Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 18

STANLEY CUP FINALS.

Parang matatae na maiihi si Lianne na ewan, hindi niya maintindihan. Nasa VIP seat siya nakaupo katabi niya ang pamilyang McCluskey. Katabi niya rin si Zig na pasimpleng nakaupo at iilan sa mga kababaehan, nakatingin dito. Nakasuot sila ng jersey ng Pittsburgh Penguin na sinusuportahan nilang team.

Hindi naging madali ang playoffs, maraming hindi nakapasok. Maraming na-eliminate na teams. Tanging dalawa lang ang pasok na team, ang Pittsburgh Penguin, at Jersey Devils. Nalilito nga lang siya kung kaninong team ang i-cheer, kay Henrik ba o Zyd? Parehong captain ang dalawa kaya naman nahihirapan ang kaniyang isip kung sino pero ang kaniyang puso... Si Zyd.

Kinilig pa siya kanina, kahit left and right ang interviews nito hindi siya binitawan ng lalaki. Nakahawak ito sa kaniyang beywang at kumikislap ang mga matang nagsasalita habang siya, tahimik lang sa tabi nito kahit kating-kati siyang sumagot. Hinalikan pa siya ng kaniyang baby Zyd sa labi, sa harap ng maraming tao, at sa harap ng mga camera. Na-shook na lang siya at kung wala siyang suot na make up, baka nagkulay krayolang pula na siya.

Kasama niya rin nanood ang pinsan si Sheena at ang tiyahin, malapit ang mga ito sa glass seat. Hindi na yata siya kilala ng maharot niyang pinsan dahil tili na ito nang tili kahit hindi pa nagsisimula ang game. Si Hera at Trixie, nasa glass seat din ang mga ito at nagdala ng banner na: MARRY ME, KING HENRIK!

“Yow, Elhouette?” untag sa kaniya ni Zig.

“Ha?” Napatingin siya sa binata. Katabi nito ang kapatid nitong babae na spoiled na iniirapan siya lagi at nakasimangot na nakatingin sa kaniya.

“You ready for the game?”

Ngumisi siya. “Ako pa!” matalo o manalo, walang magbabago. Pero sana manalo ang team ni Zyd. Alam niyang ilang araw at gabi itong pagod sa sunod-sunod na laro. Alam niya kung gaano pinaghirapan ng team nito na makaabot sa finals kaya nagdasal siyang sana both na lang manalo. Masyadong mabait si Henrik kasi. Kaya, both na lang sana.

Nagsimula na ang game. Lahat naging tahimik at siya, halos tinawag niya na ang buong Santo sa sobrang kaba. Pero dahil labanan ng magagaling na team ito, wala ni isang nakaka-goal. Kulang na lang pumunta siya sa harapan para suriin ang laro.

“Pakshet!” hindi niya mapigilang sumigaw nang mag-swimming sa ice ang kaibigan ni Zyd na kilala niya sa pangalang Kodi. Nakilala niya ito, dahil sa number. “Bawiin mo, baby!” malakas na sigaw niya. Wala siyang pakialam kung napapa-lingon sa kaniya ang iba, ang importante makuha ni Zyd ang rubber puck na nasa kalaban team.

“Baby? Woah!” pang-aasar sa kaniya ni Zig.

Inismiran lang niya ang binata at hindi pinansin ito. Masyado siyang naka-focus sa laro. Halos umabot na ang isang oras pero wala pang naka-goal o naka-score. Laging naagaw at nahaharangan ng goal keeper ang puck.

“Zig is it possible for a two winner of Stanley Cup?” tanong niya sa binata habang ang mata, sa unahan nakatuon. Baka kasi pag nalingat siya, biglang nag-goal ang team ng asawa niya.

Natatawang napailing naman si Zig sa kaniyang tanong. “No.”

Napaismid siya. Tinaas na lang niya ang banner na dala at nag-cheer pa ng malakas. Pero nalaglag ang kaniyang panga nang mag-goal si Henrik mismo. Umugong ang masayang sigawan ng Jersey Devils.

“Oh yes! Marry me now, Henrik!” malanding sigaw ni Hera at Trixie sa unahan. Kahit malakas ang hiyawan ng paligid naririnig pa rin niya ang boses ni Hera at Trixie.

Napairap siya sa kalandian ng dalawa. Dati, idol na idol ng mga ‘to si Zyd pero ngayon... Kalandian talaga! Nagkukot ang kaniyang kalooban pero napangiti rin siya, not bad. Magagaling din naman talaga ang team ng lalaki kaya nga umabot ang team nito sa finals.

Time out.

0 - 1 ang score na nakalagay sa malaking screen. Pinagpawisan si Lianne kahit sobrang lamig ng malaking arena. Napatingin siya kay Zyd, medyo iritado ito. Hindi nga ito nakapag-shave at nakunan ng ⅓ ang kagwapuhan nito. Pero carry pa rin, ito pa rin ang nag-iisang gwapo sa mga mata niya.

Ngumiti siya ng sobrang tamis nung tumingin ito sa kaniyang gawi. “Baby!” malakas na sigaw niya nung tumayo siya. Maiinggit na ang mga inggitera, wala siyang paki.

Kumaway siya sa asawa at nag-sign language na kaya nito ang game. Saka siya nag-flying kiss na tulad ng napapanood niya sa pelikula at sa nababasang mga libro. Agad gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Zyd sa kaniyang ginawa at hindi niya inasahang sinalo nito ang flying kiss niya. Napahagikhik tuloy siya nang wala sa oras. Lalo na nung nag-sign language si Zyd pabalik ng big hug. Shutaaa! Kinilig siya, kinikilig siya! Namumulang umupo siya ulit at inipit ang mahabang buhok sa likod ng kaniyang teynga.

“Hmm... That confused me,” komento ni Zig sa kaniyang tabi.

Dahil kinikilig lang siya, ngumiti na lang siya ng matamis bilang sagot habang nakatingin pa rin kay Zyd. Nag-wave na ito ng bye sa kaniya at tinuro ang braso. Naintindihan niya ang ibig nitong sabihin, oras na raw pabalik sa game. Tumango siya at nag-thumbs up ng dalawang kamay sabay sign language ng I LOVE YOU.

Nagulat sila pareho sa kaniyang ginawa. Pakshet! Saka lang niya na-realize na iba pala ang kaniyang sinabi. Nagkulay suka siya at nag-init ang kaniyang mukha kahit alam niyang ‘di makikita ni Zyd ang kaniyang pamumula.

“I saw that.” tumatawang saad ng katabi niya ng si Zig. Kulang na lang, asarin siya.

Umilap naman ang kaniyang mata at hindi na pinansin ang sinabi nito. Ang importante, tapos na ang time out and nag-resume na ulit ang laro. Naging tuod tuloy siya sa kaniyang kinauupuan, nawala ang dating sigla niya. Iniisip niya kung paano sasagutin ang tanong sa kaniya ni Zyd. Bakit nga ba niya nasabi thru sign language na mahal niya ito? Ah, ewan. Basta kusa na lang ang kaniyang malanding kamay.

0 - 1 pa rin ang score at konting minuto na lang. Kinabahan siya sa kinauupuan. Bakit hindi man lang niya napansin na marami na pa lang ganap habang nag-iisip siya kamakailan lang? Dalawa sa team ni Zyd na magagaling, nagka-injury at pinapalitan. Mas lalong umugong ang bulungan na mananalo this year ang team ng Jersey Devils. Pakshet, hindi!

Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Panay sigaw at cheer na rin siya. Mama-ya niya na isipin ang kalandian ng kaniyang kamay kanina, ang mahalaga kailangan ni Zyd ng pampalakas ng loob.

Ang lakas ng sigaw niya sa sobrang tuwa nang mag-goal ang kaniyang baby Zyd. Kalahating tao sa arena, naghiyawan at nagsitayuan sabay labas ng flag ng Pittsburgh Penguin. Sa sobrang tuwa rin niya, muntik niya ng yakapin si Zig. Buti na lang naalala niyang hindi pala sila close.

Thank you, Lord! Ang bait mo talaga. Napahinga siya ng maluwang sa 1 - 1 score. May tatlong minuto na lang ang natira. Ang kaninang maingay at nagyakapan sa tuwa na mga nanonood, biglang nagsitahimik. Lahat nag-aabang, lahat nakatingin sa orasan.

Nagpunas siya ng pawis at napaayos ng upo. Hindi siya mapakali, parang ewan, parang natatae siya na ewan talaga! Sana naman hindi siya matae, nakakahiya kung mangyari ‘yon.

Pakshet! 2 minutes na lang. Bakit ang bilis masyado ng oras?! Hindi ba pwedeng dahan-dahan lang dahil nati-tense na siya at tuloy gusto niyang lumipat ng pwesto malapit sa glass para makita niya ang pinag-aagawan ng mga ito sa gitna ng rink.

Lord, sana team niya! Team ni baby ko, Lord. Maawa ka... Maawa ka talaga ng bonga!

Lihim siyang nanalangin at hindi mapakali, halos napuno na rin ng shots ang camera niya sa nakaka-tension game. Napapa-what the F na lang talaga siya everytime na haharang ang puck and pinapasa sa iba. Shutaness! Ayan na. Oh my, malapit na ang oras! Malapit na... Malapit na... Pumikit siya ng mata, ayaw niyang makita. Ayaw niyang makita talaga, kinakabahan siya. Alam niyang magaling si Zyd at nang team nito pero hindi rin basta-basta ang team Jersey Devils. Kaya nga they are called Devils kasi they played like a devil.

“Come on, open your eyes Elhouette.” natatawang saad ni Zig. Kampante lang ito at nakuha pa nitong uminom ng soda at ngumuya ng pagkain. Ang sama talaga ng hinayupak nito habang siya maiihi na matatae.

“Tumahimik ka d’yan, Zig! Kapag ako ‘di makapagtimpi, naku lang.”

“Here we go again, noodles and rice,” pabirong nag-ikot ito nang tingin at hindi na siya pinuna pa.

Nanatiling nakatuon ang kaniyang mata sa dalawang team na nag-aagawan. Pinapakita kung sino ba talaga ang mas magaling at mas pwedeng humawak sa Stanley Cup.

“Too bad. They’re fighting for her.”

Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Halatang hindi ito nag-enjoy, panay tingin lang ito sa orasang suot. “Her? Baliw ka ba, rubber puck ‘yan.”

Tumango lang ito. Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Bahala na nga ito sa buhay nito. Ang isipin niya, ang sobrang ingay na crowd. Tapos ang 1 isang minutong natira. Napatayo siya. Lihim siyang nagdasal. Hindi pwede matalo ang baby niya.

Naghiyawan lahat ng mga tao. 30 seconds na lang and 1 - 1 pa rin ang score. Mukhang malabo pero malakas dalangin niya na maganda siya at kailangan manalo ng team ni Zyd!

25 seconds... Hindi niya kaya. Bumalik siya ng upo.

24 seconds... Nagsihiyawan ng mas malakas at sinisigaw ng announcer ang pangalan ni Henrik.

20 seconds... Tinakpan niya ang dalawang mata. Aatakehin yata siya! Ganito pala feeling manood sa live game, nakakaba lalo na at sa VIP seat sila nakaupo. Shutaaa ‘yan! Ang mahal kaya ng kinauupuan niya ngayon, $10,000. Tapos matatalo lang ang baby niya? Aba’y, hindi tama iyon. Mali iyon. Hindi dapat gano’n.

10 seconds... Ayan na! Ayan na. Narinig niya ang malakas na tibok ng puso niya... Rinig na rinig niya! Nagmulat siya ng mata at napatingin sa jersey na nakasuot ng number 87.

“Congratulations Pittsburgh Penguin!” Out of sobrang kaba, napasigaw siya ng sobrang lakas.

Oopps! Na-excite lang siya. Hihi.

Isang malakas na hiyawan at sigawan sa loob ng arena nang pumasok sa goal ang puck na pinasa ni Kodi kay Zyd. Ang lalaki mismo ang naghatid at ginamitan ng technique, hindi naharangan ng goal keeper ng kabilang team.

“AND THE STANLEY CUP CHAMPION, PITTSBURGH PENGUIN!”

Oh my God! Para siyang tinamaan ng bomba sa narinig. Kulang na lang sampalin niyan ng dolyar ang kaniyang mukha sa narinig. Natuptop niya ang bibig at naiyak siya sa sobrang tuwa. Niyugyog pa niya si Zig sa isang tabi at kulang na sumigaw siya nang sumigaw hanggang sa mamatay siyang dilat ang mata.

Gustong gusto niyang tumakbo papuntang rink pero hindi niya ginawa, muntanga lang siyang umiiyak na tumatawa habang pinagmamasdan ang masayang pagyayakapan ng team. Buhat ng mga ito si Zyd habang bitbit ng asawa niya ang malaking Stanley Cup. Para itong mga bata na nanalo sa larong habul-habulan.

Nagsiyakapan naman ang mother in law niya at nang bruhitang anak nitong babae sa sobrang saya dahil nanalo ang team ni Zyd habang si Zig, kampanteng nakaupo pa rin at hindi man lang natuwa.

“Ah, so my brother win her,” kaswal na sabi ni Zig habang panay pa rin ito inom ng soda. Hindi ba ito nagkaka-urinary infection? “Not bad. She’s worth more than any Stanley’s Cup and gold. I’m so envious.”

Hindi na lang pinansin ni Lianne ang out of space nitong sinabi. Baka, sobra lang itong na-bored kaya kung anu-ano ang pinagsasabi. Later, she’ll congratulate Henrik as well. Alam niyang hindi biro rin makipag-agawan ng title pero wala eh, kailangan isa lang manalo. Yayakapin niya ang lalaki mamaya para naman gumaan ang pakiramdam nito.

Ang galing talaga ng asawa niya! Ang sarap takbuhin nito ng yakap at iyon nga ang kaniyang ginawa. Hindi naman siya mahihirapan gawin iyon dahil iba ang daanan ng naka-VIP. Perks of having a captain hubby. Nang makapasok siya sa loob ng rink, patakbong nagtungo siya sa kinaroroonan ni Zyd. Pero dahil tanga-tanga talaga siya minsan, naunang nag-swimming ang kaniyang nguso sa ice.

Hayop ka, Lianne!

Gusto niyang maiyak sa katangahan lalo na nung humarap sa kaniya ang ilan sa mga taong nando’n. Dali-dali siyang tumayo na parang walang nangyari pero naramdaman niyang may huminto sa harapan niya.

“Here.” May nag-alay ng kamay.

Nagtaas siya ng tingin para tingnan kung sino ang mabait na tumulong sa kaniya. Nagliwanag ang mata niya nang makitang si Henrik ito, at masuyong naka-tingin sa kaniya. Agad niyang tinanggap ang kamay nitong nakalahad at tinulungan siyang tumayo.

“You should extra care, Min Dam.”

Ngumiti lang siya at tumango. Masyado lang kasi siyang na-excite kaya hindi niya napigilan ang sarili na tumakbo. “Congratulations! You were pretty doing good earlier and win or lose, you and your team deserves recognition as well. Fighting!” Nag-taas siya ng kamay at ngumiti ng matamis.

Natawa ito ng bahagya sa kaniyang sinabi at napakamot ng noo. “Thank you.”

Bago pa humaba ang usapan nilang dalawa, nagpaalam na siya sa binata at mabilis na nagtungo sa deriksyon ni Zyd sa unahan kasama ang ka-team nito.

“Zyd!

Napatingin sa kaniya ang lalaki, agad nitong pinasa sa kasamahan nito ang Stanley Cup at mabilis siya nitong sinalubong ng yakap. Halos hindi siya makahinga sa ginawa nito pero keri pa rin dahil iyon naman talaga ang gusto niya.

“Baby we win! I told you we’re gonna win this game.” Hindi pa rin nawa-wala ang masayang ngiti nito na halos maglaho na yata ang mata nito.

“Oo nakita ko. Congratulations!” Bigla niya itong hinalikan sa lips. Nagulat pa ito nung una pero agad nitong timugon ang halik na kaniyang binigay. Kung hindi pa nagsiugungan ang buong paligid, hindi pa mahimasmasan si Lianne.

Niyakap siya ni Zyd ng mahigpit at iinaas siya nito sa ere. “Thank you, wife. Thank you so much!”

Kung umabot siguro ang kaniyang buhok sa Pinas, malamang nagunting na sa sobrang haba. Kilig na kilig siya to the highest, kulang na lang sumigaw siya ng ‘I love you too, letse ka!’ pero hindi niya na hinayaan maulit ang katangahang ginawa kanina.

Matagal silang nakalabas sa arena. Maraming nagpa-picture sa team ng Pittsburgh Penguin. Kabila’t kabila ang mga autographs at may last interview pa. Pero ang pinakada-best, nung nakalabas na sila, deritso buong team sa isang sikat na restaurant para mag-celebrate. Ramdam na ramdam niyang belong siya sa pamilyang Pittsburgh Penguin pwera sa mga plastik na mga asawa ng mga ‘to.

NAPANGITI si Lianne nang tingnan niya bawat isa ang mga pictures na nakuha niya during championship. Mas tumagal ang kaniyang mata sa masayang picture nila ni Zyd. Nakayakap ang isang kamay nito sa beywang niya, sa tabi nito ang Stanley Cup, at sa kabila siya. Pareho silang nakangiti at parang mag-asawang mahal na mahal ang isa’t isa.

“I wonder what’s that smile for.” Yumakap sa likuran niya ang asawa. Nasa balkonahe siya at nakaupo habang hawak ang mga developed picture.

Dalawang linggo na ang nakaraan at hindi pa rin siya makapaniwala. May plano ito na aalis sila papuntang Paris then deritso ng Pinas para bisitahin ang kaniyang pamilya. Ngayon pa lang, naghahanda na siya ng dadalhin niyang pasalubong. Nauna na nga actually ang pasalubong box niya. Naipadala niya na kahapon. Kasama sa mga pasalubong, ang mga kapitbhay nilang kahit tsismosa, mahal pa rin naman niya. Deserved ng mga ito ang tig-iisang perfume, imported na shampoo’t sabon at chocolate dahil maarte mga kapitbahay nila... Hindi tumatanggap ng mumurahin.

“Ang ganda ko talaga kahit saang banda.” natatawang saad niya at pinakita rito ang picture nilang dalawa.

Mabilis nitong kinuha sa kaniya iyon at napangiti. “Can I have this?”

“Naman!”

“Thanks, wife.” Hinalikan siya nito sa noo.

Nagkibit lang siya ng balikat. Magsasalita pa sana ulit siya nang may duma-ting at nag-deliver ng isang bouquet of tulips and chocolates. Agad nawala ang masaya nitong ngiti at napalitan ng seryuso nang kunin niya ang bouquet of flowers.

Before I met you,

I never knew what it was like

to look at someone

and smile for no reason.

- H. Gustavvson 🖤

Kinilig siya sa nabasa pero agad din nawala at napailing nung sumimangot si Zyd nang basahin niya ang note na nakalagay sa bulaklak.

“That Gustavvson likes you,” hindi iyon pagtatanong. Deritso lang itong nakatingin sa kaniya at nakahalukipkip ang kamay.

“Maybe,” nakuha niyang ngumiti. Wala naman siyang gusto kay Henrik, nagagwapuhan pero hindi ibig sabihin nagkakagusto siya. Kay Zyd lang siya sasakay, kakalampag at gigiling. “Pwedeng gusto niya akong maging friend, o kaya naman pwedeng—”

“Jowain.”

“Oo jowain— I mean hindi!”

Naglinya lang ang kilay nito at sumandal sa isang tabi. “He gave you all those flowers, right?”

Napakunot siya ng noo pero agad din napatango nang maintindihan niya ang sinabi nito. Magsisinungaling pa ba siya? Hindi, saka wala siyang tinatago. Tumango lang siya at ngumiti ng matamis. Baka sakaling madala ito sa kakyutan niya at pagpa-pout niya ng lips.

Tumalim lang ang mata nito at mabilis na inagaw sa kaniya ang bulaklak. “I’m allergic to this.” Turo nito sa isang tulips. “And this.” Pagtuturo nito sa lahat ng tulips. “The only thing who will appreciate these tulips... Trashbin.”

Bago pa niya napigilan si Zyd, nauna ng nag-dive sa malapitang trashbin ang kawawang tulips niya. Oh no! Tinakbo niya iyon sa labas ng bahay at dali-daling kinuha. Kabwesit talaga nitong si Zyd, eh. Si Henrik na nga lang nagbibigay sa kaniya ng bulaklak, tinapon pa. Okay sana kung bibigyan din siya nito, eh hindi naman.

Agad niyang inayos ang bulaklak at nagmartsang pumasok ulit ng bahay. Ilalagay niya lang sa flower vase. Sayang. Nakita pa niyang mas lalong umusok ang ilong nito pero hindi niya na pinansin. Magkaibigan lang sila ng lalaking ayaw na ayaw nito. Bahala ito kung ano ang iisipin.

“Elhouette!”

“Blah blah blah...” Napairap siya sa hangin at deri-deritsong naglakad habang mabilis na sumunod sa kaniya si Tacu, Lula at Muning paakyat sa kaniyang kwarto.

***

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.