FIERY NIGHTS (EROTIC COMPILATION) Chapter 20

NAALIPUNGATAN si Breonna at nagising nang maramdamang may mabigat na nakadagan sa bandang tiyan niya. Ang malaking braso pala ni Axyl ang nakahapit sa baywang niya. Nakadapa ito sa kanyang tabi at nakasubsob ang mukha sa unan. Napangiti siya sa kagwapuhang bumati sa kanyang paggising. Kung ganito ba naman palagi ang makikita niya sa pagmulat ng mata, parang ayaw nalang niyang bumangon pa. Pero siyempre, hindi naman pwede iyon. Hindi naman talaga ang nangyaring maiinit na bakbakan ang ipinunta niya roon. At mas lalong hindi ang pagtatapat niya sa nakaraan niya.

It just came out. Bigla nalang, ginusto niyang iopen-up kay Axyl ang nakaraan na iyon na hindi niya nagawang buksan maski kanino. At dahil nabuksan na din naman niya kay Axyl ang sarili, ngayon ay buo na ang loob niyang sabihin ang lahat-lahat ditto. Maging ang tungkol kay Sehun. At bahala na kung ano ang mangyayari pagkatapos. Ang mahalaga ay masabi na niya rito ang totoo. She just found out na mas nakakaluwag ng dibdib ang pagsasabi ng totoo. Maybe Axyl will be considerate. Wala nga siyang nakitang violent reactions o pandidiri mula dito matapos niyang magkwento. Instead, protectiveness just arose from him. Siguro naman, magiging positive din ang kalalabasan kung sasabihin na niya ang patungkol sa sitwasyon niya. Hindi naman siguro nito kukunin ang anak nila at ilalayo sa kanila.

Nagtangka siyang kumilos para bumaba ng kama at maghanap ng maisusuot. Pero gumalaw si Axyl at possessive na humapit ng maigting ang braso sa kanyang baywang. Para bang nararamdaman nito maski sa pagtulog ang pagtatangka niyang kumawala. Napailing at napangiti nalang siya nang umungol pa ito at tinawag ang kanyang pangalan.

Naiwan sa Bachelor Hub ang mga gamit niya. Babalik na din sila siguro doon ngayong umaga. Sa reyalisasyong mag-uumaga na ay bigla siyang naalarama. Babalik sila sa kabilang isla na hindi man lang nagagawa ang kanyang kailangan. Gusto niyang maiharap si Sehun kay Axyl, kaagad.

Marahan at maingat na inalis ni Breonna ang braso ni Axyl na nakahapit sa maliit niyang baywang saka marahan din ang paglalakad papunta sa wardrobe. Puro bathrobe at towel ang laman ng nabuksan niya. Kumuha nalang siya at pabastang isinuot. Basta nalang din niya itinali ang sash saka dumeretso sa veranda ng silid. Sumisilip pa ang isang dibdib niya pero hindi na niya iyon pinansin. Gusto niyang makita ang lugar at kung may mga tao ba sa paligid. Baka may mapagtanungan pa siya. Tulog pa naman si Axyl at malamang na tanghaliin ito ng gising.

Mula sa malayo, may nakikita si Breonna na nagkukumpulang mga tao. Sa dalampasigan iyon at malayo man sa lugar nila, kaya namang takbuhin. Maingat pero mabilis na bumalik siya sa loob ng silid. Maingat din ang pagbubukas niya ng iba pang wardrobe at naghanap ng kahit anong pwedeng isuot. Tamang-tama na sa pangalawang bukas niya, puro dress ng babae sa iba’t-ibang size na hindi naman magkakalayo ang nandoon. Mukhang bago pa dahil may mga tag pa. Sa ibaba ay mga naka-packaging na underwear. Kumuha siya ng isa para sa size niya. Isang red half-thigh length silk halter low back dress ang kinuha niya. Malamig pa dahil alas tres palang ng madaling araw ayon sa wallclock sa isang bahagi ng silid. Pero wala naman siyang choice kundi isuot iyon. Lahat ng dress na nasa wardrobe ay mga walang sleeves. Mabilisan pero walang kaingay-ingay na nagbihis siya sa mismong tapat na din ng closet. Halos atakehin siya sa puso sa matinding kaba kapag kumikilos ang natutulog na si Axyl. Hindi ito pwedeng magising. Baka hindi na niya mapuntahan ang anak.

Sa totoo lang, dahil sa nangyari kahapon ay sumagi na naman sa isip niya ang pagmamadali na sabihin kay Axyl ang patungkol kay Sehun. Para bang nauubusan na siya ng oras. She couldn’t take her time, anymore. Pero palagi siyang napapagitnaan ng kung anu-ano. Most probably ng mga kalandian at kamunduhan.

Ayaw din naman niyang biglain ang anak kaya pupuntahan muna niya sa bahay at dadalhin doon sa white house. At bahala nang si Axyl ang magulat. Wala na naman sigurong makakahadlang sa plano niyang pagtatapat ng lahat kung dala na niya si Sehun mismo sa harapan ni Axyl. Yes, nagdesisyon na siya. Totoo na iyon at final na talaga. Sasabihin na niya. Kailangan na niyang sabihin. Pero bago ang lahat, gusto niyang kaharap na nito ang bata.

Sandali pa niyang binigyan ng sulyap si Axyl. Naghanap siya ng papel at ballpen na swerteng meron sa side drawer saka nag-iwan nang note na kung sakaling magising ito na wala siya ay hindi siya nito hanapin at hihintayin nalang.

Mas madali ang pagbaba ng bundok kaysa ang pag-akyat. Halos takbuhin niya ang concrete stairs na dinaanan nila kagabi ni Axyl. Ilang minuto lang at tumatakbo na siya sa dalampasigan. Deretso sa nagkukumpulang mga tao na bumibili pala ng mga bagong huling isda. Mga natives na ang mga iyon ng isla, ang iba ay tauhan daw sa rancho. Mababait din at matulungin. Isang ale ang tumulong sa kanya at ipinahatid sa anak nitong nagta-tricycle. Abot-abot ang pasasalamat niya nang maihatid siya sa community sa west side ng isla. Patakbo din niyang inakyat ang apartment at humingi sa kapatid na si Tyrelle ng pampamasahe sa tricycle. Dinoble na niya ang bayad sa sobrang pasalamat at relief.

Sa wakas, mayayakap na din niya ng mahigpit ang anak. Kahit ang dami-dami pang tanong ni Tyrelle, hindi na niya inintindi ang kapatid na panay ang pagulong ng wheelchair sa paghabol sa kanya. Dumeretso siya sa anak na natutulog at kamuntik magising dahil sa pagsugod niya ng matinding yakap rito.

“SO, what’s the news, Sebastian?”

Napaungol si Sebastian nang marinig ang istrikto at naiinip na boses ng boss. Ang higher boss na ang nangungulit sa kanya ngayon na iharap dito ang dating miyembro ng Torrent. Himalang buhay pa iyon at nakakawala sa galamay ng grupo samantalang na-orient siya bago pumasok na walang nakpasok sa grupo na nakaalis ng buhay.

Matapos makalabas ng kulungan, dumeretso na naman siya sa dating supplier ng drugs. Siyempre, dietang-dieta na siya sa drugs. Halos dalawang dekada din siyang hindi nakatikim matapos mahuli. Inalok siya nito ng trabaho kapalit ng pera at ilang gramo ng droga. Well, balik ulit sa dating gawi. Tulak muna ng maliitang transaksyon hanggang sa lumaki… ng lumaki. At ngayon, may ibinigay sa kanyang assignment ang leader ng grupo nila na nakabase sa Pilipinas. Assignment na akala niya ay magiging madali lang dahil kilala niya ang ipinadidispatsa sa kanya. Ang assignment din na iyon ang magiging daan sa sana ay pagkakamal niya ng mas madami pang pera. At siyempre ay tiwala ng leader.

Naniniwala ang leader nila na buhay pa si Tyrelle. Walang bangkay nito ang nakuha sa pinangyarihan ng aksidente. Kaya sigurado ang mga ito na nasa paligid lang si Tyrelle. Sa kakahanap niya ng lead patungkol kay Tyrelle, iba ang nahanap niya. Muling nabuhay ang halos dalawang dekada na niyang pagnanasa sa babaeng iyon. He tailed her. Nagpanggap pa siya kanina na client para makaharap na sana ang babae pero napag-alaman niyang lumabas iyon at papauwi. Isasama daw ng boss nito sa paglipad papuntang Palawan para sa business etcetera. Dali-dali niyang tinimbrehan ang mga kasama na nasa parking area para maharangan si Breonna. Kilala na naman ng mga ito ang mukha noon. Pero ang inabutan na niya ay ang kaguluhan sa parking. Agad siyang sumakay sa van nila at kumuha ng baril para barilin ang pakialameronhg boss pala ng babae. Pero lintik lang at nakailag iyon. Ang nasapol ay ang bata niya. Wala silang choice kundi umalis nang may magsidatingan na mga security guard.

But hey, mabuti na din na nagpanggap siyang kliyente. Kung matutuloy ang mag-boss sa pag-alis, alam na niya kung saan pupunta ang mga ito.

Pero masyadong pribado ang isla. But then, nalaman niyang pag-aari din ng mga Bachelor ang rancho na nasa kalapit na isla o ang mismong mainland. Ayon sa kanyang source, ang babaeng binubuntutan niya ay buwanan kung umuwi ng Palawan. Pero bukod sa flight info nito ay wala na siyang nalaman sa kung saan ito eksaktong nagpupunta. At kung may balak ang babae na sumilip sa pinaglulunggaan nito doon sa Palawan bago bumalik ng Maynila, posibleng magdaan iyon sa rancho ng boss nito. Wala itong ibang dadaanan paalis ng Bachelor Hub papunta sa iba pang lugar kundi ang mainland na kinaroroonan ng rancho Henderson.

Hindi nga siya nagkamali. Habang nagmamanman sa di kalayuan mula sa rancho, dumaan ang isang tricycle na walang ibang sakay kundi si Breonna. Nagsisimula nang pumutok nag liwanag at malinaw ang ilaw ng mga lamppost kaya hindi mahirap makita ang sakay ng mga nagdadaang public vehicle.

He can grab her and take her now. Pagsasawaan niya ang maalindog nitong katawan na mas lalong naging katakam-takam matapos ang halos dalawang dekada.. But then, he felt and sense that he can catch two birds in one stone. So… he must tailed her again. And watch where would she leads him through.

“I have a good news, boss. But I need a back up first. Pahiram ako ng ilan sa mga bata mo.”

“ARE you sure?” Napalingon si Breonna sa kapatid na binibihisan na ang dalawang taong pamangkin.

Si Breonna ay abala sa pag-empake ng ilang pirasong damit ni Sehun. Bahala na kung anuman ang magiging reaksyon ni Axyl. Basta ang mahalaga ay masabi niya rito ang lahat at magbabakasakali na din na tutulungan sila ng kanyang boss. Oo, madaling mag-init ang ulo ni Axyl. Posibleng magalit ito sa kanya sa sandaling masabi na niya ang lahat. Pero may dahilan siya kung bakit hindi niya agad masabi ang tungkol sa anak. After all, biktima lang naman siya ng sitwasyon. Sila. Siya dahil sa current situation at ito dahil umalis nang bigla din siyang mawala at hindi na nakapagpaalam. Sino ba ang makakapagsabi na ganito ang kahihinatnan ng lahat ng mga actions at choices niya sa buhay? Hinintay naman niya ito, dahil gusto niya ring makilala ni Sehun ang ama nito kaso, ang tagal nitong bumalik.

Kung hindi niya narinig ang pag-uusap ng magkapatid nang unang beses niyang makita na tumuntong ito sa The Wizard, baka naipagtapat niya din agad ang lahat kay Axyl. Pero maigi na din na narinig niya iyon, maski paano, nalaman niya kung paano manimbang sa mood ni Axyl. Atleast, she had warned herself. Kung sakali, alam niya kung saan pupwesto sa buhay ni Axyl. Ang mahalaga nalang sa kanya ngayon ay ang kaligtasan nila.

“Tyrelle…” Tumigil si Breonna sa paglalagay ng mga shirts sa baby bag. Pati ang mga feeding bottle at lata ng gatas ay nakasalansan na din sa bag. “Napag-usapan na natin ito. Kailangan natin ng tulong niya. Bahala na kung magalit man siya, pero kailangan natin ng proteksyon. Nandoon lang siya, sa itaas ng bundok. At hindi kami aalis ng isla na hindi ka kasama.”

Nginitian niya ang kapatid ng matamis at hinaplos ang mukha ng kapatid. Medyo nangayayat ito pero taglay pa din ang kagwapuhang, kung naging normal lang ang buhay nito ay malamang na pinangarap ng maraming babae. Bigla, parang sinakal ang puso ni Breonna habang tinititigan ang kapatid. May maaayos at masayang buhay sana ito kung hindi lang napasok sa gulo. Minsan, gusto niyang tanungin ang nasa Itaas. Masasamang nilalang ba sila noong past life nila at ganito ang buhay na ibinigay sa kanila? Na para bang buong buhay nila, palagi silang pinaparusahan sa kasalanang hindi naman nila alam kung ano. Bakit ba hindi na nila naranasang mabuhay ng tahimik at maligaya?

Pero kahit ano yatang kwestiyon niya sa buhay, hindi na iyon masasagot pa. Nasanay na siya sa ganitong buhay, ngayon pa ba siya magrereklamo at susuko? Ngayon na dalawang buhay na ang umaasa sa kanya. Ang kanyang kapatid at ang kanyang anak.

“Mommy… Kunin mo na ‘yon...” tawag ni Sehun na pilit inaabot ang feeding bottle nito sa ibabaw ng kama.

Kinarga niya si Sehun at inihiga sa kama saka ibinigay ang gatas nito. Napangiti siya sa anak na humagikhik pa bago isinubo ang iniabot niya. Kaninang tuluyang na itong magising dahil sa pagyakap niya, gulat na gulat ang bata pero yumakap din agad ng mahigpit at nagtatalon. Nagtatanong ng pasalubong pero sinabi niyang mahirap bitbitin ang pasalubong kaya sila na mismo ang pupunta sa pasalubong niya. Dali-dali tuloy itong nangulit na puntahan na nila. Kaya heto sila, agad na nag-impake.

“Hindi naman iyon ang iniisip ko Breonna. Actually, mas okay pa nga sa akin na iwan niyo na akong mag-ina. Mamuhay kayo ng tahimik at masaya. Ako lang naman ang dahilan kung bakit kayo nanganganib—”

“Tss! Tyrelle, ano ba?”

Nagse-selfpity na naman ito. Ayaw niya kapag ganoon ang kapatid. Mahabang panahon din bago ito tumahimik mula sa pages-selfpity. Dumating pa ito sa point na gusto nang magsuicide nang malamang embalido at malaki ang magagastos para sa surgery, na fifty-fifty ang assurance na muling makakalakad kaya hindi na din ginustong magpaopera. Baka daw magsayang lang sila ng pera eh mas kailangan nila iyon sa pagtatago. At ganoon na nga daw ang sitwasyon nila na nagtatago sa panganib ay naiembalido pa ito. But then, he had managed to collect himself nang paulit-ulit niyang sabihin at ipaunawa sa kapatid na kailangan niya ito. Na mali ito sa isiping wala na itong silbi. Dahil napakalaki ng silbi nito.

“You’re all that I had, Tyrelle. Paano kami ni Sehun kung ganyan ka. You need to be strong… please. Huwag ka namang ganyan. Huwag mo namang tangkain na iwan ako ulit. Huwag mo namang hayaang maging mag-isa na naman ako.”

Iyon at ang mga paghagulhol niya ng pakikiusap rito ang siguro ay siyang nagpahimasmas at gumising kay Tyrelle nang mga panahon na nagtatangka na naman itong mag-suicide. That time, walang choice si Breonna kundi ang magpakatatag. Ilang buwan palang siyang nakakapanganak nang maaksidente at maimbalido ang kapatid at noon din sila nagsimulang magtago. Wala silang ibang kakapitan kundi ang isa’t-isa. Kinailangan niyang maging matatag dahil pakiramdam niya, bibigay na noon ang kapatid. Hindi sila pwedeng matalo.

“I’m sorry, sweety. Hindi ko lang mapigilang mag-isip sa kung ano sana ang buhay mo kung hindi ka sumama sa akin.” Muli ang sabi ni Tyrelle at iniiwas ang mukha sa kanya.

“Ano ka ba? It’s my choice at masaya ako na kasama kita. Ikaw kaya ang superhero ko? Paano akong naging mali na pinili kita?” Nginitian niya ito para i-assure.

“But—”

“Ayoko nang marinig ang kasunod ng “but” na ‘yan, ha?” Tumayo na siya at itinuloy ang ginagawang pag-i-empake. “Everything will be, okay. Magiging safe na tayo. Teka pala, pahiram ako no’ng lumang standard phone mo, ha? Kasi naiwan ko sa kabilang isla ang phone ko.” Hinanap niya sa drawer ang lumang phone. ‘Buti nalang at may battery pa. Ginagamit pa din naman iyon at sayang kung masisira lang. Though, may android phone naman ang kapatid. “Para matawagan kita kapag pwede ka nang maghanda sa pagsundo namin sa ‘yo. Tsaka, tatawagan ko din si Aling Mila para ipahanda na ang gamit mo if ever.” Ang tinutukoy niya ay ang caretaker na stay out. Six to six ang duty noon sa apartment nila at uwian dahil taga doon din lang naman sa isla.

Wala siyang narinig na sagot kay Tyrelle kundi buntong-hininga. Nilapitan niya ito sa balikat at tinapik doon saka ngumiti ulit. “Come on.”

“Masyado kang positive na magiging ganoon kadali ang lahat. Na magiging okay nga ang lahat.” Anito.

Pinisil niya ang balikat nito. “Dahil magiging okay naman talaga ang lahat. Let’s keep believing that this too, shall pass. Alright?”

Tumango lang si Tyrelle. Siya naman ay ibinulsa na ang standard phone tutal ay maliit lang iyon. Nagsuot siya ng shorts sa ilalim ng suot na dress at masyado kasing maigsi iyon. Kapag kinarga niya si Sehun mamaya, makikita na ang panties niya dahil sa mga paggalaw-galaw kaya nagsigurado na din. Mahirap nang may madaanan silang tambay na mag-ina at mabastos pa dahil sa suot.

Matapos maasikaso ang lahat ng dapat asikasuhin at matapos ubusin ni Sehun ang gatas nito ay nagpaalam na silang mag-ina kay Tyrelle. Magpapa-load na din siya sa madadaanang tindahan para matawagan ang kapatid sakaling maayos na ang lahat.

Kinakabahan man pero napupuno ng pag-asa si Breonna habang naglalakad at karga si Sehun. Kailangan niyang maging positive. Kailangan niyang magtiwala na magiging maayos ang lahat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.