Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 33

“Jacky!” Isang malakas na katok ang narinig niya sa pintuan.

Nakatulog siya at do’n pa lang niya napansin na umiikot ang paligid. Kitang kita niya sa salamin bubong na malakas ang ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat. God! Nagmamadali siyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon, ang basang basa hitsura ni Theon ang bumungad sa kaniyang harapan. Mukhang may problema yata dahil sa pag-alalang nakita niya sa mga mata nito ngayon. Mabilis nitong hinawakan ang kaniyang braso at hinila siya papalabas.

“Wait! Ano ba ang nangyayari?” Nagawa pa rin niyang itanong iyon kahit ang totoo alam niya na. Please ‘wag naman sana, hindi siya marunong lumangoy at ayaw niyang mamatay sa gitna ng dagat na ito. Marami pa siyang kailangan gawin sa buhay niya.

“I’ll explain to it later, Jacky. Wear this life jacket, we don’t know what will happen next.”

Saka lang niya napansin na may hawak itong life jacket at ito na ang nagsuot sa kaniya. Agad siyang kinain ng kaba at halos manginig ang kaniyang katawan sa isipin na lulubog sila. Mabilis ang kamay nito na hawakan siya dahil muntikan na siyang sumubsob. Malakas ang alon at ulan sa labas, mukhang may bagyo.

“I-ikaw?” Tanong niya dahil hindi niya nakitang nakasuot ito ng life jacket.

Tumingin lang ito sa kaniya at hindi sumagot. Napahinga siya ng maluwang nang makitang nagsuot na ito ng life jacket. Hinila na siya nito papalabas pero agad siyang napahinto nang maalala niya ang kaniyang bag. Gusto niyang balikan ito pero nahila na siya nito nang tuluyan.

Napapikit na lang siya at napasunod sa lalaki. Napasinghap siya nang sumalubong sa kaniya ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas nito, pakiramdam niya ay magkakasugat ang kaniyang mukha. Kung hindi nakaalalay sa kaniya si Theon baka kanina na rin siya sumubsob sa sahig dahil sa lakas ng alon na halos dinuduyan na sila sa gitna ng dagat dalawa.

“Hold on! Whatever happen don’t let go my hand, okay? Do you hear me, Jacky?”

Napatango siya. Hindi niya magawang magsalita dahil naunahan siya ng tubig dagat. Galit na humampas iyon sa kanilang dalawa. Napasigaw siya sa takot kahit alam niyang wala naman makakarinig sa boses niya.

“I’m here, okay! ‘Wag na ‘wag kang bibitaw sa kamay ko dahil hindi kita bibitawan!”

“Natatakot ako!” Nagawa niya rin sabihin. Nagsimula na siyang mangatal at kahit anong pigil niya sa sarili para kumalma, hindi niya magawa.

“Hey Jacky, listen to me. It’s not the right time to get panicked, okay? As long as I’m here, you’ll be safe. Just don’t let go of my hand!”

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at ramdam niya ang seguridad. Kahit papaano ay kumalma siya at naniniwalang hindi siya nito pababayaan. Tahimik siyang nanalangin na sana ay makaligtas sila ngayon kung ano man ang mangyari. May asawang naghihintay sa lalaki at siya, marami pa siyang planong gawin pagkatapos nito.

Napayakap si Jackylyn kay Theon nang muling humampas ang alon sa kanila. Kung siya ang tatanungin, nahihilo na siya at nilalamon ng takot. Sa kasamang lalaki lang siya kumuha ng lakas para hindi tuluyan masindak. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at pinaparamdam sa kaniya na ligtas siya rito.

Hinila siya nito papuntang flying bridge pero dahil sa lakas ng buhos ng ulan, hindi niya na halos makita ang nilalakaran. God! Napasigaw siya nang madulas ang kaniyang paa. Mabuti na lang at mabilis siyang nasalo ni Theon at sinabihan mag-ingat sa bawat hakbang na gagawin.

“Fuck! This yacht is going to sink!”

Nagulat siya sa sinabi nito at mabilis na nag-ikot ng paningin. Doon lang niya napagtanto na papalubog nga sila! Nagsimulang pumasok ang tubig at kitang kita niya na dahan dahang kinain sila ng tubig.

“Theon!”

“I’m here!”

Alam niyang nand’yan ito, at nasa tabi lang niya pero sa isipin na lulubog ang yacht na kasama sila?

“Jacky we need to jump. Bibilang ako hanggang tatlo, understood? One...”

Napapikit siya. Kailangan niyang maging matapang after all may suot siyang life jacket pero paano kung hindi sila makakaligtas pagkatapos nito? What will happen next?

“Two...”

“Theonnnnnn!!!” Napatili siya ng malakas at tuluyan nilamon ng malakas na alon nang humampas ito sa kanilang dalawa. Hindi niya napaghandaan ang pagbiglang hila nito sa kaniyang kamay at pagtalon sa tubig. Ang sabi nito tatlo!

Naramdaman niya ang kanilang katawan na lumubog at bago pa siya mawalan ng hangin, lumitaw na sila paitaas. Napaluha siya nang makitang tuluyan lumubog ang yate kasama ang mahalagang gamit niya rito. Lumingon siya sa kasama niyang lalaki nung kumulog at gumuhit ang mahabang kidlat sa kalangitan, kitang kita niyang nakatingin din ito sa yate at tulad niya, alam niyang naluluha ito sa nangyari.

Magkahawak kamay pa rin sila at saka siya nito hinila papalayo pero dahil sa sobrang lakas ng ulan at alon, pakiramdam niya walang saysay ang suot niyang life jacket. Parang malulunod siya at nahihirapan siyang huminga sa tubig-dagat na ilang beses na humampas sa kanilang dalawa. Mabubuhay pa kaya sila nito? Maabutan pa kaya niya ang araw? Mali ba ‘yon desisyon niyang umalis at tumakas? Ang daming katanungan na lumabas sa kaniyang utak nang mga sandaling iyon.

Napapikit siya nang muling gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Nanginginig na rin ang kaniyang katawan at sa muling paghampas ng malaking alon, sa lakas ng impact n’yon hindi sinasadyang napabitaw siya sa kamay ng lalaki.

Napasigaw siya sa pangalan nito lalo na’t wala siyang makitang bagay sa paligid sa sobrang kadiliman. Tanging kidlat lang ang nagbibigay liwanag.

“Theon?! Theonnnnn!” Nagsimula na siyang magpanik. Lulubog-lilitaw ang kaniyang katawan at ilang beses din siyang nakainum ng tubig-dagat pero walang sumagot. Walang Theon.

Nagsimula na siyang umiyak at kahit anong sigaw niya sa pangalan nito, tanging kulog at kidlat lang ang sumagot sa tawag niya. No! No! Gusto niyang maghisterya, wala naman sigurong masamang nangyari rito. Muli, tinawag niya ang pangalan nito pero wala. Dito na yata siya mamatay sa gitna ng dagat na ito. Kung gano’n, much better na rin. Mamatay siyang walang nakakaalam na namatay siya at kung hanggang dito lang talaga ang buhay na para sa kaniya, willing siyang tanggapin iyon.

Napapikit siya ng mariin nang muling humampas sa kaniya ang malakas na alon. Nilamon siya ng dagat at sa mga sandaling iyon, naging blanko ang lahat sa kaniya at hindi niya na alam ang sumunod pa na nangyari. Hanggang dito na lang yata siya...

“Jacky!” malakas na sigaw ni Theon. Ang sabi hindi niya hindi ito bibitawan kahit anong mangyari pero ang sumunod na nangyari ay hindi niya napaghandaan. Biglang bumitaw si Jacky sa pagkakahawak niya rito.

Parang nagwawala ang langit sa kanilang dalawa at kung siswertehin silang mabuhay pagakatapos nito, mangangako siyang sasabihin na sa kaniyang asawa ang tunay niyang nararamdaman na pamamahal dito.

Panay langoy at lingon siya sa kapaligiran niya kahit wala siyang nakikita kundi kadiliman. Hinahanap niya si Jacky. Nangako siya rito at hindi pwede na siya lang ang pwedeng makaligtas. Alam niyang hindi ito marunong lumangoy at kahit sabihin na may suot itong life jacket, may posibilidad na malunod ito dahil sa lakas ng alon.

Fuck!

Tinawag niya ulit ang pangalan ng babae pero walang sumasagot. Saan na ito? Hindi ito pwedeng mamatay. Kailangan niyang makita ito pero.

Jacky was like abandoned kitten. Sobrang inosente ng mukha nito at kahit siya, hindi niya mahindian ito nang una niya itong makita sa yate at natutulog habang yakap-yakap ang bag. Oo sa una inisip niyang isa itong magnanakaw pero nang dumako ang kaniyang mata sa mukha nito, sa maputlang kulay at sa payat nitong katawan, may fondness siyang naramdaman. Mahiyain ang dalaga at ramdam niya ang bagay na iyon. Napapansin din niyang lagi itong nakatingin sa mga mata niya at napapailing na lang siya sa bagay na iyon. Marami ang nahuhumaling at nagkakagusto sa happy go lucky na Theon pero sa babaeng mahal na mahal niya, hindi niya magawang umamin ng nararamdaman. Torpe na kung torpe pero siguro gano’n talaga siya pagdating sa kaniyang asawa.

Malakas ang ulan at alon, buti at sanay siya sa ganitong sitwasyon pero kay Jackylyn? Baka kung ano na nagyari sa dalaga. Damn! He lost her! Dapat mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay nito. Naging pabaya na naman siya. Ilan beses siyang kinain ng alon at kung hindi matibay ang kaniyang baga baka kanina pa siya nalunod at naubusan ng hangin pero ang sumunod na malaking alon ay hindi niya napaghandaan, tuluyan siya nitong nilamon…

Masakit ang ulo na nagmulat ng mata si Theon. Mataas ang sikat ng araw at mas lalong nagpadagdag ng sakit ng ulo niya ang liwanag n’yon. Agad siyang napabangon nang maalala ang nangyari kagabi.

Ibang kapaligiran ang kaniyang nakita, puro kakahuyan at buhanginan. Napamura siya nang rumehistro sa kaniyang utak na nasa isang isla siya. Mabili niyang tinanggala ang nakasuot sa katawan na jacket at naglakad sa buhanginan. May hinahanap ang kaniyang mata at nung makita niya ito, agad siyang napatakbo at nilapitan ang dalaga.

“Hey, Jackylyn. Wake up!” Tinapik niya ang pisngi nito at niyugyog pero walang tugon mula rito.

Agad niyang dinama ang leeg nito at pinulsuhan. Napahinga siya ng maluwang nang malaman na buhay ito. Masaya siya na buhay ang dalaga. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Jacky at niyugyog bago ito nagbukas ng mata at napasigaw sa takot.

“It’s me Theon! You’re safe now. We’re both safe.”

Ilang beses itong nagpakurap-kurap ng mata at habol ang hininga. “Nasa langit na ba tayo? Patay na ba ako? Tayong dalawa?”

Napangiti siya sa tanong nito at inalalayan itong bumangon. Pinagpag niya ang buhangin na bumalot sa katawan nito saka siya sumagot. “No. We’re stuck here in island.”

Napatango ito at napahawak sa ulo. Gumuhit ang pag-alala sa kaniya at tinanong ito kung may masakit ba rito at okay lang ito. Tanging tango lang ang naging sagot nito kitang kita niya ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

“Kaya mo na ba tumayo?”

Tumango ito at saka naman niya inalalayan na tumayo ang dalaga. Nagpapasalamat siya at nakaligtas ito. Ang problema na lang ngayon ay kung paano sila makakaalis sa lugar na ito at sinong mag-rescue sa kanila. Napatigil sila sandali nang huminto ang babae at napaaray nang magsimulang humakbang. Saka lang niya napasin na na may pasa ang braso ng dalaga at sugat sa gilid ng beywang. Baka nakuha nito iyon kagabi kung saan nakikipag-agawan sila ng buhay kay Satanas.

“You’re wounded,” mahinang anas niya.

Hindi na ito nagulat sa kaniyang sinabi, parang inasahan na nito ang kaniyang sasabihin. Hinawakan lang nito ang sugat na may kalakihan at natuyo na ang dugo sa paligid nito.

“Don’t mind it. Hindi naman siya masakit.”

Napabuntunghinga si Theon. Walang sugat na hind masakit. “Kaya mo ba maglakad?”

Ngumiti ito at tumango pero ramdam niyang nasasaktan ito dahil napapangiwi ito at napapahawak sa sugat na natamo.

Napangiwi sa sakit si Jackylyn pero pinipilit niyang indahin ang kirot. Sanay na siya sa sakit kaya wala ito sa kaniya. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang malaking sugat na iyon. Akala niya huling gabi niya na ang nangyari kagabi kahit iyon naman talaga ang gusto niya dati.

Sandali silang tumigil sa ilalim ng punongkahoy at umupo sa nakausling malalaking ugat nito. Malaki ang sugat na natamo niya kaya hindi niya mapigilan mapaaray ng sitahin ito ni Theon at nagpresintang gamutin.

“Stay here for awhile, maghahanap lang ako ng dahon na pwede natin itapal d’yan para hindi ma-infection.”

Hindi niya na magawang tumango dahil agad na itong tumayo at sandali siyang iniwan. Napasunod ang kaniyang tingin dito habang sumandal muna siya sa malaking katawan ng puno. Kung iba siguro ang sitwasyon niya, iisipin niya ng romantic ito pero hindi. Napasulyap siya sa pasa na nasa kaniyang braso, nangingitim ito at napangiwi siya ng damhin niya ito. Okay na rin ito kahit papaano basta ang mahalaga, buhay siya.

Ilang sandali pa ay bumalik na ang lalaki at may dala itong mga dahon na hindi niya alam ang pangalan. Kumuha ito ng bato at dinikdik ang mga dahon saka nito nilagay sa sugat niya.

“A-ako na...” mabilis niyang pigil sa kamay nito.

Tumango lang ito at hinayaan siya pero hindi niya napaghandaan ang pagpunit nito sa suot na t-shirt. Namumula ang kaniyang pisngi nang dahan-dahan at maingat nitong tinalian ang kaniyang sugat. Magkalapit sila at halos langhap niya ang hininga nito pero pinigilan niya ang sariling titigan ito sa mata at baka kapag ginawa niya iyon, bigla na naman siyang mawala sa sarili.

“We will be rescue soon, hindi ko lang alam kung hanggang ilang araw tayo rito. For the mean time, let’s make sure that you are okay and find place to stay tonight.” Inalalayan siya nitong tumayo at nagsimula silang humakbang ulit pero napatigil sila nang nasa bungad na sila ng kagubatan ng isla. “Do you want us to stay inside the forest or—”

“Dito na lang kung saan mas malapit sa dagat,” putol niya.

Sinangayunan nito ang kaniyang sinabi at bumalik sila sa malaking puno. Pinaupo siya nito at nagpaalam ito sandali na magpunta sa dalampasigan. Tulad nung una, hindi pa siya nakatango nakatalikod na ito. Napasunod ang kaniyang tingin kay Theon. Ang hubad nitong likod ay nagpapula sa kaniyang pisngi. Para siyang highschool na nag-swoon sa kaniyang ultimate crush though she never experienced that in real life. Hindi nga niya alam ang crush-crush na bagay pero ngayon siguro alam niya na.

Pinili niyang ibaling sa ibang side ang kaniyang tingin at dito lang niya napansin na nasa isang magandang isla sila. Sobrang pino ng puting buhangin at kitang kita na malinaw na malinaw ang tubig kahit nasa kalayuan siya ngayon nakapwesto. Malamig at sobrang presko ng hangin kaya hindi niya mapigilan ang sarili na i-appreciate ang bagay na iyon.

Kailan ba ang huling punta niya sa dagat at makakita ng ganitong tanawin? 8 years ago? No, 10 years ago. Mapakla siyang napangiti at napabuntunghinga. Dinakma niya sa isang kamay ang buhangin at pinagmasdan iyon na dahan dahang humagpos sa kaniyang kamay kasabay ang pagbalik ng alaalang ayaw niya ng balikan pa…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.