SA KABILA ng mabigat na katawan at nanakit na ulo, sinikap ni Mira na lumabas ng kuwarto niya at tangkaing hanapin si Mang Chito. Pakiramdam niya ay nilalagnat siya. Dahil bata pa lang siya ay sakitin na siya, umepekto iyon ngayong naulanan siya. Mahina ang resistensya niya. Wala siyang baon na gamot dahil na rin sa matagal na nang huli siyang magkasakit. Nawala na sa isip niya ang mga dating ginawa sa kanya ng mga magulang, ang mga precautions. Pero gustong magbaka-sakali ni Mira na mayroon noon si Mang Chito. Pumunta siya sa kusina para tignan ito roon dahil madalas ay doon mamalagi ang kawaksi.
“Mang Chito!” sinubukan pa ni Mira na sumigaw sa kabila ng nanghihinang boses. Napapikit si Mira nang walang sumagot at kasabay pa noon ay tila may nag-wave rin sa ulo niya na sakit. Akmang kakapit siya sa kitchen counter para huwag matumba nang may kamay na umalalay sa kanya mula sa likod.
“Mira? Anong ginagawa mo rito?” nakilala agad ni Mira na boses iyon ni Rhett.
“I---“ sandali pa siyang natuliro. “Hinahanap ko si Mang Chito. Hihingi sana ako ng gamot,”
“Gamot? Para saan?” punong-puno ng pag-aalala ang boses ni Rhett. Nang mapansin nito ang namumutlang mukha ni Mira ay nagkahinala na ito. Hinawakan nito ang leeg niya. Nanlaki ang mga mata nito. “God! You’re burning!”
Pinaupo siya ni Rhett sa isa sa mga nakita nitong upuan sa kitchen at pagkatapos ay may kinuha itong kahon sa cupboard. Doon ito kumuha ng gamot. Kumuha rin ito ng tubig at inabot sa kanya ang mga iyon para inumin.
“Salamat,” pinilit ngumiti ni Mira sa kabila ng sama ng pakiramdam. Ininom niya ang gamot. “Hindi ko naisip na dahil sa ginawa kong pagkuha ng damit, maari pala akong magkasakit.”
“Naulanan ka kaya hindi imposible. But it was done now. Ang mahalaga sa ngayon ay ang gumaling ka agad. Now let me take you to your room for you to have a total rest.”
Tumango si Mira. Tumayo siya. Pero nagulat siya na sa halip na hawakan lang siya ni Rhett ay pinangko siya nito papunta sa kuwarto niya. “Rhett, puwede naman na---“
“Sshhh. It is better this way. Para hindi ka na mapagod.”
Pakiramdam tuloy ni Mira ay napakaespesyal niya sa ginawa nito. Parang nagkaroon din siya ng lakas dahil pakiramdam niya ay kinikilig siya sa ginawa nito.
“Thank---“
“At `wag ka na rin mag-thank you. Bukal sa loob ko ang lahat ng ginagawa ko para sa `yo at kapag sinasabihan mo ako ng ganyan, pakiramdam ko ay nakiusap ka lang sa akin which is not really the real thing. Gusto ko ang lahat ng ito. Gusto kong alagaan ka. Gusto kong panatilihing ligtas at maayos ka. I just hope you would let me. Kahit ngayon lang na may sakit ka.”
Sandaling natulala pa si Mira sa sinabi nito. Nakatitig lang siya rito dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. At pati na rin sa sarili niya. For someone who is known for being good, bubbly and sweet, pakiramdam niya ay ang weird-weird niya. Hindi dapat ganito ang mga kilos niya. Pero mukhang nahahawa na yata siya kay Rhett dahil weird na rin siya. O dahil nga ba talaga sa bago lang itong nararamdaman niya at nalilito pa siya? Ah, basta! Nahihirapan siyang i-handle ang sitwasyon niya.
Nang makapasok sila sa kuwarto niya ay inihaga siya nito sa kama. Nagtanong ito sa kanya ng maaring gamiting face towel at pagkatapos ay pumunta ng banyo ng kuwarto. Ipinatong nito sa noo niya ang pinigang basa na face towel.
“Matulog ka. Baka mas makatulong `yan para gumaling ka agad.”
Sa halip na sundin ni Mira ang sinabi ni Rhett ay umiling siya. Kumunot ang noo nito. “Bakit?”
Hindi rin alam ni Mira kung bakit. Iyon ba ay dahil gusto niyang i-savor ang moment nila ni Rhett kahit masama ang pakiramdam niya? Pero gusto niya lang makasama ito. Pakiramdam niya ay nami-miss na niya ito kahit palagi lang naman itong nasa tabi niya.
“I want to be with you,” hindi na niya mapigilang sabihin.
Si Rhett naman ang sandaling natulala sa kanya nang sabihin niya iyon. Kumurap-kurap pa ang mga mata nito pagkatapos. “Talaga? Hindi ka na galit?”
Umiling si Mira. “Hindi naman talaga ako galit. Ako nga ang nag-aalala na baka ganoon ang nararamdaman mo.”
“Goodness! No! Naiintindihan kita, Mira. Alam kong nagulat ka sa sinabi ko. It happened fast and I can’t blame you. Kahit rin naman ako ay nagulat sa nararamdaman ko pero hindi ko na lang talaga kaya pang itago. For so many years, I stay away from people and hid myself on this goddamned island. But because of you, even if I have practiced the art of that, I can’t seem to stay away. Napakalakas ng impact mo sa akin, ng atraksyong nararamdaman ko sa `yo para lumayo ako at magtago. Pero pinigilan ko ang mga iyon noong nakaraan dahil sa kagustuhan mo. Alam kong nabigla ka, nagulat sa mga nangyari. Hindi mo pa rin ako lubusang kilala at siguro ay natatakot ka rin. You first see the bad side of me. Pero aantayin ko ang araw na pagbibigyan mo ako, Mira. Na pagbibigyan mo ako na ipakita ko sa `yo ang lahat ng bagay na magagawa ko sa abot ng makakaya ko para lang sa `yo…” madamdamin pang wika ni Rhett sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataon ay natulala na naman si Mira rito. Parang dagling nawala ang pakiramdam niya sa sayang idinulot sa kanya ng mga salita nito. Pakiramdam rin niya ay napakaespesyal niya dahil ang isang tao ay handang magbago para sa kanya. Isang tao na mukhang imposible at mahirap para noon na magbago. At nang pakatitigan pa ni Mira ang mga mata nito, nakita niya ang malaking sincerity sa mga iyon. At dahil sa mga iyon ay parang dagli rin na nawala ang mga takot sa isip ni Mira…
Bakit hindi niya pagbigyan ito? After all, siguro naman, kapag nagkalapit pa sila lalo ay magbabago ang tingin niya rito. Kung napagbibigyan niya ang iba, bakit hindi ang damdamin niya?
Kailangang alisin ni Mira ang takot na nararamdaman niya para sa sariling kasiyahan niya.
Nang maka-recover siya ay ngumiti siya. “Kapag naging magaling na ako, igala mo ulit ako sa buong Mindanao, ha?”
Sandaling nagulat pa si Rhett sa sinabi niya. Pero nang maka-recover ay ngumiti ito. “Of course.”
“GUSTO kong pumunta sa mall,” deklara ni Mira kay Rhett nang tanungin siya nito kung saan niya gustong pumunta. Kinabukasan lang pagkatapos niyang lagnatin ay maayos na ang pakiramdam niya. Pero two days after pa noon nang magkasundo silang gumala. Ayaw kasing mag-risk ni Rhett na umalis sila dahil kakagaling lang niya sa sakit.
Sumunod naman roon si Mira dahil alam niya na may punto ito. Ayaw rin niyang puwersahin ang sarili niya dahil bahagyang may sakit pa rin siyang nararamdaman kahit na ba wala na siyang lagnat. Para kasing maya’t maya ay sumasakit ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pilit lang niyang itinatago. Pero ngayon ay wala na iyon kaya naman maganda na ang mood niya para gumala at subukang mapalapit pa ang loob kay Rhett lalo.
Naging dahilan ang pagkakasakit niya upang ma-build muli ang loob nila ni Rhett sa isa’t isa. Kung nailang at nagulo ang damdamin ni Mira rito nang magtapat si Rhett ng damdamin sa kanya, ngayon ay tila nawala iyon. Nang sinubukan niyang i-open rito ang sarili muli nang hindi nag-iisip ng iba pang bagay tungkol rito ay mas umayos ang pakiramdam niya. Hindi na siya nakakaramdam ng kahungkagan nang mga sumunod na araw.
Masaya si Mira sa mga nakaraang araw at ngayon ay umaasa siya na magiging mas masaya lalo siya. Ngayong araw kasi ay gagala na sila muli ni Rhett. Para bang magde-date. Bago rin sa kanya ang damdamin na kiligin at ma-excite lang para sa isang araw nai-spend sa isang lalaki pero hindi na siya natatakot. Dahil ngayon ay handa na siya sa kung ano man na kahahantungan ng araw na iyon. Gusto niyang pagbigyan ang sarili niya. Gusto niyang sumaya kaggaya ng Ate Mira niya kaya tatanggapin niya si Rhett kahit na ba nakilala niya ito bilang masama at napakamisteryosong lalaki noong una pa lang.
Pero hindi kaggaya ng inaasahan ni Mira ang naging reaksyon ni Rhett sa sinabi niya. Kumunot ang noo nito sa minungkahi niya. “H-ha? Bakit sa lahat naman ng lugar, sa mall pa?” bahagya pa na nanginginig ang boses ni Rhett nang sabihin iyon.
Napakunot noo rin si Mira sa reaksyon nito. Na-curious siya kung bakit naging ganoon ang reaksyon ni Rhett. Ganoon pa man ay pinili na lang na lang ni Mira na sagutin ang tanungin. After all, a question shouldn’t be answered by another question. “Kasi gusto ko sanang bumili ng bagong cellphone. Hindi mo naman siguro ako pagdadamutan na bumili ng isang bagay para maggamit ko upang mag-communicate `di ba? You trust me, right?”
“But of course…kaya lang---“
“Saka gusto ko rin kumain sa fast food restaurant. Walang ganoon sa kabilang isla kaya naman gusto ko sana, kahit man lang sa Cagayan de Oro pumunta tayo. Puwede naman `di ba?” ginamit pa ni Mira ang isa sa mga asset niya---ang ngiti niya---para mapapayag niya si Rhett sa gusto niya.
Mukhang nakumbinsi naman niya ito. Tumango ito at hindi na nagsalita. Sa isang open field sa CDO nito ibinaba ang chopper at may kinausap silang tao para bantayan iyon habang naggagala sila. Nag-jeep na lang sila papunta sa pinakamalapit na mall sa lugar. Pero habang nasa jeep pa lamang sila ay nararamdaman niyang hindi mapakali si Rhett ngayong pagkatapos ng ilang araw ay humarap sila sa maraming tao. Mukhang naiilang ito.
“May problema ba, Rhett?” hindi na napigilang tanungin ni Mira ito.
“Ha?” mukhang nagulat pa ito. Parang wala ito sa sarili. “W-wala naman. I’m okay,”
Matamang tinignan muli ito ni Mira. Malakas na talaga ang curiosity niya lalo na at ramdam niyang may itinatago ito. Magsasalita muli sana siya nang biglang magsalita ang driver ng jeep. Nandoon na sila sa mall.
Nang makababa sila sa mall ay bumuntong-hininga muna si Rhett pagkatapos ay hinawakan siya. Nang tumingala siya rito ay napansin niyang nabawasan na ang sama na nakikita niya sa mukha nito kaya hindi na lang siya muling nagtanong. Pagkapasok sa mall ay nagyaya ito sa isang restaurant kung saan kakaunti lang ang tao. Gusto sana niyang kumain sa Jollibee o `di kaya ay sa McDo pero dahil nagpumilit si Rhett na doon na lang sa restaurant na iyon kaya pumayag na rin siya.
Lunch na kaya naman marami siyang nakain. Ganoon rin naman si Rhett. Tuluyan nang naging maayos ang itsura nito kaya naman isinantabi na ni Mira ang curiousity niya kanina. Nag-focus na lang siya sa sayang nararamdaman niya ngayong magkasama sila ni Rhett at nagde-date. Masayang kumain sila. Inaasikaso rin siya nito sa pagkain at paminsan-minsan ay sinusubuan. Dahil gusto niya ang ginagawa nito ay hinayaan lang niya iyon. After all, kinikilig siya sa atensyon ni Rhett, sa mga pag-aalaga nito.
Pero hindi naisip ni Mira na hanggang sa lunch lang pala siya magiging masaya. Dahil nang yayain na niya itong umalis ng restaurant ay umiling ito.
“Ah, Mira, puwede bang mamaya na lang? Ayaw ko pang umalis,” wika sa kanya ni Rhett.
“Ano? Rhett, inabot na tayo ng alas dos sa restaurant. Nakakahiya naman kung nandito tayo tapos hindi na tayo nakain,”
“Kung ganoon ay um-order pa tayo. Ayaw ko pa lang talagang umalis, please. Medyo wala ako sa mood na mag-mall, eh. Ang dami kasing tao,” palusot pa nito. Naramdaman niyang bahagyang nanginginig at hindi na naman komportable ang ipinapakita ng mukha nito.
Matamang tinignan ni Mira si Rhett. Kung kanina ay napalampas niya iyon, ngayon ay hindi na pupuwedeng hindi. “May problema ka, Rhett. Kung ano man iyon, sabihin mo sa akin iyon,”
Napansin ni Mira na namutla ang mukha ni Rhett pero nag-deny pa rin ito. “I’m fine, Mira. W-wala lang talaga ako sa mood na mag-mall,”
“At bakit? Kahit kasama ako, wala ka sa mood? Akala ko ba ay gusto mo ako? Hindi ba at kapag gusto mo ang isang tao, kahit ano pa ang gusto niyang puntahan, makasama mo lang siya ay ayos na ang lahat? Pero bakit ngayon ay tila may kinatatakutan ka? Bakit ba nagde-deny ka pa, Rhett? Alam ko na may problema ka. Nararamdaman ko. Pero hindi mo sinasabi sa akin.”
Hindi nagsalita si Rhett sa sinabi niya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya kapagkuwan ay tumungo ito. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin ito nagsalita sa akin.
“Please tell me, Rhett.” Pakiusap niya. “Handa akong makinig kung ano pa man iyon.”
Ngunit hindi pa rin ito nagsalita. Nasaktan si Mira sa iginawi nito. Ang akala ba niya ay pagkakatiwalaan na siya nito? Pero base sa mga ikinikilos nito ay hindi naman totoo iyon. Tama ba na hinayaan niya ang puso niyang pagkatiwalaan ito samantalang hindi naman nito maggawa iyon sa kanya?
“I thought you are going to trust me. Pero hindi pa rin pala,” kapagkuwan ay sabi ni Mira saka tumayo. Nagtatampo siya kay Rhett. Nagtiwala siya sa mga sinabi nito pero ngayong nagtatanong siya ay hindi naman siya nito maggawang sagutin kahit na ba ramdam niya na may problema naman talaga. Nangako ito sa kanya pero hindi nito maggawang tuparin iyon. Magagawa pa ba niyang pagkatiwalaan ito samantalang hindi naman ito ganoon sa kanya?
Lumabas siya ng restaurant. Wala siyang pakialam kung sundan man siya ni Rhett o hindi. Gusto niyang gumala at kailangan rin niyang makabili ng bagong cellphone. Matagal na siyang naglalakad pero hindi niya pa rin nakikitang sumusunod si Rhett. Gusto ng maiyak ni Mira sa mga nangyayari. Gusto niyang intindihin si Rhett pero ito naman ang may ayaw. Nasasaktan siya sa ginagawi nito sa kanya.
Alam ni Mira na bilang isang guro at missionary teacher, kailangan niyang maging pasensyado. Pero nasaktan siya sa katotohanang nangako sa kanya si Rhett pero hindi naman nito iyon tinutupad o ginagawan man lang ng aksyon kaya naasar na siya. May limitasyon talaga ang kabaitan niya.
Nakapunta na siya sa isang cellphone shop nang maramdaman niya ang presensiya ni Rhett. Nagkatinginan sila pero dahil mukhang wala pa rin itong balak na mag-open sa kanya ay hindi niya pinansin ito. Matagal-tagal rin siyang nakapili ng gustong bagong cellphone kaya nagtagal sila sa pamimili noon. Ganoon pa man ay nasa tabi niya si Rhett, pero hindi pa rin sila nag-iimikan. Nakabantay lang ito sa kanya.
Nang akmang babayaran na ni Mira ang napiling cellphone ay nag-insist si Rhett na ito na ang magbabayad.
“No, I can manage,” malamig na tugon niya rito at ibinigay agad sa babae ang cash na dala niya.
“Mira…”
Hindi siya tumugon rito. Hinayaan niyang isipin nito na nagtatampo siya rito dahil iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Kahit naman kasi sabihin niya ng diretsahan iyon rito, alam niyang magsasayang lang siya ng laway. Paano ay hindi naman ito nakikinig sa kanya. Ilang beses na niya itong kinompronta pero wala pa siyang naririnig.
Gusto niyang magkaroon ng mga sagot pero hindi nito sinasagot iyon. Sa ilang araw na magkasama sila ay ngayon lang na-curious ng ganoon si Mira kay Rhett. Siyempre ay curious rin siya kung bakit ganoon ang personalidad nito. Noong una, noong hindi pa ito umaamin sa kanya ay curious na siya pero dahil bahagyang natatakot siya rito ay hindi niya maggawang magtanong. Nitong mga nakaraang araw naman na magkasama sila ay hindi na niya muna pinansin iyon dahil mas na-e-enjoy niya ang pakiramdam na kasama ito at hindi na naisip kung bakit ganoon ang personalidad nito. Isinantabi na lang muna niya ang curiousity niya. Hindi pa man nag-o-open up si Rhett kaggaya ng ipinangako nito sa kanya noon ay hindi na muna iyon mahalaga sa kanya. Ang mahalaga ay ang maging komportable siya sa piling nito. At siyempre pa ay ang lasapin ang sarap ng pakiramdam kapag nakakasama niya ito.
Pero ngayon ay iba na. Nag-confront na siya pero balewala lang pala iyon. Mukhang hindi nito kayang panindigan ang pangako na kayang magtiwala sa kanya. Pinagkatiwalaan lang nito sa ilang bagay pero hindi ang tungkol sa pagkatao nito.
“Umuwi na tayo,” wika niya kay Rhett pagkatapos niyang mabayaran ang cellphone.
“Mira, I’m sorry,” nakatungong wika pa sa kanya ni Rhett.
“Pinagkatiwalaan kita, Rhett. Nangako ka sa akin na hahayaan mong pumasok ako diyan sa buhay mo. Nangako ka na pagkakatiwalaan mo ako dahil gusto mo ako. Pero ano ng nangyari? Hanggang salita ka lang. Dahil ngayong nagtatanong na ako sa `yo, ni hindi mo man lang maggawang sagutin ang mga tanong ko. Sabihin mo nga sa akin, niloloko mo lang ba ako? Sinabi mo lang ba ang mga iyon para lang makalapit ka sa akin? Para lang mahulog ako sa `yo?”
Umiling ito. “No, Mira. Gusto talaga kita. Its just that…nag-a-adjust pa siguro ako. Mahirap para sa akin ito.”
“Mahirap rin para sa akin ito, Rhett. Bago para sa akin ang nararamdaman ko at hindi pa rin kita lubos na kilala para pagkatiwalaan kita nang husto. Yes, maybe I have trusted some people that I haven’t even know a lot before. Pero siguro ay napapagod rin ako lalo na at hindi maganda ang impression ko sa `yo hindi kaggaya nang mga unang tinulungan at pinagkatiwalaan ko noon. Naging mahirap para sa akin iyon. Pero sinubukan ko, di ba? Humingi lang ako ng ilang araw sa `yo para ma-gain ko iyon. Para ma-handle ko ang damdamin kong ito at makasiguro ako kung tama nga ba na makipaglapit ako sa kaggaya mo. Pero nasayang lang pala ang pagsusubok ko dahil hindi mo naman tinupad ang pangako mo. Hindi mo naman talaga ako handang papasukin diyan sa buhay mo.”
Hindi nagsalita si Rhett sa sinabi niya pero nakita niya ang sakit na lumarawan sa mukha nito. Pero hindi iyon pinansin ni Mira. Naglakad siya palabas sa exit ng mall at nagtanong kung saan ang sakayan ng jeep papunta sa open field na pinaglanding-an ng chopper ni Rhett. Walang imik naman na sumunod sa kanya si Rhett hanggang doon. Kahit nakasakay na sila pareho ng chopper ay ganoon pa rin sila. Tila nakamamatay ang katahimikan sa pagitan nila. Nakamamatay na parang siya ay ganoon na rin ang nararamdaman.
Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng Mommy ni Robert nang basta na lang siya nito iwanan pagkatapos niyang palitan ito. Pero ngayon ay mas nasaktan siya sa mga kilos ni Rhett. Umasa siya at nagtiwala pero niloko lang siya nito. Ang bigat-bigat ng dibdib niya hanggang sa makababa na siya ng chopper nito. Pero akmang babalik na siya ng bahay nang magsalita si Rhett mula sa likod niya,
“Mira, mag-usap tayo.”
Tumigil si Mira sa paglalakad pero hindi lumingon rito.
“I’m sorry. I’m really sorry. Now give me the chance to explain to you everything…” sa wakas ay nakapag-isip rin ito.
“I DON’T have a normal childhood, Mira,” kumpisal ni Rhett sa dalaga habang nakaupo sila sa buhanginan sa tabi ng dagat sa isla niya. Kanina pa mabigat ang loob niya dahil sa pagyaya sa kanya ni Mira sa mall. Isa iyon sa mga hindi niya gustong lugar. Alam kasi niya na maraming tao sa mall. Dahil lumaki siya na ikinukulong palagi ng ina ay hindi siya nasanay sa tao. Naiilang at hindi siya komportable roon. Bihira lang siyang lumabas kaya naman kahit malaki na, hindi pa rin niya maggawang labanan iyon.
“Isa ba ito sa dahilan kung bakit kakaiba ang personalidad mo, Rhett? Alam ko na may pagka-weirdo ang ilang mga artist---lalo na ang mga kaggaya mong manunulat. May nabasa ako noon na madalas ay gusto nilang mag-isa at ayaw nila sa mga maingay na paligid. Pero tila may dahilan pa bukod roon, tama ba?”
Tumango si Rhett. Nagpapasalamat siya na sa kabila ng ilang beses niyang pagtanggi rito na magtapat kung bakit hindi maayos ang mukha niya sa mall kanina ay naggawa pa rin siya nitong pagbigyan. Binigyan siya nito ng pagkakataon. Pinakinggan siya nito.
“Lumaki ako na palaging pinagmamalupitan ng Mama ko. Ilang taon akong nakaranas ng kalupitan niya. Madalas niya akong kinukulong sa attic dahil bukod sa galit siya sa akin, ako rin ang sinisisi niya kung bakit nasira ang maganda niyang buhay noon. Ang maganda sanang hinaharap niya. Bunga ako ng isang pagkakamali, Mira. My mother was raped and I was the fruit of that. Hindi niya ako tanggap kaya ikinahihiya niya ako. Sa tuwing may dumarating na nobyo niya noon, ikinukulong niya ako sa attic para hindi ako makita ng mga ito. Ayon rito ay natu-turn off raw kasi ang mga nobyo nito kapag nalalaman na may anak na ang Mama ko. Isa pa ay ayaw rin niyang makita ang pagmumukha ko dahil na rin sa pinapaalala ko sa kanyang masakit na karanasan...”
Nakita niya ang awa at lungkot sa mukha ni Mira. Kanina pa niya nakikita ang malungkot na anyo nito dahil na rin sa ilang beses na pagtanggi niya. Sa tuwina ay nasasaktan siya kapag nakikitang ganoon ang anyo nito pero mas masakit ang sa ngayon. Hindi niya layunin na sabihin ito rito iyon para kaawaan siya nito. All his life, he always felt weak. Ayaw niyang maramdaman iyon ni Mira. Gusto niyang maging lalaking nararapat para rito. Pero pagbalik-baliktarin man ang mundo, he was still the broken Rhett. Isang lalaking na-trap sa nakaraan nito.
“I’m sorry, Mira. Alam ko na napakahina ko dahil hindi ko man lang naggawang i-overcome ang mga nangyari sa akin noon na naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Para kasi sa akin ay nakatulong rin iyon sa akin kahit papaano. When I am in the dark, I feel myself more. Mas nakakapagsulat ako nang ayos. Nakakapag-isip ako nang ayos. Hindi ko na naggawang makihalubilo pa sa mundo dahil mas naging komportable na ako sa buhay ko. Nakatulong rin naman sa akin iyon, eh. Kaya naman sa tuwing lumalabas ako ay naiilang ako. Nasanay kasi ako na mag-isa at sa madilim kaya ako ganoon.”
Iyon ang unang beses na nagpaliwanag si Rhett tungkol sa nakaraan niya. Wala naman kasi siyang taong nilapitan noon para ipaliwanag niya ang tungkol sa sarili. Dahil masamang karanasan rin iyon, hindi maiwasang mag-alinlangan rin siya. Alam niyang nagdesisyon siya na pagkakatiwalaan niya si Mira, na ipinangako niya rito na magbabago siya para rito. Pero pakiramdam niya ay napasubo siya sa sinabi niyang iyon. Hindi niya agad mapanindigan dahil bago iyon sa kanya. Sa tuwing iniisip kasi niya na sabihin kay Mira iyon ay may pag-aalinlangan pa rin siya. Paano kung hindi siya matanggap nito? Hindi ba at nahirapan nga ito na tanggapin ang pakikipaglapit niya rito noon? Ngayon naman ay natakot siyang kapag nalaman nito ang nakaraan niya, baka manlamig muli ito sa kanya o lumayo kaggaya noong una.
Pero kung patatagalin pa lalo ni Rhett ang mga takot na iyon, siya ang magmumukhang nanlalamig sa kanila ni Mira. Siya kasi ang dahilan kung bakit ito nagtatampo sa kanya, kung bakit hindi niya ito makausap, kung bakit hindi siya makalapit rito. Hindi kayang tiisin ni Rhett iyon kaya naman kahit mahirap at nag-a-alinlangan siya, ginawa niya ang abot ng makakaya niya na magpaliwanag tungkol doon. And to his shock, he felt a big hand left his heart. Gumaan ang pakiramdam niya na sa nakalipas na taon, sa wakas ay may nasabihan rin siya ng mga nararamdaman niya. Naggawa rin niyang mag-open sa isang tao. Naggawa rin niyang magtiwala.
Sa gulat ni Rhett ay si Mira ang napaiyak sa kanilang dalawa. Niyakap pa siya nito. “Its okay, Rhett. Ako nga ang dapat na humingi ng tawad sa `yo. Alam ko na naging mahirap sa `yo ang lahat ng ito. Oo, ipinangako mo sa akin na pagkakatiwalaan mo ako. Pero dahil sa mga sinabi mong ito, naramdaman ko na mahirap sa `yo na gawin ang lahat ng iyon. What happened to you when you were young was horrible. Hindi kita masisisi kung hindi mo agad ipinagkatiwala sa akin ang bagay na iyon. At ako naman, dahil sa pag-iinarte ko, pinilit kita na sabihin agad iyon. Hindi man lang kita binigyan ng panahon para mag-isip. Hindi madali para sa `yo ang lahat ng ito, Rhett. At naiintindihan ko na ang lahat ng iyon sa `yo.”
“Hindi, Mira. Hindi ka dapat humingi ng tawad. Ipinangako ko sa `yo na pagkakatiwalaan kita pero sandaling natakot ako. Noon ko lang kasi naisip kung magiging gaano kahirap iyon. Madali sa akin na pagkatiwalaan ka sa ilang bagay pero hindi sa lahat. Lalo na at alam kong ang iba roon ay makakapagpasama sa image ko sa `yo. Natakot kasi ako na layuan mo ako kaggaya noong umamin ako sa `yo. Ayaw kong mangyari muli iyon.”
“It doesn’t matter, Rhett. Ngayong inamin mo na sa akin ang lahat ng iyon, mas naliwanagan ako. Mas naintindihan ko kung bakit ganyan ang pakikitungo mo at ganyan ang personalidad mo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay naggawa mo na talaga iyon ngayon. At isa pa, willing ka rin naman na magbago hindi ba? Willing ka na i-overcome ang mga takot mo, hindi ba?”
Sandaling natigilan si Rhett. Handa nga ba siya na gawin iyon para kay Mira? Handa ba siyang baguhin ang kinasanayan para sa babaeng ito? Pero kung iyon ang magiging dahilan para manatiling makita niya ang magandang ngiti na iyon sa labi ni Mira, alam na niya ang sagot.
He would try to do everything just to have her in his arms.