Campus Romance Chapter 30

NIYAYA si Tracy ng mga kaibigan niyang sina Drea at Freya sa TresKas para kumain ng ice cream. Alam niyang maraming tao roon pero hindi niya inaasahang naroon pala ang mga Princes at ilang babae na hindi niya kilala pati na rin si Sanya. Nang magtangka siyang bumalik sa kanilang bahay ay pinigilan siya nina Freya at Drea. Wala daw naman kasi roon si Zac kaya safe siya. Hindi pa rin niya naikukwento sa mga ito kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Pero sigurado siyang alam na ng mga ito kung anong nangyari dahil sa mga nobyo nitong kaibigan ni Zac.

Lalo na’t bumana’t na si Freya noon nang walang kamatayang “give him a chance”.

Sa TresKas Café siya hinila ng dalawa at iniupo siya ng mga ito sa gitna ng mga Princes kaya naman siya ang sentro ng atensyon ng mga ito.

“Hi, Tracy!” bati sa kanya ng mga ito. Ang tanging hindi lang bumati sa kanya ay sina Jasper at Colby na kapwa tahimik lang sa isang tabi. Hindi siya gumanti ng bati sa mga ito dahil alam niyang may pakahulugan ang pagbati ng mga ito.

She darted furious looks at Drea and Freya pero nag-peace sign lang ang dalawa sa kanya at kanya-kanya ng banat na “this is for your own good”.

“I’m good. I don’t need another two goods,” sarkastikong sabi niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mga ito. “Ano ba? ‘Wag nga kayong ganyan!” sigaw niya sa mga ito. Tangkang tatayo siya mula sa kanyang kinauupuan ngunit pinigilan siya ng mga ito kaya napabalik siya sa kanyang upuan.

“Trace, isipin mo na lang, kami ni Freya dumaan din sa problema na ganyan. Hindi naman lahat saya at kilig lang. Siyempre, balance kung may sakit din. Pero hahayaan mo bang mas makaangat ang sakit kaysa saya? I know you’re a tough girl but you’re overdoing it. Ni hindi mo man lang siya pinag-explain ng maayos,” sermon sa kanya ni Drea. Pinangunutan niya ito ng noo. Sasalungatin niya sana ito pero sumingit naman si Freya.

“Oo nga. At kung sakit at sakit din lang ang pag-uusapan, I’ve had more than one. Ikaw, tatlo lang, ako apat. Kaya mas malala pa rin ‘yong sa’kin. But see, I’ve survived everything and I’m happy now. More kilig, more happiness,” sabi ni Freya.

“I’m sorry, Tracy,” sabi sa kanya ni Sanya at ikinwento nito sa kanya ang lahat-lahat tungkol sa “pregnancy scheme” nito pati na rin ang pagsuko nito kay Zac. “Hands down ako sa’yo, ikaw ba naman ang makapagpa-corny kay Zac,” nangingiting saad nito.

Sa mga sinabi nito’y pakiramdam niya’y parang may nawalang hollow blocks sa dibdib niya. Unti-unti ay nakikita na niya ang kasiguraduhan at kaliwanagan ng lahat ng bagay.

“Trace, may ipapakita kami sa’yo pero ‘wag kang magagalit ha? ‘Wag mong ibabato ‘yong camera ko,” ani Jon Drix saka ito tumabi sa kanya at may ipinanood sa kanyang video. And it was Zac on the video. Hindi na sana niya papanoorin iyon pero kulang na lang ay iduldol ni Jon Drix sa mukha niya ang camera kaya pinagbigyan na niya ang mga ito.

“Bakit may camera ka? Stop that!” saway ni Zac sa may hawak ng camera na malamang ay si Jon Drix.

“Hindi ‘to naka-on. Face the camera. Imagine-in mong si Tracy ‘yan. Sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Practice ‘to, okay?” anang boses ni Jon Drix. Hindi ito nakikita sa video.

“Ako na lang. Baka sa’kin mo gustong mag-practice. I could pretend as Tracy,” boluntaryo ni Zephyr.

“Tracy doesn’t have stubbles,” tanggi ni Zac rito.

“Ako na lang,” boluntaryo naman ni Colby.

“Tracy’s not as tall as you,” tanggi pa rin ni Zac rito.

“O, eh ‘di ito na lang. Kausapin mong mabuti ha?” sarkastikong sabi ni Prime kay Zac sabay abot ng cell phone nito sa huli.

“Bakit may ganito ka?” paninita rito ni Zac. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa cell phone ni Prime.

“Possessive aren’t we?” nanunuksong saad naman ni Colby kay Zac.

“Galing ‘yan sa Facebook. Masyado kang OA,” ani Prime. Tumitig lang si Zac sa cell phone ni Prime at nahuhulaan na niya kung ano ang mayroon doon. Ngayon pa lang ay gusto na niyang maiyak.

“Speak up!” untag kay Zac ng mga kaibigan nito.

“Fine!” naiinis na sigaw ni Zac sa mga ito “Tracy Suazon. You don’t know this yet but you’re the loveliest girl I had ever seen in my entire life. You were my childhood love, my first love and the woman whom I’ve fallen in love with the moment I saw you in that clinic and even after you’ve rejected me. Hindi ko pa alam ang pangalan mo noon, hindi ko pa rin alam na ikaw ang batang babae sa McDo noon, but you’ve already won my heart. I’m sorry for always ruining your day when you’re making mine special. I’m sorry if I always irritate you when all I wanted was to hear your voice. I’m sorry if I did silly things on you when all I wanted was just to see you smile. You might be pissed off on me but I love your glares. You meant anger but it meant attention to me. I might have said a lot of things but I only meant I love you,” mahabang litanya ni Zac kasunod ang buntong-hininga. Pagkuwa’y hinalikan nito ang phone screen ni Prime.

Ibig sabihin ay matagal na talagang in love sa kanya si Zac?

“That’s my phone you love sick!” sabi pa ni Prime na nakuha sa video.

She was speechless. She definitely doesn’t know what to say. Magulo pa rin sa kanya ang sinasabi ni Zac tungkol sa McDo at sa batang babae pero malinaw na mahal talaga siya nito. She was Tracy Suazon, right?

“Starring Zac Castillo as the love sick dupe, the rest, supporting characters lang. Special video coverage by the one and the only master of tactics, Jon Drix Yuchengco,” makulit na saad ni Jon Drix.

“Alam n’yo, I can’t wait to meet Jon Drix’s girl,” ani Trey na first time nagsalita. Ito ang bagong captain ball ng team beating Jon Drix and Zephyr.

“Hey, here,” anang babaeng nakasuot ng Picachu hat at katabi ni Colby. Inabutan siya nito ng panyo. Umiiyak ba siya? “You’re crying,” sabi nito na para bang nabasa ang naiisip niya. Nginitian niya ito at tinanggap ang panyo saka nagpasalamat.

“Oh, nakalimutan naming ipakilala sa’yo sina Daphne at Myle. Tracy, siya si Daphne,” ani Freya habang tinuturo ang babaeng katabi nito. Ang alam niya’y kapatid ito ni Prime. “And that’s Myle,” anito habang tinuturo ang babaeng nagpahiram sa kanya ng panyo. Nginitian niya ang dalawang babae.

“Myle’s already engaged to Colby pero hindi siya tinatanggap ni Colby,” ani Jon Drix.

“Yeah. Stupid bastard. Akin ka na lang, Myle,” sabi naman ni Zephyr. Tiningnan niya ang reaksyon ni Colby pero hindi naman pala ito nakikinig sa kanila dahil nakatingin ito sa labas ng bintana. May naamoy siya na bagong romance.

“Hey, guys! Sorry I’m late. Traffic eh,” anang pamilyar na boses ni Zac.

Oh, god, I missed him!

“Okay. Eskapo na kami,” ani Jethro.

Halos sabay-sabay na nagsipagtayuan ang mga ito. Noon lang niya napansin na sila lang pala ang laman ng café. Nasa labas na ang lahat maliban kay Daphne na nakatayo katabi si Zac. Hindi siya magpapakamartir sa pagsasabing bagay ang dalawa dahil nasaktan na siya, hindi siya masokista para saktang muli ang sarili sa pagsasabi ng ganoon.

“Before I leave, I want you to fix everything with her, Zac. I want to leave seeing you happy,” sabi ni Daphne kay Zac. Malungkot ito.

“Yeah, yeah. Takot ko lang sa’yo,” pabirong sabi naman dito ni Zac. “You don’t have to leave, Daph. You just have to knock his head on the wall. Para matauhan,” pagkuwa’y sabi ni Zac dito.

“Believe me, I once tried hitting his head with a bat. Wala pa ring nangyari,” napapailing na sabi ni Daphne bago ito lumabas ng café. Tila normal lang naman kay Zac na marinig iyon mula sa babae kaya tinawanan lang nito iyon pero nagulantang ang buong sistema niya sa narinig. She wondered if she really did that.

“She did that accidentally,” sabi sa kanya ni Zac ng makalapit ito sa kanya.

Tumikhim siya bago tumingin ng diretso rito. “So, you’re here to talk to me dahil natatakot ka kay Daphne?”

“What? No!” agad na tanggi nito.

“Pero sinabi mo sa kanya—Daphne!” kunwa’y isusumbong niya ito kay Daphne pero binibiro lang niya ito.

“Oh, I deserve that.”

“You really did,” nang-aakusang sabi niya rito. But she knows in her heart, even if he won’t explain everything to her now, she would still accept him with open arms. Isa pa’y nakapagpaliwanag na sa kanya si Sanya kanina.

“I know, and I’m sorry,” hinging-paumanhin nito sa kanya. Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “First of all, I love you. I really do. I did all of this because I love you—“

“Wrong. You did all of that because I’m your McDo girl,” aniya rito. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung ano ang kwentong iyon. “Honestly, hindi ko maalala ang kwentong ‘yon.”

Napangiti ito sa kanya at saka nito ikinwento ang nangyari eleven years ago. At habang nagkukwento ito’y unti-unti niyang naaalala ang mga sinasabi nito. She did try to look for him too, back then. Pero kahit na anong tanong niya sa mama niya tungkol dito ay hindi maituro sa kanya ng mama niya kung sino ito dahil hindi rin naman daw nakapagtanong ng maayos ang mama niya sa tagapangalaga ni Zac noon na si Arthur.

Malinaw na sa kanya ngayon na ito si Chuck. Napatawa din siya ng maalala kung saan nanggaling si “Chuck”. Nagkamali kasi siya noon ng dinig kung ano ang pangalan nito. Akala niya’y “Chuck” ang pangalan nito, iyon pala’y “Zac”. So, iyon pala ang buong istorya ni Chuck.

“I’m sorry about Francis.”

“What about Francis?” naguguluhang tanong niya rito.

“I…Parang s-in-et up ko kayo ni Francis. Ilang araw kong minanmanan ang kilos ni Francis hanggang sa nalaman kong may iba siyang idene-date na babae. Nang araw na ‘yon sa Milandia, sinadya kong tawagan si Camri dahil siya lang ang naisip kong pwedeng maging daan para malaman mong naroon sa Delight si Francis at may kasama itong ibang babae. It would be obvious if it would come from me. I know that you’d be hurt, pero kinailangan ko ‘yong gawin para hindi ka na magmukhang tanga. Although, advantage ‘yon sa’kin dahil mawawala na ang karibal ko sa eksena.”

Nginitian niya ito. Hindi naman siya nakaramdam ng kahit na anong galit dito dahil may punto naman ito sa sinabi nito. “Sabi nga ni mama noon, he’s not my true love,” aniya rito.

“Oh, and speaking about your mother. Sinadya ko talagang puntahan siya sa spa noon. Nagkataong nagpamasahe muna ako bago ko sila nakita kaya naging indecent ang muli naming pagkikita ni Tita Selena—“

“So, that’s why your naked and my sister said about drooling,” natatawang sabi niya rito.

“Si Yanah?”

“Yeah. She knows so much about things. And I’m guessing na alam din ni papa na ikaw si Chuck?”

“Yeah. Nagpaalam ako ng maayos sa kanya noon. He did terrorize me, but because I love you, I have to bear it. Kaya ‘wag ka ng magtaka kung bakit magiliw sila sa’kin no’ng pumunta ako sa bahay n’yo noon. Another thing, Prime sometimes was the one who dropped gifts for you from Chuck then. At ‘yon ang rason kung bakit sila nagkaproblema ni Freya. Hindi pa siguro niya nasasabi sa’yo pero ang akala ni Freya ay si Prime ang secret admirer mo at sa’yo may gusto si Prime. Ang hindi niya alam ay excuse lang din ni Prime ang pagde-deliver ng regalo sa’yo para makadaan siya kina Freya.”

“It’s my first time to be a secret admirer because I can’t approach you easily. Dahil bad shot ako sa’yo noon. Alam ko kasing hindi maganda ang impresyon ko sa’yo at natakot akong mas lalo pang masira ang image ko sa’yo kaya iniiwasan ko munang makipagkita sa’yo. Baka kasi pumalpak na naman ako, mawalan na ako ng pogi points sa’yo. Hence, I came up with Chuck. Magpapakilala naman talaga ako sa’yo noon sa party pero nasira ang diskarte ko dahil kay Sanya. She was one of my flings na masyadong na-attach sa’kin. Pero ‘wag kang mag-alala, maayos na sa’min ang lahat. Tinigilan na niya ako dahil may nakita na siyang mas ‘mas’ kaysa sa’kin.”

“I really felt offended after we talked at Crescent Corporation’s anniversary party. I feel like a jerk, a jackass, a total asshole. Pero ang mga sinabi mo ring ‘yon ang nag-inspire sa’kin para magpakabuting tao. At dahil do’n kaya nagbago rin ako ng taktika sa’yo. I started going with the flow. I flirted with you. Akala ko no’ng una hindi eepekto dahil masyado kang matigas at mahirap paamuin but I glad it did work. And thank you for giving me a chance.”

“At tama ka, torpe at duwag ako. Because I’m afraid to lose my chances on you and I don’t want to risk when it comes to you. Gusto kong slowly but surely.”

“So, you’re not engaged with someone? Talaga?” tanong niya rito.

“No, but would you want to be engaged with me?” masuyong tanong nito sa kanya.

“Yes!” sigaw ng mga tao sa labas. Akala niya’y nakaalis na ang mga alipores na iyon pero hindi pa pala. Nag-belat siya sa mga ito saka nginisihan ang mga ito.

“Before I answer your question, I want to confess something. Hindi ako natakot noon sa naging relasyon ko kina Duke at Francis pero sa’yo, natakot ako. Duke was my first love, sa kanya ako unang sumubok, unang nagmahal, sa kanya ko unang naramdaman lahat. Then, with Francis, everything seems to be natural. I just went with the flow. Pero sa’yo, napakakomplikado lahat. Actually, ingat na ingat ako sa’yo noon. I even put a shield on my heart dahil ayaw kong ma-in love sa’yo. But with or without a shield, I really did fell in love with you, hands down. Nakakainis pero ‘yon ang totoo. And honestly, I’ve missed you,” sabi niya rito.

“You were my first love, my puppy love, my greatest love and my one true love. Pero ikaw, ang dami mong love sa ibang lalaki naman. Unfair,” biro nito sa kanya.

Natawa siya rito. Pero sumeryoso rin siya pagkuwan. “Yes, you’re not my first love, but you’re my one true love. Dahil ikaw lang ang binigyan ko ng second chance,” aniya rito.

“I’m fine with just one love,” ani Zac.

“Fine. Me too,” sabi niya rito. Pagkasabi niyon ay dinukwang siya ni Zac at mabilis na hinalikan sa kanyang mga labi.

“Tinuloy ko lang ‘yong naudlot nating kissing scene sa office. Si mommy kasi istorbo,” nakangising saad ni Zac.

“Do it again,” pilyang sabi niya. And Zac did what he was told. Bago pa sila dumugin ng mga alipores nilang gutom.

“At dahil nagkaayos na sila, salamat sa video ko, magpapakain na si Zac!” sigaw ni Jon Drix.

“Huh? What video?” maang na tanong ni Zac.

“Oh, that. ‘Yong video ng confession mo sa’kin noon. I was touched,” nakangising sabi niya kay Zac. Mukhang clueless na clueless talaga ito. Ipinakita rito ni Jon Drix kung ano ang sinasabi nila at sunus-sunod ang naging mura nito.

“That’s humiliating!” sigaw ni Zac.

“But it’s sweet and I liked it,” aniya rito.

“Fine. It’s sweet,” sang-ayon sa kanya ni Zac. She laughed at him as he kissed her in front of their friends.

Love wasn’t always easy as one, two, three but it’s always worth it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.