“Is that for real? Isinama ka ni Prince Rostam sa Amazon jungle at kailangan mong magluto sa de kahoy na kalan?” nanlalaki ang mata niyang tanong.
Nalaman niya ang extensive nitong experience at kung sinu-sinong sikat na tao na ang napagsilbihan nito. Kasama na sa mga iyon ang tagapagmana ng Middle Eastern kingdom ng Al-Ashiq na mayaman sa langis na si Prince Rostam at isa sa may-ari ng sikat na Stallion Island and Riding Club. Ito ang personal chef ng prinsipe hanggang nagdesisyon ito na bumalik ng Pilipinas para maging personal chef ng lolo niyang si Don Alfonso.
“Ah! The prince can’t cook even if his life depended on it. Okay. Sana lang hindi makalabas ang impormasyon na iyan. Baka ipa-hunting niya ako. Siguro kung ididispatsa niya ang lahat ng tauhan niya, tagaluto lang ang ititira niya. That prince is a hardened warrior, a brilliant tactician, a visionary, an economist but a lousy cook. Mabuti na lang laki ako sa Sagada. Marunong akong magluto sa kahoy. Naging expertise ko tuloy ang pagluluto ng exotic dishes.”
“Nothing too drastic, I hope.”
“Just a few frogs and snakes.”
“I eat those,” nausal niya. “Noong mas bata pa ako at naisasama ako ni Nanay sa mga mabubundok na lugar, nakakatikim ako ng adobong sawa, pritong palaka, nilasing na salagubang.”
“Iyon ang gusto ko sa mga lugar na napupuntahan ko. I like mingling with locals and learning about their culture and dishes. Gusto kong dumating ang panahon na makapagsulat ako ng libro tungkol sa mga pagkain nila at makagawa ako ng sarili ko.”
“Bakit hindi mo gawin. Stable naman ang mga restaurant mo dito. Capable ang managers na in-install mo. I mean, wala na rin si Lolo. You are free now.”
Iniwas nito ang mga mata. “There are still some things that I have to take care of. Responsibilities. Family.”
Madalang niyang makitang seryoso si Francois. Mukha kasing palagi itong nakikipagbiruan o kaya ay nanunukso. Ito ang nagpapagaan ng mood niya kapag down na down siya. Pero mukhang ito rin ay may sariling pinagdadaanan. May sariling drama sa buhay.
Biglang nag-iba ang mood sa pananahimik nito. Di tuloy niya maiwasang tumingala siya sa langit at nakadama ng lungkot. She was enjoying too much. Hindi niya alam kung dapat niyang i-enjoy ang karangyaang iyon o dapat siyang mapabilang sa mga may sinasabi. At least, si Francois ay ipinanganak na mukhang may kaya ang pamilya. Pinaghirapan din nito kung anumang achievement nito. Yes, may achievement din siya. Pero di kasama ang karangyaan sa mga natamo niya.
"Malalim na naman iniisip mo," untag ni Francois sa kanya.
"I am just afraid I might get used to this."
"What?"
"The luxury, being a Banal - hired help on my beck and call,” ipinitik niya ang daliri, “unlimited shopping for fabulous clothes, bags, shoes and accessories, a sexy chef who can take me to his place and we can relax in his Jacuzzi, tons of money at my disposal. Natatakot ako. This is too decadent for my taste and it feels so wrong to enjoy it.” Bahagya niyang inangat ang ulo at saka ito tiningnan. “Am I making any sense?”
"Natatakot ka na masanay na may kasamang sexy na chef na nakababad sa pool kasama mo?" tanong nito at humalakhak. “Ikaw lang ang kilala kong takot sa ganyan.”
"Seryoso ako. Bago sa akin ang lahat ng ito. Natatakot ako na baka makalimutan ko kung sino talaga ako."
Tumiim ang mga mata ng binata at tinitigan siya. "Sino ka ba?"
Nilaro ng kamay niya ang tubig. "I am just a simple girl, Francois. Hindi ako ipinanganak na privileged. Masasabi ko na ang lahat ng bagay na dapat ay nasa akin mula nang ipanganak ako ay ipinagkait sa akin."
"Being a Banal?"
"Yes. But it is not about the money. It is more on being recognized and being claimed by my supposedly family. Ipinagkait sa akin na lumaki at makilala bilang isang Banal. Tinalikuran kami ng ama ko. At kahit na gusto kong mapabilang sa tribong Lambayan, ayaw naman nila sa akin. Hindi nila ako matatanggap na isa sa kanila. My blood is tainted. I am cursed,” aniyang di maitago ang pait at sakit sa boses.
"Amira..."
She put on a brave face. "Don't feel sorry for me. Iyon ang humubog sa akin. Nagsimula kami ni Nanay mula sa baba. Pinalaki niya ako na lahat ng gusto kong makuha ay kailangan kong paghirapan - edukasyon, respeto ng ibang tao, damit at mga gamit na gusto ko at mga lugar na pangarap kong pasyalan. Lahat ay kailangan kong pagsikapan at paghirapan. Pinalaki niya ako na may pride. Kaya kung anumang mayroon ako, alam ko na deserving ako dahil nagtrabaho ako para makuha iyon."
"I admire that about you,” he said with truthfulness and respect.
"Thank you. Pero may malaki akong problema. Pagdating ko cottage ng empleyado ng Banall Mining, naka-set ang mesa at may waiter at violinist pa at may magbabantay pa rin sa akin. It was crazy. At nakatanghod lang sila sa akin habang kumakain. It irrirated the hell out of me."
"You are a Banal. What do you expect?"
"Kaya kong humanap ng karinderya sa tabi-tabi o kaya magluto ng sarili ko. Pwede akong mag-commute at mag-taxi. Hindi ko kailangan ng service."
He wore an amused expression. "Ikaw? Kakain sa karinderya? Honey, you travelled the world. You face dignitaries."
"I know where I stand. Alam kong di ako mayaman. Natutulog pa nga ako sa mga kalsada tuwing protests kung kinakailangan. Hindi ako maarte. Di rin ako sanay kumain mag-isa habang pinapanood kaya inutusan ko sila na sabayan ako."
"Inutusan?!"
"Yes. O mas tamang pinagbantaan. I told them I will fire them or won't give them referrals if they won’t eat with me. Sumunod sila sa akin."
"You are scary,” he uttered then shook his head.
"I am. Wala akong choice. Ayokong tratuhing kakaiba ng ibang tao dahil lang isa akong Banal. Tapos may mga damit na akong isusuot bukas para sa meeting pero naka-set na daw ang appointment ko sa Skyland Boutique. Now that's problem number two."
"You don't like the designs of Jennascia?"
Iniikot niya ang mga mata. "Ugh! No! I love everything. At sinabi niya na ginawa ang designs na iyon para sa akin. Inaprubahan ni Lolo."
"So you like everything. Anong problema?"
"My money is just enough for a dress or two. Pero sabi sa akin may allowance na para sa lahat ng iyon. At... at pumayag naman ako,” usal niya at bumagsak ang balikat na parang isang talunan.
"Wala nang problema pero malungkot ka pa rin? Ang ibang mga babaeng kilala ko ay magpapa-fiesta para lang sa libreng bagong set ng mga damit."
Bahagya niyang inangat ang sarili. "Hindi ako katulad ng ibang babae, Francois. Binibili ko lang kung anong kailangan ko. Ngayon lang ako bumili ng ganoon kadaming damit at sapatos. Napuno nga ang kotse sa dami. I am not sure if that is right. K-Kinuha ko ang mga bagay na hindi ko pinaghirapan. K-Kaya pinili kong mapag-isa muna. Pakiramdam ko sinasakal ako kanina. Hindi ako sanay.”
"You are a Banal. You are entitled to have those things and more. Para namang ninakaw mo."
"Exactly! Iyon mismo ang pakiramdam ko. Na malugod kong tinanggap ang bagay na hindi ko napaghirapan. Yes, everything comes with being a Banal.” Inilahad niya ang palad at inikot ang mga mata sa paligid. “Paano kung masanay ako na masanay akong makuha ang mga gusto ko nang di kailangang mag-angat kahit isang daliri. It can be addicting, Francois. Spending money I didn't work hard for. Getting everything I like on a whim. Nararamdaman ko na parang droga iyon na nagsisimulang dumaloy sa dugo ko, sa sistema ko. It can give me a high. Pero paano kung sobra na?"
Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya at bahagyang diniinan. "Nagi-guilty ka? Don't be. Wala naman iyang ikinatatakot mo. It is all in the mind."
"Paano kung magmukha akong pera? Paano kung masanay ako sa marangyang buhay at malaman ko na lang na nagiging halimaw na pala ako? Anong gagawin ko?"
Naalala niya ang madrastang si Carrie at kung paano siya nito sinubukang kumbinsihin na mas makakabuti sa kanya na makiisa siya sa tulad nito. Na mas maganda kung magiging matimbang ang pera at kalimutan na niya ang prinsipyo niya. At sa karanasan niya kanina matapos mabili ang lahat ng damit na gusto niya, natatakot siya na maharuyo siya sa tawag ng salapi, sa kinang ng ginto.
Pinisil nito ang ilong niya. "Don't think too much."
Parang ganoon lang kasimple. "Paano ko ngang di iisipin? Big deal iyon para sa akin.” Niyakap niya ang sarili. “ Ayokong mangyari iyon. Hindi ko alam kung ano pang darating na privileges sa akin ngayong isa na akong Banal. Baka mamaya hindi ko malabanan ang sarili ko. Baka masaya na akong tanggapin na lang ang mga bagay kahit na di ko pinaghirapan."
Hinawakan nito ang balikat niya at pinihit paharap dito. Hinawakan nito ang baba niya at inangat. "Amira, sa palagay mo ba magbabago na ang pagkatao mo dahil lang nahaling ka sa bagong mga damit o sa mararangyang bagay na nakuha mo sa pagiging isang Banal? You are who you are. Kilala mo ang sarili mo. Narating mo ang kinalalagyan mo dahil sa mga pagsisikap mo. You have goals in life. Iyon ang focus mo dapat."
"How about the expensive stuffs that I get? Dapat ko bang tanggihan ang mga iyon? Mas okay ba na ibalik ko na lang at isuot ko lang kung anong kaya ko?"
"Let's put it this way. You are Amira Banal. You own thirty percent of Banal Mining Corporation. Bukas ay ipapakilala ka nila bilang special projects manager ng kompanya at isa sa tagapagmana ni Don Alfonso Banal. Sabi mo gusto mong makuha ang respeto ng mga tao. You have to dress the part. Isipin mo na investment ang mga damit, sapatos at accessories mo para magawa mo ang trabaho mo. At isipin mo rin na may mga tao kang binibigyan ng kabuhayan sa ginawa mo."
"Ganoon lang?" He made it sound so simple. Na parang wala siyang dapat na ipag-alala.
Tumango ito. "Yes. Ganoon lang. Nothing negative. Hindi mo na kailangang ma-guilty."
"Pero Francois...."
Itinukod nito ang dalawang palad sa magkabilang gilid niya. "One more argument from you and I will shut your mouth with a kiss."
"Hey! Hindi mo ako pwedeng..."
Bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya at nakita ang nagbabantang pagsalakay ng labi nito. Biglang tumigil sa pagtibok ang puso niya at naestatwa na lang siya nang tumigil ang labi nito isang pulgada sa labi niya. "I dare you to argue some more, Amira. Dare me to kiss you."
Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa mga mata ng binata. Oh, no! Hahalikan siya nito. Aangal ba siya? She was tempted.
May ideya na siya kung anong nagagawa ng halik nito. It could be hot and pleasureable. It could wreak havoc to her system. She could take a risk, why not? Pero may meeting siya bukas. Importanteng meeting. Kailangan niya ang bawat patak ng katinuan niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi siya pwedeng ma-distract kahit ng isang simpleng halik lang.
Lumunok siya. "Fine. Investment ko nga ang mga damit na iyon. Hindi na b-big deal sa akin."
Tumaas ang kilay nito at inilapit pa ng bahagya ang mukha sa kanya. Their lips almost touch. "Are you sure?"