Broken Vows Trilogy Chapter 14

HALOS pumalakpak si Anna nang sa wakas ay matapos rin ang ginagawa niyang pagpi-print. Pagkatapos ng ilang gabing pagtakas niya kapag tulog na si Daimon upang ipagpatuloy ang manuscript at i-edit, ngayon ay magagawa na niyang ilimbag kahit papaano iyon. Masaya si Anna na sa unang pagkakataon, maibabahagi na rin niya ang matagal na niyang sinisikreto at pinampapalipas niya ng oras sa mga panahong libre siya. Masaya rin siya na ang unang natapos niya at ginustong maibahagi ay siyang ipapabasa niya sa asawa.

At regalo.

Inilagay ni Anna sa folder ang mga papel at tinignan ang orasan. Alas-siyete na ng umaga. Oras na ng gising ni Daimon. Nang makabalik siya sa kuwarto ay saktong kakamulat lang na mata nito. Hawak-hawak ang ginawa sa likuran niya, lumapit siya sa kanyang asawa. Muntik na niyang mailaglag ang folder nang mariing hinalikan siya nito.

“Happy anniversary, Honey. Wow, I missed saying that to you.” Wika ni Daimon pagkatapos ng halik. Nagniningning ang mga mata nito.

Ngumiti si Anna. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang magkaayos sila ni Daimon at tila siya nanalo sa saya sa nakalipas na buwan. It was really heaven being with Daimon. It was heaving being with someone you love. Tama nga si JD. Hindi siya nakaramdam ng kahit ano man na pagkatalo ngayong binuksan na niya ang puso niya at hindi na pigilan iyon. The feeling is very blissful when you don’t hold your feelings back. Naging maayos ang pagsasama nila ni Daimon. Naging isang masaya silang pamilya. Mas lalo pa silang nakakita ng kasiglahan ngayong kitang-kita at nararamdaman na nito ang pagmamahal ng mga magulang nito sa isa’t isa. Hindi rin mahahalata sa mga kilos nito na inopera ito. She was really a very happy and adorable kid. Halos wala ng mahihiling pa si Anna...

“Happy anniversary, too. I love you so much!”

“If that’s the case... can I have my gift now?” hinawakan siya ni Daimon at lalong inilapit rito para halikan muli. Naging mas mainit at matindi pa ang halik nito sa kanya kanina hanggang sa bumaba na iyon sa kanyang leeg. Pero bago pa bumaba nang bumaba ang halik ni Daimon sa kanya ay pinatigil niya ito.

“Uh-oh. That’s not my gift for you.”

“What? Paano kung sabihin ko na iyon ang gusto ko?”

“Demanding. Sige, I’ll give that to you. But later. Ngayon, hayaan mong ibigay ko sa `yo ang tangible gift ko.” Inilabas niya ang folder na hawak-hawak sa likod at ibinigay iyon rito.

Kumunot ang noo ni Daimon. “Ano ito?” wika nito habang binubuklat. “A-a novel?” hula agad ng lalaki nang makita kung gaano kakapal ang ibinigay niya rito at mabasa ang nasa unang pahina.

Kinagat ni Anna ang ibabang labi. “I-I write, Daimon. I write love stories.”

“What? How? Bakit mo isinikreto? Bakit hindi ko alam?”

“Minsan tinanong mo ako kung bakit madalas akong nasa library noong hindi tayo magkaayos. Iyon ang pinagkakaabalahan ko habang naroroon. I’ve wrote a lot, actually. But I haven’t finish until now.

“I’m a journalism student but I never intended to write a love story. Hindi ako naniniwala roon. But you changed my views in love. Siguro nga ay totoo ang manghuhula. Binago mo rin ang pananaw ko sa buhay, sa pag-ibig. Naging ganoon makapangyarihan ang pagmamahal mo sa akin.

“Nagsimula akong magsulat nang magpakasal tayo, Daimon. Because I’ve already believe in love, naggawa ko ng i-appreciate ang mga romantic movies. Hindi na lang ako nanonood noon in the sake of kailangan or what else. It is because it is I believe it can happen in true life. Pero nang mangyari ang masamang gabi na iyon, hindi ko na naituloy ang love story na ito. Sinubukan kong gumawa muli pero walang kahit ano ang natapos.

“Ang nobela na regalo ko sa `yo ngayon ay ang pinakauna kong naggawa. It was our story. I guess, kaya hindi ko naggawa siyang tapusin talaga noon dahil hindi sa tumigil ako sa paniniwala sa pag-ibig. Iyon ay dahil sa hindi pa rin talaga tapos ang istorya natin at ayaw kong tapusin na lang siya ng ganoon. At ang mga sinubukan kong isulat na iba na hindi ko rin matapos-tapos, iyon ay dahil tanging ang love story lang natin ang gusto kong isulat. Ang gusto kong pag-ibig. Ikaw lang din ang paborito kong hero.”

Lalong nagningning ang mga mata ni Daimon. “Oh, Anna. Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buhay ko.”

Tumaas ang isang kilay ni Anna. “At ako? Kami ni Jaysen? Kami ng pamilya mo, hindi rin ba kami regalo sa `yo?”

“I mean, sa bagay. You and our daughter are the most important persons in my life. I love you both so much. Kahit na walang ganitong regalo, ang manatili ka sa tabi ko ay kontento na ako. Ang makabahagi ka sa bawat anibersaryo ng kasal natin ay isang magandang regalo na sa akin.”

“And you are the greatest gift of my life, too. Marami man ako na pinagdaanan at arte sa buhay, nanatili ka pa rin sa tabi ko. You deserved the best, yet you choose the stupid choice. You stood on someone like me. Kahit maraming nagagandahang babae sa mundo ay pinili mo pa rin ang isang kagaya ko. Isang simple at hindi naman ganoon kaimportanteng tao.”

“You’re not a stupid choice. My heart chooses you. My heart desires you. Only you. At ang kung sino man na piliin ng puso ay siyang ang tama. I know I made the right and best choice. You make me happy just by being you. To the world, you might be just one person, but to me, you are the world.”

Ngumiti si Anna at yumakap kay Daimon. “And you’re my heart’s only exception. I believe in love because of you. Because you make me see and feel it. I’m no Disney character or princess but I’ve found happily ever after in you.”

Hinalikan siya ni Daimon. Hindi man perpekto ang kanilang naging pagsasama pero hindi na iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ay alam at ramdam nila pareho na perpekto sila sa isa’t isa.

THE END

THANK YOU FOR READING MY BOOK, HOPE YOU LIKE IT. WATCH OUT FOR THE NEXT BOOK:

YOU CAN ALSO GET TO KNOW ME...

💎 Hi! My name is Cady Lorenzana 🙆‍♀️ and I live by writing 📝. I am also a professional (bathroom) singer 🎤 and a licensed driver 🚘 (just don't know how drive a man crazy for me 😂)

❣ Kidding aside, I hope you can read, vote and comment on my works! 👯‍♀️Your words will be so much appreciated 👍

👉 Kuwentuhan rin po tayo sa aking social media accounts👭

🔵 FACEBOOK: https://www.facebook.com/cady.lorenzanaphr

🔵 TWITTER: https://twitter.com/CadyLorenzana

🔵 INSTAGRAM: https://www.instagram.com/cadylorenzana/

💌 Please also join my exclusive readers group: Cady Bears

https://www.facebook.com/groups/866091243525247/?ref=bookmarks

MY BOOKS

Business and Pleasure

For Revenge or for Pleasure

Beast

Dangerous Pleasure/Pleasure of an Old Flame.

International Billionaires 1: Nikolas Lance Afinidad

International Billionaires 2: Augustus Foresteir

International Billionaires 3: Edmundo Ferreira

International Billionaires 4: Jet Martinez

International Billionaires 5: Vincent Kim

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli

The Missing Wife

The Rebellious Wife

The Pregnant Wife

Tenses Series

More Than A Fairy Tale

Broken Vows Trilogy

and many more...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.