FIERY NIGHTS (EROTIC COMPILATION) Chapter 15

“DAMN it, Breonna!” gigil na sambit ni Axyl sa sarili nang makitang isinuksok na ng babae ang cellphone sa bag at wala siyang na-receive na reply. Sa tamad niyang magbutingting, hindi niya hilig ang magtext. Kaya dapat matuwa itong nag-effort pa siyang mag-type ng message para dito. Tapos dineadma lang nito? Huh!

May palagay siya na hindi na naman maghahapunan ang babae kaya initext niya ito. Hindi din ito nag-lunch kanina at alam niyang inaabangan siya. Bakit ba parang atat na atat itong ikwento sa kanya ang past relationship nito? Masyado naman itong excited na saktan ang damdamin niya. Naku. Isinusumpa niya. Kapag nakaharap niya ang ex nito na iniiyakan nito, babasagin niya talaga ang bungo ng kung sinumang talipandas na iyon.

Nagmadali si Axyl sa pakikipagsiksikan sa mga taong papasakay na ng train nang may tumigil na. Sobrang daming tao pero dapat na bunuin na niya ang lahat ng iyon. Baka maiwan siya, hindi na niya masusundan si Breonna. Gusto niyang mayamot sa sarili. Ano bang ginagawa niya? Pagkaalis na pagkaalis ni Breonna, iniwan na din niya ang mga nilalamay na mga papeles at sinundan ang dalaga. Ng palihim. Katulad kahapon ay iniwan nalang din niya ang sasakyan sa isang parking area at sinundan si Breonna papasok ng train station. Tutubusin nalang niya ulit ang sasakyan kapag ini-tow iyon.

Nakahinga ng maluwag si Axyl nang makasampa na sa bagon. Dumeretso siya sa pinakadulo ng bagon kung saan malaya niyang makikita ang dalaga. Pero halos natatakpan ito ng iba pang mga tao. Halos mangudngod ito sa nasa unahan nito dahil sa siksikan. Gusto niyang maawa kay Breonna. At sapakin naman ang mga taong nasa paligid nito.

Ahhh. Nakalimutan na niya ang tungkol sa sasakyan. Bukas nga, ipapa-process na niya ang patungko doon. Hindi na pwedeng palaging ganito na nagco-commute ito. Pagod na nga sa trabaho, pagod pa sa biyahe.

Isang mahabang biyahe ang binuno nila. Nakatutok langa ng mga mata niya sa dalaga habang ito, parang walang pakialam sa paligid. Parang nanlalambot pa at hindi maayos nag pagkakahawak sa pole. Gusto niya tuloy itong sigawan na umayos. Paano kung makabitaw ito sa paghinto ng tren?

Nang masilip niya si Breonna sa kabila na bababa na sa station na hinintuan ng tren ay bumaba na din siya. Sinusundan-sundan pa din niya si Breonna. Kahit habang naglalakad na ito papunta sa building kung saan ito nakatira, nandoon pa din siya at sinusundan itong maglakad. Malayo nga lang ang distansya para hindi nito mamalayan. Wala, he was just securing she will come home safe. Ano bang malay niya kung may tarantado sa dadaanan nito at mabastos pa. Ang igsi pa naman ng suot nito at revealing.

Not that he didn’t like it. He do. Kaya lang, ang maganda at kaakit-akit na view na iyon ay dapat na sa kanyang mga mata lang nakahain. Hindi na kailangan pang makita iyon ng iba.

Matapos masigurong nakapasok na ng maayos si Breonna sa loob ng building, hindi na siya sumunod pa. Tama na muna siguro ang ganito, ngayong araw. Ang mahalaga ay naihatid niya ito ng maayos. Tiningala ni Axyl ang condo building. Eksaktong nabuhay ang ilaw sa tapat ng floor na tinutuluyan ni Breonna. Nasa itaas na ito. Hindi niya alam kung ngingiti o mabubwisit sa sarili. Sinundan na din lang niya ito, bakit hindi pa siya umakyat sa itaas? Pagkatapos ay sabay na naman silang magtatampisaw sa ligaya.

Nah! Hindi. Baka hindi ganoon ang mangyari. Mas mabuting hindi na nga muna sila magkaharap ng maayos ni Breonna. Hindi siya handa sa kung ano ang maririnig mula rito. Paano kung ipilit nito na makapag-open up sa past relationship nito? Hindi ba at atat na atat na nga itong magkwento?

Huh! Nakakabwisit eh. Lakas ding mambwisit ni Breonna.

Tumalikod na siya at bumalik sa pinanggalingan. Pero bago iyon ay nagtext ulit siya kay Breonna.

Kumain ka muna bago magpahinga.

Mahaba na ang nalalakad niya, wala pa ding reply. Gusto niyang ibato ang cellphone sa labis na pagkayamot.

“Bwisit ah! Kung ayaw mo, edi ‘wag!” Gigil na singhal ni Axyl sa sariling cellphone.

Kukuha na sana siya ng taxi na maghahatid sa kanya pauwi, nang mahagip ng mga paningin ang isang restaurant. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. At nagsimulang maglakad papunta doon. Lintik! Bakit ba hindi niya matiis si Breonna? She was just like those women who come and go in his life. Yes, she was just like that. Paulit-ulit niyang isinisiksik iyon sa isip pero bakit parang iba ang isinisigaw ng dibdib niya? At ng katawan niya. He couldn’t stop himself from worrying about her. He couldn’t stop himself from thinking of her. From protecting her. From caring for her. And Shit! He couldn’t get enough of her, goddamnit!

“GO HOME now and pack your things.”

Napatanga si Breonna sa boss. Katatapos lang ng meeting nito. Medyo malumbay pa din ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung paano pa din bubwelo dahil distant pa din ang boss. Katulad kahapon, kinakausap lang siya kapag may kailangan. Pero kanina, medyo gusto niyang malito. Matapos niya kasing mai-inform dito na nakahanda na ang conference room at ito nalang ang kulang para sa meeting, casual lang itong naglakad palapit sa kanya, at nang nasa tapat na niya, bigla itong tumigil at bumulong.

“Nag-breakfast ka ba?”

Mabilis siyang tumango sa pag-aalalang masabihan na naman na lalamya-lamya. Pinagilas niya din ang sarili. Ayaw na niyang mapintasan na naman ang energy niya sa trabaho. Pagkatapos bigkasin ang “Good.” At matapos tumango-tango ay lumagpas na ito sa kanya. Dumeretso ng conference room at nagsimula ang meeting. Buong duration ng meeting, gusto niyang mailang dahil palaging nasa kanya ang mga maiinit na mga mata nito. Hindi niya nga sigurado kung nakikinig pa ito sa meeting. Ang hindi niya lang maintindihan, nakikita niya sa mga mata nito na gusto siyang lapitan. Pero bakit kapag may pagkakataon na, para bang ito pa ang nagtataboy sa kanya, palayo. Naalala niya pa kagabi. Katatapos niya lang mag-freshen up nang may dumating na food delivery mula sa restaurant na malapit lang sa condo building na tintuluyan niya. Nang tanggihan niya iyon at sabihing wala naman siyang order, napag-alaman niyang si Axyl ang nagpa-deliver para sa kanya. Kung minsan ay hindi na niya ito maintindihan. Nararamdaman niya ang concern nito, pero umiiwas naman itong may mapag-usapan sila. Ano ba talaga sila? Ano na ba talaga sila?

“S-Sir?” Pagco-confirm niya sa utos nito. Baka kasi mali ang narinig niya. Bakit naman siya nito papauwiin? Magta-tanghali palang.

Papasok na ito sa opisina nito nang pumihit paharap sa kanya. Kumunot pa ang noo.

“You heard me. Sabi ko, umuwi ka na at mag-impake.” Pumitik ito sa hangin nang biglang may maalala. May dinukot sa bulsa saka inilabas ang susi ng… sasakyan? Iniabot nito iyon sa kanya. “Marunong kang mag-drive, ‘di ba?”

Napatango siya nang wala sa loob. Tinanggap din niya ang susi. Mukhang pinagmamadali siya nito at ipapagamit pa ang sarili nitong kotse.

“Sir, bakit kailangan kong mag-impake?”

“Dahil aalis tayo. Pupunta tayo ng Bachelor Hub.”

Magkasunod na nag-igkasan ang mga kilay niya. Confused siya. Bakit sila pupunta sa kung saan mang lupalop ng daigdig ang Bachelor Hub na iyon. Mukhang nabasa ni Axyl ang iniisip niya kaya agad na dinugtungan ang sinasabi.

“It’s a business meeting with my siblings and cousin. At dahil assistant kita, ‘di ba dapat na kasama kita?”

Napatango si Breonna. Walang nagawa kundi tumango nalang. “Hanggang kailan po tayo do’n, Sir?”

“Depends on my mood. Magdala ka na ng madaming gamit. Ah, kahit hindi na pala. I prefer you naked.”

Agad na namilog ang mga mata ni Breonna sa tahasang salita ng boss. Cool na cool lang ito at ni hindi nag-aalala kung may ibang makarinig. Pilyong ngumiti pa ito sa kanya at kumindat. Agad din ang pagpitik ng kanyang puso. Hindi niya ito maintindihan kung minsan. Ang bilis-bilis nitong mag-mood swings. Kanina, para siyang hangin na dinadaan-daanan nito. Tapos ngayon, bigla siyang hihiritan ng ganoon?

Tumalikod nalang siya at nagtangka nang pumunta sa elevator. Nang marinig itong nagsalita ulit.

“The black one beside mine.” Lumingon siya rito, with confused face.

“‘Yong Benz na black na katabi ng Porsche ko. That’s yours. Tsk. Basta ka na aalis, ‘di mo man lang tinanong kung alin ang ida-drive mo.”

Tumalikod na ito at binuksan ang pinto ng opisina. Sandali lang siyang napatunganga at nang makabawi sa pagkabigla ay agad na tinakbo niya ang pinto bago pa iyon nagsara.

“What do you mean, it’s mine?” Gusto niyang ibalik dito ang susi. Bakit siya nito binibigyan ng sasakyan? Baka pagtsismisan pa siya ng mga kaopisina! “I can’t take the car.” Hinila niya ang isang kamay nito at ibinalik ang susi. Pero ibinalik lang din nito sa palad niya at iniikom ang kamay niya.

“Take it. Mas madali ang may sariling sasakyan kaysa magcommute.”

“Ax… Sir…”

“What?” Parang nainis nang sambit nito. “That’s a company car.”

“Pero mga executives at mga executive assistant lang ang binibigyan ng company car.”

“And you’re one of them, aren’t you? Assistant kita at ako ang boss, remember?”

“Temporary lang naman akong—”

“Either you’re temporary or not, you’re still my assistant. So, used the car. Go to your home. And pack your things… I’ll expect you here before 3pm, okay?”

“Pero—”

At isinarado na nito ang pintuan. Napahilamos siya sa sariling mukha. Company car, pero isang Mercedes Benz? Hindi dapat na ganoong luxury car ang ipagamit nito bilang company car. ‘Yong iba ngang executives, mga Vios lang ang ginagamit. Ano nalang sasabihin at iisipin ng mga kaopisina? Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ‘yong mapapansin at mapapag-usapan. Nag-iingat na nga siya sa mga mata ng nasa paligid, pagkatapos ay ganito?

UMIGKAS ang kilay ni Axyl nang makita ang isang maliit na itim na kahon na may pulang ribbon. Inabot niya iyon at binuksan. Napaungol siya sa sarili. Oo nga pala, nagpabili pa siya ng magandang kahon dahil gusto niyang magandang-maganda ang pagpiprisinta ng susi kay Breonna. Kaya lang ay hindi nga niya alam kung paano iyon ibibigay kay Breonna na hindi nito matatanggihan. Kaya kaninang lumabas sila ng conference room, bigla nalang niyang naisipang pa-cool na iabot ang susi ng sasakyang gustong ibigay sa dalaga. For her convenience. Muntik pang mapabalik sa kanya dahil tigas iyon sa pagtanggi.

Kaya lang ay palpak pa din pala siya. Sa kagustuhang maiabot na kay Breonna ang susi ng sasakyan, nakalimutan niyang inilagay niya iyon sa magandang kahon. Ang susi ng Porsche niya tuloy ang naiabot rito.

Damn!

Dali-daling bumaba si Axyl at dumeretso sa parking area. Para lang magulat at magtaka sa makikita. May lalaking pilit humihila kay Breonna papunta sa kung saan. Nagpumiglas si Breonna at nang magtangkang sumigaw ay tinakpan ng gunggong ang bibig nito ng isang kamay. Nag-init ang ulo ni Axyl at sumugod sa lalaki. Sira-ulo ang isang ito ah? Walang kahit na sinong lalaki ang pwedeng humawak kay Breonna. Lalo na ang manakit.

“Fuck! Bitiwan mo siya!” galit na singhal niya sa lalaki. Bigla ang lipad ng tingin nito sa kanya.

May mga nagsisulputan pang dalawang lalaki na siyang sumugod sa kanya.

What the heck? Sino ang mga ito? Pero wala nang panahon para isipin pa iyon? Hindi pwedeng mabitbit ng kung sino si Breonna. Huh! Akala ba ng mga ito ay hahayaan niyang mangyari iyon? Si Breonna ay kanya lang. All his.

Inundayan ng suntok ni Axyl ang isang papalapit habang ang isa naman ay binigyan ng high-kick. Parehong tumilapon ang dalawa pero mabilis na nakasugod ulit. Panay ang ilag niya sa mga atake ng dalawa. Sumampa pa siya sa ibabaw ng back compartment ng isang sasakyan sa kakailag sa mga ito. Nahagip ng isa ang pisngi niya. Bahagya siyang napaurong pero hindi naman natumba. Napangisi lang si Axyl.

Ang hina naman ng isang ito.

Bihasa siya sa mga martial arts at sa dami na ng gulong pinasok niya, sisiw nalang sa kanya ang pakikipagsuntukan. Muli din niyang binigyan ng suntok at uppercut ang dalawa nang muling sumugod. Subsob sa sahig ang isa habang ang isa pa ay dumeretso sa isang sasakyan na biglang nag-alarm. Nakita niya si Breonna na nakikipagpambuno na din sa lalaking kanina ay may hawak rito. Mabilis na nilapitan niya ang mga iyon at binigyan ng uppercut ang lalaking papasugod na naman sa dalaga. Hindi niya hinayaang makabawi ang lalaki at pinagsusuntok sa mukha. Duguan na ang labi nito at nagpipilit makalaban pero hindi niya ito hinayaan.

Nang makarinig siya ng malakas na tili kasabay ng isa ring malakas na putok ng baril. Galing iyon sa puting van na nakaharang sa drive way. Bukas ang pinto sa gitna ng sasakyan habang nakadungaw ang isang lalaki sa driver sit at may hawak na baril.

“Fuck! So fucking fuck!” gigil na mura niya. Nakaumang ang baril sa tapat niya at alam niyang in a second time at magpapaputok iyon.

“Axyl!!!”

Breonna’s voice was muffled as if someone covered her mouth. Napalingon siya sa gawi ni Breonna. Nagwawala na ito.

Damn this assholes! Bakit ang dami ng mga ito? Ano ang kailangan ng mga ito kay Breonna? At may mga baril. Kung alam niyang may ganitong sitwasyon, sana ay hindi niya inalis sa katawan ang licenced 24caliber pistol niya. Pero hindi niya nga kasi inaasahan ito. At bakit ganito? May pakiramdam siya na para bang pinagplanuhan ang pagsugod at tangkang pagdukot kay Breonna?

Nanlalaki ang mga mata ni Breonna at parang noon lang ulit niya nahila ang sarili. Umalis siya sa tabi ng lalaking binubugbog at saka tumalon papunta sa gilid ng isang kotse. Eksaktong putok ng baril ay siyang paglusot niya sa gilid ng sasakyan. Bumagsak ang isa pang lalaki na kasamahan ng mga ito. Iyon ang tinamaan ng bala na dapat ay para sa kanya.

“Putang ina!” narinig niyang mura ng isang lalaki na hawak ng nagwawalang si Breonna.

“Hoy!” Narinig niya kasabay ng pagpito ng kung sino. Sunod-sunod na putukan na naman ang naririnig niya.

Mukhang may dumating nang security. Mga letse at babagal-bagal na security. Sinugod niya ang lalaking may hawak kay Breonna na nagtatangka na itong kaladkadin. Babangon pa sana ang isa pa na huling inupakan niya kaya nang madaanan ay tinadyakan niya ulit. Gumulong iyon palayo sa kanya at tumayo saka nagtatakbo papunta sa van. Mukhang naalerto ang lalaking may hawak kay Breonna. Nag-iisip na ito malamang kung paano mahihila ang dalaga, nang umigkas ang paa ni Breonna at tinadyakan patalikod ang binti. Napaigik ang lalaki at nabitawan si Breonna. Sinamantala iyon ng huli at tumakbo papunta sa kanya. Tumakbo na din ang lalaki palayo sa kanila.

Payakap na hinila naman niya si Breonna patago sa mga sasakyan. Ay hawak na baril ang driver ng van kaya delikado pa din sila maski nandoon na ang mga security at nakikipagsagutan ng putukan.

“Gunggong ka, bilisan mo! Dumadami ang kalaban.” Narinig niyang angil ng isa.

Malakas na pagharurot ng sasakyan at ang putukan ng baril ang sumunod nilang narinig. Ramdam niya ang panginginig sa takot ni Breonna habang yakap ito ng mahigpit, pero wala maski isang luha na lumalabas sa mga mata nito. Putlang-putla ang mukha ng dalaga na parang anumang oras ay hihimatayin na ito sa tindi ng takot. Muli niya itong hinapit sa baywang at itinayo. Ramdam pa din niya ang panginginig nito kaya mas hinigpitan niya ang pagyakap dito.

“It’s okay, you’re safe.” He assured her.

Saka ito hinalikan ng madiin sa mga labi. Ni hindi ito tumugon, siguro ay dahil sa pagkagulantang. Eksaktong pinakawalan niya ang mga labi nito nang lumapit sa kanila ang mga security.

“Okay lang ba kayo, Sir? Walang nasaktan sa inyo?” tanong ng isa.

“Yes.” Tiningnan niya ang nakabulagtang lalaki. “Sinalo ng kasamahan nila ang bala. Sige na, ireport niyo sa mga pulis ang nangyari.”

“No!”

Pabigla siyang napabaling sa tumutol na dalaga. Napakunot-noo pa. Parang nag-isip naman ito ng sasabihin.

“I mean, hindi ko sila kilala. Anong sasabihin ko sa mga pulis kapag ako ang binomba nila ng tanong?”

Lalong lumalim ang kunot-noo niya. “Just tell them the truth.” Aniya.

Biglang lumikot ang mga mata ng dalaga. May gustong pagtakpan si Breonna. Alam niya. At malamang na may idea ito kung sino ang mga nagtangkang dumukot rito. Pero hindi muna niya ito tatanungin. Alam niyang nasa state of shock pa ito. Kinabig nalang niya ang dalaga at hinila papunta sa sasakyan niya. Siya na ang maghahatid dito sa bahay nito.

At siguro, tama nga din na dalhin muna niya ito sa isla. Doon, bukod sa safe na ito, malilibang pa ito. Siya na din ang bahalang magbigay ng statement para rito sa nangyari ngayon. Para lang hindi na ito tumutol sa pagrereport ng insidente.

Pero hindi talaga siya mapapakali na hindi nalalaman ang kung anumang gusot na pinasok ng dalaga at may naghahabol dito.

Teka…

Kaya ba ito nagdi-disguise? Dahil may tinataguan ito? Habang patagal ng patagal, mas lalong lumalalim ang curiosity niya sa kung ano ang nangyari rito sa nakalipas na mahigit dalawang taon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.