Beneath the Summer Solstice Moon Chapter 39

"The new de Angelis is hot. Look at that body."

Biglang lumingon si Kristian sa lalaking nagpa-practice ng arnis sa tabi niya. Galing ang mga ito sa angkan ng Romanov subalit wala sa practice ang atensiyon ng mga ito kundi sa kay Alta na nasa isang bahagi ng martial arts training area at nagpa-practice ng cappoiera. Nakasuot ito ng gray sando na basa na sa pawis at jogging pants. The sweat accentuated her pert breasts. Napaka-graceful din nito habang sumasayaw subalit iyon din ang pambungad nito sa pakikipaglaban. Her braid added more sexiness to her moves.

Nandoon siya para sa aikido training niya kay Hideo. Pero lumipad na ang training sa utak niya dahil gusto niyang panoorin na lang ito. He was attracted to her before. Pilit niyang iniiwasan ito pero ngayon ay mukhang lalo siyang mahihirapang iwan ito. Gusto niyang pagtatakpan ang mga matang nakatingin kay Alta. O mas maganda siguro kung dudukutin niya ang mata ng mga ito.

"Your baby vamp is all grown up," komento ni Hideo na nakasuot na ng aikido uniform nito. "Halos lahat ng lalaki dito interesadong i-date siya."

"Because she's a de Angelis?"

Isang malaking pang-akit sa mga lalaking bampira ang pagiging isang mezzo ni Alta at ang pagiging kabilang nito sa isang malalakas na angkan sa buong mundo. Sinumang lalaki na gusto ng kapangyarihan ay magkakainteres dito.

"No. Being a de Angelis is just part of the charm. Malaki na ang ipinag-mature niya. Mas confident na siya at mas tanggap na niya ang pagiging bampira niya. Siguro nakatulong na nakita na niya ang pamilya niya. Nabawasan na din ang lungkot sa mga mata niya. Parang may dinadalang lungkot. Parang brokenhearted. Ano bang ginawa mo doon at nagkaganoon iyon?"

Natilihan siya. May alam ba ito tungkol sa kanila ni Alta? Nagko-confide ba si Alta dito? O baka naman naririnig nito sa iba kapag kapag nagkukwento si Alta. Hindi niya ito nagugustuhan. "At kailan ka pa naging tsismoso?"

Nagkibit-balikat lang ito. He worked as an assassin and as a spy. “So there’s nothing special about you two?”

Huminga siya ng malalim at kinuyom ang palad. Sino baa ng paglalakuan niya? Mas matagal na nabuhay sa kanya si Hideo. “Bakit importante na malaman mo? Wala ka namang pakialam sa mga babaeng nagiging parte ng buhay ko dati.”

“Sagutin mo lang ang tanong ko. Gusto mo ba siya o hindi?”

Naningkit ang mga mata nito. “Bakit kailangan mo pang malaman?”

“Para hindi ko na siya guwardiyahan sa mga gustong makipag-date sa kanya. May iba pa nga na gusto siyang pakasalan. I am starting to like her. Who knows? Baka sa susunod yayain ko rin siyang mag-date.”

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Nagkulay pula ang tingin niya sa paligid. Bago pa niya makontrol ang sarili ay umigkas ang nakakuyom niyang kamao at tumama sa panga ni Hideo. Gulat na gulat ang mas matandang bampira dahil bumalandra ito sa sahig. Nagtama ang mga mata nila at sa utak niya ito kinausap dahil ayaw niyang may iba pang makaalam kung sino ang pinagtatalunan nila. Hindi ako papayag na makipag-date sa kanya!

Ngumisi lang ito at hinaplos ang nasaktang panga. Kisamma! Bakit ako ang inaaway mo? I am the good guy here. Ikaw itong umaway sa kanya. You rejected her. Itinaboy mo siya palayo sa iyo. Sabi mo ayaw mo sa pagmamahal niya. Anong problema mo ngayon?

Napaurong siya bigla. Bakit nga ba siya nagagalit? Ayaw niyang mapalapit kay Alta. Hindi niya tinanggap ang pagmamahal nito. He threw her love back to her face for so many times. Subalit nang may ibang magka-interes dito ay di niya mapigilan ang sarili na maging possessive. Ayaw niyang may ibang lalaking lalapit dito.

“Kristian! Anong nangyari kay Hideo-sensei?” tanong ni Alta at humahangos na lumapit sa kanila. Nagulat siya nang biglang umungol sa sakit si Hideo at sinapo ang sikmura. Namaluktot ito sa sakit kaya dali-dali itong dinaluhan ni Alta. “Sensei?”

“Ojii-san! Tumayo ka na diyan. Tama na ang drama mo,” aniya sa malamig na boses.

Matalim ang isinibat na tingin sa kanya ni Alta. “Anong drama? Kita mo ngang nasasaktan siya. Ano bang ginawa mo sa kanya?”

“Nagpa-practice lang kami. Hindi siya nakailag sa suntok ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sikmura ang sumasakit diyan. He is just acting,” aniya at humalukipkip. “Saka sa tanda niyang iyan, imposibleng masaktan iyan.”

Umubo lang si Hideo at patuloy sa pag-ungol. “Nasaktan mo na nga siya,” wika ni Alta at nakabantay habang tsine-check up si Hideo.

Tumalikod siya at iniwan ang mga ito. He was pissed off. Mas naniniwala pa si Alta sa drama ni Hideo samantalang siya itong nananakit ang kamao. Parang pumipintig pa iyon sa sakit. Pakiramdam niya ay natraidor siya ng kaibigan niya. Kung aanalisahin nga naman ang mga pangyayari ay wala siya sa lugar. He let his own emotions get the best of him. He doesn’t usually lose his cool. Pero dahil kay Alta ay nawawala siya sa huwisyo. Parang hayop siya na handang silain ang kahit sino na aagaw kay Alta. He must be insane.

Palabas ng gym ay nakita niyang nakatayo sa gilid ng ring si Nicodemos. “What?”

Itinaas nito ang mga kamay. “No comment. Mukhang masakit na ang kamay mo. May awa naman ako kahit sa lalaking ayaw tanggapin ang nakatadhana sa kanya.” Humalukipkip ito at sumipol ng kanta na Jealous.

Naggiyagis ang ngipin niya at tumuloy sa pinakamalapit na spring na ilang metro lang ang layo sa gym. Gusto niyang mapag-isa o baka lahat ay awayin niya pagdating kay Alta. He didn’t want to accept his destiny. He didn’t want to accept Alta. Ang problema lang ay hindi kasama sa pinag-aralan niya kung paano tututulan ang tadhana niya. Akala niya ay madali lang tutulan ang pag-ibig dahil nagawa niyang makalusot sa mga babaeng nai-in love sa kanya noon. Madali para sa kanya na iwasan ang mga ito at isantabi. But Alta was different. he couldn’t get her out of his system. Hindi nga ba niya maiiwasan ang tadhana niya kahit na anong mangyari? Kapag ba hindi niya iniwasan si Alta ay hindi siya mawawalan ng kontrol katulad ngayon? Dapat bang angkinin na niya ito para wala nang ibang lalaki pang lumapit dito?

What the heck! Iniisip niyang angkinin ito at bakuran sa ibang lalaki? Parang kumuha na rin siya ng lubid na ipinambigti sa sarili. Staking a claim on her would be dangerous. Parang nilabag na rin niya ang lahat ng plano at paniniwala niya. And then what will happen to Alta? Hanggang kailan nito masasabing mahal siya nito?

“Kristian?”

Nagulat siya nang marinig ang boses ni Alta. Paglingon niya ay nakatayo na ito sa likuran niya. “What do you want?” he asked in a cranky tone.

“Gusto ko lang sabihin sa iyo na okay na ang panga ni Hideo-sensei. ‘Yung tungkol sa sikmura niya, joke lang daw iyon.”

“Alam ko na iyon,” aniya sa matabang na boses. “You may go now.”

Tumayo ito sa tabi niya niya at inilahad ang palad. “Patingin ng isinuntok mo sa kanya.”

Pumaling siya palayo dito. “Hindi na kailangan. Gagaling din ito.”

Kinuha nito ang kamay niya at pumalatak nang makitang mas gasgas iyon at namamaga. Binuksan nito ang aloe vera gel at pinahiran ang kamamo niya. “Mas bibilis ang paggaling kapag pinahiran nito. Parang bato ang katawan ni Hideo-sensei. Maswerte ka na walang nabaling buto sa iyo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.