Chapter 20
Mama
Matapos maaberya sa gilid ng madilim na daan, naayos ni kuya ang sasakyan niya. Kumain kami ng ramen sa isang mamahalin na Restaurant.
Napatingin tingin ako sa paligid ng magarbong resto. "Kuya, masyadong mahal naman dito."
Nasa harapan ko siya at nakataas ang kilay. Nagsisinuplado na naman ito sa tuwing kakausapin ko siya.
Napatingin tuloy ako sa limang plastik ng napkin sa gilid ko. Pagkatapos kaming bumili sinamahan niya ako sa comfort room magpalit ng napkin. Syempre sa labas lang siya.
Base sa mukha nito hindi parin ito maka move on sa tampons. Galit talaga siya sa tampons!
"Kuya, di'ba ililibre mo pa yung mga kaibigan mo mamaya?" tanong ko ulit ng hindi ito sumagot.
"Ililibre ko nga sila, ikaw pa kaya?" He sigh. "Just eat ,Ara."
Nagsimula na akong kumain ng ramen, at masasabi kong masarap at maraming sahog 'to.
"Kailangan mo parin magtipid kuya,"
"Sanay akong magtipid, Ara. Pero, kapag sayo ,gagastusan kita kung anuman ang gusto mong bilhin."
Maraming priority ang kumakatok para kay kuya. Hindi ko pa alam kung ano ang mga plano niya. He's graduate with honor,alam kong maraming hospital ang gusto siyang kunin.
He's brilliant and smart. Kahit may pagka matigas ang ulo ,umiinom at naninigarilyo, hindi niya pinapabayaan ang pag aaral niya.
He's responsible too.
Huminga ako ng malalim pagkatapos uminom ng tubig. "Graduate kana. Ano na yung nga plano mo kuya?"
"I need some more experience, Ara. Marami pa akong pag aaralan. Pero dito lang sa Manila ang plano ko."
"Paano kung may offer ka abroad?" Tanong ko.
Umiwas ito ng tingin sakin. "Dito lang ako."
Nanahimik narin ako matapos kong marinig iyon. Ayoko siyang pangunahan. Nandito ako para suportahan siya kaya kung ano ang gusto niya ,susuportahan ko siya.
Days pass like a wind. Maraming nagbago,mas naging busy si kuya sa pinapasukang hospital. Minsan nalang siya sumasama sa lakad ng barkada niya. Minsan narin gumagala ang mg barkada niya dahil kapwa busy ang mga ito. At ako, inabala ko ang sarili sa pag-aaral.
Tulad sa mga nagbago, nagbago rin ang pakikitungo ni papa kay mama. Akala ko ayos na sila,pansamantala lamang pala ang pag-aayos na iyon.
May mga gabi na naglalasing na naman si papa. May mga gabing nagbabasag ito ng gamit at si mama ay naririnig kong umiiyak.
"Ayoko nang marinig ang pa ulit ulit na paliwanag mo Mona!"
"Alfonso naman!"
Tinakpan ko ang tenga at tumakbo papasok sa aking kwarto. Hindi ko sinasabi ang tungkol dito kay kuya dahil alam kong busy siya sa trabaho. Unang sahud ni kuya ay nagdagdag siya ng hulugan na van sa pinarerentahan ni papa. Malaki rin ang naitulong ni kuya kay mama at papa. At ayoko nang dagdagan ang hidwaan ni papa at kuya. Dahil alam kong magagalit na naman si kuya kay papa.
Umiiyak akong humiga sa kama at siya ring pag tunog ng aking cellphone. Pinunasan ko ang luha ng makita ang pangalan ni kuya.
"H-Hello?" sagot ko.
Tahimik siya sa kabilang linya. May mga ingay akong narinig mula sa mga kasama niya doon.
"I'm just checking on you. Are you okay?" He asked.
Nangingilid ang luha ko.
"O-Oo naman, night duty?"
"Oo. Maraming pasyente. Baka, tanghali ako bukas tatawag."
"Hm,sige. Wag magpagod."
"I will. Ikaw ang wa'g magpagod , Ara. I'm not weak like you." his voice was husky.
"Yabang!"
He chuckled. "I'm miss you.."
"Hm,me too. Pero mas importante trabaho mo. Maraming nakasalalay na buhay sayo araw-araw."
"Yeah, and a bit pressure."
"Kaya mo yan.."
"It's all for you and mama , Ara."
"Dok Sandoval?" A sexy voice interrupted.
Napawi ang ngiti ko.
"Yes?" Sagot ni kuya.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot sakin at pinatay ko na ang tawag. He's busy at ayokong maging sagabal.
Mas maaga ako sa eskwelahan ngayon. Ayoko kasing baba sa hagdan na bubungad na naman sakin ang pag aaway ni mama at papa. Hindi rin malakas ang loob ko magtanong kung ano na naman ba ang problema.
Nangunot ang noo ko ng makitang kumpulan ang studyante sa pinto ng classroom namin. Kinabahan ako ng tumingin ang mga ito sakin.
Dahan dahan akong pumasok at nakita si Saymon na may hawak na bulaklak at malaking teddy bear.
Shit.
Umawang ang labi ko sa nakita. Nanunudyo ang mga ka klase ko at tinutulak tulak ako. Maraming nakakaalam sa panliligaw ni Saymon sakin. Hindi ako bothered dahil klaro sakin ang nararamdaman ko sa kanya. I think, dapat ko narin klaruhin ito sa kanya.
"Ara, para sayo.." humiyaw ang mga nakatingin.
Peke akong napangiti at tinanggap ang bulaklak at teddy bear.
"Saymon, nakakahiya."
"Hindi Ara. Matagal na akong nanliligaw at sana ngayon, matanggap ko na ang matamis mong oo.."
Napapikit ako ng tumili ang aking mga kaklase.
"Hmm, Saymon, mag usap muna tayo nang tayo lang kasi uh, nakakahiya."
"O' Sige."
Nasa grandstand kami at nilalaan ang ilang minuto bago mag bell for first period.
"Saymon, alam mo kasi, mga bata pa tayo di'ba?"
"Alam ko naman yun Ara. Pero hindi ako titigil. Alam ko naman na hindi kapa handa pero maghihintay ako kahit gaano pa katagal."
Nakaramdam ako ng guilty pero hindi ko dapat sabihin.
"Saymon....hindi ako magpapaasa sayo. Kasi...-"
"No ,it's okay!" He laughed awkwardly.Napakamot rin ito sa kanyang batok at namumula. Hindi ko talaga gustong manakit ng mabubuting tao.
"Pasensya na Saymon ha. Kasi mas mahirap kapag pinapaasa ka. Pero mananatili akong kaibigan mo. At, pupunta ako sa birthday ng mama mo. " Pampalubag loob ko sa kanya.
"Talaga? Sige!"
Naging magaan parin ang ere sa aming dalawa ni Saymon. May mga nagsabing sinagot ko raw si Saymon. May mga nagsabi rin na binasted ko raw. Nanatili nalang akong tahimik.
I like my course a lot kaya napaka attentive ko palagi. Matapos ang araw at bago umuwi ay nilabas ko sa stock room ang canvas ko.
Si kuya while wearing a doctors gown at may salamin sa mata. He looks so matured in my canvas. Nakita ko lang to sa stolen shot sa isang facebook page ang litrato na ito ni kuya. Na featured siya as Pinoy hotty at sobrang proud ako sa kanya. Kung hindi ko pa sinabi hindi niya alam na naka ten thousands likes , eight hundred comments and one thousand shares ang stolen shot niya na iyon.
He's really exposed right now pero siya nagpapaka busy sa trabaho niya. Simula ng magtrabaho siya wala na siyang masyadong bakanteng oras.
Kaya bago ako umuwi naisipan kong ibigay itong drawing ko sa kanya. Bumili narin ako ng makakain niya sa jollibee at drinks.
Minsan narin ako nakapunta sa hospital kung saan siya nakaduty kaya kilala na ako ng on duty nurses doon. Ang alam kong pasok ni kuya ay three Pm to three Am.
May nakasalubong akong nurse na kilala si kuya.
"Uh, excuse me. Nasaan po ngayon si kuya?"
Hinihingal ito at may hawak na mga gamit na may mga dugo.
"A-Ara..n-nasa ER siya."
"Uh, sige-"
"Excuse me.." Tila nagmamadali ito dahil tinawag ng kasamahan niyang nagmamadali rin.
Naisipan kong pumunta na muna sa office niya dito pero may kung ano sakin na gustong tignan ang kanyang ginagawa sa ER.
Kaya doon na muna ako unang pumunta hawak ang supot ng jollibee.
Papalapit na ako sa pintuan ng biglang lumabas doon ang tatlong nurse na tila pagod.
"Ilang beses sinurvive ni Dok Sandoval ang patient. Wala na talaga e.."
"Nakakaawa nga e..mama ata' nila yun."
Nanlamig ako sa narinig at tila lutang na tinakbo ang pintuan ng ER. Lumagapak sa sahig ang supot na dala ko. Nanlalamig rin ang aking katawan. Tila wala akong narinig kundi tibok lamang ng aking puso.
"Kuya!" tila naging mabagal ang lahat ng makita ko si kuya na niyayakap ang duguang katawan ni mama at. . . wala nang buhay.
"Mama. . . kasalanan ko. Wala akong silbi." Kuya cried.
May dalawang doktor sa gilid at nakayuko.
"H-Hindi!" niyogyog ko si mama. Pilit binabalik ang buhay sa katawan niya.
"Mama maayos kalang kahapon di'ba! Mama!"
Nanghihina na nilapag siya ni kuya at marahan akong niyakap at sinubsob ang mukha saking leeg.
"S-Si mama kuya!"
"Hindi ko nagawa Ara. Hindi ko nagawa.Patawad."
Nakita ko ang katawan ni mama na puno ng sugat at maraming dugo ang ulo. May kung anong aparato sa katawan nito.