CHAPTER 22
“I’M SORRY, Sir. Sumusunod lang ako sa—”
Hindi natapos ni Maxwell ang sasabihin at inumbagan na niya ito ng napakalakas na suntok. Si Maxwell ang isa sa mga butler ng kanyang ama. Halos dalawang buwan na ding comatose ang kanyang ama at ngayon lang nito naisipang “kumanta”?
Yes, finally ay nagsalita na din ito. Ito ang inuutusan ng kanyang ama na gawing miserable ang buhay niya sa buong taon na nagdaan. Wala nang ginawa si Avio kundi ipagtulakan siya sa anak ng business colleague nito na si Natalie. At kung abala ito sa pagsusulsol sa kanya na mag-asawa na, abala naman siya sa lalong pagsira ng buhay niya. Wala na siyang ginawa kundi ang mag-bar hopping. Magpakalunod sa alak at mambabae.
Akala niya, matatapos ang sakit na ibinigay ni Breonna sa kanya kung gagawin niya ang lahat ng pagwawalwal na iyon. Pero wala namang nangyayari. She still got a big space inside his heart. An aching space. Hindi siya natapos sa pagpapahanap na naman kay Breonna at sa kung sinong asawa nito. Yes, it must be useless to know. Mukhang masaya na ito sa piling ng mag-ama nito. Nakita niya sa pictures ang pagod sa mukha ng babae pero nandoon ang parang pagiging at peace. Yet, gusto pa din niyang malaman kung anong nangyari rito. Had she been well? Wala na bang panganib ang buhay nito?
At may isa pa nga siyang nalaman matapos ang imbestigasyon sa parking area ng The Wizard building. Miyembro ng sindikato ang isa sa mga lalaking nagbalak dukutin si Breonna pero napatay din ng mga kasama nito. Isang world-wide syndicate iyon na napilayan na ng Interpol ang sindikato. Kung sino ang nag-tip at natimbog ang pinuno ng grupo, hindi na niya inalam. Mukhang malayo na din kasi sa kung nasaan si Breonna ang kaso ng sindikato na iyon, kaya inilayo na din niya ang sarili roon. Ang gusto niya lang ay malaman kung nasaan na si Breonna pero walang nangyari. Talagang napakagaling magtago nito. Paano nga niyang mahahanap ang taong sadyang ayaw magpakita?
He felt there was something off in what happened a year ago. Matapos niyang mahimasmasan sa masakit na nalaman, nakita at nasilip niya ang mga butas sa nangyari. Contrast sa mga ipinakita at ipinadama sa kanya ni Breonna ang mga sumabog na pangyayari sa mismong harapan niya. Breonna wants him. Yet, why did he stow away with that guy? Why?
There must be something…
Until he heard the news of his life. Isa pa ding matinik na kalaban ang kanyang ama. Ito pala ang nagtatago kay Breonna at sa batang inakala niyang anak ng iba pero anak naman pala niya! How could a father hurt his son like this? Kita naman nito kung paanong halos masira na ang bait niya kakahanap kay Breonna pero nagsawalang kibo ito.
“Saan mo itinago ang mag-ina ko?”
Parang gusto niyang mag-transform sa pagiging halimaw sa mga sandaling iyon dahil sa tindi ng galit niya. Kita niyang nahintakutan si Maxwell. Kung hindi pa ito magsasalita ay baka mabasag niya ang mukha nito sa sobrang panggigil at galit.
“S-Sa Texas, Sir.” At sinabi nito ang ekasktong address.
Nanginginig ang mga kamay na nabitiwan niya si Maxwell. Gusto niyang matulala at manlambot. God! He’d always been in Texas. How come, hindi man lang niya nakita ang mag-ina niya roon.
Ah. They’re in a farm. At madalas na sa mga bar and hotels naman siya naglalagi. Paano ngang makikita niya ang mag-ina? Pero bakit ang mga detectives na ini-hire niya, wala ding nagawa?
Well, hindi na siya magugulat kung malalaman na maski mga detectives niya, hinaharang din ng ama. His father was such a destroyer!
Inayos ni Axyl ang sarili at hinarap si Maxwell na dumudugo ang gilid ng labi. Iniabot niya ang kamay rito sa pagtataka nito. Pero kinuha din iyon at tumayo. Tinapik pa niya ito sa braso.
“Thanks, Maxwell.” Aniya.
Yes, he was still thankful with the man. Sa dalawang buwang pagiging coma ng ama at taningan ng mga doctor nito ang buhay ng ginoo, siguro ay tinubuan ng konsensiya si Maxwell at nagdesisyon nang putulin ang paghihirap niya. Mabuti nalang. Nagpapasalamat pa din siya. Ngayon, mapupuntahan na niya ang kanyang mag-ina.
“IT’S RAINING, Mommy! Dadating na ang Daddy ko! Whooooah!”
Tuwang-tuwang nagtatakbo si Sehun papalabas ng farm house. Hindi din nauto ni Tyrelle ang bata. At kagaya ng ama nito, saksakan din ng tigas ng ulo ang anak niya. Kapag may ginusto ito, hindi pwedeng hindi nito makukuha.
Manang-mana…
Bago pa maabutan ni Breonna ang anak ay basa na ang bata at nagtatatalon sa ilalim ng ulan habang sumisigaw at humahalakhak.
“Daddy is coming! Daddy is coming! Yey!”
Gusto na naman niyang umiyak. Sa awa sa anak. He was really waiting for his Dad. At hindi niya kayang putulin nag kaligayahang iyon ni Sehun. Kaya lang ay paano din niya ifu-fulfill? He’ll end up dismayed. Naitakip ni Breonna ang isang kamay sa bibig habang tahimik na umiiyak. Pinipigilan niyang mauwi iyon sa hagulhol nang…
“Yeah… I’m coming. In fact I’m already here, son.”
Napasinghap si Breonna. Kusa ring tumigil ang mga luha niya at automatic na naghanap ang mga mata. Gusto niyang mapanganga sa matinding pagkabigla.
No… it isn’t real, right? Nagha-hallucinate lang siya at kung anu-ano na ang naririnig at nakikita…
Pero maski ang anak ay natulala nalang din sa bagong dating. Tumalungko iyon sa harapan ni Sehun habang sige sa pagbuhos ang ulan.
“You look so much like me.” Namamanghang sabi ng bata.
“Of course. I’m your Dad. What do you expect?” Axyl smiled and wiped away those raindrops in Sehun’s face. “What’s your name, little kid?”
“Sehun.”
“Sehun?”
Gustong mapahikbi ni Breonna sa paraan ng pag-uusap ng mag-ama. How did he knew? Sinabi na ba ni Avio Bachelor ang lahat? Pero himala iyon ng mga himala kung tama nga. Paano at bakit naman iyon sasabihin ng matanda eh ayaw nga noon sa kanya?
“Yes. I’m Sehun.”
“I thought you are, Tyrelle.”
“Huh?”
Maski siya ay naguluhan sa sinabi ni Axyl. And how come he knew Tyrelle, already?
“Tyrelle is my uncle.”
“Aw!” Biglang natawa si Axyl.
“You’re laughing like crazy.” Nakakalokong sambit ni Sehun at natawa pa sa ama.
“Come here, kiddo.” Humakbang naman nga palapit si Sehun. Napailing-iling pa si Axyl. “I thought you are a guy your Mom loves so much.”
“My Mom loves me so much.”
“Yeah. I knew it. She keeps crying while calling your name even on her sleep. She must really loves you. So very much. And I knew now why.”
Napasinghap si Breonna. Did she really heard all of it?
“You sound jealous.”
Napangiti na naman si Axyl. Saka bumaling sa kanya. “I am.” Anito na walang kakurap-kurap habang naglalandas ang tubig ulan sa mukha. “I’m green jealous…” Humarap ulit ito sa anak. “…until I saw you now.”
At walang babalang kinabig ang anak palapit sa katawan nito. Niyakap nito ng ubod higpit ang bata. “God… I have a son. I really have a son…” Halos pabulong nalang iyon. Namumula ang mga mata ni Axyl na tila nagpipigil lang umiyak.
He was such a dumb to keep himself from crying. Para namang makakabawas iyon sa pagkalalaki at pagkatao nito lalo pa at nasa ilalim ng ulan ang mga ito? Sino lang ba ang makakakita ng mga luha nito?
Nang pakawalan na ni Axyl ang anak ay nagtatakbo iyon palapit sa kanya at hinila siya sa nakatalungko pa ding lalaki. Titig na titig ito sa kanya habang siya naman ay parang wala sa sariling nagpaakay sa anak. Nawalan na siya ng pakialam na mababasa ng ulan. She couldn’t hold herself. She ended up crying and lauging. Like a lunatic.
Kung may sobrang nag-enjoy sa ulan sa mga sandaling iyon, alam niyang walang iba kundi si Sehun. Hindi daw kompleto ang kabataan kung hindi nakapaglaro sa ulan. And now, they’re enjoying it altogether.
Parang hindi pa din makapaniwala si Breonna habang hinahaplos ang gwapong mukha ni Axyl na basa ng tubig ulan. He was smiling at her so brightly. So passionately, that the passion mirrored in his eyes turns to intense desire. She can feel it by just looking straight in his eyes. God! She missed him. She missed the feeling of his warm hand touching her skin. She missed all of him.
“Axyl…” she whispered while touching his handsome face.
In a swift moment, her lips was with his, kissing her savagely. Drinking in her na para bang matagal na panahon itong nauhaw. And now was the time para pawiin ang matinding uhaw at pagkasabik nila sa isa’t-isa. Nawalan na sila ng pakialam sa mundo hanggang sa marinig na nagsisisigaw si Sehun.
“Uncle! My Daddy is here! And she’s kissing, Mom!”
KINUKUMUTAN ni Breonna ang natutulog nang anak nang damputin ni Axyl ang isang stuff toy. Sa kanya iyon noong bata pa at nasa orphanage. Iningatan niya iyon, dahil… well, ang bagay na iyon lang ang nagpapaalala sa kanya na hindi siya nag-iisa. Na minsang may isang nilalang na nagkaroon ng pakialam sa kanya. She smiled with the thought.
“Parang kilala ko ang Panda na ito.” Ani Axyl na binutingting ang stuff toy.
“Huh?”
At iniharap ulit ni Axyl ang stufftoy sa kanya. Sa ilalim ng stuff toy ay may initials na letter L at A. Dati pa naman niya iyong nakikita. Hindi niya lang pinapansin.
“That’s mine.”
“Yours?”
“Ibinigay iyan sa akin no’ng anak ng sponsor ng orphanage na pinanggalingan ko. Hindi ko alam ang pangalan. Basta may bitbit siya na kahon noon at nabunggo ko habang tumatakbo—”
“Right! You were that kid. That fierce little girl.” Natawa nalang si Axyl. “Sa ‘yo ko pala ito naiabot.” Umiling iling pa si Axyl. Si Breonna naman ay parang gustong mawindang sa mga naririnig.
It must be fate that she bumped in him.
“Pasalubong ko sana ito kay Lori kaya pinapersonalized ko ng initials niya. Her real name is Loridee Anne… Nah.” Napailing ito. “Dumeretso ako sa orphanage right after I landed kasi nandoon daw sina Mama at Lori at gusto ko na siyang i-surprise. I also brought something for the kids na binili ko pa sa Hongkong. Isa ang orphanage na pinanggalingan mo sa mga sinusuportahan ng pamilya. May isa din kasing orphan doon na gustong ampunin si Mama.” He heaved a sigh at saka muling nagpatuloy. “Then I saw a little girl that was looking so fierce yet… so adorable. And so charming. Sa sobrang amusement ko, ipinilit ko ang stufftoy na ito sa kanya.” Bumaling si Axyl sa kanya. “I couldn’t believe it was you. God, Breonna!”
She broke to an awe. Ni hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inabot nalang niya ang stufftoy nang ibalik na iyon ni Axyl. Muli niya itong hinarap matapos masiguradong komportable na ang anak na napagod sa kakalaro kasama ng ama. Sandali lang ang introduction na ginawa niya kina Axyl at Tyrelle at mukhang madali namang nagkasundo ang dalawa.
“Bakit nandito ka?” Parang hindi pa din siya makapaniwala na nandito si Axyl. Napakatagal niyang iniyakan ang isiping hinding-hindi na niya ito muling makikita at makakasama.
“What kind of question is that? Ayaw mo bang nandito ako?” Parang may halong sama ng loob na sambit nito.
“No…” Bigla ay tutol ni Breonna. “I just can’t believe that you were here… that you were real. Akala ko hindi na kita…” Natigil siya sa pagsasalita. Her voice broke at kung itutuloy pa niya ang pagsasalita, baka tuluyan siyang maiyak.
Kinabig siyang bigla ni Axyl at niyakap. “Believe it now.” Ngumisi ito nang pakawalan siya. He held her right hand and put it on her crotch. Napaigtad siya at napasinghap. Natampal niya ang dibdib nito. Humalakhak naman si Axyl. Bigla niyang tinapalan nag bibig nito.
“Sssshhh…” saway pa niya. Tumahimik si Axyl pero ang kasunod noon ay sinimulan na nitong painitin ang katawan niya. He kissed her lips, tongued her neck down the hallow of her throat. She swallowed hard.
“Axyl…” She moaned.
“Hmm.” Sagot nitong hindi tumitigil sa ginagawa. Pigil niya ang sarili na makagawa pa ng ingay. “Nasa room tayo ni Sehun.”
“Oo nga pala.” Biglang tumigil si Axyl sa ginagawang pagpapainit sa kanya. At parang gusto niyang sampalin ang sarili. Hindi niya ito dapat na pinatigil! Pero bago pa nga siya magalit sa sarili ay hinila na siya palabas ni Axyl. “Saan ang room mo?”
Agad na itinuro niya ang kasunod na kwarto. Mabilis na nahila siya roon ni Axyl papasok. Kasasarado palang ng pinto nang magsimula na naman itong sigurin siya ng halik. Sa leeg, sa puno ng tainga. Sa mga labi, pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa ibabaw ng kanyang dibdib.
“Wait… wait.” Pigil niya muli.
“Ano na naman?” Parang nabibiting ungol nito. “Can we stop talking and pleasure each other?”
“Let’s just do some clearing Axyl. Hindi ako matatahimik at hindi mauubos ang takot sa dibdib ko kung hindi ako makakasigurado naikaw ito. Na nandito ka. Nandito ka lang at hindi ka na ulit mawawala.” Puno ng frustration na sabi niya rito.
Muli niyang hinaplos ang mukha ni Axyl. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit pero pinigilan niya ang sariling. Gusto na niyang ubusin ang mga takot na namamahay sa dibdib niya. Mga takot na kasabay ng pagdating nito ay muli din itong mawawala sa kanya. Sa kanila ni Sehun.
“Alright.” He kissed her again. So hot and so sensual. “Ask away. And this time, pagkatapos mong magtanong, itatali na kita sa baywang ko para hindi ka na makatakas at hindi mo na ako iwan.” Natawa siya sa sinabi nito. Sumimangot naman si Axyl at nagseryoso. “Akala mo ba madali lang sa akin ang lahat ng iyon? Every day you were not here with me, here beside me was like a torture. You keep dragging me to hell whenever you leave me, Breonna.”
Dama niya ang naging paghihirap nito. It was laced in his voice. Wala siyang ibang nagawa kundi yakapin ito. Naghirap din naman siya e. Nahirapan din siya na halos araw-araw, iniiyakan ang ideya na tapos na tapos na sila ni Axyl. Hindi pa nga sila nagsisimula pero natapos din kaagad. What they had was a little moment of pleasures.
“Paanong nandito ka na?” Muli ay inilabas niya ang tanong nang pakawalan na ito. “At bakit? Mr. Bachelor told me that you’re marrying an heiress. Alam kong ayaw niya sa akin. He directly told me. Ang baba-baba pa nga ng tingin niya sa akin. He thought I’m a wore. Na naanakan mo lang at gusto kang pikutin. God knows I didn’t plan anything like that—”
“Sssshhh… I know.” He kissed her temple.
Nagpatuloy naman siya. “But then, hindi ko magawang tuluyang sumama ang loob sa kanya. Afterall, utang na loob namin sa kanya ang mga buhay namin. Hindi niya kami pinabayaan at tinulungan pa. Yes, I must confessed I planned to seduce you because I wanted to prove myself that I am great too. Baka sa pagkakataong iyon, maging madali para sa ‘yo na tanggapin ako, kami ng anak mo. Kahit partner in bed nalang nga basta ma-secure ko ang safety namin at makahingi sa ‘yo ng tulong. Things became like a whirlwind, Axyl. I… I fell for you. I fell deeply in love with you that I wanted you all by myself. Gusto kong maging akin ka lang pero lahat nalang ng nangyayari, nagpapakita sa akin na imposible ang gusto ko. You’re going to marry Natalie and by that time it comes, talagang wala na akong—”
Biglang tumawa si Axyl na ikinatigil ng mga sinasabi niya. Gusto niyang mainis rito. Halos matulig na nga siya sa mga pag-amin rito at heto, pinagtatawanan lang siya ni Axyl?
“What’s really funny?” Yamot na niyang angil rito. Akala ba nito madali lang para sa kanya ang mga pag-amin na iyon?
“Bigla kasi akong may na-realize.” Anito na malapad pa din ang ngiti. Umigkas ang kilay niya. “I thought you heard me saying I will never settle down? Bakit pinaniwalaan mo ang sinabi ng Papa na magpapakasal ako sa isang tagapagmana?”
Napatungo siya at mapait na ngumiti sa sarili. “Right.” Alam naman niya iyon. At wala pa din pala talagang nagbago. Wala pa din itong balak na magpatali. Pero ‘di bale na. Ayos na din sa kanya iyon basta ang mahalaga, sa kanya uuwi si Axyl. She’ll do better in bed para hindi ito maghanap ng iba.
Iniangat nito ang mukha niya. And kissed her lips with passion and revere. “I wouldn’t settle down if it was not with you.” He lips touched her shoulder. He nibbled her flesh and sucked it gently. Habang siya ay pilit na ini-process ang mga sinasabi nito. “And you are already great, you don’t have to prove yourself to me. I already love you the way you are. Kung alam mo lang, wala ka pang ginagawa ay halos mabaliw na ako sa ‘yo, Breonna.” Saka unti-unting ibinababa ang strap ng kanyang nighties. “Will you marry me?” At bago pa niya magawang magsalita ay sakop na nitong muli ang kanyang mga labi. He was kissing her savagely.
Natawa siyang bigla. “Why are you like that?”
Tumigil naman si Axyl sa ginagawa. Napakunot-noo pa. “Like what?”
“Are you proposing?”
“Yes?” Litong sagot nito.
“Then, sino bang nagpo-propose ang hinuhubadan ang pinaghahayinan ng proposal?”
Natawa na din si Axyl nang ma-realize ang ginagawa. “Damn! I’ve been crazy wanting to feel you again. So stupidly wanting to touch you and taste you. And now that you’re here in front of me, hindi ko kayang manatiling may damit at tinitingnan ka lang. I want you so damn naked and felt your warmth against me. I wanted to get inside you and fill you, right now, right here.” Hinapit siya ni Axyl sa baywang at idiniin sa katawan nito. “Feel what you did to me?” She couldn’t utter a word and unleashed her gasped.
“And about my proposal, you know that I wouldn’t take a no for an answer.” He grinned playfully.
Tinapatan niya ang kapilyuhan nito. She licked the side of his lips. Tongued his neck down and nibbled his flesh. She heard a wild groan from him that made her more turned on.
“Then… it must be a ‘yes’…” Sa nahihirapang tinig ay sambit nito. Halos marinig pa niya ang malalalalim na paghinga ni Axyl.
“I still have one question?”
Umungol sa pagtutol si Axyl. “Fire away.” Naiinip na sambit nito.
“Para saan ang white house at bakit may mga ganoong stuffs sa bahya na ‘yon?”
Umangat ang kilay nito. “For kinky purposes. Bondage was Erwan’s pettish. Siya ang may idea noon. Others were… you know. Men will be men—. Wait…” Bigla itong natigilan. “Were you ready for…” Tumitig ito ng matiim sa kanya. His eyes were darting sexily on hers, bahagya pang nakaawang ang mga labi at hindi niya matantiya ang intensity ng desire na biglang pumuno sa gwapong mukha nito.
Oh… she just wanted to touch him, right now.
“I wanted to try playing your toys, there, Axyl…” She coyly bites her lips. And Axyl just burst into sexy laugh.
“Soon, babe. Sa ngayon, pagbigyan mo muna ako.” Muli itong sumisid sa leeg niya.
Soon, the whole room was filled with their wild and passionate moans. Inaasahan na niyang walang katapusan ang pag-aalab ng kama ni Breonna.