Lihim lang siyang nakatingin sa dalawa sa unahan at ramdam na ramdam niya ‘yong negative vibes at palitan ng silent war ng mga isip nito. Parang nakakakita siya ng puting electro waves.
“H-hey guys?”
“What?!” magkapanabay na lumingon ang dalawa sa kaniya.
Napakagat siya ng labi at kiming ngumiti. Tama nga talaga si Hera at Trixie, hindi magkakasundo ang dalawa at mukhang mahirap pagbatiin. “Let’s go?”
“Yeah. Drive now, Gustavvson,” utos ni Zyd kay Henrik. Naka-cross arm ito at hindi maipinta ang mukha.
“Are you ordering me around?”
“Yeah.”
“Then do the driving.”
“Not with someone else’s car.”
Napanganga na lang siya sa likuran at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Ano bang problema ng dalawang ito? Ang sarap pagsasapakin sabay sabi peace. “Are we going or not?”
Sabay na nagsitahimik ang mga ‘to at humingi ng pasensya sa kaniya si Henrik bago sinimulan paandarin ang sasakyan habang naka-cross arm pa rin si Zyd sa unahan. Akala ba niya ayaw nito? Ba’t sumama pa ito? Gusto sana niyang tanungin, kaso baka aangilan lang siya nito at titingnan ng masama.
Tahimik sila buong byahe at nangangati na ang kaniyang dila para magsalita. Napairap siya sa hangin at nangulambaba dahil wala man lang gustong kausapin siya. Tanging rock music lang ni Henrik sa car stereo nito ang nagpa-paingay at kating-kati na siya magsalita.
“Henrik?” tawag niya sa binata. Nag-aalala siyang baka mapanis ang laway nito, sayang naman.
“Yes, Min Dam?”
Agad umarko ang kilay ni Zyd sa naging tawag sa kaniya ng Henrik. “Min Dam? Really? You call my WIFE, your lady?” inimphasized nito ang salitang wife.
Nag-ikot siya ng eyeballs. Bakit ba hindi magkakasundo ang mga ito kahit sandali lang! Gusto niyang sumabog.
“Yeah, why not? I’m a swedish. I can call her everything I want,” kalmadong sagot nito habang nagda-drive.
“You fuck! That ‘her’ is my wife. You’re crossing the line, Gustavvson.”
“I met her first.”
“And she kissed me first on the Elite’s Bar. The one wearing red—”
“Enough!!!” gigil na putol niya. Natigilan naman ang dalawa at walang nagsalita. “You two always fight. We’re not in the ice rink. Why won’t you guys act like normal people? Not the Capt. Zyd and King Henrik on the NHL!” mahabang lintanya niya at hindi niya mapigilan magpakumpas-kumpas ng kamay. Isang mali lang ng dalawa, isang pingot ang makukuha sa kaniya talaga.
“Sorry,” magkapanabay na sambit ng mga ‘to.
Nakahinga siya ng maluwang sa naging sagot ni Henrik at Zyd. Ganiyan dapat, hindi ‘yong puro bangayan at kulang na lang ay magsuntukan sa isa’t isa. Tahimik at masaya ang naging byahe nila hanggang sa dumating sila sa kanilang patutunguhan.
Sa isang sikat at malaking video arcades ng Pittsburgh. Tuwang-tuwa siyang naunang lumabas at tumakbo sa entrance. Mabilis niyang binigay kay Henrik nung makababa ito ang kaniyang camera para kunan siya ng picture.
“Let me.” Agad binawi ni Zyd ang camera na binigay niya sa binata at ito na ang nag-position na kunan siya ng magandang angle. Inayos muna nito ang suot na cap at halatang tinatago nito ang mukha sa public bago nagsalita. “I’m counting in 1... 2... 3.”
Ngumiti siya ng ubod tamis at mga ilang shots din ang ginawa niya bago siya pumayag na pumasok sila sa loob. Muntik na ngang ibato sa kaniya ni Zyd ang camera sa sobrang gigil dahil panay siya ‘isa pa’.
Kung kanina namangha siya sa labas, mas namangha siya sa ganda ng loob at mga teenagers at mga mag-jowang nando’n, masayang naglalaro.
“Zyd! Henrik!”
Mabilis nag-silent sign ang dalawa na magkasunod pumasok. Saka lang niya naalala na mga NHL player ang mga kasama niya. Hindi basta-basta lumabas sa public dahil obvious naman na dudumugin sila ‘pag nagkataon. Bigla siyang na guilty sa isipin na dito niya ginustong pumunta. Parehong nakasuot ng cap ang dalawa at simpleng t-shirt at pantalon ang suot.
“What’s wrong?” Mabilis siyang nilapitan ni Henrik at tinanong.
Ngumiti siya ng matamis at umiling. “Nothing. I’m too excited to play. Let’s go!” Nauna na siyang tumakbo papasok. Habang naiiling na lang si Zyd at Henrik nakasunod sa kaniya.
Naunang nakita ng mata ni Lianne ang Lazer Maze kaya sa nauna na siyang pumasok. Nakalimutan niyang may kasama siya at kung hindi pa hinila ni Zyd ang dulo ng kaniyang buhok, baka tuluyan niyang nakalimutan na may asawa na rin siya.
“Do you really want us to play this?” nakakunot ang noo na tanong nito habang siya ay nangingislap ang mga mata sa excitement.
Natawa naman si Henrik at kunwaring umubo nung sumama ang tingin ni Zyd dito. “This would be fun. Let’s go Min Dam.”
Hindi siya makahuma nung hinawakan ni Henrik ang kaniyang kamay at biglang hinila siya papasok. Agad umapila si Zyd at bago pa ito magsalita ng kung anu-ano, sinamaan din niya ito ng tingin. Naglinya ang kilay ng asawa niya sa papel at walang salitang sumunod sa kanila ni Henrik.
Tuwang-tuwa siya nung mag-ala secret agents sila sa loob tatlo. Ilang beses pa siyang bumangga kay Henrik at kutong naman ang nakukuha niya kay Zyd dahil sa paulit-ulit niyang pag-apak ng sapatos nito. Napaka-kill joy talaga ng lalaking ito! Sumama pa sa kanila kung ganito lang naman pala ka KJ.
“You always step on my foot,” reklamo nito nang makalabas na sila.
Habang sabog ang kaniyang buhok at hindi maipinta ang kaniyang mukha sa sobrang saya. “Next the Bumper Car!” hindi niya pinansin ang pagrereklamoni Zyd. Agad na siyang tumakbo papunta sa nakahilirang Bumper Car.
Napakamot na lang sa leeg si Henrik at nababagot ang mukha ni Zyd na sumunod sa kaniya. Deritso siyang sumakay sa red Bumper Car at tinuro sa dalawa na sumakay na. Nag-atubli si Zyd na sundin ang kaniyang sinabi samantalang si Henrik ay kampanteng sumakay sa kulay blue. Napansin niyang may napapatingin sa kanila at napapatitig sa dalawang gwapitong kasama niya pero hindi niya pinansin iyon, importante ang magsaya sila sa gabing ito.
Ang lakas ng halakhak ni Zyd nang banggain siya nito at humampas siya sa sasakyan ni Henrik. Ang daya talaga nito! Alam naman nitong hindi pa siya nagsimula sa pagda-drive. Halos naalog yata ang kaniyang utak. Hindi pa ito nakontento, muli pa siya nitong binangga at sumadsad siya sa gilid. Ang lakas ng halakhak nito at nagmukha na itong bruha sa kaniyang paningin.
“Henrik! Team up with me.”
Tumango agad si Henrik at kumindat. Ngumisi rin siya. Ngayon matakot si Zyd sa gagawin nilang hakbang ni Henrik. Mabilis niyang pinaikot ang manibela. Nagbilang muna siya nang ilang segundo at kumindat kay Henrik. Kumindat din ito sa kaniya bilang go signal at pareho silang napangisi dalawa. Naalarma naman si Zyd at tumakbo papalayo gamit ang Bumper Car pero mabilis nilang hinabol si Zyd at sabay nilang binangga ang lalaki.
“Fuck! You two—” galit na napamura si Zyd. Sumama pa ang tingin nito sa kanila dahil muntik itong tumilapon. Ang lousy naman.
“Don’t wailed like a toddler, loser. Disgusting!” nakangising binelatan niya ito. Pinagtaasan pa niya ito ng kilay.
“I agree on that.” natatawang sabad ni Henrik.
Tumalim naman ang mata ni Zyd kay Henrik at tumaas ang sulok ng labi nito. “Let settle this bumper car fight, Gustavvson.”
“Sure,” walang atubling sagot nito.
“If you lose, leave my wife alone.”
“And if I win?”
“That’s impossible for you,” kampanteng sagot ni Zyd.
Nag-ikot siya ng mata sa takbo ng usapan ng dalawa. Agad siyang tumayo at umalis sa kinauupuang sasakyan. “Pagod na ako. Next game, Virtual Roller Coaster!” bahala na ang dalawa kung magtutuos pa ang mga ‘to.
“Elhouette wait!”
“Min Dam!”
Napairap siya sa dalawa. Gusto niyang maglaro ng Virtual Roller Coaster, eh.
“What the fuck! Are you sure about this? This thing is for kiddos.”
Tinarayan niya si Zyd at sinabihan maghintay ito sa tabi pero hindi naman ito pumayag. Nauna pa itong sumakay at sumunod siya, pinagitnaan siya ng dalawa. Nagulat pa ang dalawang staff na nag-assist sa kanila nang masilayan ang mukha ng dalawang NHL na kaniyang kasama pero ningitian lang ito ni Henrik at sinabihan ‘be quiet’.
Ayan na! Excited na siya habang nakasuot na sila ng 3D Gear at Headphone bawat isa. Nagsimula na gumalaw ang sinasakyan nila at siya yata ang pinakamalakas sumigaw sa kanilang tatlo sa tuwing bumubulasok ang kanilang sasakyan at tumatagilid sa bangin. Nawala ang saya niya nang lumitaw sa harapan nila ang mga multo. Hindi niya alam kung kanino siya napakapit basta yumakap siya ng mahigpit at napapasigaw.
“Fuck, Elhouette!”
“Min Dam?”
Sabay siyang napahawak sa braso ng dalawa at kumuha ro’n ng lakas nang tapos na sila sa Virtual Roller Coaster. Muntik na siyang hindi makatayo nang bumaba na sila. Hayop na multong na biglang lumitaw at gumapang papunta sa kaniya.
“O-okay lang ako guys. Umupo muna tayo sa tabi.” nakangiwing saad niya habang inaayos ang mahabang buhok. Dahil si Zyd lang ang nakakaintindi sa kaniya, tumango ito habang si Henrik ay napatingin lang sa kaniya at nagkamot ng ulo.
Ilang minuto rin silang nakaupo bago bumalik ang kani-yang tamang pag-iisip. Tumayo siya at walang sabing kinunan ng picture ang dalawa. Mabilis umangal ang dalawa at pinapapabura ni Zyd pero pinandilatan lang niya ito ng mata.
“Magtabi kayo please?”
“I... don’t get it?”
Ngumiti siya kay Henrik. Ang gwapo talaga nito kapag nalilito sa pinagsasabi niya kaya sumenyas siyang lumapit ito ng kaunti sa katabing si Zyd na nagbabanta ang kislap ng mata sa kaniya na lagot siya nito mamaya pag-uwi.
Kinunan niya ang dalawa ng maraming pictures at naki-suyo pa siya sa isang staff na kunan sila ng picture tatlo. Muntik pa atakehin sa sobrang kilig ang babaeng staff. Palihim pa itong humingi ng autograph sa dalawang lalaki at yumakap sa asawa niya. Wait, asawa niya! Umasim ang kaniyang mukha pero hindi niya pinahalata. Lakas makayakap nito, ah. Gigil na gigil.
“Oh tama na ‘yan, kasal kami ‘teh.” pinandidilatan niya ng mata ang babaeng staff nang hilain niya ito sabay pakita sa wedding ring na suot niya. “See? Wedding ring. He’s mine, he’s mine.”
“One more hug, please?”
Ngumiti siya ng matamis at— “No.” saka umiling.
Laglag ang balikat nito at tawa nang tawa naman si Henrik sa isang tabi. “Woah! That’s savage.”
Napatingin siya kay Zyd. Sumpil ang kakaibang ngiti nito at pasimpleng namulsa. Nung mapansin nitong nakatingin siya habang nakataas ang kilay, mabilis itong napakunot ng noo at inangilan siya.
“What?” naglinya ulit ang kilay nito at naunang humakbang.
Napasimangot siya sa inasta nito at sinundan nila ito ni Henrik. Dalawang oras din ang tinagal nila sa loob ng arcades, kung hindi pa siya dinalaw ng gutom at muntik ng dumugin ang mga kasama niya, hindi pa sila aalis sa lugar na ‘yon.
“Shit! That was fun.”
“I pretty agree on that. I’m having so much fun. The games, the thrill, the excitement—”
“And boring.”
Napatanga silang dalawa ni Henrik sa komento ni Zyd. Bwesit talaga ang lalaking ito! Hindi marunong mag-appreciate ng fun sa boring. Binelatan lang niya ito at si Henrik ang kinausap habang nasa backseat siya at nagsimulang mag-drive ang binata. Tahimik lang sa tabi si Zyd at nag-cellphone habang panay tawa at kwentuhan sila ng lalaking hindi boring kausap, hindi tulad ng kasama nila na laging nakalinya ang kilay at panira ng moment.
Sa isang sikat na restaurant sila nagpunta at napahanga siya sa kagandahan ng buong paligid. Para siyang batang paslit na nag-request na kunan siya ng picture ni Henrik habang nakatayo sa harap ng Italian Restaurant.
“Childish.”
Narinig niyang bulong ni Zyd pero inirapan lang niya ito.
“The way I see it, she’s innocent.”
Ngumiti siya ng matamis sa naging sagot ni Henrik. Ang bait talaga sa kaniya ng binata, no wonder kaya napalagay agad siya rito. Sana, magtagal pa sila nito at hindi ito magbabago.
Kung namangha siya sa labas sa sobrang ganda, mas namangha siya lalo sa loob. Ito ang kauna-unahang mamahaling restaurant na pinasukan niya na hindi kaya ng kaniyang budget. Sa menu pa lang, mawawalan na yata siya ng malay at lalagnatin. Agad siyang nag-order ng masasarap na pagkain, mamaya na lang siya himatayin.
“Elhouette.”
Nagtaas siya ng tingin at napatitig sa asawa na seryusong nakatingin sa kaniya. “Bakit?”
“Pagkatapos nito, mag-usap tayo sa bahay. Nasa contract natin na bawal ka makipaglandian sa iba habang kasal ka sa`kin pero hindi ka sumunod.”
Ano raw? Napanganga siya sa straight tagalog nitong may canadian accent. Siya, nakipaglandian? Masyadong loading ang kaniyang isip sa binitawang salita ni Zyd. Nung nag-sink in na lahat sa kaniyang utak, umasim ang kaniyang mukha at nagtaas ng kilay.
“Hindi ako nakipaglandian. Akala ko ba, okay lang na sumama sa kaibigan? Besides, sumama ka rin ‘di ba? Nagpaalam din ako kay Lula at Tacu.”
Nagbigay lang ito ng malamig na tingin at hindi pinansin ang kaniyang sinabi. Hinarap nito ang cellphone at nagtungo sa restroom. Napahalukipkip siya at biglang nawala lahat ng saya na naramdaman niya kanina.
“Something wrong?” untag sa kaniya ni Henrik.
Mabilis siyang umiling at ngumiti ng matamis. “He said, he’s going to the restroom kasi he feels like— pooping. Diarrhea raw... Oo diarrhea nga.” buti na lang at nakaisip siya agad ng isasagot. Minsan matalino rin talaga siya, hindi lang halata. “Alam mo na, diarrhea now a days. When you eat-eat and tae.”
Tumango-tango naman ito na parang totoo ang kaniyang sinabi. “Lianne...”
“Yes?”
“Why did you marry that guy?”
“You mean, Zyd?”
Natawa ito sa kaniyang naging sagot. “Ah, yeah?”
Sasabihin ba niya? ‘Wag. Mahigpit na nakalagay sa contract nila na walang makakaalam sa kanilang napagkasunduan.
“Sorry to asked you that. Please, don’t mind those silly question.” Napa-kamot ito sa leeg nang makitang hindi siya nakasagot at nagkagat ng labi.
Sasagot sana siya na okay lang pero nakabalik na si Zyd at walang expression ang mukha. Deritso itong umupo at saka dumating ang kanilang inorder.
“Naghugas ka ng kamay mo?”
Napapantastikuhang tiningnan siya ni Zyd. “For?”
“Sabi ko kasi kay Henrik, tumae ka at may diarrhea.”
“ELHOUETTE!!!”
Teka, may mali ba sa alibi niya? Mukhang may mali nga...
Tahimik na nakaupo si Lianne sa dulo ng hagdanan habang hinihintay si Zyd. Ang sabi nito, mag-uusap sila at ‘wag siyang magtatangkang tumakas at pumasok sa kwarto niya dahil papasukin siya nito. Ayaw naman niyang mangyari ‘yon at baka sa kama sila mag-usap dalawa. Kating-kati na siyang umakyat at magpahinga pero hinintay niya ang lalaki na nagpunta sandali sa kusina.
Nung hindi siya makapagtiis, tumayo siya at sinundan ito. Nakita niyang nakatayo ito at nakaharap sa nakabukas na ref. Tingin niya, nagpapalamig yata ito ng ulo. Masyado kasing mainit ulo nito kanina nung hinalikan ni Henrik ang kaniyang kamay. Hindi ito umeksina, tahimik lang ito at walang emosyon ang matang nakatingin sa kaniya.
“Ah... Zyd? Mag-uusap pa ba tayo?”
Wala siyang nakuhang sagot dito. Nanatili pa rin itong nakaharap sa malaking refrigerator at nag-aaksaya ng kuryente. Kung sabagay, ito naman ang nagbabayad. Mga ilang segundo siyang nakatayo sa bukana ng pintuan ng magsalita ito.
“Are you trying to insult me with those action, Elhouette?” Humarap ito sa kaniya at matiim siyang tiningnan.
“Ha?”
Napailing ito at sinara ang ref. Nagsimula itong humakbang papalapit sa kaniya at sandaling umupo sa stool. Nakahalukipkip ito at inaarok siya ng nakakatakot nitong tingin. “Stop playing dumb. You’re making that Gustavvson to laugh at me.”
Lihim na kinalma ni Lianne ang sarili. Baka hindi siya makapagpigil at mahalikan niya ito. “I don’t understand.”
Ngumisi ito at naiiling. “You don’t understand?” Tumayo ito at lumapit sa kaniyang kinaroroonan.
Napakunot siya ng noo. Ano ba kasi ang gusto nitong iparating? Hindi ‘tong ginagawa siyang manghuhula at may pa-slow mo effect pa itong maglalakad papunta sa kaniya.
“Isn’t it obvious? You’re flirting with him. Tsk-tsk,” dismayadong saad nito.
Biglang nagseryuso ang kaniyang aura sa sinabi ni Zyd at kalmadong tiningnan ito ng deritso sa mata. “Alam mo, Zyd. Hindi ako naglalandi kung ‘yan ang tingin mo. Mabait si Henrik. Mas mabait siya sa`yo sa totoo lang pero never ko siyang nilandi. Now I’m done my part, magpahinga na ako.” Hindi na siya nagpaalam dito. Deritso na siyang tumalikod at nagmamartsang tinungo ang kaniyang kwarto sa taas.
***