Finding Carrot Man 1: You're My Shining Star Chapter 14

“Yes,” may kahinaang usal ni Hero. Wala itong magagawa kundi sundin si Amira ngayon. “Gusto ko nang makilala ang photographer. Nandito ba siya?”

“Kumain ka muna diyan. Tatawagin ko lang siya.” At narinig niya ang yabag ni Amira na papalapit sa balkonahe. Kumatok ito saka niya binuksan ang pinto. “Nandiyan na si Hero. Gusto ka daw niyang makilala.”

Pilit na ngumiti si Sunny at tinatagan ang loob. Kailangan niyang ipakita kay Amira na kaya niyang harapin si Hero. Parte ito ng trabaho niya. I am a professional. I am a professional.

“Hero, meet your new partner, Sunny Angeles. Sunny, this is Hero Gervacio. He is the writer of the book for Lambayans. Nagkakilala na kayo, di ba?” tanong ni Amira sa magaang boses at kunwari ay patay malisya sa pagtataboy sa kanya ng binata noon.

Naningkit ang may pagka-chinitong mata ni Hero nang makita siya. “Stalker ko ang kinuha mong photographer ko?”

“I am not stalker,” tanggi ni Sunny at iniwas ang tingin sa lalaki. Admirer lang siya.

“Kundi kita stalker, bakit nakasunod ka sa akin?” angil ng lalaki at binalingan si Amira. “Are you seriously trying to punish me for those six months? Alam ko na may kasalanan ako sa iyo pero kailangan bang ang babaeng iyan ang gawin mong parusa?”

Arouch! Parang isa akong sumpa kong makapagsalita siya.

“Parusa? She’s the one saving your ass and the book. She’s a good photographer. Have you seen her pictures?” tanong ni Amira dito.

“Just one. The one at the exhibit,” anang si Hero at tumingala sa kisame. Halatang di ito komportable sa usapan.

“At nagustuhan mo ang entry niya kaya mo siya binigyan ng star.” Bumuka ang bibig ng Hero para mangatwiran pero inunahan na ito ni Amira. “Hero, she is heaven sent. She has an interest in indigenous people. Handa siyang magtiis ng ilang linggo sa tribo na walang kuryente o modern amenities. Ni hindi nga siya umangal sa talent fee. Kahit libre okay lang daw sa kanya. She’s one passionate person.”

Tumaas ang kilay ni Hero. “Libre?”

“Yes. But I assured her that she will be well compensated for this project.” Tinapik ni Amira ang balikat ng binata. “So I want you to work with Sunny. Huwag mong hayaan na magkaroon ng aberya ang project na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Marahang tumango si Amira. “Yes. I will make sure that everything will go according to deadline.”

Saka lang ngumiti ang babae. “Good. Mabuti nang malinaw. I have to go. Naghihintay na sa akin si Francois.” Humalik ito sa pisngi ni Hero. “Ikaw na ang bahala kay Sunny. Ipabasa mo sa kanya ang research mo para may idea siya kung anu-anong shots pa ang kailangan mo. I trust you to work on this.”

WALANG kibuan sina Sunny at Hero habang bumibiyahe pabalik sa bahay ng huli. Naroon ang lahat ng files na kailangan niyang pag-aralan pati na rin ang mga larawan na kuha ng dating photographer nito.

Masyadong tahimik sa loob ng sasakyan. Halos hindi na makahinga ang dalaga sa tindi ng tensiyon. Halata sa mukha ng lalaki na ayaw nito sa presensiya niya. As if she didn't exist.

"Anong oras tayo aalis bukas?" tanong ni Sunny. Di naman pwedeng di sila magkibuan o hayaan lang itong magpanggap na invisible siya. Dalawang linggo rin silang magkakasama sa Lambayan. Kailangang masanay na ito sa presensiya niya.

"Alas singko,” sagot nito nang di man lang siya nililingon.

At least, sumagot ito. "Kailan mo sinimulan ang research tungkol sa mga Lambayan?" tanong niya sa mas magaang boses.

"Last year." Akala niya ay susundan pa nito ang sagot pero kasunod niyon ay narinig na lang niya ay ang ungol ng sasakyan.

"Buti naman pumayag ang mga Lambayan na gawan sila ng libro. Kasi sa pagkakaalam ko ayaw nilang makipag-communicate sa ibang mga tao ssa labas ng tribo nila. Hindi ka ba nahirapan na ma-interview sila noong una?”

“Sakto lang.”

Nadismaya si Sunny dahil kuripot ang sagot ng lalaki. Wala itong balak na patagalin pa ang pag-uusap nila. "Alam mo malaking bagay sa akin kung malalaman ko ang mga detalye ng research mula sa iyo. Kasi ilang linggo din naman akong titira kasama sila.”

“Anuman ang gusto mong malaman tungkol sa kanila, malalaman mo sa research. I will give you a copy of the draft.” Ihinimpil nito ang sasakyan sa harap ng bahay nito. “Don’t worry. The Lambayans are good people. Kahit paano sasabay na sila sa sibilisasyon dahil may sarili na silang eskwelahan sa tribo.”

Aba! At pinalabas pa siyang snob at ignorante ng isang ito. Gusto lang naman niyang malaman kung ano ang pakiramdam ng mga Lambayan lalo na’t kukunan ng larawan ang mga ito. Siyempre, may mga tao na di komportable na kinukuhanan ng picture. Kailan ba siya makakakuha ng matinong sagot mula kay Hero? Pero di naman pwede ang pagsusuplado nito sa kanya. Di niya ito uurungan sa pagkakataong ito.

Sinalubong agad sila ni Madam Caroline pagbaba ng sasakyan. “Congratulations, hija. Um-order ako ng miryenda kay Chef Aklay para i-celebrate ang partnership ninyo ng apo ko.”

“Lola, hindi na po sana kayo nag-abala. Nakakahiya naman,” anang si Sunny.

“Maliit na bagay lang iyan. Sa wakas matutuloy na ang project ng apo ko. Matagal ko na kasing hinihintay ang libro na iyon,” sabi ni Madam Caroline at hinawakan ang braso niya. “Gusto mo na bang kumain?”

“Lola, kailangan po muna naming magtrabaho. I am sure the food can wait,” sabi ni Hero at humalukipkip. “We so much catching up to do.”

Tipid na ngumiti ang dalaga. “Magtatrabaho lang po ako, Lola.”

“Sige. Alam ko naman kung gaano kaimportante ang project na ito sa apo ko.”

Nang dalawa na lang sila ni Hero sa loob ng library ay parang sinasakal ang pakiramdam ni Sunny. Nakatukod ang dalawang palad ng binata sa pine table nito habang matiim na nakatitig sa kanya na parang sinisino siya.

“Do you really like me that much? Nagawa mong kumbinsihin si Lola at si Amira para kunin kang photographer. At ginawa mo pang bargaining chip na magtatrabaho ng libre para lang tanggapin ka. Congratulations,” sarkastikong wika ng lalaki. “You got your wish.”

Tumayo siya sa tapat nito at itinukod din ang dalawang kamay. “For your information, di ko naman ugaling ipilit ang sarili ko sa taong gusto ko. Di naman ako ganoon kadesperada.”

“Really? That’s why you followed me here? Naring ko pa ang pagmamakaawa mo sa akin kahapon. So that’s not a sign of desperation?”

Naggiyagis ang ngipin ni Sunny. “Naka-move on na ako. Nandito na lang ako ngayon para magtrabaho.”

“Ah! So, ginamit mo lang ako para makuha mo ang trabaho.” Pumalakpak ito. “That is very, very clever. Maybe you told my cousin and grandmother about this serendipity lunacy and they bought it. Knowing they are hopeless romantic and all. And here you are. Lucky you.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.