Hindi ko nakayanan ang pinagsasabi ni Ate Rosan. Patakbo akong lumabas ng covered court habang nagsasalita siya. Ayokong makinig. Ayoko lang. May kung ano sa loob ko na hindi gustong makinig sa sinasabi ni Ate Rosan. Hayst.
I'm sorry, Ate. Pero thank you sa tubig.
At mukha yatang walang plano si Lyndon na tigilan ako. Tumakbo rin siya palabas ng covered court. Mas lalong naningkit ang mga mata ko at napagdesisyunang huminto sa alley. Humarap ako sa kaniya.
Bumagal ang takbo niya hanggang sa naging lakad ang paglapit niya sa akin.
Humakulipkip ako. "Let's get it straight to the point. Pagod na ako kaya sasabihin ko na sa 'yo. Wala akong kinalaman, Lyndon."
"All evidences are pointing at you, Rishell."
Umirap ako. "Ano bang pinuputok ng butchi mo? Walang biktima. Baka nga gawa-gawa lang 'yong putok ng baril na sinasabi ng dalawang testigo." Ngumuso ako. "Ang sabi ni Aling Pechay, lasing 'yong dalawang taga-Baclayan. Baka gino-good time nila 'yong mga pulis."
"Hindi ka naniniwalang may krimeng nangyari doon?" Naningkit ang mga mata ni Lyndon.
"Hindi." Pumalatak ako. "Wag ka ngang diretsong maniwala sa news. Kadalasan, fake ang mga 'yon."
"But the footage, the necklace and the letter, they are pointing at you!" frustrated niyang saad.
Napabuga ako ng hangin sa inis. "Ano bang pakialam mo? Saka, bakit? 'Yong sa footage, ansabi mo, puti at itim ang kotseng dumaan. Bakit 'yong puti lang ang t-in-race mo? Bakit hindi mo rin hinanap ang may-ari ng itim na kotse?"
"Because the authorities don't want to show the records of that black car to me."
Natigilan ako. W-What?
Ginulo niya ang buhok at nag-tiim bagang. "Records mo lang ang pinakita nila dahil hindi raw ako authorized na makita ang records ng may-ari ng itim na kotse."
"B-But... how about the footage? Sinong may-ari ng footage?"
"Jamaica."
Nahigit ko ang hininga. "A-Anong sabi mo?"
"Jamaica." Tumitig siya sa akin. "Jamaica Aliyah Estrella."
Napaatras ako. "A-Ano? 'Yang Jamaica..." Napalunok ako. "Isang CTU student? At kapatid ni Jonaira Apliya E-Estrella?"
Mas dumiin ang kunot ng noo niya. "Kilala mo ang pinsan ko?" manghang tanong niya.
"P-Pinsan?!"
Napakurap-kurap ako. Kung sinuswerte ka naman! Magpi-pinsan si Lyndon at Jamaica? Ibig sabihin... Nanginginig ko siyang tinuro. "Kayo... ikaw, si Kervy, at si Jamaica... magpi-pinsan kayo?"
Ilang segundo siyang tumitig bago tumango. Pagak akong natawa. Bakit ba napakaliit ng mundo?
"Now answer me. How did you know my cousin?"
"Naging classmate ko siya sa isang subject. At... at nasabi niya sa akin ang tungkol sa nangyari kay Jonaira." Nag-iwas ako ng tingin. Tinuon ko ang tingin sa nagliliwanag na kabahayan sa malayo. Umihip ang hangin sa pagitan namin.
"You know what happened to Jonaira..." Napansin ko sa gilid ng mata ang pagtango-tango niya. "So you knew why Jamaica hates Vine."
"Kaya nga." Napalunok ako. "Hindi ko maintindihan ang galit niya. Hindi ang Vine ang sumaksak kay Jonaira pero binubunton niya ang galit sa banda."
Ilang minuto siyang tahimik bago nagsalita. "Jonaira's murder happened on January 8, Rishell."
Mabilis akong napatingin sa kaniya. "A-Ano?"
Bumuntong-hinga si Lyndon. "Exactly four hours before that incident in Arbor."
Makailang beses na naman akong napalunok. "S-Sinasabi mo ba na magkaugnay ang dalawang nangyari? Jonaira's murder has something to do with Boljoon's missing victim?"
"Yes. That's why I'm keeping an eye to your idol Vine. Sila ang rason kung bakit tumakas sa curfew si Jonaira. Sila ang rason kung bakit nandoon siya sa concert. We don't know if they are capable of murdering someone."
"What?" Hilaw akong natawa. "Are you judging them?"
"No. I'm just telling the truth. That's why I'm here, observing their moves. Jamaica asked me to do this for the sake of justice."
Naningkit ang mga mata ko. "And you also accuse them that they have something to do with Boljoon's missing victim."
"Two consecutive murders are not coincidental, Rishell."
Natawa ako. "Bakit? Nakakasiguro ka ba talagang totoo ang sinabi ng dalawang lasing?"
Siya naman ang natawa at humalukipkip. "That two witnesses... that's I and Kurt Vincent."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko napaghandaan ang sinabi niya. Nakagat ko ang labi at lumunok na naman. Umatras pa ako. "Y-You and Kervy?"
"Funny how our worlds collided in one night," bulong niya.
"P-Pero..." Naghanap ako ng salita pero wala akong makapa. Lumunok na lang ako at tinanong siya. "Why are you telling me these? That's confidential. And it is not yet clear to you what was my role in that incident. Are you... giving me clues? What if I'm the murderer?"
Humalakhak si Lyndon. Tumango-tango. "Now, you admit it?" Pinatunog niya ang dila. "Don't worry. I just know that you're not the suspect."
Umawang ang labi ko. "H-How?" impit kong bulong.
"Because if you're the suspect, you will never leave a single trace. Murderers don't want to show their face to the public. Leaving a trace means admitting that you have murdered someone."
Napahinga ako nang malalim, kasabay ang sirena ng police car na dumaan sa highway sa likuran ko, at unti-unting nawala.
PAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Lyndon, hindi ko na inaksaya ang oras. Bumalik ako sa hotel. Inalam niya kung saan ako nagi-i-stay at hinayaan ko na lang. Wala naman akong magagawa kasi magtatanong 'yon kay Papa. At si Papa? Naku, walang preno ang bibig no'n pagdating kay Lyndon. Tiwalang-tiwala siya sa lalaking inyehero. Hindi ko naman gustong magsinungaling kay Papa tungkol sa location ko.
Nagpabaling-baling ako sa kama. Hindi ko gustong umamim na nandoon nga ako sa crime scene pero nadulas ang dila ko. Na naman. Hayst, Rishell! Bakit ba palagi kang nadudulas kapag kausap ang inyeherong 'yon? Una, doon sa booking ng plane ticket, tapos ngayon... tungkol sa nangyari two months ago?
"E! Bakit 'yon pa?" inis kong sambit.
Biglang may kumatok. Bumangon ako at pinagbuksan ng pinto ang taong kumatok. Isang hotel crew. Ngumiti siya sa akin. "Good evening, Maam. May nagpaabot sa reception nito. Para sa inyo raw 'to."
"Ah, sige, salamat."
"Mabuti po at naabutan ko pa kayong gising. Akala ko po natulog na kayo agad pagkakuha ulit ng key card. Nagmamadali kasi 'yong lalaking nag-abot niyan at sinabing urgent."
"Gano'n ba? Salamat ulit."
Nagpaalam siya. Sinara ko ang pinto at tiningnan ang sobre. Nilabas ko ang letter doon. Tumaas ang kilay ko nang mapagtantong scented paper 'yong pinagsulatan ng letter.
Rishell,
Hindi na kita nakita pagkatapos ng concert. Ayos ka lang ba? Text mo na lang ako kapag natanggap mo 'tong sulat. Wag ka na lang tumawag dahil tiyak na naghihilik pa ako ngayon sa pagod. Salamat sa suporta, Rishell.
Love,
Tiden.
Napangiti ako. Tiningnan ko ang wall clock. Alas-dose na. Baka nga naghihilik na 'yon sa pagod. Lumapit ako sa kama at in-text siya.
To Tiden: Natanggap ko. Salamat. Good night. :)
Nahiga ulit ako sa kama at ilang minutong tumitig sa kisame bago pumikit.