Belle Trilogy Chapter 17

“WILL she be all right?” sa pinagsama-samang pagod at pag-aalala ni Alexandros ay hindi niya na maggawang ma-appreciate ang pag-aalala na narinig niya sa Mommy niya. Ngayon ay nasa ospital sila kung saan isinugod si Lorabelle makatapos nang nangyaring pagdurugo rito. And he was worried as hell. Kakatapos lang niya sa pag-aayos ng problema at iyon ay may dumagdag na naman. Isang problema na kahit kaharap pa niya ang presidente ng America at kapag nalaman niya ay talagang iiwanan niya para unahin ang asawa.

Walang kaalam-alam si Alexandros sa pagpunta ni Lorabelle sa Greece. Hindi rin niya naisip na mag-aalala ito nang husto sa kanya. Naiwan niya ang cellphone niya dahil sa pagmamadali na maayos ang problema niya kay Helene. He wanted it to be over as soon as possible. Missed na missed na niya si Lorabelle at gusto na niyang makabalik sa New York para makasama ito.

But things got worse.

Hindi mahilig magdasal si Alexandros pero nang malaman niya ang tungkol sa nangyari kay Lorabelle ay natawag na niya yata lahat ng Santo na kilala niya. He was really worried that he was actually shaking. At kahit nandoon ang mga magulang niya para suportahan siya ay parang balewala lang ang lahat. Lakad-upo ang ginagawa niya dahil hindi siya mapakali. Magdadalawang oras ng nasa operating room ang asawa at wala pa siyang balita rito. May mga mangilan-ngilan na nurse na lumalabas pero hanggang ngayon ay wala pa rin verdict tungkol sa nangyari sa asawa niya.

“I’m sorry, son. It is partly my fault. I’m such a terrible mother, aren’t I?” nag-umpisa nang umiyak ang Mommy niya sa tabi niya. Kanina pa ito nasa hospital pero ngayon lang ito tumabi sa kanya sa waiting lounge ng operating room.

“Please don’t cry. You’re not helping to the situation,” kahit na-a-appreciate niya ang pag-aaalala nito para sa asawa ay hindi niya maggawang mainis. Hindi siya mahilig sa drama. Kaya nga noon pa man ay hindi siya komportable sa presensiya ng ina. She was the typical over acting mother. Hindi niya gusto ang ugali nitong iyon noon pa man. Pero ganoon pa man ay tinitiis niya iyon. Palagi kasi niyang naalala ang sinabi sa kanya ng ama noong minsang pagtaksilan nila ang kanyang ina.

“Despite of everything, she is your mother. Kahit hindi ka niya naalagaan kagaya ng ginawa sa `yo ng Yaya mo, siya pa rin ang nagluwal sa `yo. Siya ang naghirap sa `yo. She maybe controlling but she loves you. Ayaw ka lang niyang masaktan,”

Hanggang ngayon ay nagi-guilty pa rin si Alexandros sa ginawa niya rito noong bata pa siya. He chooses his nanny over her. Nakita niya kung gaano ito nasaktan, kung gaano ito nagalit. Nasaktan man siya sa ginawa nito ay inintindi rin niya ang sakit na naramdaman nito na ipagpalit ito ng pamilya nito. Noon lang din niya unang nakita ang kanyang ina at masama man ang loob rito ay nasaktan at na-guilty siya sa ginawa. Simula noon ay pinangako niya na hindi na muli sasaktan ang ina. Kaya nga sa halip na ipaglaban niya si Lorabelle mula sa galit nito ay pinili na lang niyang ilayo ito. Ayaw niya kasing makagawa pa siya nang mas masama rito oras na malaman niyang sinasaktan naman nito ang asawa.

“But I know you are angry with me. I can’t afford to lose you again that is why I hate your wife. I don’t want to have a rival against you again. Even I arranged you to be married to someone else, I know Helene will understand my situation as it also happens in their family. But with your wife, with a woman with a different culture, it might be hard to understand. Plus the added fact that everytime I see her, I always remember your nanny that almost took you and your Dad. I can’t afford to happen that again that is why I hate her… But now, I am so sorry,”

Niyakap niya ang ina. “Hush now. You are forgiven. And it’s not actually your fault. Stop crying now,” alo niya sa ina.

Hindi niya sinisisi ang ina dahil mas sinisisi niya ang sarili kung bakit nalagay sa alanganin si Lorabelle. Nang dahil sa pag-aalala nito sa kanya ay nagpunta ito ng Greece na mukhang pagod dahil sa biyahe. Dahil buntis ay bawal itong mapagod. Nakasama lang siguro sa lagay nito ang pinagsasabi ng kanyang ina.

“I hope everything went well. I’ll make it up to her after this,” pangako ng kanyang ina sa kanya. Napatingin siya sa kanyang ina. She looks sincere.

Nakakatuwang isipin na willing na mag-compromise ang kanyang ina. Magiging maayos na ang lahat sa pagitan nito at ni Lorabelle. Pero ang masama nga lang ay umabot pa sila sa puntong iyon para magkaayos. Masaya man sa pinangako ng ina ay hindi pa rin makuhang huminga nang maayos ni Alexandros.

Hindi lubos maisip ni Alexandros na mangyayari iyon sa kanya. Nang unang beses siyang malugi sa negosyo ay hindi siya ganoong nag-alala. Alam kasi niya na makakabawi siya. Na hindi pa iyon ang katapusan ng lahat. Pero ang isipin na may mas malala at masamang puwedeng mangyari kay Lorabelle at sa magiging anak nila ay parang wala na siyang nakikitang bukas pa sa sarili.

He would die if he will lose her because…

Naputol ang pag-iisip ni Alexandros nang lumabas ang Doctor sa operating room at tawagin siya.

PAKIRAMDAM ni Lora ay kakagaling lang niya sa ipo-ipo nang maggising siya. Ang lagkit-lagkit ng pakiramdam niya at isama pa na medyo masakit ang ulo niya. Pero parang dagli rin na nawala ang mga nararamdaman nang imulat niya ang mga mata ay ang mukha agad ni Alexandros ang nabungaran niya. Nang makita siya nitong naggising na ay hinalikan nito ang noo niya.

“Sa wakas, nagising ka na rin. Ilang oras ka rin na nakatulog,” pagkukuwento pa ni Alexandros sa kanya. “How do you feel now, agape mou?”

Doon unti-unting naalala ni Lora ang nangyari. Sa halip na sagutin ang tanong ng asawa ay nagtanong siya. “A-ang baby?”

Ngumiti ito. “Everything is fine now. Wala ng dapat ipag-alala. Ang sabi ng Doctor ay nagkaroon ka ng kaunting bleeding pero ligtas na kayo pareho ng anak natin,”

Nakahinga nang maluwag si Lora. Hindi maiwasang mamasa nang mata niya dahil sa relief na naramdaman niya. God knows how she got worried when she saw the blood running on her legs. Nag-pass out rin siya sa sobrang takot.

“Malakas ang kapit ng bata pero kailangan kang mamalagi ng ilang araw dito sa ospital para maobserbahan ang lagay mo. But it doesn’t really matter. As long as both of you are safe,”

“Yes, yes,” umiiyak pa rin na sabi niya. Pinahid ni Alexandros ang luha sa mga mata niya.

“Now, stop crying. Relax. Makakasama sa kondisyon mo kapag umiyak ka pa ulit,” komento nito. Niyakap siya ni Alexandros.

“I just can’t. I thought I’m going to lose our baby,” Kahit sandali pa lang niyang dinadala ang anak ay mahal na niya ito. She could feel the baby’s heartbeat and the thought of being a mother excites her. Isama pang alam niyang kapag nawala ito ay puwede rin na mawala sa kanya si Alexandros. Isa ang anak sa dahilan nang pagle-level-up nila ng relasyon ni Alexandros. Kapag nawala ang bata ay alam niyang puwede rin na mawala sa kanya si Alexandros. Hindi niya kayang mawala ang dalawa sa kanya. In a short span of time, the two became her life.

“You won’t lose the baby. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. So please, relax now, okay? Stress ang dahilan kung bakit nangyari sa `yo ito. Bakit ka ba kasi nagpunta ng Greece? Do you really get worried about me?”

Napakagat labi si Lora. “Yes. Hindi ka nagte-text. Bakit kasi hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan? I could be there for you. I should be there for you. I would support you,”

He twitched his lips. “You would support me even though you thought that I am going to have a baby with another woman?”

“T-totoo ba iyon?”

Nakangiting umiling ito. “Of course its not true. I never have touched Helene at all. Pero ako ang inaakusahan ng pamilya niya dahil bago kami nagkahiwalay ay ilang beses kaming lumabas. Remember my trip to Greece then? Iyon ang ginawa ko. Gusto ko kasing makilala nang lubusan bago kami tuluyang ikasal. We dated. But its just a safe date. No sex at all. Hanggang sa makipaghiwalay ako sa kanya,”

“Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang engagement niyo,”

“Iyon ay dahil nahuli ko siya na may ka-affair. Of course, it does affect me. For five years ay ipinagkasundo siya sa akin tapos ay pinagtaksilan niya ako. To think na palaging sinasabi sa akin nang Mommy na siya ang nararapat para sa akin tapos malalaman ko na ganoon? It just doesn’t deserve justice to me. So I broke the engagement. Pero hindi ko sinabi sa iba ang dahilan puwera sa Mommy na galit sa ginawa ko. I took the blame dahil ayaw kong mapahiya si Helene kapag nalaman ng lahat ang nangyaro. Nang oras na malaman naman ni Mommy ang ginawa ni Helene ay nagalit naman siya rito. Because of that, pumayag siya na itigil ang engagement.

“Then this thing happened. Naghisterya ang pamilya ni Helene nang malaman ng mga ito na buntis si Helene. They blamed me. Dahil ayaw kong malaman mo iyon at mag-alala ka, itinago ko sa `yo ang lahat. Nagtagal ako dahil kahit anong paliwanag ko ay ayaw nilang maniwala sa akin. Hindi ko rin mapaaamin si Helene dahil iniwan siya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Pati siya ay itinuturo ako para lang mapagtakpan ang pagkakamali niya. It was horrible. Pero pilit na inintindi ko si Helene dahil alam kong nasasaktan siya. May pinagsamahan rin naman kami. At nang araw na naiwan ko ang cellphone ko ay iyon ang araw na tinakot niya ako na magpapakamatay siya kapag hindi ko siya sinamahan. She went crazy, agape mou. Kinailangan ko siyang kalmahin kaya isang araw rin akong hindi nakauwi sa bahay para damayan siya.”

“That must be really awful. Kumusta na siya ngayon?”

“She is getting better. Nang makita ng mga magulang niya ang mga kakaibang ginagawi niya, noon lang sila naniwala na hindi totoo ang mga binibintang nila sa akin. Hinayaan rin nila akong magpaliwanag nang lahat and thank God dahil naniwala na sila sa akin. As of now ay kasama na siya ng mga magulang niya,” paliwanag ni Alexandros. “Anyway, lets leave the topic. It is all in the past now. Ang mahalaga ngayon ay maayos na ang lahat at nandito ka na rin sa tabi ko. I missed you so much, agape mou,”

“I-I missed you too, Alexandros…” sa wakas ay naggawa na niyang sabihin kay Alexandros. “So much…”

“You do?” mukhang nagulat naman si Alexandros sa sinabi niya.

Tumaas ang isang kilay niya. “Ayaw mo ba?”

He chuckled. “Of course not. I like it. I love it. Finally, nakukuha mo na rin na magbitaw ng ganyang salita,”

“You are my husband. Nami-miss ko ang mga pag-aalaga mo sa akin, ang pagsusuporta mo, ang pagko-comfort mo,”

“Really? Mukhang nasasanay ka na talaga sa presensiya ko, ha. May ibang dahilan pa ba bukod sa mga sinasabi mo kaya nami-miss mo ako?”

Napakagat labi si Lora. Tama ba na sinasabi niya ang mga ganoong bagay kay Alexandros? She knew it was leading to something more than that. Hindi naman sila pareho ng nararamdaman `di ba? Tama bang magtapat siya rito kung alam niyang maaring hindi naman matugunan nito ang nararamdaman niya?

Pero kaya niya pa bang pigilin na hindi ito sabihin iyon rito? She had holding it for so long. At `di ba ay sinabihan rin siya nito na kailangan nilang mag-open sa isa’t isa upang mag-work out ang relasyon nila? She would like to give herself a chance…

“I know it doesn’t sound like me but I love you Alexandros. Isa `yan sa mga dahilan kung bakit kita gustong suportahan, gustong puntahan at gustong makasama. Nami-miss kita kasi tama ka, nasasanay na talaga ako sa presensiya mo. Nagiging attached na ako sa damdamin na pinaparamdam mo sa akin kapag nasa tabi kita. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na parang may tumatakbong mabilis na kabayo sa dibdib ko kapag nandiyan ka. Kahit alam kong hanggang kaibigan lang naman ang kaya mong ibigay sa akin, hindi ko napigilan ang damdamin ko. I sound so stupid, right? As a girl who master the art of controlling, ngayon ay hindi na napigilan ang damdamin na magtapat sa asawa niyang alam niyang hindi naman kayang tugunan ang damdamin niya,”

Umarko ang kilay ni Alexandros. “How can you be so sure that I don’t have feelings for you, too, agape mou?”

“Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi mo noon sa akin na “love is not even in your vocabulary”,”

Tumawa ito. “Well, tama ka,” tanging sagot lang nito.

Nasaktan si Lora nang dahil doon. Tama nga siya. Walang katugon ang pag-ibig niya kay Alexandros. But at least, she took the chance.

“I’m so stupid, right? Iyong gusto kong mag-work out ang relasyon natin hindi lang para sa magiging anak natin pero para na rin sa ating dalawa. Para sa damdamin ko para sa `yo. Pero ang tanga ko kasi nag-risk pa rin ako ng chance para sa `yo. Nag-risk rin ako ng chance na mapalapit sa pamilya mo na ang nasa isip ay mas magiging maayos ang relasyon natin dahil doon. But I am wrong. Really, wrong. Dahil kahit anong gawin ko, hindi niya magagawang tanggapin ang isang kagaya ko,”

“You succeeded getting my Mom’s heart,” kinuwento nito sa kanya ang naging pag-uusap nito at ng Mommy nito. Nanaba ang puso ni Lora sa nalaman. Pero agad rin iyon na naging malungkot nang maalalang nakuha man niya ang puso ng Mommy nito, hindi naman siya nagtagumpay na makuha ang puso ni Alexandros. Parang balewala rin ang lahat.

“O, hindi ka ba masaya na maayos na kayo ngayon ni Mommy? She even sent you flowers,” itinuro pa nito ang bulaklak sa beside table.

“Pero hindi galing sa `yo…”

Napangiti ito. “Darating na rin ang mga iyon. Nakapag-order na muli ako. Wala kasi tayo sa New York, eh. Wala akong contact sa supplier rito ng tulips. `Yung una ko kasing na-contact, may sira `yung mga bulaklak. Ayaw ko namang magbigay ng ganoon sa `yo because you don’t deserve to have something like that,” paliwanag nito sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Hindi makukuha ng kahit anumang paliwanag ang sakit na nararamdaman niya.

“O, bakit malungkot ka pa rin? Ah, alam ko na kung bakit. Kasi hindi kita sinabihan ng Good Morning Beautiful na sa tuwina ay nagpapangiti sa `yo sa umaga. Pero hapon na ngayon, eh. Hapon ka naggising kaya----“ napakunot noo nito. “Bakit ko ba pinapaliwanag ang mga bagay na ito? Dahil ba sa mga iyon kaya ka malungkot? Kilala kita, Lorabelle. Hindi ka naman ganoong kababaw. Hindi ka ba talaga masaya?”

“Masaya siyempre,” pero walang kangiti-ngiti ang mukha ni Lora.

“Eh bakit ganyan ang mukha mo?”

Nagtanong ka pa, buwisit! Gusto niyang maiyak nang mga sandaling iyon. Kailangan pa bang tanungin ni Alexandros kung bakit malungkot pa rin siya?! Sobra-sobrang kahihiyan na ang inabot niya.

“Alam mo kung bakit,”

Umarko ang kilay ni Alexandros. “Is it because of your feelings for me?”

“Ano pa ba? Hindi mo ba alam kung gaano kahirap sa babae na siyang unang maglabas ng feelings niya sa isang lalaki? Hindi namin ugali iyon. Pero ginawa ko `yun sa `yo at sobrang sakit kasi wala man lang katugon iyon. I wouldn’t get your heart after all,”

“Is it really what you think, agape mou? Paano kung hindi lang naman talaga ako magaling sa mga salita?” kinuha nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. “Did you hear that? It only beats for you,”

Napanganga si Lora. “You mean…? Pero sabi mo ay tama ako na wala sa bokabularyo mo ang salitang “love”,”

“Yes. Until I spend a lot of time for you. Noong una ay nagtataka ako na bakit sa kabila ng lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko ay wala akong nakitang iba simula nang makilala kita. Mabilis akong magsawa sa mga babae pero nang makilala kita ay nag-iba iyon. I’ve been only having an affair with you. Na kahit alam kong engaged na ako sa iba ay hindi pa rin kita mabitawan dahil tanging ikaw lang ang babaeng gusto ko palaging makasama.

“And then when you became my wife. I’m not fund of caring, of comforting other people. But when you open up your heart for me for the first time, I feel like I have to do it all for you not just because it is my responsibility. It is because I want to. Gusto ko dahil nalaman ko na pangit ka palang umiyak.”

Pinalo niya ang kamay nito. “Alexandros!”

Tumawa naman ito pagkatapos. “Fine. Iyon ay dahil nasasaktan rin ako kapag nasasaktan ka. At `di ba, ganoon daw kapag nagmamahal? You became hurt when someone you love also became hurt. You felt happy when she is happy. Halos pareho kayo nang nararamdaman. At kagaya nang mga sinabi mo kanina, nararamdaman ko rin iyon. My heart is in race when I am with you. Dapat nga ay mauuna akong magtapat pa sa `yo. Remember what happened on our movie date? Sinadya ko ang lahat ng iyon dahil sa nabasa ko sa diary mo,”

Nanlaki ang mata ni Lora. “Binasa mo ang diary ko? Damn you, Alexandros!” Kaya pala alam nito ang kiliti niya! Na tumatama ito sa mga hilig niya. Pati na rin sa kanyang paboritong bulaklak!

“Hey, `wag kang magmura. Sabi nila ay naririnig na raw ng mga bata ang sinasabi mo sa stage na ito. Gusto mo bang `yan ang unang salita niyang matutunan?” sermon pa nito sa kanya. “I just did that because I want to know what makes you happy. I want to gave you all the happiness in the world, Lorabelle. Ang mga pakiramdam ko para sa `yo ay hindi ko maintindihan. Pero alam ko na kailangan ko ang mga iyon dahil parang kasama na iyon sa basic needs ko na kailanman ay hindi ko lubos maisip na maisasama. Kahit na ba may pagkaiyakin ka pala at hindi ako psychologist, guidance counselor o therapist man, magbibitaw pa rin ako ng pangako sa `yo. Sa lahat ng problema, nandito lang ako. I will listen. I will care.”

Na-touch naman siya sa sinabi ng asawa. Ngayon ay malambot na ulit ang puso niya dahil halos sinabi na nito ang lahat ng gusto niyang marinig mula rito. Hinawakan niya ang pisngi nito.

“And hey, wala bang thank you diyan para sa lahat ng effort ko?” akmang hahalikan siya nito nang pigilan niya ito.

“Ni hindi mo pa nga sinasabi ang magic words,” gusto niyang sabihan rin siya nito ng “I love you”. Hindi niya pa naririnig iyon mula rito. “Mamaya, friendly feeling lang pala `yan. Gusto kong makasigurado.”

“Magic words? You mean?” umarko na naman ang kilay nito. “Kailangan pa ba `yun? Mala-nobela na ang sinabi ko sa `yo at kapag narinig lang `yun ng colleagues ko sa business world, malakas na tawanan ang maririnig nila sa akin,”

“Still….” She made the mad look.

Tumawa ito. “Fine. Ikaw na nga ang boss and I…” bago pa nito maituloy ang sasabihin ay tumunog ang cellphone nito. Napasimangot si Lora. Parang gusto na niyang itapon ang cellphone nito dahil palagi na lang iyong panira ng moment nila. Naalala niya ang nangyari sa sinehan. Kung hindi lang dahil sa tawag na na-receive nito, sana ay nauna na itong magtapat sa kanya. Sana ay hindi na siya nag-isip pa ng kung ano.

“Its your Dad,” sabi nito nang makita ang caller. “Baka importante, teka lang, kakausapin ko muna siya,”

Lumayo ito sa kanya at nakipag-usap sa ama niya. Napansin niya ang ilang pagkunot ng noo ni Alexandros habang kausap ang Daddy niya. Pati siya ay napapakunot noo sa bawat pagkunot nito ng noo. Nang makabalik ito ay napansin niyang hindi na ganoon kaganda ang ngiting ibinigay sa kanya nito. Biglang sinakop ng kaba ang puso ni Lora.

“Anong sinabi niya sa `yo?” tanong agad niya.

“Its nothing,” pero ramdam ni Lora na mayroon talagang mahalagang pinag-usapan ang dalawa.

“May tinatago ka sa akin. Tell me,” pangungulit niya rito.

“It doesn’t matter, okay? Bawal mong marinig. I love you and I don’t like you to worry at all,” hinalikan siya nito na para bang sa pamamagitan noon ay mapapatigil siya nito sa pag-uusisa. “For all that you are, all that you have been, and all you’re yet to be… I love you. I love you. I love you.”

Kahit sinabi na ni Alexandros ang inaantay niya ay hindi pa rin siya mapakali. Even if he drowns her in sensations because of the kiss, the nervous feeling is still inside her heart. Pinatigil niya ito. “Alexandros, tell me…” nagbabanta na ang tinig niya.

Huminga muna nang malalim si Alexandros bago nagsalita. “Its about your sister, Mira. Natagpuan na siya. And unfortunately, she is not in good hands,”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.