Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 20

Nagpasya siyang dumeritso sa Coffee Shop nang araw na iyon pero naka-close pa. kaya nagpasya siyang dumalaw ulit sa paborito niyang spot; ang swing. Tahimik siyang napaupo ro’n at malayang pinagmasdan ang magandang halaman sa kalayuan. Parang kahapon lang masaya pa sila ni Zyd at isang iglap biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Mapait siyang napangiti, hindi niya napaghandaan iyon. Marahan siyang napabuntunghinga. Isang oras siyang nasa swing at hindi niya namalayang nakatulog siya habang nakasandal sa lubid.

Nagising lang siya nung may humaplos sa kaniyang pisngi, una niyang nabungaran ay si Henrik at masuyong nakangiti sa kaniya. “I’m sorry if I wake you up.”

Namula ang kaniyang magkabilang pisngi at umayos ng upo saka siya ngumiti ng matamis. “Hey!” nakuha niyang bumati rito.

Ngumiti lang ito at umupo sa kabilang swing. “How’s life? You seem sad? Something bothered you?”

Natawa siya sa daming tanong ni Henrik. Muhang may question and answer portion siya ngayon, ah. “I’m okay. What are you doing here?”

“Jogging?”

“Sa ganitong mainit na?”

“Um, what?”

Natawa siya. “Nothing,” mabilis siyang umiling. Halata naman, sa tuwing nagkikita sila ng binata nakasuot ito lagi ng jogging pants at bakat na bakat ang abs nito sa basang sando.

Sandali niyang nakalimutan ang pangit na nangyari kanina ngayon nandito na si Henrik. Para itong Mr. Sunny niya nung ready na siyang umulan.

Masaya silang nag-usap ni Henrik sa nangyaring bakasyon nito sa Africa. Tawa siya nang tawa sa kinwento nitong kalokohan sa lugar ng Cape Town, Africa. Nagkwento rin siya nangyaring sweet escapades nila ni Zyd sa Paris. Tawang-tawa ito sa kakulitan niya habang nagsasalita siya. Inaamin niya, gusto nga niya si Henrik pero hanggang kaibigan. More than friends? Hindi niya alam.

Nagyaya pa si Henrik na lumabas sila ngayong Sunday kung free siya. Kung saan napangiwi si Lianne, hindi pwede. Birthday niya ang araw na iyon. “I can’t. That’s my birthday...”

Nagulat naman ito sa narinig at napangiti ng maluwang. “Then I invite myself.” Humakhak ito. “We’re friends and I wanna see you blow the candle and make a wish.”

Siya naman ang humalakhak. Funny rin talaga ito minsan, eh. “Yeah, yeah! Whatever.” pabirong inirapan niya ito at tinawanan lang ni Henrik.

Nag-offer pa ito sa kaniya na ihatid siya sa next spot niya pero ‘di na siya nagpahatid. Nagpaalam din agad ito at nagpatuloy sa pag-jogging. Umabot din halos dalawang oras silang nag-usap na parang magkaibigan na matagal na ‘di nagkita. Hindi na lang nila pinansin ang ibang kumukuha ng pictures sa kanila. Wala naman silang ginagawang masama at wala siyang paki.

Dumeritso siya ng Coffee Shop at sumabay kina Hera at Trixie kumain ng lunch. Gabi na siya nung umuwi ng bahay dahil napataas ang pag-chikahan nilang tatlo dahil obvious naman walang customer. Nadatnan niya si Zyd sa sala at walang emosyong nakaupo sa sofa. Nakatingin ito sa kaniya.

Nagdadalawang isip siya kung babatiin ito, pero mas mabuting ‘wag na. Mainit pa ang ulo nito at ayaw niyang masigawan. Nagtuloy-tuloy lang siya sa hagdanan at wala siyang narinig kahit pangalan niya. Napakagat siya ng labi. Ito na ba ang simula? Ano ‘yon, trial lang ang pinaramdam at pinakita nito sa kaniya nung nasa Paris sila? Hindi siya naniniwala sa sinabi ni Kate, pero parang gusto niya ng maniwala ngayon.

Pagod na binagsak niya ang kaniyang katawan sa kama, matutulog na nga lang siya ng maaga pagkatapos niyang tawagan ang pamilya sa Pinas at mangumusta. Hindi na rin siya nagulat nung nag-send sa kaniya ng maraming messages si Sheena. Mga pictures nila ni Henrik na masayang nag-usap sa swing at puro bad comments ang binato sa kaniya ng mga netizen. Hindi niya na pinansin ang mga iyon, ‘di naman totoo lahat. Sa gabing ‘yon, napaginipan pa niya si Zyd na pumasok sa kaniyang kwarto at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Hinalikan siya sa noo at humingi ng sorry.

ANG BILIS lumipas ng mga araw. Halos wala na siyang nasilayang Zyd. Ang dating masayang bahay na kasama ang lalaki, parang biglang nagbago. Tanging kasama lang niya, si Muning at ang dalawang aso na nararamdaman yata ang kaniyang kalungkutan. Two days na lang at birthday niya na. Hindi siya nag-iisip ng magarbong handaan, at do’n siya sa bahay ng kaniyang aunte mag-celebrate. Ininvite na rin niya ang dalawang lukaret at si Henrik. Si Zyd na lang ang hindi.

“Zyd!” masayang bungad niya sa asawa nang dumating ito. Pansin niyang ‘di ito nag-aahit at magulo ang buhok lagi. Nakunan na naman ng wamport ang kagwapuhan nito but anyway, gwapo pa rin ang kaniyang asawa. “My birthday—”

“I’m tired, wife. Please, not now.”

“Pero kararating mo lang, ah. Tired agad? Saan? Sa`kin o sa`tin?” pabirong tanong niya. Ayaw niyang ipahalata rito na nasasaktan siya sa mga pag-iiwas na ginawa nito. Bwesit naman kasi ‘tong puso niya, eh.

“Look, Elhouette. I’m serious, I’m really tired.” Hindi na ito nag-abalang humarap sa kaniya, nagtungo lang ito sa hagdanan at deritso sa kwarto nito sa itaas.

“Malapit na ang birthday ko...” pabulong na lang niyang naisambit iyon habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Mapait siyang napangiti. Ang laki ng pinagbago nito. Marahan niyang kinalma ang sarili, kaya siya nasasaktan dahil sa pag-assume ng sobra.

Tinamad na nagtungo siya sa likuran ng bahay kung sa’n, ando’n ang magandang view ng lake. Dahil tamad si Muning, hindi ito sumunod. Si Tacu at Lula lang ang sumama sa kaniya, binabantayan siya habang nakaupo sa log bench. Hindi na siya nagulat nung may nagsalita sa kaniyang likuran, si Zig. Minsan, may pagka-mushroom din ito, eh. Saan-saan sumusulpot kaya ‘di na bago sa kaniya.

“What do you want for your birthday?”

Tinaasan niya ito ng kilay. Paano nito nalaman? “Stalker ka no?”

“Silly!” bahagya itong natawa pero biglang nagseryuso agad. “My brother Zyd need you emotionally and mentally, Elhouette. Please, don’t get tired of him.” Nasa kaniyang likuran lang ito nakatayo at iisang deriksyon lang sila nakatingin, sa lake.

Marami naman mga katangungan ang biglang naglaro sa isip niya. Why? Anong nangyari? Kahit naman gustuhin niya, si Zyd itong umiiwas at tinutulak siya. “What happened?”

Nagkibit lang ito ng balikat at bahagyang ngumiti. “You’re slowly falling for Zyd, Elhouette,” bumuntunghinga ito. “Whatever happen... Just... Stay.”

Napatango siya. Mananatili siya, pero pagkatapos ng contract nila ni Zyd, kailangan pa ba siyang manatili? “What if he’ll push me away?”

Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. “Then pull him closer.”

May punto ito. Saka niya naalala si Mrs. McCluskey. Huling bisita niya rito, ‘di siya pinapasok ng mga nurses sa room. Bawal daw ng bisita. “How’s your Mom? I hope she’s okay now.”

Natigilan naman ito at ngumiti sa kaniya. “My Mom like you a lot.”

Maliit na bagay! Alam niya ‘yon, ‘no. Tinawanan lang niya ang sinabi nito at ‘di nagsalita.

“I’m going. See you around, Elhouette. Before that, tell my brother Zyd, mother was looking for him. Bye!” Nagpaalam na ito sa kaniya.

Kumaway lang siya ng kamay rito at hinarap si Lula. “Bakit parang weird ng pakiramdam ko, Lula? Tingin mo?” hindi naman siya pinansin ng kaniyang mabait na aso, tiningnan lang siya nito at umiling-iling. Napabuntunghinga siya ng wala sa oras. Hindi rin siya naintindihan ni Lula.

Nagpasya siyang pumasok ulit sa loob ng kabahayan at nakita niya si Zyd na pababa sa hagdanan. Napasunod ang kaniyang tingin dito at napakunot ng noo. Saan ito pupunta? Kararating lang nito at ngayon, nagmamadaling tinungo nito ang pintuan.

“Zyd!” hindi niya mapigilan ang sariling tawagin ito pero wala siyang kasagutang nakuha sa lalaki. Nagtuloy-tuloy lang ‘to sa paghakbang. “Sa’n ka pupunta? ‘Di ka ba rito mag-lunch at sabayan ako?”

“I’m going.” Hindi man lamg siya nito nagawang lingunin. Deritso lang itong umalis at nasasaktan siya.

NATAWA siya ng mapakla nang tumuntong ang oras ng alas dose nang gabi. Walang Zyd na dumating, walang asawa niya ang bumati man lang sa kaniyang birthday. Nag-iwan siya ng note sa ref na birthday niya at sa bahay nila Sheena ang munting celebration pero wala, walang Zyd Caiden McCluskey. Masyado ba siyang umasa na darating ito?

Kanina pa nagpaalam si Henrik at umalis, mabuti pa ang binata. Kahit busy itong tao, may oras ito sa kaniya at nagdala pa ng regalo. Si Hera at Trixie, umalis na rin dahil maaga ang mga ‘to bukas sa Coffee Shop habang naunang nagpaalam si Sheena at nang kaniyang tiyahin at asawa nito matulog. Siya na lang ang mag-isang taong nakatayo sa balcony at matamang naghihintay na biglang susulpot ang lalaki.

Napabuntunghinga siya. It’s okay, birthday lang naman ito eh. Walang special kasi nga, birthday lang niya. Kaya nagpasya siyang umuwi sa bahay nila ni Zyd. Baka ando’n ang kaniyang asawa at may surprise rin sa kaniya. Who knows? Nagmadali siyang umuwi sakay ng taxi.

Eksaktong pagdating niya ng bahay, nagkakalat ang mga damit sa marmol na sahig. Bigla siyang kinabahan nung dinampot niya ang isang tela. Wait, sexy lace dress? Wala siyang ganitong dress at mas lalong ‘di siya nagsusuot ng ganito. Napasunod ang kaniyang tingin sa isang pares ng high heels na nagkalat sa kung saan at t-shirt ng kaniyang asawa at pantalon. Ang lakas ng tahip ng diddib niya sa nakita. Hindi kaya...?

Bago pa siya nakapag-isip ng maayos, mabilis siyang tumakbo sa itaas kung saan ang kwarto ni Zyd. Inisip niya na sana mali siya, na sana ‘di totoo ang kaniyang nakita. Awtomatikong natigilan siya nang marinig niya ang malakas na ungol ng isang babae nang nasa pintuan na siya banda. May siwang ang pintuan at hindi niya na kailangan tingnan pa sa loob kung ano ang nangyayari.

“Ah yes babe! Ahhh! Ummm... Shit! I miss you babe... Ahhhh shit! I miss fucking you this way.”

Kaya pala wala… Walang ingay siyang natawa ng mapakla. Nanlamig ang kaniyang katawan at namahid ang buong pagkatao niya. Malaya niyang nakita ang nakahubad na katawan ng babaeng kilala niya, si Kate. Nasa ibabaw ito ni Zyd habang umiindayog ang katawan nito at umuungol ng malakas. Para itong porn star sa mga porn site tingnan.

Surprise nga. Ito pala ‘yong surprise, na sinasabi ng kaniyang isipan. Sobrang surprised ang kaniyang naramdaman— no, sobrang katrayduran ang kaniyang naramdaman! ‘Di niya namalayang bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata. Basta lang siyang nakatingin sa mga ito na sarap na sarap sa ginagawa. Napakagat siya ng labi. Gustong gusto niyang umalis sa kinatatayuan pero ‘di niya magawa, para siyang naging tuod.

“Ahhhh babeee! Fill me more... Shit! I love you... Ohhhh! That’s it, give me all of you. I told you fucking divorce your useless wife. You see, I’m way better good in bed... Shit shit! Ahhh babeee...”

Napasandal na lang siya sa dingding at nagtakip ng bibig habang kumukuha ng lakas. Sari-saring emosyon ang kaniyang naramdaman at hindi niya alam paano kontrolin iyon. Panay bagsak lang ang mga luha sa mga mata niya habang dinig na dinig niya ang bawat ungol ni Kate habang sinasambit ang pangalan ng lalaking... Mahal niya.

God! Napaimpit siya sa sobrang sakit na naramdaman. Akala ba niya ‘di masakit? Akala niya, ‘di siya maapektuhan ng ganito pero bakit sobrang sakit? Bakit, pinapatay ang kaniyang puso sa nakita? Bwesit! Gusto niyang sugurin ang mga ‘to pero walang lakas ang kaniyang tuhod na gawin iyon. Kapag ginawa niya ‘yon, baka ipamukha lang sa kaniya ni Zyd na contract wife lang siya at may rules silang pinermahan dalawa. Na temporary wife lang siya at ‘di naman talaga siya kailangan nito. No, mali. Kailangan siya nito when it comes to sex. Iyon ba ang papel niya? Kung sabagay, iyon naman talaga ang pinasok niya sa una’t sapol pa lang.

“I’m cumming! Ahhh shit, don’t stop. Ahhh... Ummm... Babe! Divorce that bitch and I’m yours completely. Ahhh shit! I love you so much!”

Tinakbo ni Lianne ang hagdanan pababa papunta sa kaniyang kwarto. Hindi niya kayang pakinggan, pakiramdam niya mamatay yata siya sa sakit. Mamatay siya sa sariling expectations. Tama nga ang laging sinasabi ng kaniyang Tiyahin, ‘Cut your expectations short, lest you wallow in disappointments.’

Masyado siyang nag-assume, iyon ang totoo. Unang-una pa lang, alam niyang naggagamitan lang sila ni Zyd pero hayop! Nahulog siya kahit alam niyang imposibleng saluin siya ng lalaki. Nahulog siya sa sariling karupokan at kalandian niya. Para siyang batang inagawan ng paboritong stuff toys, masakit!

Nagtalukbong siya ng kumot sa ibabaw ng kama at do’n niya binuhos lahat ng sakit. Nanliit siya sa sarili, all awhile kaya pala biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya dahil sa ex nito? Kaya ayaw siya nitong kausapin ng matino dahil kay Kate. Kaya mainit ang ulo sa kaniya dahil nagbalikan na ang dalawa. Eh, siya? Paano siya? Saan siya pwede? Saan siya lulugar? Saan ba? Saan ba talaga pwede ang tulad niya?! Saan ba kasi pwede?

“Ang tanga-tanga mo, Lianne! Ang tanga mo pakshet kang babae ka.” Gusto niyang sabunutan ang sarili sa sariling katangahan. Sampal sa kaniya ang nakita at narinig. Totoo nga pala talaga ang sinabi ni Kate. At siya? Parang tanga habang si Zyd at Kate ay nagpapasaya.

Tangina! Pwede naman siyang I-approach ni Zyd, eh. Pwede siyang sabihan na, ‘Hoy tanga, wala ng tayo kaya ayaw ko na sa`yo.’ O kaya naman, ‘Umalis ka na sa pamamahay ko, si Kate talaga ang mahal ko. Temporary ka lang, ‘di pang permanent.’ Gano’n dapat!

Hindi siya mahirap kausap! Hindi naman siya maghahabol, iyon ang totoo. Ang kinakainis lang niya, kung bakit siya nasasaktan ngayon tangina. Pinipilit niyang pigilan ang luha pero the more na ginagawa niya ‘yon, mas lalong nagwawala ang mga luha niya.

Kaya pala wala ito sa birthday niya at naki-celebrate, dahil ibang celebration ang pinuntahan nito. Ibang celebration ang gusto! Hayop. Sa mismong birthday niya pa talaga? As in? Grabe naman, kahit konting consideration man lang para sa kaniya, wala talaga? Saan na ‘yong, baby at wife na laging sinasambit nito? ‘Yong malambing at sweet na Zyd sa Paris? ‘Yong isang taon na contract nila na bawal ma-fall sa iba? Ah yes, siya lang pala iyong bawal ma-fall sa iba o kay Zyd. Para sa kaniya lang pala iyon. Alam naman niyang wala siyang kahit konting karapatan na masaktan, una-una pa lang, sinabi na ni Zyd na malabo na mahalin siya nito pero bakit siya umasa sa huli?

Naramdaman niyang tinabihan siya ni Muning. Mas lalo siyang napaiyak. Buti pa ‘tong pusa niya, naiintindihan siya. Mabilis niyang niyakap ito at kagat ang labing tiningnan si Muning sa mata.

“Baby... Pa’no ba ‘yan, hindi na ako kailangan ng Dada mo. Unfair sa side ko kung mag-stay pa ako ‘di ba? Hindi niya rin ako mahal. Si Kate naman talaga ang mahal niya in the first place, eh. Scotch tape lang ako Muning. Alam mo ‘yon? Temporary pandikit? Ako iyon. Ang tanga ko ‘di ba? Shutaaa ang tanga ko.”

Hindi niya na hihintayin si Zyd na magsalita laban sa relasyon nito kay Kate ngayon. Kaya niyang tumayo sa sariling paa. Hindi na rin kailangan na tanungin ang lalaki, mas mabuting ganito. Mas okay rin na nalaman niya ng maaga. Pinapangako niyang ngayon lang siya iiyak, pagkatapos nito, who you ito sa kaniya. Masasaktan pero hindi na iiyak ulit.

Masakit ang kaniyang ulo nang magising siya kinabukasan. Namumugto rin ang kaniyang mata at gusot na gusot ang buhok niya. 6 A.M na rin siya nakatulog kaya hapon nang magising siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom. Kamanhiran, oo.

Nagulat siya nang makita si Zyd sa kusina at nagluluto. Agad siyang nag-iwas ng tingin at deritsong tinungo ang ref. Kumuha siya ng malamig na malamig na tubig para tuluyang magising na hindi siya mahal ni Zyd. Na isa lang siyang parausan sa kama. Na hinding-hindi siya nito mamahalin.

“Goodmorning wife!” masiglang bati nito sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Akala nito, ‘di niya siguro alam. Gusto niyang matawa sa pinapakita nito pero nanatili siyang kalmado. Kunwari, wala siyang alam

Nakakapanibago rin, dati wala ito lagi eh. Ngayon, nandito na? Ah, dahil may ginawang milagro sa kama kagabi kasama ang babaeng mahal na mahal nito. Pero nasa’n na ang magaling nitong ex? Umuwi na? How sad naman. Agad umasim ang kaniyang hitsura nang maalala ang nangyaring tagpo kagabi. Agad siyang humakbang palabas ng kusina at bumalik sa kaniyang kwarto. Nakakawalang gana ang presinsya ni Zyd.

“I’m going to visit Mom. Wanna come with me?” tanong nito. Nakasunod pala ito sa kaniya ngayon at nasa kaniyang likuran.

“No,” kiming sagot niya at nagsimulang humakbang sa hagdanan.

“I’m sorry, I forgot that yesterday was your birthday. I’m really sorry... Can we—”

“No worries.” Nagpatuloy siya. Hindi naman masyadong masakit, eh.

“Elhouette...”

“I had so much fun with Henrik yesterday. So yeah, no worries.”

“He’s with you?”

Natawa siya ng mapakla sa tanong nito. Masyado bang nakakagulat ang kaniyang sinabi? Well, at least nagpakatotoo siya. Wala siyang tinago, or kung me-ron man, ‘yong deputang feelings niya.

“Why? Bawal ba?” Tumigil siya sandali at tumingin dito. Nasa ikasampong baitang siya ng hagdanan kaya nakatingala ito sa kaniya ngayon.

“Why him?”

“I like him.” Taas noong tinalikuran niya ito at nagmartsang nagtungo sa kaniyang kwarto. Hindi niya masusunod ang pakiusap ni Zig, malabo ang sinabi nito. Stay? Para sa mga taong pinahalagahan lang iyon. Tanga nga siya, pero hindi siya martyr.

Nagpasya siyang sa bahay ng kaniyang aunte muna siya titira nang ilang araw. Nag-iisip siya kung sino ang pwedeng lapitan niya para sa divorce papers. Hindi rin niya pwedeng sabihin sa kaniyang pinsan, lalo na sa kaniyang tiyahin. Kung si Kodi, baka pagtawanan lang siya nito. Kung si Henrik, baka mamis-interpret nito ang divorce na kaniyang gagawin. Kung si Zig, pwede pa siguro. Matino naman ito kausap minsan.

Naging malungkot ang mga araw niya sa poder ng kaniyang tiyahin pero pinipilit niyang maging masaya. Nung ‘di siya nakapagtiis, bumalik siya sa bahay nila ni Zyd para kunin si Muning. Eksaktong pagkababa niya sa taxi, may huminto na itim na kotse.

Awtomatikong napakunot ang kaniyang noo nang makitang bumaba si Kate sa passenger seat. Hindi na sana niya papansinin ito nang marinig niya ang boses ni Zyd. Mabilis siyang napalingon. Kitang-kita niyang tinulungan ito ni Kate na bumaba mula sa back seat at hirap na hirap itong itayo ng babae dahil sa tangkad ni Zyd. Parang kinurot ang kaniyang puso sa nasaksihan pero pinilit niyang kumalma. Tinatatak niya sa isip na wala siyang karapatan.

“Hey! Why won’t you help me? You see, my babe is fucking drunk. I can’t carry him alone.”

Kahit ayaw na ayaw niya, napilitan siyang tulungan ang babae na dalhin sa loob si Zyd. Sa sobrang kalasingan nito, hindi ito makahakbang ng maayos hanggang sa pinahiga nila ito sa sofa.

“Get me a towel and a water!” utos ni Kate sa kaniya pero tinaasan lang niya ito ng kilay.

Water pala ha? Nakangising humakbang siya papuntang kusina, kumuha ng towel at plangganitang may laman tubig na galing pa sa ref. Dapat malamig para mas maganda. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ni Kate, walang sabing sinaboy niya lahat ng laman sa mukha nitong napakalandi. Napangiti siya nang basang-basa ito at hindi makahuma sa kaniyang ginawa. Mabilis niyang binato sa mukha rito ang tuwalya. Nangatal ito sa sobrang lamig.

“You bitc—”

“I am. What’s new?” Walang sabing tinalikuran niya ito at tinawag si Muning.

Mabilis na lumapit sa kaniya ang kaniyang pusa at agad niya itong kinarga pero nahila ni Kate ang kaniyang buhok at sinabunutan siya. Galit na hinarap niya rito ito at sinabunutan nung bitawan niya ang kaniyang pusa. Petite na kung petite pero ‘di basta nagpapatalo ang mga Pinay!

Nilamukos niya ang mukha nito at dahil mahahaba ang kuku ng pesteng babaeng nasa harapan niya, nasugatan ang kaniyang mukha. Nagpambuno silang dalawa sa sahig at sinakyan niya ito. Sa sobrang inis at gigil niya, inuntog niya ang ulo nito. Napapikit naman ito sa kaniyang ginawa at hinila ulit ang kaniyang buhok. Hayop! Bakit ba ang haba ng buhok niya? Kinaumbabawan siya nito at pinag-sasampal siya pero hindi siya nagpaapi, sinampal niya rin ang babae at sinuntok ang sikmura nito.

Napaigik ito sa sobrang sakit. Natumba ito sa kaniyang tabi at nasapo ang sikmura. Natatawang bumangon siya at inayos ang nagusot na damit at buhok. Nalasahan niya ang dugo sa kaniyang labi pero hinayaan lang niya iyon at nakangising tiningnan si Kate.

“Don’t mess with me, Kate. I can break your bones in a seconds.” Mataas ang noong tinalikuran niya ito. Pero bago iyon, bumalik siya sa babae at tinapon sa mukha ang wedding ring na suot niya rito. Para naman talaga kay Kate iyon in the first place, eh. Hindi siya ang totoong may-ari. Binabalik niya na!

Agad siyang pumanhik sa hagdanan at kinuha ang dalawang maleta. Aalis na siya sa bahay na ito ngayon din mismo! Dadalhin niya si Muning pero maiiwan si Tacu at Lula kahit gustong gusto niyang isama ang dalawang aso. Anong akala ni Zyd, ‘di siya mabubuhay ng wala ito? Nakakatawa. Hindi siya gano’n.

***

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.