Bloof of Roses & Heart of Bullets Mafia 3-4 Chapter 15

Chapter 15

Pagkatao

“I'm not favor to this Mystique.." sikmat agad sakin ni Diego nang mapag isa kaming dalawa.

Nakapamaywang siya sa aking harapan at ako naman ay nakatingala sa kanya. He's so fucking tall!

"Diego...si Don Cleo ang nagset ng magiging guro ko. Sa English lang siya at tsaka we've been a good friends!"

"Friends don't kiss Mystique.." diin ang kanyang boses. Pumikit ako ng mariin. Nahirapan ako sa pag explain sa kanya lalo na't ang isipan niya ay napapalibutan ng kaselosan!

Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis. Tinahak ko naman pabalik sa library at nakitang nakaupo si Felix sa kanyang upuan. Bahagya niya pang pinagalaw galaw iyon habang nagbabasa naman ng kung ano ano si Addelyn.

Nagliwanang ang mukha niya ng makita ako.

"Senyora! Ahmm..maupo kana po!" naghila si Addelyn ng upuan para sakin. Ngumiti ako lalo na kay Felix.

He did'nt smile back. Tila nabadtrip siya.

"Let's start. We only have two hours and then..wednesday is my next schedule. Are you okay with it?"

He asked.

I nodded. "Yes sir!"

Tinitigan niya si Addelyn dahil hindi ito sumagot. Nanlaki ang mata ni Addelyn. Nagpakunot iyon ng aking noo.

"Y-Yes po.."

"Sir...Addelyn..."

Napalunok si Addelyn. "Y-Yes s-sir.."

Lumagapak ang hawak na libro ni Felix sa mesa at inayos niya iyon bago nag discuss. Shit!

May hindi ba ako alam? E, ngayon lang naman sila nagkakilala at mainit na agad ang ulo ni Felix sa kanya! Addelyn is fine for me!

Hindi ako nagkamali dahil naging terror si Felix bigla!

Unang araw...napasabak agad kami sa isang long quiz! Wow! Parinig ako ng parinig kay Felix pero mukha talaga siyang seryoso sa biglaang quiz niya! Ni walang klase at pag review!

Attitude ka sir? Attitude? ok.

Normal ang paalam niya sa amin matapos ang dalawang oras. Ayos naman sakin.

Nilingon ko si Addelyn na nagliligpit ng binigay ko sa kanyang notebook at ballpen.

"Ayos kalang?" tanong ko. Ngumiti siya sakin at pinahiran ang kanyang pawis.

"Grabe..kinabahan ako."

Sabay kaming tumawang dalawa dahil doon. Naging pormal ang araw ko hanggang sa sumapit ang gabi. Busy rin si Diego sa mga ibinilin sa kanya ni Don Cleo bago umalis.

Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam.

Hindi ko nalilimutan ang aking misyon at obligasyon. Kailangan ko paring kausapin si papa tungkol sa lahat. Pakiramdam ko kasi mayroon siyang alam na importante para sakin.

Nakaayos na ako at handa nang bumaba ng tumunog ang aking cellphone sa isang call ni Diego. Tumaas ang kilay ko.

"Hello?"

"Nakakain kana? I'm out for a mission today."

Napamulagat ako. "B-Bababa palang ako ngayon. B-Bakit? Saan ka?"

Humalakhak siya na nagpairap sakin. "Basta..babalik rin ako mamaya. Nasa Batangas port ako. I love you baby.."

Halos ihagis ko ang cellphone sa dingding!

"Che!" binaba ko agad ang cellphone  at napatingala sa kisame.

Nakaupo na ako sa mesa handa nang kumain nang pagsilbihan ako ni Addleyn.

"Magandang umaga senyora!" sabay lapag ng bulalo sa aking harap.

"Wow..alam na alam mo ang paborito ko huh? Paano?"

Manghang mangha ako. Natigil siya at napakurap.

"A-Ah..ano..iyan talaga ang ulam ngayon."

Oh! Napatango tango ako. Assumera ako masyado.

Ngumiti siya bago umalis. Doon ko natanto na pinagtitinginan kami ng mga katulong na kasing edad ni Addelyn. Tinaas ko ang kilay sa kanila ng makitang inirapan nila si Addelyn.

Ngayon lang siguro nila nakitang naging close ako sa isa sa mga katulong. What's wrong with that?

Halos mga katulong lang ang nakikita ko sa loob ng mansyon. Sa labas naman ay mga bantay nito.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang litrato ng tunay kong ina na pinakita sakin noon ni Don Cleo. Nilagay ko ito sa aking kuwarto.

She's beautiful. Her gown was champain tube gown. Mahaba ang itim na itim nitong buhok at nasa kandungan ang pinagsiklop na palad niya. Pormal na pormal sa litrato.

Napangiti ako ng haplusin ko iyon.

"I wish you were here.." namutawi ko.

Sa paghaplos ng aking palad sa litratong iyon na nakadikit sa dingding ay may nahaplos akong isang pangalan na napakaliit sa bandang ilalim. It's like an ugly signature.

Toronjil?

What???

"Senyora!" napapitlag ako sa isang katok sa aking kwarto. Binuksan ko ang pintuan at nakitang si Addelyn.

"Senyora ito na po pala ang mga nakatupi mong mga damit. Ilalagay ko lang po sa damitan mo.."

"Thank you. Pasok ka."

Sanay na ako sa ganito. Mabuti nalang si Addelyn na ngayon ang mga nag aasikaso ng mga kailangan ko.

Habang naglalagay siya ay umupo naman ako sa kama. Addelyn looks like an old maiden way back in 1950's lalong lalo na sa kanyang uniporme. Her hair was in lazy braids that made her looks more matured.

"Saan ka dati nakatira? 'Yung time na ang mama mo palang ang nagtatrabaho dito?" Ngumiti siya sakin.

"Sa Probinsya ng Romblon. Mahirap ang pamumuhay doon pero mas pipiliin ko doon kumpara dito sa Manila. Doon, simple ang buhay namin kaso namatay si inay na may utang pa kay Don Cleo kaya nakakahiya."

Nabigla ako doon ah.

"Mabuti narin at may nakakausap ako dito. Boring na boring ako!" sabay higa ko sa kama pero napaayos rin ng upo ng may sumagi sa isipan ko na ediya.

"Bilisan mo diyan. Samahan mo'ko sa mall. Kumain tayo doon."

Nabigla ito at umiling. "Bawal po iyon samin senyorita."

"Hindi yan. Ako na magsasabi. Hindi naman nila pwedeng sawayin ang gusto ko. Hindi na mahigpit sakin ngayon si Don Cleo at magdadala tayo ng body guards."

Bakas ang disgusto sa kanyang mukha pero wala siyang nagawa ng hilahin ko siya para makasuot ng damit niya.

Bagay na bagay sa kanya ang dress na binigay ko at nilagyan ko siya ng make up!

"Senyora...maraming salamat po. A-Ang ganda po dito. Sobra."

Ngumisi ako sa kanya nang nasa loob ng kami ng mall. May anim akong body guards na kasama at maya maya ang tawag sakin ni Diego.

"Wala iyon Addelyn! Kumain muna tayo?"

Tumango siya na may ngiti sa labi. Halatang halata na ngayon lang siya nakapag mall! Parang gusto kong ipasyal siya sa lahat para hindi na siya maging ignorante!

Ganito pala kapag nag iisang anak ka at  ngayon lang nakatagpo ng kaibigang babae!

Naiwan sa labas ang mga bodyguards na apat at ang dalawa ay nasa tabi namin.

Binigay ng lalaking waiter ang menu sa amin ni Addelyn.

"Pili kalang diyan."

Tumango naman siya sakin. Habang pumipili ako ay namataan ko ang waiter na lalaking nakatingin sakin at sumenyas!

Si papa!!?

Napaayos ako ng upo at nanlamig.

"A-Addelyn..banyo lang ako ah.."

Alam kong pumasok si papa sa banyo kaya doon ang aking tungo. Sinundan ako ng isang bodyguard at nagpaiwan sa labas ng banyo.

Walang tao sa loob ng makapasok ako hanggang sa may humawak sa aking braso.

"Papa!!"

Shit!

"B-Bloom...may kailangan kang malaman! Mga sinungaling sila! Tungkol ito sa pagkatao mo.."

Litong lito ako sa mga sinabi ni papa! Ang buong akala ko ay iyon na yung nalaman kong ako si Mystique! Sino ba talaga ako?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.