Chapter 16
Skandalo
Hindi ako lumabas sa aking bunggalow mula pa kaninang umaga. Kinakabahan ako sa mga maaari pang mangyari. Naging pabaya kami sa aming galaw at hindi nag isip na puwedeng may makakita.
Hanggang kailan ang sekreto naming ito? Sino pa ang maaaring makakita sa amin? Hanggang kailan ang pagtatakip nilang ito?
Natatakot na ako sa mga puwedeng mangyari. Parang ayoko na munang pansinin o kausapin si kuya dahil alam kong may malisya na iyon sa mga mata nang aking mga pinsan.
Nakadapa ako sa kama at ilang beses na nag sscroll sa facebook. Ilang pictures ang nilike ko na pinost ni Vivoree. Hindi ko talaga matanggal ang aking mga mata sa aming pictures ni kuya. Ang kamay niya na nasa baywang ko. Ang pag akbay niya sa akin ay nakakapatindig ng balahibo ko.
Damn, I am inlove with my brother.
"Anak! Hija! Lumabas kana kakain na tayo!" sigaw ni mama sa labas ng aking bunggalow.
"Susunod ako ma!" sigaw ko pabalik.
Nag ayos na ako ng sarili bago lumabas. Mamasa masa pa ang aking buhok kaya nilugay ko nalang ito.
Hinila ko ang bohemian dress sa aking maleta at sinuot ito.Sa loob ng aking dress ay mustard na two piece. Gusto kong maligo. Last day na namin ngayon at bukas babalik na kami. Bale bukas absent kami dahil umaga ang biyahe namin pauwi.
Kinakabahan ako nang lumabas at pinuntahan ang cottage na okupado namin nang dalawang araw. Doon kami uminom kagabi. Doon rin kami kumakain. Nandoon na silang lahat ng dumating ako.
"Napasarap yata ang tulog ni Ara ah." Sabi ni tita Chimen. Ngumiti ako sa kanilang lahat.
Awkward ang bawat galaw ko dahil alam kong may mga matang nakamasid sa akin. Mga mata ni kuya at mga mata nang aking mga pinsan.
"Grabe yung FL mo sa post ko Ara." Si Viv habang nag cecellphone at kumakain. Maingay na ang aming pamilya. Nakikisabay ang ingay ng kutsara at tinidor sa usapan namin. Si Viv lang ang kinakausap ko.
Habang kumakain ay ay umingay ang aking cellphone. Uminom ako ng tubig at binasa iyon. Halos maihulog ko ito ng makita ang message ni kuya Santi sakin.
"Baby, are you mad?"
Hindi kopa nadidelete nang may isa pang message mula sa kanya.
"Please, tingnan mo naman ako."
Nagkukumahog na ang puso ko sa mga binasa kaya tiningnan ko siya. Nasa kabilang mesa sila nu Andre na katabi niya. Habang nasa harapan nila si Niko at walang imik. Kasama rin nila si Sky at Spike.
Umiwas ako ng hindi ko makayanan ang bigat ng kanyang mga tingin.
"Uy si Ara. Puro nalang cellphone kahit kumakain. Naalala ko nang kabataan ko ganyan rin ako." Si tita Chimen at nanunukso sa akin.
Tinukso pa ako ng iba kong tito at ni tita Carmen.
"May manliligaw yan si Ara, si Saymon. Matalino at guwapong bata." si mama at nakangisi sa akin.
"Ilang taon na nga ba itong si Ara Mona?" Tanong ni tita Chimen.
"Seventeen. Huli na kasi iyang nakapag aral e."
"Malapit na palang mag eighteen at dalaga na. Puwede na mag boyfriend. Tsaka hindi mo rin mapipigilan ang mga kalalakihan na mabighani ni Ara. Ka'y gandang dalaga."
Namumula na yata ang pisngi ko.
"Balak mo na bang mag boyfriend Ara? Boto ako kay Saymon." Si mama na nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung sasagutin ko dahil alam kong nakikinig si kuya.
"Uh puwede-"
"Ara pa abot naman nang tubig." hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumulpot si kuya. Napabuga ako sa hangin at nanginginig na inabot sa kanya ang tubig. Nasa likod ko siya at nakahawak na sa balikat ko. Pinipisil niya iyon.
"Uh excuse me. Gusto ko rin ng tubig Ara."
Shit. Biglang sumulpot si Niko sa aking likuran kaya nahawi si kuya. Si Niko naman ngayon ang nasa likuran ko.
"May sayawan pala mamaya sa phase two nitong Resort. May mga sikat raw na banda ng dadating. Punta tayo mga kuya?" tanong ni Vivoree kay Sky at Spike na step brother niya.
"Sige bah. " Sagot ni Spike na nasa kabilang mesa.
Tumango naman ang seryosong si Sky at napatingin sa akin. Nakakahiya talaga!
"E ikaw kuya Santi? Pupunta kaba?" tanong ni Viv kay kuya.
Naramdaman ko na naman ang kamay nito sa balikat ko. Nasa likod ko na naman siya.
"Pupunta ka ba Ara?" imbes ay ako ang tinanong nito. Nanlalamig ang katawan ko. Napatingin ako kina mama, magkausap sila ng mga ate niya.
"O-Oo.."
"Sasamahan ko si Ara." sagot ni kuya.
"Ako rin." Singit ni Niko.
Narinig ko ang mahinang pagmumura ni kuya sa kanila. Alam kong iniiwas kami nila sa posibleng makakahalata. Naninikip ang dibdib ko sa mga nangyayari.
Pinilit kong wa'g magreply at sulyapan man lang si kuya. Pinili ko maging bingi at bulag habang kumakain.
Pagkatapos kumain hinila ako ni Vivoree sa mga pamilihan ng mga souviner's. Marami akong nakitang nga bracelets, kwintas, at ang nakakuha ng atensyon ko ay 'yung earrings.
"Viv para sa ano to?" tanong ko.
"Tongue?" sagot niya sakin.
Naalala ko ang hikaw ni kuya sa dila.
Kinuha ko iyon at isasama ko sa mga bibilhin ko.
"May hikaw ka sa dila Ara?"
"Nope." Sagot ko at tahimik lang na namimili ng mga wallets.
"Si kuya Santi meron di'ba?"
"O-oo."
Dalawang supot ng plastik ang aming dala habang namamasyal. May mga nagpapahena tattoo kaming nakita. May mga banyaga rin kaming nakita. May mga free taste ng inumin.
"Ara halika !" Hinila ako ni Viv papunta sa free taste ng mga vodka.
"Free taste po ma'am! At kung magustuhan ang lasa meron kami dito at may discount pa."
"Puwede po bang patikim muna?" Humagikhik si Viv. Alam ko na to e. Gusto niya lang uminom ng libre.
Binigyan kami ng ilang free taste. Hindi pa naman ako sanay uminom. Mabilis akong mahilo at masuka.
Nag iinit ang pakiramdam ko habang namamasyal kami.
"Walang hiya ka Viv. Nakakahiya ang pag ubos mo sa isang bote ng vodka. Hindi ka naman pala bibili."
Tumawa ito ng malakas. Panay ang selfie naming dalawa.
"Diskarte lang yan Ara."
Hinila ako nito bigla at sumilong kami sa lilim ng niyog. Nagkalat ang mga dayuhan at iilang tao sa paligid. Marami ring pamilihan ang nakahilera.
"Ang hot ng foreigner oh." Tinuro nito ang isang lalaking may lahi. Brown ang buhok nito at shit..nakatopless.
"Ang guwapo." wala sa sariling nasabi ko.
"Sinong guwapo Ara?" May biglang umakbay sa akin at ako'y natuod.
Damn.
"Oh kuya Santi! Kayo pala!" Masiglang sabi ni Vivoree.
Nakagat ko ang labi at hindi man lang makagalaw.
"Kanina pa namin kayo hinahanap." bulong nito sa akin.
"N-Namasyal kami."
Nangunot ang noo nito at inamoy ang labi ko. Halos takpan ko ang aking bibig. Umawang naman ang labi ni Niko dahil akala niya hahalikan ako ni kuya.
"Uminom ka?" seryosong tanong nito.
"It's my fault kuya Santi. Free taste lang sana ' pero naparami." Si Viv na ang sumagot.
Pasimple kong hinawi ang kamay ni kuya sa aking baba.
"Halika Ara mas malinaw ang dagat doon. Maligo tayo." Hinila ako ni Niko at Andre papuntang dagat.
"Damn, Santi is so reckless. Kung ano ang gusto niya gagawin niya." Si Niko at marahas na sinuklay ang buhok.
"That's why kailangan nating bantayan. Knowing Santi since birth matigas ang ulo ng ulol na yun."
Naninikip ang dibdib ko habang nakikinig sa usapan ng aking pinsan. This is really happening? Pinagtatakpan ako ng mga pinsan namin. Hindi kami nila hinayaang mapahiya. Inintindi kami nila sa kabila ng aming kamalian.
"N-Niko , Andre. . . s-salamat ha?" hindi ko silang magawang tignan.
Narinig ko ang pag buga nila ng hangin. "Hindi namin alam kung hanggang kailan to Ara pero hangga't makakaya namin. Tutulong kami. Mahirap lang kontrolin si Santi."
Tumango ako bilang pag sang ayon.
"Malaking skandalo to Ara. Ayoko mang sabihin to pero walang sekreto ang hindi nabubunyag Ara." seryosong sabi ni Andre na ikinakaba ko.