Captured and Tainted Chapter 24

I won't believe it.

Kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ako maniniwala o bibigay. Baka nag-away lang sila ni Jaze at ako naman ang kailangan niya ngayon, baka naman wala na siyang mapaglaruan.

“Bitiwan mo 'ko!”

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya saka tiningnan siya nang masama. He looked at me with unknown emotion in his eyes, he looks at me as if he's longing or yearning for something.

“What do you take me for? Huh? I'm not stupid, Zak. Just leave me alone! Makita lang kita naiinis na 'ko!”

“Angel...” Akmang lalapit siya ngunit agad akong umatras.

Natigilan na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako palayo kay Zak.

“Ano'ng ginagawa mo rito, direk?”

Ipinwesto ako ni Castor sa likuran niya at siya ang humarap kay Zakarius.

Nagtagisan silang dalawa ng tingin. Natahimik na lang ako at kumapit sa damit ni Castor. Ayaw ko siyang idamay sa problema namin ni Zak pero ayaw ko rin namang kausapin si Zakarius. Pakiramdam ko paiikutin niya lang ako dahil alam niyang mahina ako pagdating sa kanya.

“You have a girlfriend, right? What's her name again? Hmm, Jaze?” Castor asked.

“I don't have anything to explain to you... let her go,” Zakarius said and took a step closer to Castor. Hindi naman natinag si Castor at nakatitig pa rin kay Zak.

“Why the hell are you bothering her? Just let her be, ni hindi mo nga siya kayang panindigan, e. Tapos gusto mo siyang bawiin nang gano'n gano'n na lang? Gago ka talaga 'no?” maangas na sabi ni Castor saka tinulak ang dibdib ni Zak.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko, baka magsuntukan pa ang dalawang 'to. Bakit ba kasi ayaw na lang umalis ni Zakarius? He can't be serious about his confession, I'm certain that he's just bored... Gusto niya lang akong paglaruan.

“Don't mind him, Castor. Let's just go inside, gusto ko ng matulog,” sabi ko na lang at tinalikuran sila saka agad na nagtungo sa loob rest house. Bahala na silang dalawa riyan.

Agad akong dumiretso sa living room, I slumped on the couch and hugged a pillow there. I took a deep breath and calmed my nerves. My system is in ruckus again. Bakit kasi nagpakita pa ang Zakarius na 'yon?! Nagkakagulo na naman ang sistema ko ng dahil sa kanya.

“I love you... I love you so much, Angel.”

I gulped as my cheeks heated when his confession suddenly popped up in my mind. I buried my face on the pillow to suppress my scream.

No, hindi ako kinikilig. This is just due to my pregnancy, I'm just more emotional than before.

“Angel.”

Napatingin ako kay Castor na naglalakad papalapit sa 'kin. Umupo siya sa gabi ko at hinawakan ang kamay ko.

“Ano ng plano mo? He seems determined to pursue you,” Castor murmured while staring at me.

“Walang plano, Castor. He's just bored, he's not serious about pursuing me. Tungkol sa pagbubuntis ko, sana h'wag mong sabihin sa kanya ang tungkol do'n. Desidido ako na umalis, mahihirapan lang ako kapag nalaman niya ang tungkol dito,” bulong ko at napahawak sa tiyan ko.

Castor sighed and nodded. I want to ask him kung ano na ang nangyari kay Zak, kung nasa labas pa rin ba ang lalaking 'yon o umalis na... Nahihiya lang talaga ako, baka kung ano pa ang isipin niya.

“Ms. Angel Mendoza, hello, Ms. Angel Mendoza. Lumabas ka riyan, Ms. Mendoza. Para 'to sa ekonomiya, please lumabas ka.”

Nagtatakang nagkatinginan kami ni Castor. What the hell is that? Pamilyar sa akin ang boses na 'yon.

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto at gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Cadence na nasa tapat ng rest house ni Castor. Katabi niya si Zakarius at si Arken na tila nahihiya sa pinaggagagawa ni Cadence.

Cadence is holding a megaphone, he smiled at me and waved his hand. Where the fuck did he get that megaphone?!

“Hello, Ms. Mendoza... Shit, I love megaphones,” sabi pa ni Cad.

Napasapo na lang ako sa noo ko, hindi ba siya aware na nakaka-abala siya sa ibang mga tao rito sa lakas ng megaphone niya?!

“What the hell, Cadence?!” naiinis na asik ko saka tiningnan siya nang masama.

“Sorry na, Ms. Mendoza. Namomroblema kasi 'tong kaibigan kong si Zakarius dahil ayaw mo siyang kausapin. Usap na kayo, please, bago niya itumba 'yung lalaking kasama mo sa loob. Serious 'to, walang halong joke,” nakangising sabi ni Cadence.

Naglakad si Zakarius papalapit sa 'kin, hinawakan niya ang kamay ko habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.

“Angel, please, just give me even a minute to explain my side, I will--” agad kong pinutol ang sasabihin niya.

“30 seconds,” nakataas kilay na sabi ko. Halatang natigilan siya sa sinabi ko.

“I'm serious here, Angel. I just want to--”

“Okay, 15 seconds,” I said and crossed my arms over my chest.

“Angel, I'm really sincere about you. I truly love you... About Jaze, it's hard to explain it like this, if you could just give me enough time, I will--” muli kong pinutol ang sasabihin niya.

“Time's up, now leave. I don't wanna hear you gibberish talk, I don't wanna see your face, I don't want you touching me,” I said while gritting my teeth. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Biglang sumulpot si Castor sa likuran ko at hinila ako palayo kay Zak. Muli silang nagtagisan ng tingin. Bahagya pang itinulak ni Castor si Zak palayo.

“Narinig mo naman siguro, direk. Umalis ka na lang,” sabi ni Castor.

“I'm not talking to you, Castor. Get out of my way before I lose my patience and kill you right here, right now,” Zakarius said in a cold tone grabbed Castor's shirt.

“Bring it on, assh-le. Show me what you've got, baka naman puro satsat ka lang,” tila nanghahamon pang sabi ni Castor.

Zakarius' jaw clenched, he's now glaring at Castor as if he wants to kill him right on the spot. I held Castor's arm, trying to calm him down. Agad namang napatingin si Zakarius sa kamay kong nakahawak sa braso ni Castor.

“Don't touch him,” mariing sabi ni Zakarius at inalis ang pagkakahawak ko kay Castor. Natigilan ako sa ginawa niya.

I hope he's aware that he just showed his immature side. Damn, okay, kinda cute. But no.

“Hay! Wait, wait! Papasok muna kami sa loob ni Arken, nauuhaw na kami. Halika, Angel. Hayaan mo silang magsuntukan diyan.”

Natigilan kami nang bigla na lang sumingit si Cadence at Arken. Umakbay naman sa 'kin si Cadence at hinila ako papasok sa loob. Napaawang na lang ang labi ko sa ginawa niya, kung makapasok siya sa loob ay para bang siya ang may ari ng rest house ni Castor.

Nagpatianod na lang ako kay Cadence nang magtungo kami sa kusina. Umupo silang dalawa ni Arken.

“Pahingi nga tubig, Ms. Mendoza,” utos ni Cadence saka napahawak pa sa lalamunan niya.

Napairap na lang ako at sinunod na lang din ang sinabi niya. Kumuha ako ng pitsel sa ref at kumuha ng baso saka inabutan siya ng tubig.

Agad namang sumunod sa 'min sina Castor at Zak.

“Lumabas kayong tatlo sa rest house ko! Trespassing 'tong ginagawa niyo,” naiinis na sabi ni Castor.

“Yabang mo naman, bilhin ko pa 'tong rest house mo, e. Magkano ba 'to?”

Tumayo si Cadence at naglabas ng wallet. Napasapo na lang ako sa noo ko at napailing. Mukhang sasakit ang ulo ko sa apat na lalaking nandito ngayon.

“Angel, please hear me out first.” Lumapit sa akin si Zak at hinawakan ang kamay ko.

Huminga ako nang malalim at tinaasan siya ng kilay.

“I don't wanna hear anything from you.” I pushed him away.

“Sige na, Ms. Mendoza. Pakinggan mo na 'yang si Zak. Mahal ka talaga niyan, promise, cross my heart, mamatay man siya. Diba 'no, Arken? Kitang kita natin kung gaano kamahal ni Boss Zakarius si Angel,” sabi ni Cadence at siniko si Arken na abala sa pagpindot sa cellphone nito.

“I don't know. I don't give a fuck about Zakarius,” tila wala lang na sabi ni Arken.

“Tangina mo talaga, napaka-walang kwenta mo. Bakit ba ikaw ang sinama namin? Dapat si Eron na lang,” napapailing na sabi naman ni Cadence.

Muling lumapit sa 'kin si Zakarius at marahang hinawakan ang dalawang braso ko. Tumitig siya sa mga mata ko, napatitig na lang din ako sa asul na mga mata niya.

“I love you, Angel, ikaw lang. Please let me make it up to you.”

Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil basta na lang niyang sinabi 'yon kahit pa kasama namin sina Cadence na tila ba wala siyang pakialam sa mga 'yon.

“Aw 'no, tamis naman, baka Zakarius 'to,” nanunuksong sabi ni Cadence at pumalakpak pa.

Hinila ni Castor si Zakarius palayo sa 'kin. Castor held my wrist and positioned me on his back as if he's hiding me from Zakarius.

“Hanggang salita ka lang, Cavalcante. Balikan mo na lang ang girlfriend mo at lubayan mo na si Angel,” tila naiining ng sabi ni Castor.

“I don't have a girlfriend... Wala pa,” nakakunot-noong sabi ni Zak saka ibinaling ang tingin sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

“To hell with that, Cavalcante. You can't fool her again.” Nakipagtagisan ng tingin si Castor kay Zakarius.

Napabuntong hininga na lang ako nang magtinginan na naman silang dalawa nang masama. Mukhang kaunti na lang magsusuntukan na sila.

“Hep, hep! Ayusin natin 'to, daanin natin sa patas na paraan.”

Natigilan silang dalawa at napatingin kay Cadence. Lumapit sa 'kin si Cadence at hinila ako papalayo kay Castor saka inakbayan ako.

“Don't touch her!” sabay na sabi ni Castor at Zak.

“Easy lang kayong dalawa. Makinig muna kayo sa 'kin, ganito ang naisip ko... patunayan niyo kung sino talaga ang karapat-dapat sa inyong dalawa. Kami ni Arken ang judge at scorer, don't worry, no to favoritism kahit kaibigan ko si Zak... si Angel pa rin naman ang magde-desisyon. Pagalingan na lang maging aso, este manligaw, saka pagalingan na lang din magpakilig. Dapat pati si Arken na walang pakiramdam kiligin din. Gano'n...” Cadence smirked and winked at me. I just rolled my eyes and crossed my arms over my chest.

What a fucking ridiculous idea.

“Ano? Payag na kayo, tutal parehas naman kayong may pag-ibig na nadarama kay Binibining Mendoza, patunayan niyo. Payag ka na rin, Angel, saka pakinggan mo na rin paliwanag ni Zakarius... Seryoso 'to, ang mananalo magiging kasintahan ang magandang dilag na 'to,” sabi ni Cadence at tinapik ang balikat ko.

Napailing na lang ako at napahilot sa sentido ko. Ano ba'ng gulo 'to?

“May extrang kuwarto ba rito? Dito kami matutulog para masubaybayan namin ang competition na 'to,” sabi pa ni Cadence at nagtaas-baba pa ng kilay. “H'wag na kayo magdalawang-isip, pati ikaw, Angel. Fair naman 'to, saka alam naman namin na nahihirapan ka na sa pagiging maganda mo. Kaya nga nandito kami ni Arken, e, para tulungan kang mag-decide,” pamimilit pa ni Cadence.

Napatingin ako kina Zak at Castor na tila gusto pa rin yatang magsapukan. Napakamot na lang ako sa batok ko.

“Hindi na natin kailangan ng competition, I know I deserve Angel more than this assh-le... and I'm confident that I love her more than you love her, Cavalcante,” sabi ni Castor saka tumingin nang masama kay Zak.

“Shut the fuck up, you know nothing about my feelings. I love her more than anything, your love for her is nothing compared to mine,” agad namang segunda ni Zakarius.

“Ops! Puro naman kayo salita, e. Kaya nga may competition tayo, ipakita niyo ang pagmamahal niyo kay Angel. Diba 'no, Angel my friend? Kaya bukas, magsisimula kaagad ang competition. H'wag tayong mag-aksaya ng oras. Let's do this!”

Napapikit na lang ako nang mariin at napahilot sa sentido ko. Ano ba ang trip sa buhay ng Cadence na 'to?

* * *

“Good morning, Angel!”

Napakunot ang noo ko sa bumungad sa 'kin paglabas ko ng kuwarto. Nasa living room sina Cadence at Arken at prenteng nakaupo sa couch.

“Dito talaga kayo natulog?” tila hindi makapaniwalang tanong ko.

“Hindi, do’n kami natulog sa katabing rest house ni Arken. Sina Castor at Zak hindi natulog, e, parang mga tanga. Nakabantay sila sa pinto mo baka raw kasi pasukin ka ng isa sa kanila. Pero sabagay, kung hindi nakabantay si Castor baka pinasok ka na ni Zakarius sa kuwarto mo,” napapailing na sabi ni Cadence. Napairap na lang ako.

“Where are they ba? Bakit wala sila rito?” nakataas-kilay na tanong ko.

“Nakatulog yata, buong gabi ba namang gising, e. Sino ba'ng hindi aantukin?” natatawang sabi ni Cadence saka muling nanood sa TV.

Nagtungo na lang ako sa kusina para uminom ng tubig. Ano ba kasing trip ng dalawang 'yon at hindi natulog?

Natigilan ako nang lumabas si Castor sa kuwarto niya, mukhang kakaligo niya lang. Napangiti siya nang makita ako at agad na lumapit sa 'kin.

“Good morning,” he greeted and pinched my chin. I just smiled at him too.

Natigilan ako nang pumasok si Zakarius sa rest house. Mukhang kakaligo niya lang din, saan naman kaya siya naligo?

“Zakarius, dude. Kilos na, inuunahan ka ni Castor!” natatawang sabi ni Cadence.

Tumayo si Cadence at lumapit sa 'min. Umupo siya sa tabi ko at bumulong sa 'kin.

“Magpaluto ka ng almusal, first challenge,” bulong niya. Napakunot na lang ang noo ko.

It seems like he's really serious about that challenge thingy. I didn't even take that seriously.

“Sabi ni Angel gusto niya raw ng almusal, kung sino raw ang may masarap na luto, may one point agad. Game na!” nakangising sabi ni Cadence.

Natigagal ako nang mag-unahan sina Zak at Castor sa kitchen counter. Halos mag-agawan na rin sila sa utensils.

Sine-seryoso ba talaga nila ang mga trip ni Cadence?

“Chill ka lang, Angel. Hayaan mo silang dalawa. Magandang way 'to para mapatunayan natin kung sino ang mas deserving ng 'yong pag-ibig,” bulong ni Cadence saka umakbay sa akin.

I just shook my head and let them be. Mukha namang hindi magpapapigil ang dalawang 'yon.

Halos sabay na natapos magluto si Zak at Castor. Agad nilang inabot ang plato sa 'kin.

“You just wasted your time, Angel likes tinapa for her breakfast,” sabi ni Castor saka ngumisi kay Zak.

“My bacon and egg are much better than your tinapa,” sabi naman ni Zak at nakipagtagisan ng tingin kay Castor.

Napailing na lang ako at pinagsama sa isang plato ang niluto nilang dalawa. I'm so hungry right now, kaya kong ubusin 'to.

Hindi ko na lang sila pinansin habang nagsasagutan sila at kumain na lang ng almusal. Si Cadence naman ay tila referee ng dalawa, siraulo talga ang lalaking 'to.

Iniwan ko na lang sila sa kusina pagkatapos kong kumain. Nagtungo ako sa kuwarto ko para kumuha ng damit saka dumiretso sa banyo para maligo.

Honestly, natatakot ako na i-entertain si Zakarius. I'm so marupok when it comes to him, I can't trust him, kahit sina Cadence ay hindi ko mapagkatiwalaan.

Natigilan ako nang lumabas na ako sa banyo pagkatapos kong maligo at magbihis. Napailing na lang ako nang mapansing nag-aaway pa rin si Zak at Castor. Si Cadence ay nanonood sa kanila na tila ba enjoy na enjoy, napansin ko rin na wala na si Arken. Siguro hindi na niya kinaya ang ingay sa paligid.

“Angel, upo ka rito.”

Cadence guided me to the couch and made me sit. I looked at him with confusion as my forehead creased. What is he up to this time?

“Ano'ng gusto mong kainin?” tanong ni Cadence.

“Kakakain ko lang pero gusto ko ng fruits and cheese-flavored ice cream,” sagot ko sa tanong niya.

“Ops! Tama na 'yang away niyo. Gusto raw ni Angel ng cheese-flavored ice cream, milk tea, saka yung mga prutas, saka hindi mawawala yung burger at saka fries,” nakangising sabi ni Cadence.

Napakurap na lang ako nang mabilis na lumabas sina Zak at Castor. Tiningnan ko nang masama si Cadence.

“Ice cream at fruits lang naman ang sabi ko, e.”

“Siyempre sa 'kin 'yung iba. Nakakapagod kaya mag-host saka maging referee ng contest... Hay grabe, parang gusto ko na lang din tuloy maging babae,” napapailing na sabi ni Cadence saka binuksan ang TV.

Okay, fine, I'm kinda enjoying this too.

* * *

“Damn.”

Napahawak ako sa likuran ko dahil sumasakit 'yon. Ilang oras din yata akong natulog, simula nang mabuntis ako, napansin ko na palagi akong inaantok.

Natigilan ako nang makitang si Zakarius lang ang bumungad sa 'kin paglabas ko ng kuwarto. Wala sina Cadence at Castor.

Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig, hindi ko na lang siya pinansin kahit nararamdaman kong nakatingin siya sa 'kin.

Hinugasan ko ang basong ginamit ko at umupo sa upuan habang hinihilot ang balikat at balakang ko. Nasobrahan yata ako sa tulog.

Lumapit sa 'kin si Zakarius at umupo sa tabi ko. Napatikhim na lang ako nang hilahin niya ang upuan ko papalapit sa kanya.

“Saan masakit?” he asked while staring into my eyes. I just rolled my eyes and turned my gaze away from him.

“I'm fine,” pag-iinarte ko. Akmang tatayo ako nang hawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako.

Marahan niya akong hinila upang yakapin. Natigilan ako sa ginawa niya. He gently caressed my back and buried his face on my neck, inhaling my scent. I gulped and calmed myself, my heart is in ruckus again, it feels like my heart wants to escape from my ribcage. Nanghihina na naman ako.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin saka muling tumitig sa mukha ko. Bigla tuloy akong na-conscious.

“I missed you, I missed this, I missed cuddling with you,” he murmured and gently pinched my cheeks. “Squishy, squishy.”

Napasinghap ako sa ginawa niya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil feeling ko pulang pula na ang mukha ko ngayon.

I missed this too.

“Ops! Boss Zakarius, walang ganyanan, umaatake ka kaagad, e.”

Agad kong itinulak si Zakarius palayo nang marinig ko ang boses ni Cadence, kasama niya si Castor, may bitbit silang plastik na hindi ko alam kung ano ang laman.

“What are you doing, Cavalcante?!” Agad na lumapit si Castor kay Zak at hinila ito palayo sa 'kin.

Inilagay ni Cadence ang mga plastic sa ibabaw ng mesa. Bumili yata ulit sila ng mga fruits.

“Angel, my friend.” Lumapit sa 'kin si Cadence at umupo sa tabi ko. “Pahirapan ulit natin sila,” bulong niya sa 'kin.

What is he up to again? Si Cadence na yata ang may pinaka-siraulo na nakilala ko.

“Sabi ni Angel, gusto niya raw na manghuli kayo ng isda sa dagat, gamit lang ang kamay niyo. Paramihan daw ng mahuhuli,” nakangising sabi ni Cadence.

Napailing na lang ako nang agad na lumabas ang dalawa at nagtungo sa dagat. Napaawang na lang ang labi ko habang si Cadence naman ay tawa nang tawa.

“Chill ka lang, Ms. Mendoza. Enjoy-in mo na lang 'to.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.