Belle Trilogy Chapter 20

KAHIT ilang taon na ang nakalilipas simula nang mag-interview si Rhett ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang naging itsura ng interviewee at ngayon ay dating empleyado ng maituturing niya na si Rachel. Hindi naman niya masisisi ito sa reaksyon ng mga ito. May kakaibang klase siya ng pag-i-interview sa mga magtatrabaho sa kanya. Hindi siya ang tipo ng employer na harap-harapan na nakikipag-interview sa mga interviewee. Hindi siya humaharap sa mga ito hangga’t maari kaya palagi ay ginagamit niya ang magkatabing kuwarto na iyon para kausapin ang mag-a-apply sa kanya.

Nasa kabilang kuwarto lang si Rhett ng kuwartong inookupa nang magiging bagong sekretarya niya. May CCTV sa kuwarto kung nasaan ito kaya nakikita niya ang itsura ng babae. Halos lahat naman ng kuwarto at pasilyo roon ay may CCTV at ang kinaroroonan niya ay ang video room. Kitang-kita niya ang kalmadong reaksyon nito habang tinitignan ang buong paligid. Napansin niya ang pagtataka ng babae pero ganoon pa man ay wala siyang mabanaag na takot dito. Doon siya nagtataka. Sa tatlong sekretarya na dumaan sa buhay niya ay natatanging ang babaeng ito ang hindi niya nakikitaan ng takot. Gusto rin niyang magtaka sa kakaibang damdamin na bumabangon sa puso niya habang tinitignan ito. Para kasing bumilis ang tibok ng puso niya which is very unusual to him.

As a writer, he had master the art of explanations. Kasama naman kasi talaga iyon sa parte ng pagsusulat. Pero ang nararamdaman niya ngayon ay parang hindi niya mabigyan ng eksplenasyon. Iyon ba ay dahil masasabi niyang napakaganda ng magiging sekretarya niya ngayon? Her face is refreshing…her hair seems so smooth as a silk. Her body, even if she was sitting and he can’t have a full view of it is enchanting…. Hindi niya mapigilang purihin ito sa isip niya. Pero sa huli ay sinaway ni Rhett ang sarili. Kailan pa siya natutong mag-describe ng isang magandang babae? Isa siyang horror-mystery writer. Hindi siya mahilig mag-describe ng mga magagandang babae dahil bihira ang mga ganoon sa nobela niya. Isa pa ay wala siyang interes sa mga ito. Wala siyang interes para sa mga babae. Hindi dapat niya pinapansin ang nararamdamang iyon sa babae. Alam kasi niyang hindi naman ito magkakainteres sa kanya. Sino ang magkakagusto sa isang control-freak na lalaking kaggaya niya?

Hindi naman bago kay Rhett ang makakita ng magagandang babae. Kahit madalas ay ikinukulong niya ang sarili sa Isla Basilico na nabili niya mula sa foreigner na nagpangalan noon sampung tao na ang nakararaaan ay nakakalabas pa rin naman siya roon. Umaalis siya gamit ang private jet na pagmamay-ari niya o `di kaya ang chopper kapag naiisipan niyang bisitahin ang mga business niya sa Maynila. Kapag ginagawa niya iyon ay nakakita pa rin siya ng mga babae pero never siyang na-a-attract sa mga ito.

Until now… he thought. Pero pinilit na binura ni Rhett ang nasa isip niya. Magiging distraction lang niya ang babaeng ito at hindi niya kailangan ang distraction. He needed to focus on his craft and also stop this irritating beat of his heart. Kung puwede nga lang ay huwag na niyang tanggapin ang babaeng ito. Pero nakita niyang basta-basta na lang ito iniwan ni Rachel sa kasabikang makaalis sa pagkakakulong sa isla niya. Ni hindi man lang nito tinuruan ang babae ng mga dapat na gawin nito. Nag-init ang ulo niya nang dahil roon pero hindi naman niya masisisi si Rachel. Ito ang pinakamatagal niyang empleyado at alam niyang kating-kati na itong umuwi lalo na at may anak ito. Malaki lang talaga ang utang na loob nito sa kanya kaya hindi siya nito maiwanang basta. Isama pang alam rin nito na hindi siya papayag na basta na lamang ito umalis ng walang kapalit nito. On that point, alam niyang mahihirapan ito nang husto dahil walang gusto na magtrabaho sa kanya sa ganoong kalagayan. Paano ay bihirang-bihira ang mga ito makaalis ng isla at isama pa na kahit maganda ang lugar dahil sa white beaches ay nakakatakot naman ang bahay niya. All of his secretaries branded it a “haunted house”. Madilim rin ang buong loob ng kabahayan dahil mas prefer niya iyon. Nakakatulong iyon para makapag-imagine siya lalo nang mga sinusulat niya.

“M-may tao ba rito?” may audio surveillance microphone ang lahat ng mga CCTV ni Rhett kaya narinig niya ang sinabi ng babae. Napalunok siya nang marinig ang boses nito. Even her voice sounds beautiful. `Yung totoo, makakapagtrabaho pa ba siya talaga kung ito ang magiging sekretarya niya?

Distraction man na maituturing ni Rhett ang itsura ng babae ay hindi niya gaanong ikinabahala iyon noong una. Kagaya ng klase ng interview na ginagawa niya ay hindi siya nakikipag-interact sa mga empleyado niya ng face-to-face. Madalas ay kinakausap niya lang ang mga ito sa radio na pinapahiram niya sa mga ito kapag may iuutos siya. O `di kaya ay pupunta siya sa video room at tatawagin mula roon ang sekretarya dahil may microphone doon na maririnig mula sa maliit na speaker katabi ng CCTV na pinatayo niya. Maririnig nito, kahit saang panig ito ng bahay naroroon ang boses niya. His house was equipped like the one in Big Brother. Sa laki kasi ng bahay niya ay hindi niya madalas nalilibot iyon kaya ginawa niya ang mga bagay na iyon.

Tumikhim si Rhett para maibalik ang boses niya na tila nawala dahil sa pagmamasid niya sa babae. “Oo, may tao rito,”

Doon napansin ni Rhett ang pagbabago sa mukha ng babae. Parang naligalig ito sa narinig. Hindi naman niya ito masisisi dahil kahit siya ay natatakot rin kapag naririnig ang boses niya. Masayado kasing malakas at buo masyado iyon. Simula teenage years niya ay ganoon na talaga ang boses niya.

“Ha?” tumingin ito sa buong paligid. “Eh nasaan ka? Bakit wala ka sa kuwarto na ito?”

“I’m somewhere you’ll never find,” sagot naman niya. “Anyway, let me explain everything to you. Hindi ako nakiki-interact ng personal sa sekretarya ko. I gave them tasks by radio. Napapansin mo ba ang radio na nandiyan sa lamesa sa harap mo?” tumingin ito sa lamesa. Kinuha nito ang radyo.

“Ito ba?” itinaas nito ang radio.

“Oo, `yan nga,” sagot naman niya. Sa gulat niya ay biglang sumigaw ito.

“Nakikita mo ako!” nanlaki ang mga mata nito. “Oh God! Ano ba itong sinuong ko?”

“Hey, don’t freak out. Makikita talaga kita dahil may mga CCTV sa halos lahat ng kuwarto rito. I did that for security purposes. As you can see, malaki ang bahay ko. Mahihirapan akong i-secure ang lugar na ito dahil hindi naman lahat ay kaya kong libutin,”

“Ganoon? Eh bakit ayaw mong kumuha ng mga guwardiya o katulong para protektahan ang bahay mo?”

“I don’t trust people easily, Lady,” sagot naman niya rito. “And don’t worry. Mayroon naman tayong isa pang kasama rito bukod sa ating dalawa,”

“Ano?! Isa lang?” nanlaki ang mga mata nito. “Kaya naman pala hindi kataka-taka na ganito kadumi ang bahay mo, eh,”

Napataas ng kilay si Rhett. Sa tono ng babae ay parang hindi siya nito tinuturing na nakakataas rito. Nararamdaman ba nito na parang mas gusto niyang hindi rin ituring na empleyado dahil sa angking ganda nito? Kakaiba talaga ito sa mga dating naging sekretarya niya. Kung dati rati ay takot ang nangingibabaw sa mga ito, ngayon ay malakas ang loob ng bago niyang sekretarya. Mukhang mahihirapan siyang pagkatiwalaan ito dahil parang wala man lang takot na nararamdaman ito sa kanya. Baka mamaya ay kapag may iutos siya ay suwayin pa siya nito.

“But anyway, bakit ba ayaw mong magpakita? Totoo ba ang sinasabi ni Robert na Beast ka?”

Sandaling napaisip pa si Rhett kung sino si Robert hanggang sa maisip niya ang anak ni Rachel. Nagre-research siya tungkol sa mga empleyado niya, isama pa na si Robert ang naging dahilan kung bakit nagtagal si Rachel sa kanya. Naging pambayad nito ang serbisyo nito sa kanya para sa pagpapa-opera ng anak nito. Balak rin niya na mag-research tungkol sa bagong sekretarya pero dahil hindi niya pa alam ang buong pangalan nito ay hindi niya maggawa. Tanging “Mira” lang ang nasabi sa kanya ni Rachel. Guro daw iyon ng anak nitong si Robert at ayon sa anak nito ay napakabait. Dahil matagal na naman naninilbihan sa kanya si Rachel ay nagtiwala siya rito na totoo ang mga sinasabi nito. Hinayaan na rin niya itong umalis na lang basta-basta dahil bukod sa naiintindihan niya ang masidhi nitong kagustuhan na makaalis ay hindi rin niya ganoon kagusto ang performance nito. Kundangan nga lang ay alam niyang mahihirapan siya sa paghahanap ng bago kaya hindi niya ito mapalitan. Kaya lang ay dapat pala hindi siya nagtiwala nang husto kay Rachel dahil mukhang hindi naman mabait itong ipinalit nito sa sarili. Mukhang marami rin itong tanong na pinakaayaw naman niya sa lahat. Mukhang magugulo ang tahimik niyang buhay dahil rito.

“There is a lot of definition of being a beast. Ano ba ang para sa `yong definition noon? Physically? His attitude? Or his performance in bed?” hindi mapigilan ni Rhett na mapangiti nang nakakaloko sa sinabi.

Rhett saw the girl blushed. Sandali siyang natigilan sa nakitang reaksyon ng mukha nito. God, she was really beautiful! Hindi siya mahilig mang-asar pero kung ganoon kaganda ang magiging reaksyon nito kapag nang-asar niya ay mukhang masarap yatang araw-arawin na gawin iyon. O kaya oras-oras pa.

“You are a pervert! No doubt that Robert’s really called you a beast!” maya-maya ay nakita niyang tila nanginginig ito. Parang kinain naman ang puso ni Rhett sa nakita.

Para maiwasan ang makitang sakit sa itsura ng babae ay pinili na lang ni Rhett na tapusin ang usapan. “Seriously, my personality is a matter that you shouldn’t be curious about. At ang tungkol naman sa iba pang rules tungkol sa magiging trabaho mo sa akin ay inihanda ko na para sa written paper na `yan. Sa ngayon ay wala ka pang gagawin dahil hindi naman rush ang madalas na gagawin mo rito. Bibigyan kita ng oras para makapag-ayos ka muna. Baka bukas na kita pagsimulain rin. Tatawagan na lang kita sa radio kapag kailangan na kita,” iyon lang at tinapos na ni Rhett ang usapan.

Tumayo si Rhett sa kinauupuan at nagpunta sa banyo ng video room. Ang banyo na iyon ay naka-connect sa kuwarto kung nasaan ang babae. Gusto niyang maghilamos dahil baka sakaling mahimasmasan siya sa mga kakaibang damdamin na dinulot sa kanya ng bagong sekretarya. Binuksan niya ang pinto at ganoon na lang ang gulat niya sa nakita. Hindi niya inaasahan ang nakita dahil sinabihan niya ang basahin ang nasa papel para matutunan nito ang mga rules niya. Pero iba ang ginawa nito na naging dahilan nang pag-usbong nang matinding damdamin lalo kay Rhett.

Umalingawngaw ang malakas na sigaw ng babae sa buong bahay.

ILANG oras na simula nang mangyari ang “interview” ni Mira sa bagong amo niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over at alam niyang hindi iyon dahil sa kakaibang klase ng interaction na gusto nito pati na rin sa nakakakilabot na boses nito. Iyon ay dahil sa unexpected na pagkakita niya sa CR na mukhang naka-connect sa kabilang kuwarto kung nasaan pala ito.

Hindi siya maka-get over dahil for the first time in her life ay nagkamali siya ng in-imagine. She imagined the worst when she travelled to this island based on the stories she have heard. Kahit ang itsura ng boss niya ay na-imagine na rin niya. Sa isip-isip niya ay kagaya naman ng kadalasang Beauty and the beast inspired love story na napapanood niya kung saan may malaking sugat ang lalaki sa mukha o may kapansanan ito. Pero hindi ito ganoon. Hindi ito beast. Malayong-malayo ito roon. Isa itong Prince Charming na nakatira sa nakakatakot na kastilyo!

Napasigaw si Mira dahil sa gulat nang sumalubong ito sa kanya. Malay ba niya na may ka-connect pala ang comfort room na iyon. Hindi niya kasi napansin ang isa pang pinto sa banyo. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakakapaghubad nang pumasok ito. Magpapalit sana kasi muna siya ng damit dahil alat na alat na siya sa katawan niya. Pakiramdam niya ay dumikit na sa kanya ang mga alat sa dagat dahil sa biyahe. Pero ngayong nakaligo na siya sa banyo sa kuwarto niya na nalaman niya sa pamamagitan ng “rules” ng amo niya ay wala na ang malagkit na pakiramdam. Tanging ang hindi na lang mawala-wala kay Mira ay ang memorya ng taong sa tantiya niya ay ang kausap talaga niya kanina na kahit na ba tumalilis agad ito nang alis nang makita siya ay hindi pa rin tumatalilis sa isipan niya. Kahit mabilis lang niya itong makita ay tumatak sa memorya niya ang mukha nito.

Hindi malimot-limutan ni Mira ang features ng mukha nito. His face was reverbated with rugged masculinity with that pecan shaped hazel eyes matching his thick light eyebrows. May pagka-Arabo rin ang ganda ng ilong nito pero ang pinakanagustuhan ni Mira roon ay ang labi nito na kahit unang kita pa lamang niya ay masasabi niyang napaka-sexy ng tignan. Hindi madalas humanga si Mira sa mga lalaki at hindi rin niya hilig pansinin ang mga ito. NBSB pa nga siya pero pinapaganang magaling ng lalaking ito ang pantasya niya. Hindi dapat siya maging malandi pero sa letseng labi nito ay parang gusto na niya itong hapitin palapit sa kanya nang makatikim naman siya dahil perpektong-perpekto iyon. Tapos sasabayan pa niya ng pagsabunot sa may pagkakulot na buhok nito. Naaalala niyang ganoon ang mga eksena sa ilang mga pocketbook na nababasa niya noon. Hindi niya lubos akalain na maiisip niya ang mga bagay na iyon sa isang lalaki. Isama pang missionary teacher siya. Matagal na nga niyang nilimot ang mga ganoong babasahin pero mistulang nag-throwback sa isip niya. Mas nakakakilabot ang mga naiisip niya kaysa sa bahay kung nasaan siya.

Bago para kay Mira ang lahat. Ang lugar kung nasaan siya, ang tao sa paligid niya pero ang pinakabago ay ang naramdaman niya. Noon lang siya nakaramdam ng ganoon para sa isang lalaki at hindi niya maipaliwanag kung bakit. Iyon ba ay dahil sa sobrang guwapo nito? O dahil sa masyado na siyang nadadala sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya tungkol sa kuwento ng Beauty and the Beast kaya naiisip niya iyon? He may not be a beast in physical features but Mira felt that he is a beast in attitude! Hindi niya malilimutan ang ginawa nitong pang-aasar sa kanya kanina! Isama pa ang mga kuwentong masama rito ni Robert at ng pamilya nito.

Kaya sapat ng dahilan iyon para tumigil ka na diyan sa kakaisip mo, Mira! You shouldn’t be attracted to that beast! Saway ni Mira sa sarili. Sa kasalukuyan ay pinagpapatuloy niya ang pagbabasa at pagre-review ng nasa rule book ng amo niya. Pero hindi niya maggawang isapuso ang mga iyon dahil sa distraction. Palagi kasing mukha ng lalaki ang nakikita niya habang tinitignan ang papel.

Ang sabi nito ay hindi daw ito magpapakita sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang dahilan nito. Wala naman itong diperensya, bakit kailangan nitong magtago? Mahiyain ba ito o ano? O baka naman psychotic ito? Puwede rin siyang mag-conclude ng ganoon dahil sa mga ka-echosan nito sa bahay at buhay nito. Ginawa ba naman nitong PBB House ang bahay nito! Sapat na dahilan na iyon para huwag niyang isipin ang lalaki. Pero kahit anong pilit niya, nasasapawan naman iyon ng gandang lalaki nito.

Nasa ganoon pa rin na kalagayan si Mira nang mapansin niyang dumidilim na ang paligid. Medyo nagugutom na rin siya dahil kaunti lang naman ang kinain niya kaninang tanghalian. Inisip niya kasi ang pagsakay sa bangka. Hindi siya puwedeng kumain nang marami dahil sa alam niyang maalog siya sa laot. Mas lalong sasamain ang tiyan niya. Tumayo na siya ng kama niya. Hahanapin niya ang kusina.

Tinignan ni Mira ang mga gamit na nakalagay sa lamesa kanina at hinanap ang mapa na nakita niya kanina. Ginamit niya iyon para makapunta siya roon ng hindi naliligaw. Hindi siya magaling sa direksyon pero nuncang tatawagan niya ang lalaking iyon para ipagtanong kung nasaan ang kusina sa kastilyo nito. Kahit naman kasi nasobrahan ito sa kaguwapuhan ay natatakot pa rin siya rito. Saka hindi ito magandang kausap sa telepono dahil nakakatakot ang boses nito. Kaya nga nag-assume siya lalo na pangit ito.

Nabasa ibaba lang naman ng kuwarto niya ang kusina ayon sa mapa. Kinuha ni Mira ang ilang gamit niya pati na rin ang flashlight at lumabas na ng pinto ng kuwarto niya. Binuhay rin niya ang flashlight pagkalabas na pagkalabas. Napansin kasi niyang dim ang ilaw sa mga pasilyo. Pero ganoon na lang ang gulat ni Mira nang may mag-flash din sa harap niya pagkabuhay niya noon.

Sa ikalawang pagkakataon ay umalingawngaw ang sigaw ni Mira sa buong kabahayan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.