Beneath the Summer Solstice Moon Chapter 50

“I want my girlfriend’s family and friends to be treated like VIPs. Ayokong maramdaman nila na iba ang status nila sa buhay o tratuhin silang inferior. Bisita namin sila ni Alta kaya dapat maayos ang pagtanggap sa kanila. Gusto ko na mag-enjoy sila Alta bago ang party at ma-relax sila,” bilin ni Kristian sa bagong personal assistant na si Regina habang naglalakad sa corridor ng Winners Spors Apparel at papunta sa opisina niya mula sa katatapos pa lang na meeting.

Isa itong fidele o taong nagsisilbi sa mga rojo. Ito ang pumalit kay Atrisha matapos niyang ipadala ang babae sa Amerika para pamahalaan ang mga branch ng mga tindahan nila doon at kumuha pa ng dagdag na investor.

“Naka-reserve na po sila sa Moonlight Hotel isang araw bago ang event. Naka-schedule na rin sila para sa full spa treatment at gown fitting. Nagpadala na ang couturier ng kukuha ng sukat nila at design na gusto nila. Kunyari survey lang tapos pwede silang manalo sa raffle. Hindi po sila makakahalata na pinaghahandaan n’yo silang isama sa party.”

"Alta deserves a break. At gusto ko rin na maramdaman niya na ‘di siya inilayo sa mga taong mahal niya. Na nadagdagan lang ang nagmamahal sa kanya."

Ngayon lang ito lalabas ng Valle kaya naman gusto niya na ma-enjoy nito ang experience. Anim na buwan itong hindi lumalabas at nakita ang mga malalapit dito.

May pagkakataon na nararamdaman niya ang pagkailang ng dalaga. Hindi pa ito sanay sa buhay bilang isang rojo at de Angelis. She remained humble and driven. Parang mas pursigido pa nga ito ngayon may patunayan sa mga tao. Na di nito nakuha ang lahat ng tinatamasa nito dahil sa ‘di nito karaniwang kakahayan.

“Huwag po kayong mag-alala, Sir. Nakahanda na ang sorpresa para sa kanya.”

“Para ba sa akin ang sorpresa na iyan?” tanong ng isang babae na nakasandig sa mesa ni Regina na nasa labas ng private office niya.

"What are you doing here, Atrisha? Nasa California ka pa dapat."

"Nandito ako para sa anniversary ng kompanya. Yumakap ito sa leeg niya. “I miss you. Hindi mo ba ako nami-miss?"

Akmang hahalikan siya nito pero iniwas niya ang mukha. Binaklas niya ang pagkakayakap nito sa braso niya. "We can't be too close.”

"Bakit? Dati naman tayong ganoon.”

Tinanguan niya ito. “In my office.”

“What's wrong?” tanong ng babae sa iritadong boses. “Dati wala lang sa iyo kung yakapin at halikan kita in public. We are friends. More than ust friends.”

Bumuntong-hininga si Kristian at kumuha ng blood wine para sa sarili. “Marami nang nagbago ngayon, Atrisha. I am already committed. At ayokong magbigay ng hindi magandang impresyon sa kanya o sa ibang tao. I may have a bit of a reputation before but I want things to change. Gusto ko rin na makita ka niya bilang isang kaibigan at hindi isang karibal sa akin. After all, we are good friends.”

Hindi niya inaasahan ang basta na lang nitong pag-uwi. Hangga’t maari idinidistansiya niya ito kay Alta para hindi ito makagulo sa relasyon nila ni Alta. Mas gusto nga niya na bumalik ang babae matapos ang tahimik na nilang kasal ni Alta.

“Niya? You mean Alta de Angelis? Totoo ba ang balita na pakakasalan mo ang itinakda? Kaya ba ayaw mong bumalik ako ng Pilipinas?” Mapait itong ngumiti. “Sinunod mo ang sinabi ng hangal na kresme na iyon."

"Are you even listening to your self? Nangyayari ang lahat ng bagay ayon sa itinakda. Huwag kung sinu-sino ang sinisisi mo. Sarili kong kilos ang mga nangyari. Kusa kong ginawa.”

Lumapit si Atrisha sa kanya at dinuro siya. "Ikaw at ang itinakda. Ibig sabihin ikaw ang magiging ama ng pinakamalakas na sanguis?" Nagtagis ang bagang nito. "Are you crazy? Bakit ginagawa mo ito? Dahil ba bigla kang naging ambisyoso at maging anak ng pinakamalakas na sanguis o baka naman dahil sa malaking utang na loob mo sa mga Majarlika at gusto mong pagsilbihan ang mga rojo kaya isinasakripisyo mo ang sarili mo?"

Pinigilan niya ang kamay nitong nakaduro sa kanya. "Did you just insult me? Para sa isang tao na inaakala kong kaibigan ako at susuportahan ang kaligayahan ko, ito ang maririnig ko mula sa iyo? Oportunista ba ako? Hayok sa kapangyarihan? For the longest time, I took care of you and supported you and this is what I will get in return?”

Ayaw niyang ipamukha sa babae ang mga nagawa niya para dito. Kusa niyang ginawa iyon. Wala siyang ibang hinihiling na kapalit mula dito. Kasama ito sa mga inalagaan, pinagsilbihan at pinrotektahan niya. Ngayon lang siya nagkaroon ng sariling kaligayahan - si Alta at ang pamilyang bubuuin nila. At hindi niya hahayaan ang kahit sino na balewalain ang kaligayahan niya.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Atresia. “I am sorry. Pero nasasaktan ako sa mga nalaman ko. Akala ko ako ang mahal mo."

"I do. As a friend. As a sister. Ilang taon na tayong magkasama? It has been more than a century. Kung dati pa gusto na kita, sana noon pa ako nakipag-date sa iyo. Did I fill ideas inside your head? Inalok pa kitang makipag-date dati sa iba."

Ipinadyak ng babae ang paa. "Ayoko dahil ikaw ang mahal ko. Umasa ako na dadating ang panahon na mapapansin mo ako. Na maibabaling mo sa akin ang pagmamahal mo.”

"Hindi kita pinaasa. You made your choice and I made mine. Siguro mali ako na ‘di pa kita dinirekta dati. Natatakot akong saktan ka. Natatakot ako na lumayo ang loob mo sa akin dahil kaibigan kita. Isa sa iilang kaibigan ko.”

“At ngayon okay lang na mawala ako sa iyo dahil sa itinakdang iyon? Samantalang dati dumadating at umaalis lang ang ibang babae sa buhay mo.”

Malungkot niyang pinagmasdan ang babae na tigmak sa luha ang mukha. Masakit para sa kanya na mauwi sila sa ganitong komprontasyon sa dami ng pinagsamahan nila. “Atrisha, hindi ko na pwedeng itago ang koneksyon namin ni Alta. Unang bese pa lang kaming nagkita, I know it in my gut that she will be a special part of my life. Kahit na iwasan ko siya at ayawan, lagi kaming pinaglalapit. At tuwing tinatakasan ko ang nararamdaman ko, lalo ko lang siyang nasasaktan at ang sarili ko. I will die for her."

"Dahil siya ang itinakda,” puno ng kapaitang usal nito.

"Itinakda siya na mahalin ko. I love her. I want to be with her. She makes me smile. She makes me feel whole."

Humikbi ang babae. "Sinasaktan mo ako."

"Sinasabi ko lang kung ano ang totoo. I had always been real to you. At bilang kaibigan ko, ayokong masaktan ka pa. Kailangan mong harapin ang totoo tulad kung paano ko hinarap ang nararamdaman ko kay Alta."

Natutop nito ang bibig. "Nangako ka kay Kuya na aalagaan mo ako."

Iyon ang panlaban sa kanya ng babae. “At tinupad ko ang pangako ko sa kanya sa loob ng mahabang panahon. And don't use guilt to bind me to you. Ako pa rin ang kaibigan mo. Pero huwag mo akong papiliin sa inyo ni Alta. She will always be my priority. Sila ng magiging anak namin. At makakalaban ako ng sinumang mananakit sa kanila."

Sinubukan nitong pigilan ang pag-iyak. Naging hikbi iyon subalit nanatiling mistulang balaraw sa talas ang mga mata nito na nakataraks a kanya. "Dadating ang panahon na makikita mo rin kung sino ang karapat-dapat sa iyo. Magsisisi ka rin na siya ang pinili mo. Magmamakaawa kang bumalik sa akin.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.