Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 16

Matiim siyang tiningnan ni Zyd nang dumating siya ng bahay. Hindi na siya nagulat sa reaksyon nito nang makita ang karga-karga niyang pusa.

“Throw that away.”

Agad umasim ang kaniyang mukha sa sinabi nito. Ngayon na nga lang ito magpakita sa sinabi nitong some time later, ipapa-tapon pa ang pusang binili sa kaniya ni Henrik? Wow naman nito. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Zyd at deritso lang siyang humakbang papuntang hagdanan. Aakyat na siya sa taas.

“Elhouette!” Sumunod ito sa kaniya at hinarangan ang kaniyang daraaanan. Hinila nito ang kaniyang braso kaya natigilan siya at napaharap sa lalaki.

Nakataas ang kaniyang kilay na tiningnan niya si Zyd. “Ano bang pinag-puputok ng butsi mo? Ngayon ka lang umuwi, nagagalit ka pa? May problema ka ba sa ganda ko?” Agad niyang winaksi ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.

Humugot ito ng malalim na buntunghinga at sinulyapan ang pusang karga niya. “Throw that kitty away if you don’t want Lula and Tacu became aggressive. They hate cats.”

Mabilis siyang umayaw. “Henrik gave this to me. No way!” Inirapan niya ito at mabilis na tinakbo ang hagdanan paakyat sa itaas. Ang laki ng pasasalamat niya na hindi siya sinundan nito.

Nilagay niya sa ibabaw ng kama ang pusa at aktong ila-lock ang pintuan nang bumukas iyon saka deri-deritsong pumasok ang lalaki na kunot ang noo. Galit na naman ito? Ano ba’ng problema ng bwesit na lalaking ‘to na walang ibang ginawa kundi ang sumimangot sa kaniya?

“Room ko ‘to.”

“What did you just say? Gustavvson gave that—”

“So what?” inismiran niya ito at sumampa sa kama. Hinimas-himas niya ang ulo ni Muning na sobrang cute nito. Naglalambing ito sa kaniya at hinalik-halikan siya. Mabuti pa ‘tong pusa, hinahalikan siya.

“Nakipagkita ka sa kaniya?”

Walang alinlangang tumango siya. Magsalita na lang kaya ito ng tagalog? Siya nahihirapan sa tuwing nag-english lagi ito sa kaniya. Nakaka-nose bleed.

“Bawal ba? Paparusahan mo na naman ba ako sa kama?” puno ng pang-uuyam siyang tumawa. “Alam mo Zyd, alam kong walang pagmamahal sa pagitan natin. Hindi mo ‘ko mahal, hindi rin kita mahal. Alam kong contractual wife ako, gano’n at may mga do’s and don’ts tayo pero naman sana, ‘wag mo ‘ko pangunahan sa gagawin ko. Asawa mo lang ako sa papel at sa mata ng mga tao, but heart and soul? Hindi. Kaya I have the right na sumama at tumanggap ng kahit ano sa mga kaibigan ko. Hindi ako nakipaglandian, alam mo ‘yan. Henrik and I were friends at kung galit ka talaga dahil tingin mo ginagago ko ang agreement natin... Then, punished me. Kung d’yan sa tingin mo matutuwa ka, punished me.”

Hindi ito nakasagot sa kaniyang sinabi. Hindi niya alam kong ano ang iniisip ni Zyd pero bahala na ito.

“You happy with him?”

Siya naman ang nagulat at hindi nakasagot sa tanong nito. Masaya ba siya kay Henrik? Naman! Lagi kaya siyang pinapangiti ng binata. Ngumiti siya ng matamis bago sumagot ng oo. Kitang-kita naman niyang natigilan ito at hindi nakapagsalita.

“Then wait until our contract ends.” Tumalikod ito at malakas na sinara ang pintuan.

“Baby, may problema ba siya?” tanong niya sa pusa.

Naglambing lang ulit ang kaniyang pusa at hindi niya na pinansin ang pag-inarte ni Zyd. Quits na sila. Napangiti siya sa bahaging iyon.

“Lula! Tacu? You have a new friend, He—” Nasa sala si Zyd at katabi nito ang dalawang aso habang nanonood ng movie nung bumaba siya kinahapunan.

Natigilan siya. Mukhang, dito yata matutulog ngayon gabi ang lalaki. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ito o hindi. Alam niyang may nasabi siyang masama kanina, nainis lang siya. Nainis siya at nagagalit sa pang-iiwas nito ‘yon ang totoo. No need naman na iwasan siya, hindi siya nag-assume o nag-expect ng ano pa man. Ang kaniya lang, maging fair ito sa kaniya. After all nang kanilang toot at toot bigla na lang itong magbabago? Aba’y mali ‘yon. Dapat hindi umarteng siya ang nakauna at diring-diri sa kaniyang ganda.

“Zyd!” biglang tawag niya rito.Tinamad na lumingon ito sa kaniya at naghihintay sa kaniyang sasabihin. “Dito ka matutulog?”

Naglinya ang tingin nito sa kaniya, “It’s my house.Why?”

Ngumiti siya ng malambing. Ngayon na nga lang sila nagkita ulit, dapat kausapin niya ito ng matino. “What do you want for dinner?”

“You.”

“Ha?”

“You.”

Nabagsak niya ang pusang karga-karga. Agad naman itong hinabol ng dalawang aso. Mabilis niyang sinuway ang dalawa at kinarga ang kaniyang kawawang alaga. “Baby you okay?” tanong niya sa pusa.

“Baby? Hmm, I like that. Call me that way, baby...”

Nagulat siya sa sinabing iyon ni Zyd. Awtomatikong napailing siya. “Ang tinatawag ko na baby, si Muning.”

“Whatever,” ganting sagot nito. “We’ll use that endearment from now on. I will call you, baby.”

Tuluyang nalaglag ang puso niya. Hindi siya nakaimik at mas lalong hindi nakapagsalita. Nakagat na lang niya ang labing tumalikod at nagtungo ng kusina.

Hayop ka Zyd! Hayop ka talaga.

Si Zyd talaga, hinaharot ang kaniyang malanding puso. Malandi siyang napangiti at inayos ang mahabang buhok. Magluluto na nga lang siya, baka si Zyd ang magawang hapunan niya pag ‘di siya nakapagtiis.

Nalito siya kung anong lulutuin. Maliban sa wala siyang maisip, ang likot-likot pa ni Muning na nasa ibabaw ng stool at panay lang ito ‘meoww’. Nagugutom na yata.

“Zyd,” tawag niya sa lalaki. Walang sagot mula rito. “Zyd Caiden McCluskey!” ayan, hayop. Kailangan pa talaga niyang tawagin pangalan nitong buo para lumapit ito sa kaniya.

“Yes, baby?” malambing na sagot nito kasunod ang dalawang aso.

Baby? At natunaw ang puso niya. Shutaaa! Ano ‘yon?! Tumalikod siya sandali at hinamig ang sarili. Dapat hindi siya magpahalatang kinilig siya. Dapat, maganda lang siya at kalmado. Baka mag-inarte na naman ito.

“N-nalilito ako kung anong lulutuin ko,” deritsong sabi niya nung humarap siya rito. Seryuso raw siya kunwari.

Humakbang ito papalapit sa kaniya at pumwesto sa kaniyang likuran. Wait, sa likuran talaga niya? “Hmm?” Inilapit nito ang mukha sa kaniya at inamoy ang kaniyang buhok. “You’re using Dove Shampoo, isn’t it?”

Nahigit niya ang kaniyang hininga sa ginawa nito. Anong meron? Gusto niyang tanongin si Zyd pero nakagat lang niya ang labi. Nakikiliti siya sa pasimpleng amoy nito sa kaniyang buhok. For goodness sake! Ito ‘yong kauna-unahang, inamoy ng lalaki ang mahaba niyang buhok.

“Tell me baby, Are you happy with Gustavvson?” pabulong na tanong nito. Halos lumapat na nga ang labi sa kaniyang teynga at ramdam niya ang ilang libu-libong sensasyong bumalot sa kaniyang katawan.

Nakagat niya ng mariin ang labi at kinakalma ang sarili. Dapat hindi siya padadala. Dapat hindi siya—

“Answer me.”

Para siyang timang na tumango. Sa naging sagot niya, bigla siyang pina-harap ni Zyd dito at tinitigan siya sa mata ng mariin. Madilim ang kislap ng mata nito at isang pagkakamali lang niya, mukhang panganib ang mangyayaring kasunod. Napalunok siya ng laway at ilang beses na napakurap-kurap.

“M-magluluto pa ako...”

“Do you like him?” deritsang tanong nito habang nasa beywang niya ang isang kamay nito nakahawak.

“S-sino?”

Tumalim ang tingin nito sa kaniya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kaniyang beywang. “Gustavvson.”

Kung bilang kaibigan, yes. Mabait si Henrik at malinis ang hangarin nito sa kaniya. Masyado lang talaga itong friendly kaya gusto niya ito bilang kaibigan niya. “Yes?”

“Fuck, no!”

Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mata nang hilain siya nito papalapit at sinunggaban ang kaniyang labi. Napatanga siya sa nangyari at isa lang ang pumasok sa isipan niya, mariin siyang hinalikan ni Zyd sa harap ni Lula, Tacu at ni Muning!

Hindi mawala ang ngiti ni Lianne habang nagluluto ang asawang si Zyd. Yes, tatawagin niya ‘tong asawa. Malayo pa naman ang isang taon at marami pa magbabago sa loob ng mga panahong ‘yon. Baka naman kaya niyang pasarapin ang kapeng mapait. Who knows?

Pagkatapos siya nitong halikan ng ilang segundo, binitawan agad siya nito at tinanong siya ulit kung gusto ba niya si Henrik. Iling na ang kaniyang naging sagot at ngumiti ito. Hinaplos pa nito ang kaniyang pisngi saka ito nagpresintang magluto ng dinner nila. Siya naman si mukhang timang, kinikilig na tumango at umupo sa stool habang nakalumbaba rito. Ang swerte naman talaga ni Zyd kung bakit SIYA ang naasawa nito.

“Zyd...” tawag niya. May itatanong siya regarding sa Stanley Cup ng NHL. “Zyd!” hindi yata siya narinig kaya kailangan niyang ulitin ang pagtawag.

Humarap ito at matamang tiningnan siya. Nagtaas siya ng kilay. Ano na naman nangyari rito? “Kailan ba Stanley Cup niyo?”

Hindi ito sumagot. Binalik nito ang atensyon sa niluluto at hindi pinansin ang kaniyang tanong. Napilitan tuloy siyang tumayo at lapitan ito habang karga-karga ang pusa. Grabe ha, para itong babae kung magkaroon ng mood swing.

“Tinatanong kita,” seryusong saad niya pero kinakagat-kagat ni Muning ang kaniyang kamay at hinahalikhalikan. Nakikiliti siya. “Baby!” ang pusa ang sinuway niya, pero si Zyd ang sumagot.

“Yes baby?” nakangiti na itong lumingon. Halos abot na yata sa langit ang ngiti nitong nakatingin sa kaniya. Kumikislap-kislap pa ang mga mata nitong kulay light brown.

Jusko! Para siyang tinamaan ng kidlat sa kilig. Si Zyd naman talaga, pinapakilig siya. Nagpipigil siyang ngumiti at inayos ang tumakip na bangs sa kaniyang mata. Pati tuloy kulotan niyang buhok, naging tuwid sa presinsya ni Zyd. Ano ba kasing nakain nito? Bakit sobrang sweet nito ngayon? Nabagok ba ito during practice? Kaya naman nagka-amnesia? Baka nakalunok ng expired na bubblegum?

Napatingin siya kay Muning nung mag-meoww ito. Ang sabi ng pusa niya, laplapin na raw niya si Zyd at isuko ulit ang West Virginia. Ay sheyt! Napatakip siya ng bibig. Masyadong wild si Muning. Tinuturuan siya! Nag-init ang kaniyang pisngi pati na rin ang kaniyang ano. Pero no, ayaw niyang gawin ang suhestiyon nito.

Dali-dali siyang tumalikod at iniwan si Zyd pero tumalon ang kaniyang pusa papunta sa gawi ng lalaki, saka malanding ginalaw-galaw ang buntot sa paanan ng asawa niya. Natawa naman ito sa inasta ng kaniyang pusa at bumalik ulit sa ginawang pagluluto.

“Henli halika dito!” Agad siyang lumapit sa kaniyang pusa pero sa kaniyang pagmamadali, natisod siya sa kaniyang kagandahan. Buti na lang hindi siya nadapa pero nang magtaas siya ng tingin, eksaktong tumama ang malilinaw niyang mata sa malaking umbok ni Zyd sa gitna ng hita nito. Awtomatikong napalunok siya ng laway.

Ang shelep nemen...

Nung may nangyari sa kanila sa pangalawang pagkakataon, halos ayaw siyang tigilan nito sa bathub at sa kama. Ang sarap-sarap naman kasi ng ginawa ni Zyd. Nakakaduling sa sarap lalo na nung nagpapa-suspense effect ito. Shutaaa lang talaga! Nasabik siya.

“Elhouette!” Akmang lalapitan siya nito pero mabilis siyang nag-stop sign.

“No! Steady ka lang.”

“Eh?” natawa ito sa kaniyang sinabi.

“Minsan, nasa harap ko lang pala ang napakagandang view ng Pittsburgh Pensylvannia.”

“Kapag ‘yan nagising, humanda ka.”

Saka siya natauhan sa sinabi ni Zyd. Nagkulay rosas siya sa sobrang kahihiyan. Si Muning kasi, eh! Pahamak. Agad siyang tumayo at nadapa ulit.

“Ayyy!” Sa alaga ni Zyd humawak ang kaniyang kamay at kumuha ng lakas. Mabilis niya itong pinisil-pisil. Oh my gass! It’s alive.

Napasinghap naman ito sa kaniyang ginawa. “Fuck! Elhouette?!”

Pilya siyang ngumiti. “Opps? Sorry!” Dinampot niya ang pusa at kagat labing tiningnan ang asawa. Hindi naman niya sinadyang mapahawak sa malaking sandata nito, eh.

“Elhouette!!! Come back here.”

Takbo.

Bago pa siya parusahan ni Zyd, agad na siyang tumakbo papalayo sa kusina. “Ang laki-laki! Yeiihhhh!”

Naging masarap ang kainan nila ni Zyd sa gabing iyon. Ang nakakalungkot, hindi siya ‘yong pagkain. Masarap naman ang mga pagkaing niluto ng kaniyang asawa pero alam ni Lianne na mas masarap siya sa kama. Siya na rin ang nagpresintang maghugas ng kanilang pinagkainan habang si Zyd, nakasandal sa isang tabi at pinagmamasdan siyang naghuhugas.

“Binabantayan mo ba ako?” tumaas ang kaniyang kilay nang lingunin ito. Kanina pa siya nadi-distract sa totoo lang.

Kaswal itong umiling at ngumiti. Bagay talaga rito ang ngumiti palagi kesa laging nakalinya ang tingin sa kaniya.

“Alam mo, bagay sa`yo ang laging ngumingiti. Dapat ganiyan ka lagi. Hindi ‘yong nakasimangot ka na parang pinaglihi ka sa simangot.”

Natawa naman ito at pinitik ang kaniyang noo. Maarte naman siyang umaray at inirapan ang lalaki. “Minsan para kang timang talaga.”

“Himala! Nagtatagalog ka na?” pang-aasar niya.

Hindi siya nito pinansin at tinuro lang ang kaniyang hugasin. Nag-ikot lang siya ng mata. Oo na! Nananadya yata ito, ang daming ginamit nitong kagamitan. Nagpasya na lang siyang maghugas ng seryosuhan.

“Elhouette...”

“Hmm?”

“Have you ever been in love before?”

Natigil siya at natawa sa tanong nito. “Yes naman! Si Zig na napagkamalan kong ikaw pero nakapag-move on na ako. Mabilis lang naman nawala feelings ko sa`yo— I mean, kay Zig.”

Nawala ang saya sa mukha nito. Napalitan ito ng pagka-serysuo at matamang tinignan siya. “You sure?”

“Sa’n?”

“Zig.”

“Zig?” balik tanong niya.

“Paulit-ulit?”

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. Hindi halatang naasar ito sa kaniya kaya imbes na sagutin ang tanong ni Zyd, pinisil na lang niya ang pisngi nito gamit ang kamay niyang bumubula dahil sa dishwashing liquid. “Ang cute mo.”

“Tsk.” Hinawi nito ang kaniya kamay pero mas lalo niyang pinaglaruan ang maputing mukha ng foreigner niyang asawa.

Natigil lang siya sa ginagawa nung may nag-doorbell. Agad siyang iniwan ni Zyd at ito na ang nagtungo sa pintuan para pagbuksan kung sino ang bisita nila sa gabing ‘yon. Kung sino man ang bwesitang bisita nila, sana makonsensya ito! Inis na hinarap niya ang hugasin at nagpatuloy. Paminsan-minsan na nga lang siya nakikipagharutan kay Zyd, naudlot pa. Bwesit ‘yan.

Nagmadali siya sa ginagawa at para makausap niya ng masinsinan ang precious guest nila. Kung pwede kamo, umuwi ito agad at siya’y nanggigigil. Baby time nila ngayon ni Zyd.

“Babe, p-pleaseee?”

Napaurong siya sa paglalakad. Malayo pa lang pero parang narinig niya na ang boses ng malanding babaeng nagngangalang Kate.

“Go home, Kate. You’re drunk.”

Napaismid siya sa narinig. Mas lalo pa siyang lumapit sa mga ‘to pero hindi siya nagpakita. Tiningnan niya kung anong kayang gawin ng isang Ex.

“Y-you’re my home, babe!”

Lasing ang babae, iyon ang unang tingin niya. Gusot ang buhok nito at nakapaa na. Ang aga naman yata nitong naglasing. Walwalera ka bitch?

“We’re done, Kate. There’s no more us. You end it.”

“No! I love you and you know that. Please, accept me once again? Come back to me, I’m begging you... I love you, Zyd. I love you...”

Nagkukot ang kaniyang kalooban sa narinig at aaminin ni Lianne, nasaktan siya sa mga sinabi nito. Hindi niya alam kung para saan ang kirot at sakit na naramdaman, dahil ba sa nakitang natitigilan ang lalaki at hindi agad nakasagot o sa reyalisasyong, si Kate talaga ang tunay nitong mahal.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Malambing na lumapit naman sa kaniya si Muning at nagpakarga. Hinihintay niya kung ano ang magiging sagot ni Zyd.

Natawa siya nang makitang nag-dial si Zyd sa cellphone nito at tinawagan si Kodi. Pinapakuha ang kawawang Kate. Napapatango na lang siya na parang naiintindihan niya ang nararamdaman ng babae. Too late, sa kaniya na si Zyd kahit hindi siya mahal ng lalaki. Simple, tuturuan niya hanggang sa mabaling ang pagtingin nito sa kaniya. Why not?

“Muning, tingin mo magbabalikan sila?”

Tanging maarteng meow lang ni Muning ang sagot at nagreklamo. Bakit daw ang dami niyang callsign dito, may Muning, may baby, at may Henli? Para raw siya, ang daming lalaki. May Zyd, may Zig, may Henrik. Na shook siya sa katabilan ng bibig ng kaniyang pusa. Mukhang galit pa ito sa parteng siya ang naging magandang Mommy nito.

“No babe, this is my home! I missed you so much. Please, don’t push me away.” umiiyak na saad nito at humawak pa sa dibdib ng kaniyang asawa.

Nanggigil siya sa parteng ‘yon at hindi makapagtiis na ‘di sumabat. Mas mabuting umeksina na rin siya para alam nito ang salitang, alis! Nagmartsang lumabas siya sa kaniyang pinag-tataguan at mabilis na lumapit sa mga ito.

“You! A gold digger slut.” Nang makita siya ni Kate, nagwala ito at akmang lalapitan siya para sabunutan pero ningisihan lang niya ito at maarteng tiningnan mula ulo hanggang paa.

“Go! Bore someone else with your existence.” nakataas ang kaniyang kilay nang sabihin niya ‘yon.

Natahimik naman ito ng ilang sandali pero mas lalo itong nagwala nang ma-realized ang kaniyang sinabi. “Why the hell you chose that slut instead of me, Zyd?” Tinuro siya nito at galit na galit.

Gustong manakit teh?

“Simple,” nakangiting saad niya. “Because Zyd, CHOSE me.”

Tumalim ang tingin nito sa kaniya habang si Zyd sa tabi, tahimik na nakikinig at nakatingin sa kanilang dalawa.

“And Kate, would you mind me giving you a ladder so you can step out of our life?”

Hindi ito sumagot at tiningnan lang siya ng sobrang sama. Well, kung nakakalason ang tingin nito hindi siya mamamatay. Isa rin siyang lason, eh. Lalasonin niya ng pagmamahal si Zyd hanggang sa lahat ng atensyon at buong puso nito, magiging kaniya.

“Wait for my turn, slut. You can’t have my Zyd forever.” Humakbang ito paatras at sumandal sa pintuan. Tiningnan siya nito ng nakakainsulto. “He’s using you to hurt me. And hell, he succeed.”

Siya naman ang natigilan at hindi nakapagsalita. May punto ang sinabi nito at alam niya ‘yon matagal na bago siya pumasok sa ganitong set-up. Pero iba pala kapag sinampal na sa`yo ang katotohanan. Medyo, masakit lang naman.

“Enough with that, Kate,” malamig na saad ni Zyd. Nakapamulsa ang kamay nito at walang emosyon ang mga mata.

Lihim siyang humugot ng buntunghinga at agad nagbigay ng matamis na ngiti sa sinabi ng babae laban sa kaniya. So what, kung ginamit siya? Correction, nagpagamit siya. Kung sakaling masasaktan siya, alam naman niya paano i-handle ang sarili. Hindi na ‘to dapat mag-alala para sa kaniya. Masyado naman itong mabait para alalahanin ang kaniyang kalagayan kasama ang lalaki.

Malanding kumapit ang isang kamay niya sa braso ni Zyd at humilig dito. Ang sarap naman ng sumandal, parang mamamatay ang maiiinggit lalo na kung pangalan ng maiiinggit ay Kate. “Aww, you’re too nice! Tell me, what gave you the impression that I actually care, so I can avoid it next time?”

Natawa siya ng lihim. Chine-cheer siya ni Muning na karga niya at natigalgal naman si Kate at tuluyang umiyak. Opps, napaiyak niya yata ang malditang babaeng. Umiiyak na nag-walkout ito at sinundan nila ito ng tingin hanggang sa pumasok ng kotse. Eksaktong dumating si Kodi at ito na ang nag-drive ng sasakyan ni Kate paalis. Habang siya, hindi pa rin tuminag mula sa pagkakasandal kay Zyd. Kung hindi pa tumalon ang kaniyang pusa sa sahig, hindi pa siya bumalik sa hwesyo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.