng higit pa sa inaasahan ko.

"Mommy! Mommy! Mommy! I will be a good boy promise! Hindi na ako magsusungit. Lagi na akong ngingiti gumising ka lang! Hindi ko na papaluin si Kuya ng arnis! Sorry, Mommy! Mommy!" Umupo na sa sahig si Laurex at hawak ang dibdib niya. Humahagulgol at inis na inis na ginagalaw ang mga paa.

Sobrang sakit makita, pero mas masakit makita ang asawa kong wala ng buhay.

Tahimik na lumuluha si Laurenz sa gilid ng ina. Hawak ang kamay nito at hinahaplos sa pisngi niya.

"I love you, mommy. You're the best mommy in the entire solar system. Mommy ko, I will always keep in mind what you said. Lagi kong aalalahanin ang pangaral mo mommy ko. Mommy, kung nasaan ka man mahal ka namin," mas lalong pinasakit noon ang puso ko sa sinabing iyon ni Laurenz.

Rinig ko ang malakas na iyakan sa kwarto. Hawak na rin ni Resttan ang dibdib at humahagulgol. Sa unang pagkakataon nakita ko siyang umiyak at sobrang nasaktan. Hindi rin matigil si Alem at Ardent sa kakaiyak. Ang lahat ng pinsan ko ay tahimik ring lumuluha. Napuno ang kwartong iyon ng iyakan at kalungkutan. Bawat minutong lumilipas ay mas tumitindi lang ang iyakan, nagpapalakasan at nagpapakita ng sobrang hinagpis.

Hindi ko alam na magkakaganito...

Anmela Eris...

Sa sobrang panghihina ko ay naituon ko na ang kamay ko sa kama upang suportahan ang sarili. Muli kong pinaliguan ng halik ang mukha ng asawa ko habang humahagulgol bawat halik ko ay may masakit na dulot sa akin. Pinapatindi no'n ang emosyon ko. Bumalik sa alaala ko ang pagpaligo niya ng halik sa mukha ko, ang pagkanta niya kanina lang. Gano'n pala talaga katindi ang pagmamahal niya sa akin dahilan upang gawan niya pa ako ng kanta.

Bawat taon namin magkasama ay nakita ko kung papano niya alagaan ako at ang mga anak namin. Napakabuti niya dahil ni minsan hindi ko siya narinig na sigawan ang mga anak namin. Hindi niya ako sininghalan kahit sobrang sungit ko madalas. Palaging ang tono ng boses niya ay malambing at may pagmamahal.

Ang balikan ang mga alaala namin na magkasama ay pumapatay sa akin. Hindi ko alam paano ang isang araw na wala siya. Hindi ko alam papano ang mabuhay kung wala ang asawa ko sa tabi ko. Lahat ng gusto ko palagi niyang sinusunod at nakangiti niya pa 'yong ginagawa kulang ang sabihin kong 'mahal ko siya' para sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Sinuong ang lahat para sa akin, ginawa ang mga bagay na kahit kailan hindi niya lubos naisip na gagawin niya at minahal ako ng buong-buo. Walang alinlangan, walang takot, walang pangamba, totoo, at puro.

Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay, Anmela Eris. Walang papantay saiyo dahil nag-iisa ka lang.

"Sir?"

Gumaan ang pakiramdam ko nang makitang bitbit ng nurse ang munting anghel ko, munting anghel namin ni Anmela.

Binuhat ko iyon at umagos lang nang paulit-ulit ang luha ko.

"Daddy's here, Laureyna Anmela Baider," malapad akong ngumiti kahit tumutulo pa rin ang luha habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Hindi ko iniisip na iniwan na kami ni Anmela Eris dahil hindi 'yon totoo. Nandito pa rin siya sa puso ko. Nandito pa rin ang mga anak namin. Inilagay ko sa dibdib ni Anmela si baby Laureyna at marahang niyakap sila parehas. Yumakap rin si Laurenz at lumapit na rin si Laurex. Naging isa iyong malaking yakap ng pamilya na puno ng pagmamahal para sa isa’t isa.

“Asawa ko..” Bulong ko sa tainga niya. “Hinding-hindi ka mawawala kailanman dito,” marahan kong inilagay ang kamay niya sa dibdib ko. “Ikaw lang nag-iisa.” Sa huling pagkakataon hinalikan ko ang labi niya at mahigpit na mahigpit na niyakap siya. “Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli nating pagkikita. My love will never change. I will continue to love you. I will wait for our next life. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko, hahanapin at mamahalin.”

Hindi siya nawala kailanman.. Hindi, dahil buhay na buhay siya sa puso ko.

Tatlong linggo ang lumipas.

"Uwaaa!"

Kinuha ko sa kuna at kinarga si Laureyna. Nakangiti ko siyang pinagmasdan. Pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Anmela.

"Bakit umiiyak ang baby namin? Huh? Miss mo na rin si mommy? Ako rin, eh. Miss na miss ko na," tumulo nanaman ang luha ko nang makitang ngumiti ang sanggol na si Laureyna.

Pinapalakas niya ang loob ko.

"Dad! Hindi ko masuot," lumapit ako kay Laurex at inayos ang pantalon niya habang sa kabilang kamay ay si Laureyna ang karga. “Dad, bilhan mo ako ng sapatos.”

“Sige. Siguro sira-sira nanaman ang sapatos mo.” Hindi siya nagsalita. Ang dami niya kasing sinasalihan na sports kaya kahit ang dami niyang sapatos nasisira agad.

"Dad. 'Yong bola ko nawawala, siguro kung saan nanaman nilagay ni Laurex," nagkakamot ang ulong sabi ni Laurenz.

"Hindi ako!" Nakasinghal na sabi ni Laurex.

"Nak, anong sabi ni mommy?" Nakangiti ko siyang tiningnan. Bigla niyang tinanggal ang naiinis niyang mukha at pinalitan ng malapad na ngiti.

"Oo, kinuha ko nga nando'n sa ilalim ng kama ko," pinilit ni Laurex na maging mahinahon ang tinig kaya naman umiiling akong nakangiti habang karga si Laureyna.

Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naririnig ko ang malambing na boses ni Laurenz dahil kitang-kita ko saan mang anggulo na kamukha niya ang kaniyang ina.

Araw-araw hindi ako magkanda-ugaga sa pag-aalaga ng mga anak namin ni Anmela, pero ayos lang. Tumayo akong ina at ama. Madalas umiiyak pa rin ako lalo na sa gabi pero kapag dumarating ang umaga na kailangan kong asikasuhin ang mga bata masaya naman ako dahil pakiramdam ko kasama ko pa rin naman si Anmela Eris.

Lagi kitang naalala, Anmela. Mahal na mahal kita. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng mga anghel.

Lumuluha man ako madalas dahil nangungulila sa kaniya nakontento na rin ako dahil nandito ang aking makukulit na anak. Si Resttan ay palagi kong katulong hindi siya napagod na asikasuhin din ang mga pamangkin.

Iyon daw ang huling bilin ni Anmela.

"Sabi ng mommy niyo, kung pu--" paalala ko sa mga anak ko pero naputol iyon nang sila ang nagtuloy.

"Kung puro at totoo ang pagmamahal makakaligtas sa patunay," sabay-sabay na sabi ng tatlo kong anak habang nakangiti. Maging si Laureyna na apat na taong gulang ay nagsalita no'n. Emosyunal akong ngumiti.

"Sabi ni mommy maging.." nakangiti kong sabi at sinadyang bitinin ang salita habang nakatingin kay Laurex at Laurenz.

"Good boy," sabay na ani ni Laurenz at Laurex.

"Anong sabi ni mommy, Laurex?" Tanong ko kay Laurex nang makitang nakasimangot nanaman ito, bigla niyang inayos ang pagkakakunot ng noo niya.

"'Wag masungit," ipinakita niya sa akin ang malapad na ngiti.

"Eh, ako daddy? Anong sabi ni mommy sa akin?" Cute na cute na tanong ni Laureyna.

Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na niyakap siya. Tumulo nanaman ang luha ko pero pinalis ko kaagad.

"Sabi ni mommy saiyo. Love na love ka raw niya," madamdamin kong sabi.

"Yehey!" Iniyakap ni Laureyna ang munting kamay sa batok ko.

Niyakap ko nang mahigpit ang tatlo kong anak.

Simula nang mamatay si Anmela hindi ko na kinukunot ang noo ko at nagsusungit, iyon din ang bilin niya sa akin.

Anmela talaga iniwanan ako ng mga gwapo at magandang anghel. Miss na miss na kita asawa ko..

Lumipas pa ang maraming taon. Nakapag-asawa na si Laurenz, Laurex at Laureyna. Nakakatuwang hindi na sila natakot sa patunay dahil sa palaging bilin ng kanilang ina. Nanatili ito sa mga puso nila hindi lumilipas ang araw nang hindi nila binabanggit siya. Kahit mapag-usapan lang siya ay masaya na ako. Naasawa ni Laurenz ang anak nila Ardent na si Zaxy nagbunga iyon ng dalawang magagandang babae na sina Bright Sun at Shine Clear. Natuwa ako dahil iyon ang hiling ni Anmela. Si Laurex naman ay si Tassiana ang naasawa na nagbunga ng isang anak na babae na si Diamond. Si Laureyna naman ay si Jerex ang naasawa at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Taxon Ken at Taxen Kil. Wala akong tinutulan ni isa man sa gusto nilang mapang-asawa kaya naman naging matagumpay ang buhay pamilya nila. Hindi rin nila ako nagawang iwan kahit minsan dahil ang gusto raw ng kanilang ina ay magkakasama kami. Gano'n niya pinalaki ang kaniyang mga anak, mabuti at may mapagmahal na puso.

"Lolo!" Nag-unahang tumakbo ang mga batang sila Taxon Ken, Taxen Kil, Bright Sun, Diamond at Shine Clear papunta sa akin. "Madapa kayo mga apo," nakangiti kong saway sa kanila.

Nang makalapit ay pinupog ako ng halik sa pisngi.

See, Anmela Eris, ang dami nating anghel.. sana lang ay nandito ka.. kasama ko.

"Lolo, are you happy?" Nakangiting sabi ni Shine.

Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi. "Of course, I'm always happy dahil ang pangarap na apo ni Anmela Eris ay heto na ngayon sa harapan ko."

"Lolo, ako rin," nagpapakargang sabi ni Diamond. Kinarga ko rin siya sa kabilang kamay pero nang mapasulyap kay Bright ay nakanguso ito kaya kinuha ko rin at binuhat. Tatlo na sila ngayong karga ko, tumatawa sila at nagkukulitan.

"Halika, Taxon Ken at Taxen Kil. Sakay sa likod ni lolo," nagmadali silang sumakay sa likod ko.

Nakakatawang gano'n talaga ako kalakas para mabuhat ko silang lima. Pero nag-iisa lang talaga ang bebe girl ko hindi iyon mapapalitan kahit kailan. Kahit ilang libong taon pa ang dumaan.

Namimiss na kitang buhatin, Anmela Eris... Sobrang miss na miss na kita.

Hindi ako nagsawang alagaan at mahalin sila dahil nakakasiguro akong nandito si Anmela sa puso ko. Palagi kong kasama at katuwang sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanila. Naniniwala akong ang pagtatagpo naming muli sa kabilang buhay ay hindi na kami paghihiwalayin pa. Katulad ng sabi niya ito ang puro at totoong pagmamahal walang hinihiling na kapalit, walang kinakatakutan, hindi iindahin ang sakit at ang mahalaga lang ay ang pagmamahal. Ang pagmamahal na hindi mapuputol kahit nasa magkaibang mundo na kami.

Hindi ako hihiling ng kahit na ano pero hihintayin ko ang muli nating pagkikita gaano man iyon katagal hindi maglalaho ang aking pagmamahal.

Hanggang sa muli, bebe girl.

"LOVE NEVER DEMANDS"

Laurent Baider

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.