Behind The Spotlight Chapter 31

#BTSEp30

Hinihingal ako. Dulot ito ng ten minutes hike na ginawa namin. Kung wala lang talaga si Liv dito, uuwi na talaga ako! Hindi ko na kinakaya. Nakakapagod, veh!

"Nandito na po tayo." Sambit ni Ate-- err, I forgot her name. Basta, si Ate Tourist Guide.

"Jopay, really?" Ezra gave Jopay a poker face. Tinuturo niya iyong sign board na may naka-sulat na "Lambingan Hills". "Really? Gusto mo ba talaga akong bawasan ang stress ko?!"

Halos matawa ako habang pinagmamasdan ang nagtantrums na si Ezra. Iyong tipong kaunti na lang, gugulong talaga siya habang nagmamaktol. Clueless kasi talaga siya sa napiling destinasyon ni Jopay these past few weeks. Hindi niya alam na dito kami mag-ca-camping.

"Jopay!" Ezra suddenly yelled. Pero walang pakialam sa kanya si Jopay. Ngayon kasi ay abala sa pagiging Youtube vlogger ang loka. Vinivideohan iyong sign board.

"Parang hindi mo talaga ako tinutulungang makalimutan ang mga problema ko, eh. Parang dinagdagan mo pa!" Pagpapatuloy ni Ezra. Pinigilan ko ang mapatawa pa lalo nang tinuro niya kami ni Liv, "itong dalawa lang talaga ang mag-e-enjoy dito, hindi ako!"

I shrug, pinipigilan pa rin ang mapatawa.

Jopay off her camera. Matapos ay sinamaan niya ng tingin si Ezra. And being the toughest one on the group, she gave Ezra a smack on the back of his head. "Arte-arte mo, hindi ka naman chix! Ano bang problema mo? Hindi lang namang pang-PDA ang lugar na 'to, ah?!"

"Eh, bakit lambingan ang pangalan nito?!"

Jopay shrugged and then started to follow our friends. "Aba, malay ko. Tanong mo sa sign board." Gaga talaga, bigla kaming iniwan.

Padabog siyang sinundan ni Ezra. Natatawa na lang talaga ako.

Liv stared at me. Right now, he is wearing a yellow dry-fit shirt and black jogging pants. Siya ang nagbuhat ng backpack naming dalawa. He looks so neat with the white head band around his forehead. Kahit na pawisan na siya, bakit hindi pa rin siya mukhang haggard?!

"Hindi ka ba nalalamigan sa suot mo?" He asked me as soon as he focused his eyes on my breast.

Ngayon kasi ay black cycling pants at sport bra lang ang suot ko. Pinagtalunan pa talaga namin ito noong una. Mabuti na lang at hindi ako nagpatalo!

"Nope." I flash him a smile with all of my teeth. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa kanyang braso. Matapos ay hinigit ko na siya papunta sa mga kaibigan namin. Baka kasi maisipan niya pang kunin ang jacket ko sa bag!

"Ang sakit sa bangs ng init, teh!" Nakabusangot ang baklang si Hendrix. May pagpayong pa ang loka habang naglalakad. Ngayon kasi ay alas-tres na ng hapon. Mainit pa rin ang sinag ng araw.

"Gago, chix na chix ang putcha." Javi scoffed.

Avryl, being the number one protector of Hendrix, nahampas niya talaga sa ulo si Javi. "Chix naman talaga si Hendrix, ah! Got problem with that?!" Liit-liit ng babaeng 'to, napakatapang.

Javi is wincing as he caressed the part that Avryl smacked. "Amporchop! Babae ka ba talaga?! Bakit para kang wrestler kung makahampas?!"

Nagtawanan kami noong magpatuloy sa pagbabangayan iyong dalawa. Jusko po, bagay na bagay talaga sila. Torpe lang talaga 'tong si Javi, eh.

Ngayon, sampu lang kami dito. Hindi na nakasama si Dashmiel dahil busy daw sa Restaurant niyang wala namang customer. Gaano rin si Billie at Gustov na magkasama ngayon sa photoshoot para sa isang sikat na international magazine.

Si Ysabelle naman, hindi ko pa rin ma-contact. At si Thorn, mainit pa rin ang ulo sa kanya ni Liv kaya hindi na namin inaya. Baka kasi kapag sumama siya, baka walang camping na maganap kung hindi rambulan sa pagitan nilang dalawa!

"Welcome to my channel, mga" I really stopped myself in the middle of my hiking when Jopay started to face the camera on her. Nasa harap niya kasi kaming dalawa ni Liv kaya damay kami sa paghinto niya.

She flipped her hair first before she say her ever autenthic, "jokla!" Nag-flip na naman siya ng buhok at sumakto talaga iyon sa mukha ko! Kung wala lang talagang camera sa harap niya, kanina ko pa siya nahambalos!

"And we are back for another video! Ang guess what?! We are going for a hike with my friends!" Napakurap na lang talaga ako noong inilapit niya sa mukha namin iyong camera. Natakot pa nga ako na baka i-umpog niya sa amin iyon!

"Yes, I am with LivAce. Opo, mga ka-jokla. I am with LivAce! Comment down below kung fan ka nila at kung basher ka naman nila, kaya mo 'yan teh! Magalit ka lang!" Tumawa siya na para bang loka-loka. Nakakahawa talaga ang tawa niya!

Right now, Lechel, Carlise and Ezra are staring at her as if she's a quizzical puzzle. Si Javi at Avryl naman ay abala pa rin sa pagbabangayan. At si Hendrix naman ay napaka-supportive. Ngiting-ngiti habang pinaoanood si Jopay.

Muling iniharap ni Jopay ang camera sa kanyang mukha. "At tama ka na naman! Ang galing mo, jokla! Katulad nga ng nababasa mo sa title, nandito kami ngayon sa Lambingan Hills!"

Humina ang boses niya. "At mga jokla, mukhang wrong move yata ang decision ko. Hindi pala talaga dapat kami pumunta dito kasi tignan niyo naman!"

Doon ko lang napagtanto na nakadikit na pala ang labi ni Liv sa noo ko. Muling iniharap ni Jopay ang camera sa amin. "Mapapa-sana all ka na lang talaga, mga ka-jokla! Susmaryosep! Mahabagin! Itulak ang dalawang ito sa bangin, ngayon din!"

Natatawa na lang kami sa kanya. Sa huli ay natapos na rin siya sa pag-fi-film. Nagpatuloy na uli kami sa paglalakad pataas.

And swear, the moment we reached the summit of this place, the fifteen minutes tiring hike was all worth it.

This place is surreal.

Ang bundok ay green na green. Sa ibabaw nito ay makikita ang anino ng mga ulap. Napakaganda nitong pagmasdan na animo mga bundok sa New Zealand.

Ganoon na rin ang kapatagan nito. It was filled with green grass. At mas lalo itong gumanda dahil sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak dito.

And the air! The air is something I would want to live for. Sariwang sariwa ito. Ibang iba sa polusyon sa Manila.

"Mag-register na ho muna kayo dito. Dito na rin ho kayo pwedeng mag-rent ng tent." Sambit ni Ate Tourist Guide noong sumilong kami sa isang sari-sari store. Ito lang yata ang tindahan sa lugar na ito.

Si Jopay ang nanguna dito. "Ilang tents ang kukunin natin?"

Liv raised his hand. "Isa na lang sa amin ni Asia--"

Avryl cut him off by pulling me away from him. "Magkatabi kami ni Asia sa tent! Sa iba ka na lang sumama!"

That earned her a creased eyebrow from Liv. Liv stared at me as if asking for my help but I only shrug. Nakakatakot kayang magtampo itong si Avryl!

"Okay," Liv sighed defeatedly, "kung hindi kami pwedeng magsama ni Asia, magsosolo ako."

"Edi mag-solo ka, wala namang pumipigil. Tanga." Carlise mumbled while smirking at Liv. Ginatungan iyon nina Javi, Lechel at Ezra na sabay na nagsambit ng, "Whoooah!"

"Alam mo, tangina ka." Liv told Carlise and we all laugh.

Sa huli, limang tent ang nirentahan namin. By two ang nangyari. Kami ni Avryl ang magkasama. Si Hendrix naman ay si Jopay ang kahati. Sina Carlise at Ezra naman sa isa. Si Lechel ay si Javi ang ka-parte. At ayon nga ang nangyari, mag-so-solo si Liv.

Dahil nga maaga kaming nakarating dito ay sinulit na lang muna namin ang oras sa pagpipicture. Si Jopay ay abala sa content niya. Noong mapagod kami ay doon kami sa swing nagpalipas ng oras. Mabuti na lang talaga at walang gaanong tao dito. Ilan-ilan lang ang maya't mayang nag-pa-pa-picture sa amin.

"This is for Ezra, ang tangina kong best friend." Carlise mumbled as he strummed the guitar. Nandito kami ngayon sa picnic area. Nakapalibot sa isa't isa habang naka-indian seat sa damuhan.

"Tol, basta tandaan mo. Kapag may problema ka, nandito lang kami. Ano pa't naging kaibigan mo kami, 'di ba?" Carlise continued to strum his guitar while smiling at Ezra.

"Parang tanga, ang drama mo boy!" Maang-maangan si Ezra. Pero alam ko, deep inside, galak na galak 'yan.

"Driving down the interstate. I've never felt so far away." Carlise started to sing. Ito talaga ang gusto ko sa kanya. Basta siya na ang kumanta, para bang nasa isang sold-out concert ako. His tone has this unique sound. Iyong parang RnB na may pagka-reggae.

"Leaving hardly hurts at all. I'm sorry that I never call." Jopay joined him. Maganda rin talaga ang boses ng babaeng 'to. Ang angelic ng boses niya. Iyong malapit na sa pa-Moira. Ganiyan. Kaso hindi niya pinursue ang music. Hindi niya raw trip.

"Often I get exhausted. Trying regardless to be enough." Their voices on my ears were a pure harmony. Ang sarap nilang pakinggan. Hindi ko maitatangging nag-fa-fangirl na ako ngayon!

At lumawak pa lalo ang ngiti ko noong sinabayan na sila ni Javi. Isa rin siyang bokalista sa banda katulad ni Carlise. Ang boses niya, sobrang buo. Pang-rock star talaga. "Is it selfish not to be selfless? When all I can help is to open up?"

Matapos ay nagsabay sila. Swear, they created a sound that's deserving for an international performance!

"I'll be better than I was before. Despite every text of yours ignored." They were looking at us with a smile. When I turned my gaze at Ezra, he is smiling widely. A thing that I always see from him. "Will you call me still, just to hear my voice? I swear, always, I'll care."

That moment, we spent our time singing as we watch the sunset. It was indeed a moment to be remembered. The view of it from here is unbelieveable. Orange sky was started to be succumbed by the dark blue color. The transition of day to night is happening right into our eyes and I am never ready to be amazed by it. Sobrang ganda lang talaga. Sigurado akong hindi maaalis sa utak ko ang mga nakita ko noong mga oras na iyon.

Noong mag-gabi na ay gagawa sana kami ng bonfire pero pinagbawalan kami. Bawal na daw kasi iyon dito sa Lambingan Hills para daw maprotektahan at mapreserba ang natural na ganda ng lugar na ito. Sa huli, we indulged ourself with just gazing to the countless of stars from the sky.

Nagkwentuhan rin kami. Nag-share ang lahat tungkol sa childhood memories ng isa't isa pwera kay Liv na nakikinig lang. Ewan ko ba sa boyfriend ko, tipid na tipid magsalita. May pinag-iipunan?!

Dahil nga maaga pa kami sa Nagpatong Rock Formation bukas, nagpasya na kaming matulog noong mag-alas diyes na. At halos hilahin talaga ako ni Avryl papunta sa tent namin. Naawa kasi ako kay Liv!

I was pouting when we started to lay down. Mga backpack namin ang ginawa naming unan. At ayon nga, na-KO agad si Avryl matapos ang ilang minuto. Ako naman, hindi makatulog. Namamahay ako kahit nasa tent talaga kami ngayon, luh?!

Doon, kinuha ko na lang ang phone ko. I busied myself with scrolling on my account when I heard the tent to open.

And I blink when it revealed Liv.

He was only wearing a white tank top and his gray jogging pants. Right now, he is staring at me with a gaze that screams intensity.

I carefully sit para hindi magising si Avryl. Sinamaan ko ng tingin si Liv. "What are you doing here?" Maingat at mahina ang boses ko.

Liv sighed and then I was shocked when he held my hand. "Baby, I need you. I fucking need you right now." His voice is raspy. It was so manly. And then I was not ready when he gently pulled me out of the tent.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.