Broken Vows Trilogy Chapter 21

NAGING malaking pasabog para kay Maria ang solusyon na naiisip ni Cristiano sa kinahaharap nilang problema. Masyado siyang naapektuhan sa naging pag-uusap nila. Nang dahil doon ay nahirapan siyang makatulog. Sanay siya na magising nang maaga pero ngayon ay naggising siya dahil sa magagaang halik sa kanyang pisngi na nakilala naman niya kung kanino nanggaling. Napangiti siya nang mamulatan niya si Santo.

“Good morning, Mommy!” nakangiting salubong nito sa kanya at ipinagpatuloy ang mga paghalik. Bahagya pa siyang nakiliti dahil doon pero pakiramdam niya ay nakompleto na ang araw niya. May pagkamalambing si Santo at gustong-gusto naman niya iyon. Isang ugali na masaya siya na hindi nito namana sa ama nito.

“Good morning, Baby. I’m sorry, I’m late. Gutom ka na ba? Nakapagluto na ba si Aling Rosita?”

Tumango si Santo. “Opo. Pero hindi pa po ako nakain. Inaantay ko pa po kasi kayo na maggising, eh dahil ang tagal niyo po, sinubukan ko na lang po kayo na gisingin. Si Daddy po, kanina pa gising. Nasa baba na po siya. Sa dining room. Inaantay ka na rin po niya na bumaba. Pinilit ko po siya `cause I want us to eat breakfast together. Like a family,”

Muntik nang mapangiwi si Maria sa sinabing iyon ni Santo. Pero pinilit niya na ngumiti pa rin dahil gusto rin naman niya na buhayin kahit papaano ang pantasya nito. Gusto nito na maging buo sila. Nagpaalam siya sa anak na mag-aayos muna bago bumaba para mag-almusal. Kagaya nang sinabi ng anak ay nandoon na nga si Cristiano. Nagbabasa ito ng diyaryo pero nang makita siya ay ibinaba nito iyon at binati siya. Hindi naiwasan ni Maria na pansinin ito. Napansin niya na medyo madilim ang ibabang bahagi ng mata nito. Napaisip siya. Kagaya rin ba niya ay nahirapan na makatulog ang dating asawa? Binabagabag rin ba ito ng mga nangyari kagabi?

Pero hindi na ginustong magtanong ni Maria. Hangga’t maaari, ayaw niyang pag-usapan ang nangyari kagabi kahit na ba alam niya na hindi iyon maiiwasan. Kiming nginitian na lang niya si Cristiano pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.

Naging kapansin-pansin ang kakaibang sigla ni Santo habang nag-aalmusal silang tatlo. Mukhang gustong-gusto talaga nito ang ganoon---ang makitang magkasama sila ng ama, ang tila nagkakasundo dahil kumakain sa iisang lamesa. Sa mga nakaraang linggo ay nangyayari rin naman iyon pero ramdam ni Maria na iba ang sitwasyon ngayon. Mas masigla at magana si Santo. Sa totoo nga lang ay nakakain ito nang mas marami kaysa sa normal na kinakain nito sa almusal. Nang pansinin niya ang anak kung bakit ganoon ay ngumiti ito. “Masaya po kasi talaga ako, Mommy. This is the best morning for me.”

“Bakit naman best morning?”

“Ang sabi po kasi ni Daddy ay simula ngayon ay magkakasama ko na kayong dalawa araw-araw. We will live together as a whole family from now on. So Mommy, gusto niyo po ba na tulungan kita na mag-pack ng gamit mo? I want us to live sana sa bahay ni Daddy. Para mas malapit sa bahay nina Jaysen. Para hindi lang kami every Saturday nagkakasama. Puwede ko rin siya bisitahin kapag weekdays.”

Nagulat siya sa sinabi ng anak. Napatingin siya kay Cristiano. Hindi nito sinalubong ang tingin niya---isang palatandaan na guilty ito tungkol roon. Gusto niyang pandilatan ito. Hindi iyon ang pinag-usapan nila kagabi!

Pero matalino si Cristiano. Alam nito na ang anak niya ang natatanging kahinaan niya. Gusto siyang i-blackmail nang hudyo. Hindi talaga ito basta-basta na lang nagpatalo. Dapat ay naisip na niya iyon. Kagabi pa lang ay ramdam na rin naman niya na hindi talaga ito magpapatalo...

“Hindi ganoon kadali iyon, Cristiano.” Sa kabila ng pagkagulat ay pinilit ni Maria na tatagan ang boses. “We are divorce and---“

Binitawan ni Cristiano ang kamay niya. Ang akala niya ay makakahinga na siya nang maluwag dahil sa malakas na epekto sa kanya ni Cristiano pero mas lalo lang yata siyang tila nawalan ng hininga. Ang sumunod naman kasing ginawa nito ay hawakan ang baywang niya upang hapitin siya palapit rito. “Puwede muling magpakasal muli ang dalawang tao na divorce. Its different from annulment.”

“Talaga?” nanuyo ang lalamunan ni Maria kaya hindi na niya magawang tatagan ang boses. Alam rin naman niya na tama ang sinasabi nito. Minsan na nabasa na rin niya ang tungkol roon dahil minsan niyang ni-research. Minsan kasi nang malungkot siya at biglang maalala ang ama ng anak niya ay naisip niya ang ideya na paano kung magkabalikan muli sila? May pag-asa ba? Pero dahil kinakabahan siya sa pinunto ng asawa at sa kakaibang pakiramdam na rin ng hawak nito, kung ano-ano na lang ang pumasok sa utak niya.

Ngumisi si Cristiano. Lalo yatang nanlambot si Maria. Napaka-sexy ng ngisi na iyon. “May nagsasabi sa akin na alam mo na ang tungkol roon. Pero bakit ganoon? Gusto mo lang ba na huwag aminin dahil gusto mo ang hawak ko, Maria? Gusto mo lang na patagalin dahil naapektuhan ka pa rin sa akin?”

“Cristiano...this is blackmail!” pinilit niya na magprotesta.

“Whatever. Gagawin ko ang lahat ng paraan para maging maayos ang lahat, Maria. Alam mo na hindi ako ang tipo ng taong basta-bastang sumuko. Ayaw ko rin ng problema. At kung ang akitin ka ang magiging paraan upang maging maayos ang lahat, then be it. After all, I think I’m still attracted to you.”

Nanlaki ang mata ni Maria. “You mean---“

“Alam mo na hindi ako ang tipo ng tao na nagpapatagal sa kanyang sasabihin. Kapag may nararamdaman akong kakaiba, sinasabi ko agad. Kapag may gusto ako, sinasabi ko agad. You can base that on what happened in our wedding. Noong nalaman ko kay Santo na may nangyaring masama sa iyo, nag-alala ako. Oo, masasabi ko na importante kang bahagi ng buhay ko. You were my ex, my past, the mother of my son. But you shouldn’t mean that something to me. Even with my friends, hindi ko nararamdaman ang ganoong pag-aalala. Inisip ko lang na nasaktan ka, natatakot na ako. That I can say, I still have feelings for you. Pero hindi naman talaga dapat tayo pumupunta sa punto na ito. Ang pinakadahilan kung bakit kailangan ko na mapapayag ka ay para kay Santo. Surely, kinukulit ka rin niya, right?”

“Oo. Pero hindi lang ganoon kadali iyon...” Kakatawang nagustuhan ni Maria ang ipinagtapat sa kanya ni Cristiano. Ibig sabihin lang ba noon ay may nararamdaman rin siya sa dating asawa?

“Bakit hindi? Dahil hindi kagaya ko ay wala ka ng nararamdaman sa akin? Ganoon ba iyon?” naramdaman ni Maria na may sakit sa boses ni Cristiano. Sa pagkakataong ito ay tila nasaktan rin si Maria. Hindi niya gusto na nasasaktan si Cristiano. Pero hindi rin naman niya gusto na magmadali kagaya ng dati.

Gustong magpaliwanag ni Maria pero bago niya pa maggawa iyon ay pinatikom na agad ni Cristiano ang kanyang bibig ng walang paalam na halikan na lamang nito iyon.

Naapektuhan nang husto si Maria sa ginawa ng dating asawa. Pero iginiit pa rin niya na hindi dapat na gawin nila iyon. Oo, gusto niya na mapasaya si Santo. Gusto niya na tila may nararamdaman pa rin ito sa kanya. Gusto rin naman niya na nasa tabi si Cristiano. Pero napakadali ng lahat. Nadala na siya sa pagmamadali sa mga bagay-bagay.

Kinausap niya si Cristiano pagkatapos ng almusal habang si Santo ay nanonood ng paboritong morning cartoon show nito.

“Hindi mo dapat sinabi iyon kay Santo. Binibigyan mo lang siya ng dahilan para tumaas ang pag-asa niya.”

“Kailangan kong maging matagumpay dito, Maria. Gagawin ko ang lahat para---“

She snapped. “Naiintindihan ko,” wika niya sa naiinis na tinig. “Pero hindi nga lang puwedeng ganoon kadali ang lahat. Naiintindihan mo ba iyon? Ang kasal natin. Hindi ka pa ba nadala doon, Cristiano? Masyado natin na minadali ang lahat. At ano ang nangyari? Naging isang malaking pagkakamali iyon. Kung mamadaliin mo muli ang mga bagay-bagay, paano kung mangyari ang nangyari kagaya noon? Ayaw ko na muling magkamali. Isang seryosong usapan ang magsama, lalo na ang magpakasal. Hindi iyon isang kanin na basta mo na lang isinusubo at kapag napaso ka ay iluluwa mo na lang agad. Kagaya ng nangyari sa relasyon natin. Masyado tayong nagpadala sa mga damdamin natin noon at hindi porket umiibig ang isang tao, ang nararamdaman na lang ang palaging pinapairal. Napagtanto ko na ang mga bagay na iyan ngayon. Kaya hindi ko ginustong pumayag agad sa sinabi mo sa akin kagabi...”

Matagal na tinitigan lang siya ni Cristiano. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito. “Well then, I apologize.”

“Humihingi rin ako ng tawad. Masyado rin ako naapektuhan sa mga nangyari kagabi kaya hindi ko na rin naggawang maipaliwanag ang mga ito.”

“Kasalanan ko. Masyado akong naging marahas at---”

“Nangyari na ang nangyari. Nasabi mo na kay Santo ang lahat. Wala na tayong magagawa doon,” huminga muna nang malalim si Maria bago muling nagsalita. “Kahit ako ay nahihirapan na rin naman kay Santo. Naiintindihan ko ang gusto mo. Partly, napag-isip-isip ko na wala rin naman na masama. Pumapayag na ako sa gusto mo.”

Nagliwanag ang minsan lang kakitaan ng positibong ekspresyon na mukha ni Cristiano. “Then that’s good news---“

Itinaas ni Maria ang kamay niya. “Pero kagaya nang pag-isip-isip ko na wala namang masama, partly lang iyon. Hindi lahat. Ang tanging payag lang ako ay ang magsama tayo sa isang bahay. Walang kasal na magaganap---“

Kumunot ang noo nito. “You mean, we are going to live in?”

“Oo. Pero walang kahit anong relasyon. Sa ngayon.”

Naguguluhang umiling si Cristiano. “Hindi ko maintindihan.”

“Payag ako na magsama tayo sa isang bahay, parang isang pamilya. Pero hindi ang kasal na gusto mo. Ngunit hindi rin naman ibig sabihin noon, hindi ko na bubuksan ang puso ko sa `yo. Maaari pa rin naman tayo na magpakasal pero gusto kong gawin nating tama muna ang lahat.”

“Hindi ko pa rin maiintindihan. Ibig sabihin, may kailangan pa akong gawin para lang mayaya ka na magpakasal? Dahil alam mo, hindi rin naman ako papayag nang sitwasyon na gusto mo. Living together with a woman without a relationship? How would it work?” Nalukot ang mukha ni Cristiano. “Siguro nga ay pinuwersa kita kagabi pero hindi ibig sabihin noon, hindi na ako konserbatibo na tao. Nang una kitang makita, gusto na kita. I wanted you. But when I’ve know you are inexperience, I can’t take you just like that. That’s why I married you. Nirespeto kita. At gusto kong irespeto rin kita ngayon. Ayaw kong magsama tayo sa iisang bahay ng hindi tayo kasal. Pero paano ko magagawa iyon kung ayaw mo? Paano kita mapapayag?”

“Paano ba napapayag ng isang lalaki na makipagrelasyon sa kanya ang isang babae?”

Lalong nalukot ang mukha ni Cristiano nang makuha na rin nito ang pinupunto ni Maria. “H-huwag mong sabihin na gusto mo na ligawan kita?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.