MATAPOS ang mahaba-habang meeting na inabot na din ng alas-nueve ng gabi, lumabas na si Breonna ng club house para maglibot-libot. Busy na ang magkakapatid sa boys talk ng mga ito at alam niyang ma-o-OP lang siya. Bukod pa nga sa may gusto siyang lutuing plano, na mag-isa. Dumeretso siya sa pool area na napakalawak. At mas lalo pang nagmukhang malawak dahil halos kadugsong ang dagat. Kasing kulay ng gabi ang tubig… dahil siyempre ay gabi nga. Malamang na mas magandang panoodin ang lugar kung liwanag. Parang resort kasi ang lugar. Busy pa siya sa panonood sa paligid nang may nakaagaw ng atensyon niya mula sa kabilang isla. May bundok doon at sa gitna ay may naiilawang kung anong structure. Light house ba iyon o ano? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng pagtayuan, doon pa sa gitna ng bundok?
“Uy, andyan ka pala ate? Kanina ka pa hinahanap ni Axyl.”
Napalingon si Breonna sa nagsalita. Si Aether. Lumapit ito sa kanya at ngiting-ngiti.
“Ate na ang itatawag ko sa ‘yo ha? Mukhang doon na din naman kayo matutuloy ni Axyl.”
Hindi malaman ni Breonna kung paano magsasalita. It was actually a compliment, kung iniisip nito na may future sila ni Axyl. At nahiling niya s asana nga ay tama nalang ito sa iniisip.
“Wala kaming relasyon ng kuya mo, kung ‘yon ang iniisip mo.” Sa halip ay sabi niya.
“Pero ikaw nga ‘yong tinatago niya sa comfort room. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkalat ang kung anu-ano sa sahig pero ang linis ng ibabaw ng office table, ‘di ba?”
Hindi niya magawang tumanggi. Parang obvious naman kasi. Pero wala din naman siyang balak na mag-confirm. Nasaan naman ang pride niya noon. Tapos lalaki pa itong kausap niya.
“You know, Aether—”
“Hindi ka basta ka-FuBu lang niya. Hindi ‘yan nagpapakilala ng ka-FuBu sa pamilya. Kaya alam kong iba ka sa lahat ng nakarelasyon ni Axyl. You must be someone special for him. Baka nga ikaw na ang puputol sa kalayaan ng isang ‘yon eh.”
Gusto niyang ngumiti. Gustong magwala ng puso niya dahil sa narinig. Kung totoo man iyon, siya na ang magiging pinakamaligayang nilalang sa buong daigdig. Pero alam niya din kasing imposible. Narinig niya si Axyl. Settling down was never his style. At ayaw niyang mag-assume ng kung anu-ano. Axyl was someone who’s very high. Mahirap abutin.
“So, pwede na kitang tawaging, ate ha? Secret lang muna natin kung gusto mo.” Kumindat pa ang pilyong si Aether sa kanya. Natawa nalang si Breonna.
“Hindi ka nga tumatawag ng kuya sa mga kapatid mo eh.” Sa halip ay sabi nalang niya.
“Tsk! Ganoon talaga kami. Walang modo sa isa’t-isa. Walang kuya-kuya. American style ba. Pero pagdating sa mga babae, well…” Ngumiti ito ng malapad. “We were polite with women.”
Ngiti nalang ulit ang naisagot niya. Natutuwa siya dito kay Aether. May pagka-freegoer. Madaling kausap. At nakakaaliw ang sense of humor. Hindi kagaya ng ibang kapatid at pinsan nito na ang stiff, laging seryoso at may pagka-reserve. Parang mga suplado.
“I’ll go ahead. Baka dumating na ang order namin.” Sabi nito na namamaalam na.
“Go, baka maunahan ka sa pinakamaganda.”
Isang tawa ang sagot ni Aether at nilayasan na siya. Alam naman niya kung ano ang tinutukoy nitong order. Mga babae. Gusto niyang mainis kay Axyl. Mambababae lang pala ito kaya nandoon sa isla. E’di, maghappy-happy ang mga ito at siya naman ay mamamahinga na ng kanya. Dapat ipinapahatid na siya nito sa kung saan man siya balak patuluyin. Para pwede na din niyang magawa ang plano na puntahan ang anak sa kabilang isla.
Yes, sigurado siyang sa likod ng bundok, sa kabilang isla, naroroon ang lugar kung nasaan ang kapatid at si Sehun. Ipinagtanong na kasi niya sa mga staff doon kung saan eksakto sila naroroon at kung anong bahagi ng Palawan ang nasa kabilang isla. Iyon daw ang mainland. At nasa mainland ang apartment na tinutuluyan nina Tyrelle at Sehun.
Nagbuntong-hininga si Breonna habang gumigilid sa pool at dumeretso na sa tabing dagat. Paano ba siya tatawid sa kabilang isla? Nakakatakot ang gabi. Masyadong madilim. Kakaunti ang mga bituin sa langit, that means na makulimlim. Uulan siguro bukas o mamaya. Pero anu pa man ang mangyari, kailangang makapuslit siya para masilip man lang ang kapatid at anak.
“What’s keeping you busy here?”
Napalingon na naman si Breonna. ‘Eto na naman ang isa pang Bachelor. May mambubulabog na naman sa mga binubuo niyang plano.
“Thrace…” Bati niya.
“So, anong ginagawa mo dito? Konti nalang at ibabalya na ni Axyl ang mga gamit sa loob kapag hindi ka pa din nagpakita sa kanya.”
Umiling-iling si Breonna. “Akala ko busy p din siya sa pakikipagyabangan sa mga hunky-punky business ninyo. Hinayaan ko muna siya doon, tutal mukhang minsan-minsan nalang kayo magkitang magkakapatid.”
“You were right. Ang kambal talaga ang mahirap hagilapin. Palaging nasa ere si Leo. Si Axyl, naghahybernate sa kung saan-saan. Himala ngang natagpuan namin siya dito. Nagbakasyon pala si Lori kaya napwersa siya ng Papa.” Natatawang sabi ni Thrace. Mukhang naaaliw na din sa sitwasyon ni Axyl. “But what surprised me a lot was the fact that he brought you here.”
Umigkas ang kilay niya. “Anong nakaka-surpresa doon? Assistant niya ako, ‘no?”
Tumawa na naman si Thrace. Saka siya tiningnan ng tila may ibigsabihin. “We never brought our secretary here. Maliban sa mga empleyado rito, mga in-order na babae at sa kaisa-isa naming kapatid na si Lori, wala pang ibang babae na nakatuntong dito sa isla. This is our haven. Our pleasure place.” Ngumiti ulit ito na parang nanginang ang mga mata. Why, the man was gorgeous. Pare-pareho ang magkakapatid na makamatay sa kilig kung tumitig. Pero siyempre, in their every unique way. “Consider yourself special, Breonna.” Humarap ito saglit sa malawak na karagatan. “Magpakita ka na sa eldest beast bago pa kumawala na naman ang beast side no’n.”
Patalikod na si Thrace nang pigilan niya. “Wait.” Lumingon ito. Itinuro naman niya ang kabilang isla. “From here, paano tumawid papunta doon?”
Sandaling kumunot ang noo nito. “Why?”
“W-Well…” Sinasabi na nga ba at magtatanong ito. “I was just curious about the structure over there. ‘Yong may ilaw?”
Lumingon din si Thrace sa bahaging tinutukoy niya. Saka muling nangislap ang mga mata. Para bang may ibigsabihin ang mga iyon. Hindi niya maintindihan pero wala siyang pakialam. Gusto lang niyang may magamit na alibi. Sasagot ba ito ng matino o hindi? Argh!
“You can ask Axyl about it, Breonna. He’ll glad to show you around, there.” Nangingiting sagot nito. Namulsa at tumalikod na.
What the heck did he meant by that? And of all people, kay Axyl pa siya ini-recommend eh isa pa ding mahilig magtanong ang isang iyon. Naipikit niya ang mga mata at muling bumaling sa dagat. Abot-tanaw na niya ang kapatid at anak pero hindi niya mapuntahan. Lalo tuloy dumagsa sa dibdib niya ang takot, pag-aalala at pangungulila sa mga ito. Gustong-gusto na niyang mapuntahan ang mga iyon. Makausap. Kumustahin, yakapin ng mahigpit si Sehun. At warning-an ang kapatid. Mag-iisang buwan na nang huli niya itong makasama.
“Hey, Axyl. Mabuti at nandito ka na. Breonna wished to cross the ocean and stroll around the white house. Samahan mo na at baka magbago pa ang isip.”
Marahas na lumingon si Breonna sa pinanggagalingan ng boses. Gusto niyang tadyakan si Thrace. Wala siyang balak na ipaalam kay Axyl na gusto niyang tumawid. Siyempre ay magtatanong ito.
“Fuck! Did you tell her the thing about the place, Thrace?” parang asar na tanong ni Axyl.
“Of course not. Siya itong naka-discover eh. Ano? Binyagan niyo na?”
Walang sagot mula kay Axyl. Matiim lang itong nakatitig sa kanya. Tinapik ito sa balikat ni Thrace at naglakad na palayo. “Enjoy your night, guys.”
Napakurap-kurap naman si Breonna habang nakatitig kay Axyl. Ano bang ibigsabihin ng matiim na tingin na iyon na ibinibigay nito sa kanya. Gusto pa niyang mapaurong nang maglakad na ito palapit sa kanya.
“Hindi porke sinabi kong ligtas ang lugar na ito, pwede ka nang basta mag-stroll sa kung saang bahagi ng Palawan.” Anitong matiim pa din ang titig. “Tell me, why a sudden need of crossing the island?”
Hala! Ii-interrogate na naman ba siya ng magaling na lalaki? Damn! ‘Wag naman sana… wala pa siyang maisasagot.
“F-For no reason.” Pinilit niyang kumalma pero walang epekto. “N-Nothing particular.”
Diosko! Sana naman ay tigilan na nito ang pagtitig sa kanya ng ganoon. Gusto na niyang mawalan ng lakas sa kung ano-anong damdaming bumabagyo sa dibdib niya.
“Did you really wanted to go there?”
Nalilito man ay tumango siya.
“Fine.” At hinugot nito ang cellphone sa bulsa. Saka may tinawagan ang kung sino at hiniling na dalhin ang speedboat doon.
“Teka, pwede ba talaga tayong pumunta doon?” Bigla ay parang nag-alinlangan na tanong ni Breonna. Kung sasama ito, paano siya pupuslit.
At pagkatapos ng nangyari kanina, aasahan pa ba niyang hahayaan siya ni Axyl na mapag-isa? Pero okay na din sigurong magpunta sila. From there, mapag-aaralan niya kung paano pupunta sa likod ng bundok. Siguro ay makakanahap naman siya ng pagkakataon na makapuslit. Gabi na, baka papagpahingahin na din siya ni Axyl. Sa pagkakataong iyon, baka magawan niya ng paraan.
“Of course. Property iyon ng Mama. Pati iyong bahagi ng isla sa ibaba hanggang sa north side ng bundok. At nandoon ang rancho ng mga Henderson.”
She broke to an awe. Sobrang yaman ng mga ito, both sides, na parang nakakalula nang malaman ang mga properties na pag-aari ng pamilya nito.
“May ranch din kayo do’n?”
Halos ‘di niya mapaniwalaan. Resort cum hacienda na nga itong Bachelor Hub, tapos may rancho pa sa kabila? Baka mamaya, gulatin nalang siya ni Axyl at sabihin nitong pag-aari na ng mga ito ang buong mundo? Napailing siya sa sarili. That was way ridiculous. But then, knowing na may property ang mga ito sa kahit saan, pakiramdam niya ay pasikip ng pasikip ang mundo niya. Mas lalo siyang nangati na sabihin na dito ang patungkol kay Sehun bago pa ito ang mismong makatuklas. Kaya lang… heto na naman siya at nauunahan ng takot.
“Nabili nina Lolo ang lugar noong siguro ay elementary palang si Mama. Pero hindi naman sila madalas dito sa Pilipinas. Nang mamatay si Lolo, ipinamana niya ang rancho. Ang alam ko, balak ni Mama na bilhin ang kabuuan ng maliit na isla sa kabila pero hindi pa napapagtuunan ng pansin. Nasa loob ng rancho ang puntod ng lolo at lola ko, parents ni Mama. Ang white house naman ay ipinagawa naming magkakapatid.”
“White house?”
“Yeah.” Anito at bumaling sa kanya. “‘Yong naiilawan na lugar na ‘yon na gusto mong puntahan.”
Hindi naman ‘yon ang gusto kong puntahan.
Tumango nalang siya para wala nang madami pang usapan.
“Let’s go?” sa halip ay sabi niya. Pagod na siya. Kaso lang, pagdating sa kagustuhang mapuntahan si Sehun, walang pagod, pagod para kay Breonna.
“Are you that curious?”
“Huh? Ah—oo. Gusto ko nang makita kung ano bang mayroon do’n. Tsaka bakit nasa gitna ng bundok.”
“It’s a kinky thing, sweety. You’ll see for yourself.”
Parang ginapangan ng init ang buong katawan ni Breonna nang makitang nanginginang sa apoy ng passion at desire ang mga mata ni Axyl na nakatitig sa kanya. And it was easy to understand what he was saying. Kung bakit mas naexcite siya kaysa kabahan ay hindi niya din alam. Maybe because of the truth that she wants him, badly. She wanted to touch him, kissed him and put his thing inside her.
Nakakahiya mang aminin pero kanina pang nagsisiklab ang libido niya at gustong muling magpaangkin kay Axyl. Just by looking at this utterly handsome man, and her senses went crazy. He was definitely a walking seduction.