Natahimik kaming pareho nang makaalis na ang doktor. Sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong maramdaman. Pilit kong pinakikiramdaman ang sarili ko pero hindi ko matukoy kung ano'ng emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Xanthos..."
Xanthos looked at me. I stared at him and tried to read what he's thinking right now but I couldn't. Pakiramdam ko ayaw ko na ring malaman ang iniisip n'ya dahil baka hindi ko ikatuwa 'yon.
"What should we do?" I asked in a weak voice. "I-Ipapalaglag ko ba ang bata?"
Hindi agad nakasagot si Xanthos sa sinabi ko. Nakatitig lang siya sa 'kin na tila ba binabasa n'ya ang iniisip ko.
"I-I'm mentally unstable, Xanthos, and besides, I don't want the child grew in a toxic environment. I-I think it will be better to get rid of--" agad na pinutol ni Xanthos ang sasabihin ko.
"Do you want to get rid of our child?" Xanthos asked while staring at me.
Natigilan ako sa tanong n'ya. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya saka napakapit nang mahigpit sa bed sheet.
"W-Whether I want to or not is not important. What important is that--"
Muli akong natigilan nang lumapit sa 'kin si Xanthos. Inilapat n'ya ang mga kamay sa kamang hinihigaan ko saka mas lumapit sa 'kin.
"Answer my question, Kiara. Do you want to get rid of our child?" he asked while staring directly at me.
I sighed in defeat. I can feel something in his eyes right now that I can't explain. His stare makes me want to be honest with myself. I bit my lower lip and shook my head. "I-I don't want to."
I didn't expect him to ask that. Akala ko nga ay siya pa ang unang magsasabi na ipalaglag ko ang bata dahil galit siya sa pamilya ko.
"I know it's your body, Kiara, our child is in your body. You're the one who'll bear our child and it's your choice whether you want to get rid of it or not. B-But if you'll ask me... I-I don't want you to get rid of it. I want our child to live," he muttered in a soft voice.
My lips parted while staring at him. The look on his face can't lie. It's been awhile since the last time I saw his soft expression. It seems like he really want our child to live. He doesn't want to get rid of it too.
"A-Are you sure? This child's grandfather is the man who made you and y-your mother suffer," I mumbled and touched my tummy.
"I know it feels wrong hearing this from me... but our child is innocent... you too," he murmured the last part that I almost didn't hear it.
I bit my lower lip and avoided his gaze... Why did he say that? Sinabi n'ya lang ba 'yon dahil buntis ako?
Natahimik na lang kami pareho matapos naming mapagdesisyunan na h'wag ipalaglag ang anak namin. Nahalata ko rin sa kanya na talagang wala siyang balak pumayag sa bagay na 'yon na hindi ko inaasahan.
I honestly didn't expect him to care for our child. I know how he hates my family, the blood in my veins... and I expected that he'll hate our child too.
Pero siguro masyado lang masama ang tingin ko sa kanya.
"Can you walk?" Xanthos asked while walking beside me.
Binabagalan n'ya nang kaunti maglakad para makasabay sa mga hakbang ko.
I smiled and nodded. "I can manage."
Pwede na 'kong lumabas ng ospital. Marami lang binilin sa 'min ang doktor bago kami pinaalis. Mukhang mas kailangan ko na talagang mag-ingat ngayon dahil hindi na lang buhay ko ang nasa kamay ko ngayon.
Tahimik pa rin kami ni Xanthos sa kotse n'ya. Pasimple akong napatingin sa kanya.
"Xanthos, I'll stay at my friend's place. Can you take me there?" I asked and gripped the seatbelt.
Napakunot ang noo ni Xanthos. "Kanino? Kay Cad?"
Natigilan ako sa tanong n'ya. Hindi ko alam pero tila iba ang dating sa 'kin ng tanong n'ya.
"Hindi... sa isang kaibigan ko, si Abi," sabi ko na lang.
Saglit na natahimik si Xanthos. Nakatingin pa rin ako sa kanya na abala sa pagmamaneho. Hindi ko na naman malaman ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon.
"Why don't you just..." He cleared his throat. "...why don't you just stay at my place?"
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Tila hindi nagproseso sa isip ko 'yon. Pakiramdam ko nagkamali lang ako ng narinig.
"I'm not forcing you if you don't want to... but I think we should consider it. I mean, living together. I know you don't trust me anymore, but I promise I won't harm you. I won't even touch you without permission. I just want to take care of you while you're pregnant," he said while his eyes is still on the road.
Napatingin na lang ako sa kamay ko. Saglit akong natahimik habang iniisip kung ano ang isasagot ko sa kanya. Totoo ang sinabi n'yang nawalan ako ng tiwala sa kanya, sa kilos n'ya, sa mga salita n'ya... paano kung umasa na naman ako na okay kami ngayon pero ma-realize n'ya na hindi n'ya ako kayang sikmurain?
"Just stay with me for one week. After that, I'll take you to your friend. But please let me visit you there. Denise will always visit to check on you too. Is that alright?" he asked and glanced at me.
I sighed and nodded. "Okay."
Muli kaming natahimik pagkatapos no'n. Hindi na lang din ako umimik at tumingin na lang sa mga nadadaanan namin. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya ngayon. Tutal isang linggo lang naman, wala rin akong balak magtagal sa pad n'ya.
"Do you want to eat something?" Xanthos asked, breaking the silence between us.
I shook my head. "I'm not hungry. I just want to take a rest."
Xanthos nodded. The atmosphere became silent again and no one dared to talk after that. I just leaned my back on the backrest and closed my eyes.
Galit na galit ako kay Dad ngayon pero hindi ko maiwasang isipin siya. Kahit na galit ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang isipin na sana okay lang siya dahil ayaw ko munang siyang harapin o makita man lang.
Hindi dahilan na nalasing siya o kaya naman mahal n'ya kaya n'ya nagawa 'yon sa nanay ni Xanthos... Lasing man o hindi, hindi n'ya dapat ginawa 'yon. Namumuhi ako sa kanya sa tuwing naiisip ko na nagawa n'yang pagsamantalahan nang walang kalaban-laban ang nanay ni Xanthos.
Sa lalim ng iniisip ko, halos hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa pad ni Xanthos. Agad n'ya kong pinagbuksan ng pinto at inalalayan pababa ng kotse. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya dahil medyo nanghihina rin naman talaga ako.
Natigilan ako nang mapansing nakabukas ang ilaw sa pad ni Xanthos pagpasok namin. May tao na ba ritong nauna sa 'min?
"Kiara my crush!"
I smiled when Denise immediately run to my direction and hugged my arm. I don't know why she's here but it's not a bad thing. The atmosphere will be much lighter if she's here.
"Hi, North girl."
Natigilan ako nang mapatingin sa living room. Nandoon din sina Xceron at Cadence. Nagtatakang napatingin ako sa kanila. Bakit nandito rin sila?
"Upo ka, Kiarabog," sabi ni Cad saka sinenyasan ako na umupo sa tabi n'ya.
Kahit medyo nagtataka, lumapit na lang ako sa kanila. Si Xanthos naman ay tahimik lang na nakasunod sa 'kin. Akmang uupo na ako sa tabi ni Cad pero agad akong nahila ni Denise paupo sa tabi n'ya. Hindi na lang ako kumontra at hinayaan siya.
Si Xanthos naman ay umupo sa single sofa. Nanatili siyang tahimik habang nag-uusap usap kami.
"Kiara, congrats nga pala. Sana kunin mo 'kong ninong," sabi ni Cad.
My forehead creased. "How did you know?"
Cad grinned and scratched his thick eyebrow. "Alam ko lahat ng bagay sa mundo, sis."
"Ano'ng meron?" tila walang ideyang tanong ni Denise.
"North girl is pregnant, Denise," Xceron said.
Denise gasped and looked at me with disbelief. She took a deep breath and stared at me again.
"Hala, sino'ng tatay?" tanong ni Denise at napatakip sa bibig n'ya.
"Ang bobo mo naman, Denise. Siguro ako 'yung tatay 'no?" puno ng sarkasmong sabi ni Cad. "Paltan mo na nga 'yang secretary mo, Xanthos. Parang timang."
"Alam ko naman kasing si Sir Xanthos 'yung tatay, parang sarcasm lang kasi 'yung pagkagulat ko kanina. Ikaw 'yung bobo, e," sabi naman ni Denise saka inismiran si Cad.
Napatingin sa 'kin si Denise. "Paano na 'yung mala-wattpad story na plano natin, Kiara? Hindi mo na matataguan ng anak si Sir Xanthos sa ganitong sitwasyon. Wala ka ng kawala ro'n," bulong n'ya sa 'kin.
Tipid na napangiti na lang ako at umiling. "Does it even happen in real life? Taguan ng anak stuff?" natatawang tanong ko. "And besides, even though we're not in good terms, I think it will be unfair to hide our child from him. I'm not that selfish."
Denise sighed and hugged me again. "You're an angel, Kiara. Lalo kitang nagiging crush," sabi ni Denise.
"Ano ng plano n'yong dalawa, guys? Magpapakasal ba kayo for the baby's sake kagaya ng sa wattpad?" tanong ni Cad.
Napatingin ako kay Xanthos na nakatingin din sa 'kin. Napaiwas na lang ulit ako ng tingin sa kanya.
"We will take care of the child but it doesn't mean we have to get married or what," I said and touched my tummy.
We haven't talk about it yet but I'll take it like that. I know he has no plans of marrying me anyway, and so do I. I'm the only one who's in love with him. He doesn't have feelings for me and I don't want to burden him with marriage just because I'm pregnant... That kind of marriage will never work.
UMALIS NA rin kaagad sina Denise pagkatapos nang saglit naming pag-uusap usap. Muling naging tahimik sa pad ni Xanthos nang kaming dalawa na lang ang naiwan.
"Go to sleep now," Xanthos said. I just nodded and laid my back on the bed.
He was about to head out of the room but I immediately called him. "Xanthos..."
Xanthos looked at me. "Hmm?"
"S-Saan ka matutulog?" tanong ko sa mahinang boses.
"Sa living room," tipid na sagot n'ya.
"Are you sure?" I asked and hugged his pillow.
Xanthos nodded. "Yeah, just call me if you need anything." Pagkasabi n'ya no'n ay agad din siyang lumabas.
Pumikit na lang ako at sinubukang matulog nang walang iniisip. Sabi ng doktor makakasama sa baby kung hahayaan ko na naman ang sarili ko na magpatalo sa stress. Pipilitin kong matulog nang payapa... sana kayanin ko.
Inabot na yata ako ng mahigit isang oras na pagtitit sa kisame pero hindi man lang ako makaramdam ng antok. Napabuntonghininga na lang ako nang kumalam ang sikmura ko.
"I'm hungry..." I murmured and stood up. I went out of my room and looked for Xanthos at the living room.
Natigilan ako nang mapansing wala siya ro'n. Lumabas ako at naabutan ko siyang nakaupo sa beach chair sa may pool area.
Hindi ba siya matutulog?
Napapitlag ako nang mapalingon siya sa direksyon ko na tila ba naramdaman n'ya ang presensya ko.
"Do you need something?" he asked in a soft voice while staring at me.
"I-I'm hungry," I mumbled and played with my nails.
Xanthos stood up and walk to my direction. "What do you want to eat? I'll buy it for you."
"I want a burger with a lot of mayonnaise in it, as in lots of mayonnaise, Xanthos," I said and bit my lower lip.
I really really want it right now.
"Okay, wait for me inside. It's cold here," Xanthos said. I just nodded and went inside.
Naghintay na lang ako kay Xanthos sa living room nang makaalis na siya. Hindi ko alam kung may mabibilhan pa ba siya no'n ng ganitong oras pero magtitiwala na lang ako sa kanya.
Saglit lang akong naghintay kay Xanthos. Dumating siya na may dalang burger. Agad akong napangiti nang makitang maraming mayonnaise 'yon.
"Go to sleep after you eat, Kiara. Masama sa 'yo ang magpuyat," sabi ni Xanthos na katabi ko ngayon habang pinapanood akong kumain.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi n'ya at ine-enjoy ang burger na kinakain ko.
Pakiramdam ko ngayon na lang ulit ako ginanahan kumain. Ilang araw din akong nawalan ng gana dahil sa pag-iisip ng mga kung ano-anong bagay.
Pakiramdam ko mabilis kong naubos ang isang burger at nakulangan ako, buti na lang tatlo ang dala ni Xanthos. Halos 'di ko namalayan na naubos ko na pala ang lahat ng 'yon.
"Kiara, don't sleep yet. You ate too much burger, you might have a stomachache," Xanthos said when he saw me laid my back on the backrest and closed my eyes.
"I'm sleepy," I muttered.
"You haven't brushed your teeth yet." Xanthos sighed.
Naramdaman kong binuhat ako ni Xanthos. Napakapit na lang ako sa batok n'ya nang magtungo siya papuntang banyo. Pinaupo n'ya ako sa sink at halos siya na ang nag-toothbrush sa 'kin dahil napapapikit na 'ko sa antok. Muli n'ya naman akong binuhat at dinala sa kwarto saka marahang pinahiga sa kama.
Naramdaman kong kinumutan n'ya muna ako bago siya lumabas ng kwarto.
"Hmm..." I slowly opened my eyes and stared at the ceiling. Pakiramdam ko nawawala na naman ang antok ko nang pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa buhay ko.
Napabuntonghininga na lang ako at napatitig sa kisame. Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Pakiramdam ko sobrang daming nangyari simula ng dumating si Xanthos sa buhay ko.
Napayakap ako nang mahigpit sa unan. Kahit pala anong pilit kong h'wag isipin ang lahat, hindi ko 'yon mapipigilan. Mahina ako sa mga ganitong bagay, noon pa man mahina na talaga akong tao... I'm emotionally and mentally weak and those traits of mine can harm my child. I should stop it, I should be strong not just for myself but also for my child.
I sighed and closed my eyes tightly. I should just stop thinking about anything. I'll just relax. I will try to relax, I know I can do it.
"Kiara."
Natigilan ako nang makita si Xanthos na nakasandal sa pinto ng kwarto. Napakurap na lang ako nang mapagtantong hindi pala siya umalis ng kwarto.
Lumapit siya sa 'kin. Napatitig na lang ako sa kanya nang marahan n'yang inilapat ang palad n'ya sa noo ko habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Stop thinking about stressful things, Kiara. Your mind deserve a rest," sabi n'ya habang hindi pa rin nakatingin sa akin.
"Xanthos..."
"I'm sorry for causing you pain that you don't deserve. I know I'm close-minded, I'm selfish, I'm not a good man... and the fact that I'm the father of your child is too dangerous for someone like you... but please give me a chance. I... I want to be a good father."
Hindi maalis ang titig ko kay Xanthos. Naramdaman kong bahagyang nanginginig ang kamay n'yang nakalapat sa noo ko. Napalunok ako nang maramdaman kong tila nagwawala ang puso ko dahil sa mga binitiwan n'yang salita.
I don't know if I should trust him this time... but unvoluntarily, my heart trusts his words, his eyes, his actions... and I hate myself for it.
"I-I know you won't say something like that if I'm not pregnant," I muttered in a soft voice.
Xanthos finally looked at me. I gulped and stared at him too with equal intensity as his.
"I will still apologize to you even if you're not pregnant," he said and finally removed his hand on my forehead. "Go to sleep now. Stop making me worry," sabi n'ya pa bago siya tuluyang lumabas ng silid.
Pakiramdam ko tila may kung anong humaplos sa puso ko. Simpleng salita lang 'yon galing sa kanya pero sapat na para mapagaan ang pakiramdam ko.
Napayakap na lang muli ako sa unan at napatitig sa kisame... Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napailing. Sa mga oras na 'to, naglalaban ang puso at isip ko kung dapat ko bang pagkatiwalaan ulit si Xanthos o hindi.