Caught and Conquered Chapter 32

“Boss, ang higpit naman ng yakap mo,” reklamo ko saka tumingin sa gwapo n'yang mukha.

Napatitig din sa akin si boss saka pinupog ng halik ang buong mukha ko. Napahagikhik na lang ako at yumakap sa baywang n'ya.

“Na-miss mo ba ako nang sobra?” tanong ko saka nagtaas-baba ng kilay sa kanya.

Natawa siya saka siniil ng halik ang labi ko. Mukhang ngang na-miss n'ya ako nang sobra.

Nakahiga kami ngayon sa kama ko. Halos isang oras na yata siyang yakap nang yakap saka halik nang halik sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo kasi gusto ko rin naman.

“Tawagin mo nga ulit akong boss,” sabi n'ya saka hinaplos ang pisngi ko. Mukha siyang inaantok pero mas lumalamang ang saya sa mga mata n'ya.

Napangiti ako saka kinagat ang panga n'ya. “K, fine. Boss.”

Tila nanggigigil na niyakap ulit ako ni Ashteroh. Natawa na lang ako at gumanti rin nang mahigpit na yakap sa kanya.

Natigilan ako nang may maalala ako.

“Teka, boss... May itatanong ako,” saad ko saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Napatingin siya sa akin. “Hmm?”

“Bakit isang linggo kang nawala? Akala ko sinukuan mo na 'ko nang tuluyan,” sabi ko saka napasimangot.

Napangiti siya saka kinurot ang ilong ko. “Bakit? Namiss mo 'ko?” tanong n'ya.

“Ewan ko sa 'yo.” Inismiran ko siya.

Natawa si boss saka dinampian ng halik ang pisngi ko. “May kinailangan lang ako asikasuhin. Saka nagpapa-miss din ako sa 'yo, kaso ako rin naman ang hindi nakatiis,” sabi n'ya naman.

“Sus, hindi mo talaga ako matitiis kasi wala ka ng mahahanap na kasing ganda ko,” seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Mas lalong natawa si Ashteroh pero tumango rin naman siya sa sinabi ko. “Wala na talaga akong mahahanap na kasing ganda ng Ma'am Nathalie ko. Nag-iisa ka lang,” anas n'ya saka kinuha ang kamay ko at dinampian ng halik 'yon.

“Pero teka...” Bumangon ako saka inangat ang damit ko. Pinakita ko sa kanya ang tiyan ko na may peklat na dahil sa operasyon. “Mahal mo pa rin ako kahit ganito na ang tiyan ko?” tanong ko sa kanya.

Napangiti si Ashteroh at marahan pang hinaplos ang tiyan ko. Napaigik ako dahil nakakakiliti ang hawak n'yang 'yon.

“Ikaw pa rin ang pinakamaganda at pinakasexy sa paningin ko,” sabi n'ya saka ngumiti sa akin.

Muli akong humiga saka yumakap sa kanya. “Grabe naman. Patay na patay ka masyado sa akin,” napapailing na sabi ko.

Natawa si boss saka muling dinampian ng halik ang labi ko. Hindi na yata siya magsasawang halik-halikan at yakapin ako... pero okay lang, gusto ko rin naman.

“Boss... hindi ka ba talaga nagkagusto kay Thalia?” tanong ko pa.

“Hmm... I care for her because she reminds me of you. But maybe Thalia was right, maybe I only liked her as a friend or a sister. I didn't like her romantically like I thought,” paliwanag n'ya.

Napatango ako. “Ano ba 'yan? Umiyak-iyak pa ako sa selos dahil sa inyo tapos as a friend mo lang pala siya gusto.” Napaismid ako.

Napabuntonghininga si boss sa sinabi ko saka muli akong kinulong sa mga bisig n'ya. “I'm sorry for making you cry and suffer like that. From now on, I'll do my best to make you happy... I love you so much, Ma'am Nathalie mapagmahal sakalam,” natatawang sabi n'ya sa huling sinabi.

Tumingin ako sa kanya. “Ashteroh, sorry kasi hindi na naman kita sinipot sa Amianna last week kahit sobra kang nag-effort. Nag-send sa akin ng pictures si Cadence ng mga ginawa mo para sa akin... Sorry talaga,” hinging paumanhin ko sa kanya.

Hinaplos n'ya ang pisngi ko habang titig na titig sa akin. “Ayos lang, Ma'am ko... Pwede ko namang ulitin 'yon, e. Saka deserve mo naman ang gano'ng effort.”

Napangiti ako sa sinabi n'ya. “Mag-e-effort din ako para sa 'yo, boss. I love you.”

Mas lalong lumaki ang ngiti n'ya dahil sa sinabi ko. Napakagat siya sa ibabang labi n'ya saka tila nanggigigil na kinagat ang ilong ko. Ito na naman kami sa kagatan na 'to.

Napangisi ako at pasimpleng humawak sa pwet n'ya saka pinisil 'yon. Halatang natigilan si boss sa ginawa ko at gulat na napatingin sa akin.

“Diba magjowa na ulit tayo? Pwede ko na pisilin pwet mo?” tanong ko.

“Pwet ko lang ba talaga ang habol mo sa akin?” Pinaningkitan n'ya ako ng mga mata.

“Hindi lang pwet mo, 'yung big etits mo rin,” agad na sagot ko.

“E-Etits?” nauutal na tanong n'ya.

“Oo, hindi mo alam 'yon? 'Yon 'yung nasa gitna ng legs mo. Etits as in tit--” agad n'yang tinakpan ang bibig ko.

“Okay na. Gets ko na,” sabi na lang n'ya.

Natawa ako sa reaksyon n'ya. Muli na lang akong yumakap sa kanya saka sinubsob ang mukha ko sa leeg n'ya. Mas hinigpitan naman n'ya ang yakap sa akin saka hinaplos ang buhok ko.

“Boss... hindi ba tayo magse-sex?” tanong ko.

Napaubo si Ashteroh sa tanong ko saka gulat na tumingin sa akin. Tumitig ako sa mga mata n'ya.

“Kasi diba sa mga romance stories, kapag nagkakabalikan ulit 'yung dalawang bida... nagse-sex sila,” dagdag ko pa.

Napakurap si boss. “A-Anong klaseng stories ba ang binabasa mo?”

“Sa wattpad. Nag-suggest sa 'kin si Cadence. Ang dami na n'yang nabasa,” saad ko.

Napangiwi si Ashteroh. “Stop interacting with that asshole. Kung ano-ano ang itinuturo n'ya sa 'yo,” napapailing na sabi n'ya.

“Hindi ah. Maganda kaya 'yung mga pinabasa n'ya sa 'king stories. Ia-apply ko ang mga natutunan ko sa mga stories na 'yon kapag nag-sex na tayo... Ano? Ngayon na ba tayo magse-sex?” tanong ko pa.

“Ma'am Nathalie... kakagaling mo lang sa ospital, sex na agad ang iniisip mo?” natatawang tanong n'ya.

“K, fine. Hindi na, boss mapagmahal sakalam,” sabi ko na lang saka muling yumakap sa kanya.

Saglit kaming natahimik at nanatiling magkayakap. Napapikit ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Nathalie, ikaw ba... hindi mo nagustuhan 'yung hotel owner na 'yon?” tanong ni Ashteroh.

“Ah, si Killian? Hindi ko lang siya gusto 'no, mahal ko rin siya,” sabi ko na lang.

Halatang natigilan si boss sa tanong ko at agad na napakalas ng yakap sa akin at napabalikwas ng bangon. Tila hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin. Natawa na lang ako at bumangon din.

“P-Parehas kaming mahal mo?” nakakunot-noong tanong n'ya.

Tumango ako. “Oo, mahal ko kayo pareho,” sagot ko naman.

“W-Why do you love him too? Akala ko ba ako lang? Bakit mahal mo rin siya?” tila naiinis na tanong n'ya. Bahagya na ring namumula ang mukha n'ya sa inis.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para magpigil ng tawa.

“Siyempre, mahal ko rin dapat ang kapatid ko 'no,” saad ko.

Napakunot ang noo ni Ashteroh sa sinabi ko. Tila hindi agad nag-loading sa isip n'ya iyon. “W-What?” nauutal na tanong n'ya.

“Kapatid ko si Killian. Kahapon ko lang nalaman tapos nagulat pa 'ko na ate n'ya pala ako,” natatawang sabi ko.

“K-Kapatid mo siya?” tanong n'ya pa.

“Oo nga, paulit-ulit. Kapatid ko si Killian kaya dapat lang na mahal ko rin siya 'no. H'wag kang selfish,” napapailing na sabi ko.

Muling napatulala si Ashteroh at napasabunot pa sa sarili n'yang buhok. “Tangina... kapatid mo pala ang pinagseselosan ko?” bulong n'ya.

Napahagalpak ako ng tawa saka hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya. Siniil ko nang magaan na halik ang labi n'ya saka kinagat ang pisngi n'ya. Kainis, ang cute ng reaction n'ya. Kagigil.

“Yes, boss. He's the brother of me like in the peoples only mothers and other things of living on the worlds making round and round,” paliwanag ko.

Napatango siya. “Okay, I get it... Ibig mo bang sabihin magkapatid lang kayo sa nanay ni Killian?” tanong n'ya.

Napasinghap ako saka tumango. Wow. Ang galing naman n'ya. Na-gets n'ya ang sinabi ko kahit english 'yon na ginagamit ko noon. Gano'n yata talaga kapag sobrang nagmamahal, nagkakaintindihan na kahit medyo magulo.

“Boss, ang galing mo na sa understanding,” sabi ko saka tinapik-tapik pa ang balikat n'ya.

Napangisi siya. “Psh, ako pa ba?” mayabang na tanong n'ya.

Napasinghap na lang ako nang may maalala ako. “Pero teka... Kina Mama na nga pala ako titira, boss. Gusto ko sana na magsama tayo ulit kaso gusto naming bumawi ni Mama sa isa't isa,” saad ko naman.

Ngumiti si Ashteroh at hinila ako para yakapin sa baywang. Yumakap din ako sa batok n'ya saka isinubsob ang mukha ko sa leeg n'ya... Ang bango talaga ng mahal ko.

“Okay lang, Ma'am. Mas maganda ang makabawi kayo ng Mama n'yo sa mga oras na hindi kayo magkasama. Lagi naman kitang pupuntahan. Saka magsasama rin tayo ulit kapag kinasal na tayo,” sabi n'ya habang hinahaplos ang likod ko.

“Magpapakasal tayo?” tanong ko, tila inaasar siya.

“Oo naman. Kaya magpapakilala rin ako sa Mama mo. Tapos magiging mabait na 'ko sa kapatid mo,” tila natatawa pa siya sa huling sinabi.

Napangiti na lang ako at kumalas sa pagkakayakap sa kanya para tingnan ang mukha n'ya. Napatitig din siya sa akin.

“Boss... magpapakulay na ako ulit ng buhok bukas. Gusto mo 'ko tulungan?” tanong ko.

Napangiti rin naman siya saka tumango. “Of course, Ma'am Nathalie. I missed your colorful hair,” natatawang sabi n'ya. Dinampian n'ya ng halik ang labi ko.

“K, fine,” sabi ko na lang at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

Mukhang mahimbing ang magiging tulog ko ngayong gabi.

* * *

“Bakit bukas pa? Hinihintay ka na ni Mama rito sa bahay,” tila nanenermong sabi ni Killian habang nakasandal sa pintuan ko.

“Magkukulay pa kasi ako ng buhok. Bukas na 'ko pupunta diyan. Saka nasabihan ko na kaya si Mama. Tinawagan ko na siya kanina at pumayag siya. Late ka na sa balita.” Inismiran ko siya.

“Sus, baka kasi gusto mo pang makasama si Mr. Alexeev. Psh, parang noong nakaraan lang sabi mo pa na wala kang balak na balikan siya ah. Ang bilis magbago ng isip,” tila nangangantyaw na sabi n'ya saka pasimpleng tumingin kay Ashteroh na abala sa pag-aayos ng mga gamit ko. Dadalhin na kasi ni Killian sa bahay namin ang mga damit at ilang gamit ko pero magpapaiwan muna ako rito.

“Sabay kaming pupunta ni Ashteroh doon bukas kasi magpapakilala na rin siya kay Mama. H'wag ka na nga magulo, epal ka, e.” Inirapan ko siya.

Inabot ko na kay Killian ang mga bag na may lamang damit ko nang matapos na si Ashteroh sa pag-aayos ng mga 'yon.

“Sige na, layas na. Hindi mo ba naiisip 'yung hotel? Baka ma-bankrupt na tayo dahil puro ka pasarap,” nakapamaywang na sabi ko sa kanya.

Napaismid na lang si Killian at kinuha ang mga bag. “Oo na, ate,” tila nang-aasar na sabi n'ya bago tumalikod saka umalis ng apartment ko.

Gago talaga. Sabi ng ayoko nga na tinatawag n'ya 'kong ate, e! Mas lalo siyang naging gago sa akin ngayong magkapatid na talaga ang labas namin.

Napatingin ako kay Ashteroh saka sinugod siya ng yakap. Natawa na lang siya ang tila unggoy na maglambitin ako sa kanya. Iniyakap ko ang mga hita at binti ko sa baywang n'ya. Niyakap ko naman ang mga braso ko sa batok n'ya.

“Ano? Boss mapagmahal sakalam? Handa ka na bang kulayan ang buhok ko?” nakangising tanong ko sa kanya.

Natawa siya at iniyakap din ng mga braso sa baywang ko. “Pati buhay mo, kukulayan ko.”

Napasinghap ako. “Hala ang corny! Pero sige na. K, fine.”

Nakalambitin pa rin ako sa kanya habang inihahanda ni Ashteroh ang mga pinamili naming pangkulay sa buhok kanina. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya saka kinagat-kagat 'yon. Hindi naman siya nagreklamo.

Nagtungo na kami sa kwarto nang matapos na naming ihanda ang gagamitin sa pagkulay. Umupo ako sa tapat ng salamin. Si Ashteroh naman ay pumwesto sa likuran ko habang sinusuklayan ang buhok ko.

“Hmm... Ano ba ang magandang kulay? Gusto ko mga limang kulay ang minimum,” sabi ko habang nakahawak sa baba ko.

“Ayaw mo ng katulad ng dati? 'Yung rainbow?” tanong ni Ashteroh.

Napatingin ako sa kanya saka ngumisi. “Siguro una kang na-in love sa rainbow kong buhok noon, 'no? Aminin mo na,” tila nanunuksong sabi ko.

Napangisi si Ashteroh. “Well, na-amaze talaga ako noong una kong nakita ang buhok mo. Hindi ko lang pinahalata,” natatawang sabi n'ya.

“Kahit hindi mo sabihin, alam ko naman. Nakaka-in love talaga ang lahat ng tungkol sa 'kin,” mayabang na saad ko na lang.

“Oo na po, Ma'am. Pili ka na ng kulay diyan,” sabi na lang n'ya.

“Hmm...” Napahawak ako sa baba ko at muling nag-isip. “Sige na nga, rainbow na lang ulit. Sobrang ganda ko lalo kapag gano'n ang buhok ko.”

“Oo na, sige na. Sobrang ganda mo na,” saad na lang n'ya habang sinusuklay pa rin ang buhok ko.

“Bakit parang napipilitan ka lang?!” tanong ko habang binubukod ang mga kulay na gusto ko.

“Tanga, hindi kasi. Sobrang ganda mo nga lagi sa paningin ko, e. Ikaw ang pinakamaganda,” sabi n'ya. Nakita ko siyang napangiti mula sa repleksyon n'ya sa salamin.

“K, fine. Sobrang gwapo mo rin sa paningin ko. Excited na 'kong mag-sex tayo.” Napahagikhik ako.

Muling natigilan si Ashteroh. Napaubo siya at marahang hinampas ang dibdib n'ya.

“Boss... Ito na ang colors. Let's do this,” tila excited na sabi ko saka napapalakpak.

Nagsimula na kaming magkulay. Si Ashteroh ang nagkukulay sa likod na parte ng buhok ko at ako naman sa gilid. Pinapanood n'yang maigi ang ginagawa ko at sinusundan 'yon. Malakas ang pakiramdam ko na papalpak siya dahil mali mali ang pag-stroke n'ya ng kulay pero hinayaan ko na lang. One to two weeks lang naman tatagal ang kulay na 'to. Saka bonding na rin namin 'to.

“OMG, boss... Namiss ko 'yung buhok kong full of colors!” sabi ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Yumakap naman si Ashteroh sa baywang ko at dinampian ng halik ang balikat ko.

Binababad pa namin ang pangkulay. Makalipas ang ilang minuto. Nagtungo na kami sa banyo para banlawan ang buhok ko. Sinamahan ako at tinulungan ni Ashteroh kahit na nagkanda-mantsa na ang damit n'ya.

“Wow! I so very very missing this hair!” sabi ko habang nakatitig sa salamin. Napangiti si Ashteroh habang marahang sinusuklayan ang buhok ko.

Tumayo ako saka humarap kay Ashteroh. Yumakap naman siya sa baywang ko at dinampian ng halik ang ilong, magkabilang pisngi, at ang labi ko.

“Boss, what do you think?” tanong ko saka itinuro ang buhok ko.

Napangiti siya. “Maganda.”

“Weh? Baka sinasabi mo lang 'yan kasi patay na patay ka sa akin?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Napahagalpak ng tawa si boss saka kinurot ang ilong ko. “Oo na, patay na patay na ako sa 'yo.”

Napangisi na lang ako at yumakap sa batok n'ya saka sinubsob ang mukha ko sa leeg n'ya. Naramdaman ko namang marahan n'yang hinaplos ang likod ko at niyakap ako nang mas mahigpit.

“Nathalie... Simula ngayon kapag may problema tayo, lagi muna nating pag-uusapan, hmm? Dapat pinag-uusapan muna natin nang maayos ang problema. Palagi naman akong makikinig, alam kong gano'n ka rin. Makikinig at magtutulungan tayo lagi sa problema ng bawat isa... Okay ba 'yon?” tanong n'ya sa malumanay na boses.

Inalis ko ang mukha ko sa leeg n'ya. Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

“Opo, boss. Pag-uusapan muna natin at hindi na tatakasan. Promise,” sabi ko saka inangat ang kanang kamay ko. “I love you, boss.”

Napangiti siya saka pinagdikit ang ilong naming dalawa. “I love you so much, Ma'am Nathalie.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.