Forbidden Novels Chapter 22

Chapter 22

Wake up

Malakas ang enerhiya ng kanyang mga tingin. Tila hinihigop nito ang aking pagkatao. Umiwas ako at pinalis ang luha saking mga mata.

Ini-off ko ang tawag, "Si Andre. Magpapasundo sana ako." mahinang sagot ko.

Humakbang siya isang beses sakin , saglit napatigil ng makita niyang umatras ako.

"Umiyak ka.."

Umiling ako, "Wala to, namimis ko lang si mama."

"Bakit ka umalis?" nagdududang tanong nito.

Gusto ko sanang sumagot pero hinawakan na ako nito sa kamay at hinila pabalik sa loob ng office n'ya.

Wala na si Flor ng bumalik kami. "Nasan si Flor?" I asked him.

Umupo ito sa swivel chair niya at hinarap ako.

"I know you're jealous ,Ara."

Natahimik ako. Umupo ako sa couch malapit sa swivel chair niya.

"Sinigawan mo'ko.." sabi ko.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Kinuha nito ang kamay ko. "I rattled dahil nadala na ako sa nangyari kay mama ,Ara. Tuwing may mga pasyente ako natatakot akong magaya sila kay mama at kargo de konsensya ko iyon, Ara. I'm sorry if you've got jealous. Ara, mahal kita. Hindi ako naging baliw nang ganito noon Ara. Ngayon palang, trust me, para sa atin itong ginagawa ko."

I was contented with his words. Pinanghahawakan ko ang mga iyon.

Nong gabing iyon tinext ko si Andre na h'wag na akong sunduin dahil sasama si kuya Santi sakin papunta sa resto na pagdadausan ng party ni Sky.

"Out kana kuya? Di'ba dapat three AM pa?"

"Si Flor na ang bahala." Sagot nito.

Lumabas kami ng hospital at nakitang binuksan niya ang isang Wigo na kulay itim.

"Kaninong sasakyan to kuya?"

Nangunot ang noo nito bago ako binalingan. "Akin.."

Lumapad ang ngisi ko. Proud narin ako dahil sa mga achievements niya.

"Wow! Matutuwa si papa nito!"

Tumango siya at sumunod sakin ng excited akong pumasok sa kotse niya. Hindi man expensive, still, sariling sikap niya parin ito.

"Magpapadala ako ng bigas bukas sa bahay. Don't tell papa."

Natahimik ako dahil hanggang ngayon,galit parin siya kay papa.

Hindi ko siya masisisi. Dahil ako mismo saksi sa pambabae ni papa noon. Tinanggap namin na may anak siya at pamilya sa iba. Nagbago nga siya, pero panandalian lang.

"Bumalik ka nalang kaya sa bahay kuya..." wala sa sariling sabi ko. Nasa daan ang aking tingin.

"I can't." maiksing tugon nito.

Sa Restong sinabi ni Andre ay intimate lamang ang naging dinner. Isang VIP lounge ang aming puwesto. Nakapag bihis narin ako sa hospital kanina dahil palagi akong may dalang extra shirts and pants.

Sari saring putahe ang nasa harapan namin. May pang himagas rin.

Nandito si kuya Spike, Andre, Niko, at Sky. Kurbang palibog ang aming pwesto kaya nakikita ko lamang ang ibang pumapasok.

May isang babaeng kumakanta sa mini stage. Mabini ang boses nito at nakakaantok.

"Busog nako!" si Niko. "Thanks Sky! Happy birthday ulit!"

"Thanks!"

Tahimik na tao si Sky ,mas madaldal pa nga si Spike sa kanya.

"Ang boring walang inuman!" ungot ni Andre.

"Sinong nagsabing wala?" si Kuya Spike. Nakapolo pa ito ,halatang galing trabaho.

Tahimik lamang si kuya sa tabi ko at ramdam ko ang kamay nito sa aking likod.

"May inuman?" nakakunot ang noo ni Andre.

"Oo, sa pad ko. Doon tayo mag inuman para safe. Hindi puwede sa dorm niyo di'ba?"

"Oo bawal." Si Andre.

"Ikaw Santi? Kailan ka lilipat ng pad? Afford mo naman yun di'ba?"

Kanina puno ng kantyaw si kuya dahil napalitan na ang kinakalawang niyang sasakyan.

"Ayos lang." Maiksing sagot nito at uminom ng tubig.

"It's up to you. Tsaka tanggapin mo na ang offer abroad. Malaki ang opportunity Santi, sayang rin."

Napakagat labi ako at yumuko.

"Ayos lang ako dito." Ramdam ko ang tingin nito sakin. "Wala akong rason para umalis."

Shit.

Our months became smooth. Mas naging hectic ang schedules ni kuya to the point na hindi kami nagkita almost a month. Kaya medyo matamlay ako. Hindi magsakto yung schedules namin. I just busied myself with my paintings.

Ilang bumisita sa eskwelahan ang nagustuhan ang mga iyon lalo na yung "The moon and ocean", ang painting ko na hinalintulad ko sa sitwasyon namin ni kuya.

Hindi ako pumayag tsaka hindi ako ganon ka confident.

"May carreer ka sa industriya at sining miss Sandoval."

Yan ang palaging linya sa akin ni Miss Garcia. I was flattered dahil para sakin, hindi ganon ka ganda ang gawa ko na pwede kong ipaglaban sa ibang paintings pero naaappreciate ng iba.

One rainy afternoon nang tumawag si kuya.

"Hello.." matamlay na tanong ko. Nagsasalamin ako sa comfort room ng aming campus.

Kasabayan ko ang iba't ibang studyante. Nginingitian ako ng mga ito.

"I'm sorry baby, marami akong trabaho-"

"Masusunod mo ba ako?" I sounds like a demanding girlfriend.

"Of course." His voice was husky.

Umirap ako dahil ilang ''ofcourse" na ang narinig ko mula nang nagdaang buwan. Malapit narin ang birthday ko. Malapit na ang debut ko. Times flies so fast nga naman.

"Talaga?" Sarkasmo ang boses ko.

"Baby please, h'wag na natin pag-awayan. I'm tired."

Naguilty ako bigla. "Okay, pasensya na."

Hindi ko na kayang habaan ang usapan namin at kusa ko na iyong pinatay. Pakiramdam ko, nag iisa nalang ako. Nag-iisa sa madilim na espasyo. Nangangap at nag aabang kung ano ang maaaring mangyari.

Sa bahay tuwing gabi ang pag-aamok ni papa. Naglalasing na naman ito.

Isang pagkabasag ng vase ang narinig ko sa ibaba kaya bumangon ako at tinungo si papa.

He was lying on the floor helplessly.

"Mona...Mona..Hindi ko pala kaya.."

Pa ulit ulit na sambit nito. Dumaloy na naman ang aking luha. Binuhat ko ang walang malay na si papa at dinala sa kuwarto.

Pinunasan ko siya ng maligamgam na tubig habang nakahiga.

"Ara..a-anak.."

"Papa m-matulog na kayo." Pumiyok ang boses ko.

"Iniwan na tayo ng mama mo." Pumikit ako ng mariin.

"Papa.."

"Kaya ko siyang patawarin Ara. Oo nagalit ako ,hindi ko kayang tanggapin kahit ilang taon na ang l-lumipas p-pero ang sakit..Ara..ang sakit."

Humagulhol ito hanggang sa nakatulog. Punong puno ako ng luha habang pinagmamasdan si papa na nakatulog.

Wala na ang masayang pamilya namin noon. Hindi na iyon maibabalik pa. Ito na ang pinakamasamang nangyari sa aming pamilya.

Gusto kong bumitaw sa pagkakatayo pero kung lulugmok ako ,walang makakatulong sakin o samin kundi kami kami lang.

Wala kaming pasok kaya napag isipan kong mag online habang nagluluto. Nagluluto ako ng ulam para dalhin kay kuya.

I was browsing my phone nang may nahagip ang mga mata ko.

Naningkit ang mata ko nang makita ang petsa ng photos na nakatag kay kuya.

It was last night.

Akala ko, natulog na si kuya?

Naka black t shirt ito habang nakahawak sa baywang ni Flor. Halo halo ang circle nila. May business man, architect at mga models. Hindi ko maikakailang na nababagay si kuya sa kanila. He's success..

Ang bawat achievements nito kapalit ng unti unting pagkawala ng oras namin para sa isa't isa.

Inisa isa ko ang mga photos at nakitang nakahalik sa pisngi niya si Flor. May katabi rin siyang modelo.

Nakaramdam ako ng tampo. Parang natatakot na ako sa set up naming dalawa. Hanggang kailan kami tatagal? Papalayo na siya ng papalayo habang ako ay naiiwan at hindi na makasabay.

Pakiramdam ko one day, he will left me. He will left me with my bleeding heart. Natatakot akong mangyayari yun dahil kahit isipin ko palang iyon hindi ko na yata kaya.

Napakislot ako ng marinig ang katok sa pintuan. Pinatay ko muna anv stove at binuksan ang pintuan.

Nagulat ako ng makita si Flor sa pinto.

"Good morning! Bukas ang gate kaya pumasok na ako."

Ngumiti ako sa kanya. "W-Wala si kuya e..pasok.."

Pinapasok ko siya at hindi siya umupo. Imbes ay nilapitan niya ang aming mga picture frames.

"Oo, alam kong wala siya dito kasi nasa pad ko siya.."

Kumislot ang puso ko ng marinig iyon. Pinilit kong balewalain.

"Uh ganon ba? Anong gusto mo? Juice?" alok ko dito.

Ngumisi lang si Flor at kinuha ang frame na ang litrato ay si kuya at ako.

"Close na close kayo nang kuya mo no?"

Napalunok ako. Biglang bumigat ang paligid at kinabahan ako.

"M-medyo.."

She chuckled at napanguso sabay himas sa frame na hawak.

"Who would have thought... sa kabila nang pagiging kapatid ay may isang sekretong nagaganap?"

Hindi ako makatingin sa kanya. Dinama ko ang pintig ng puso ko tila sasabog na.

"Akala ko talaga noon overprotective lang si Santilior sayo. But...damn..."

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"There's something between you two...ayoko talagang paniwalaan ang mga nakita ko sa office ni Santi. You two kissed. Sinabihan mo siyang mahal siya.."

Namula ang mata nito at nanginginig ang labi.

"You two are Incest!" sigaw nito na ikinalaglag ng luha ko.

"Nakakadiri! Nakuha mo pang halikan ang kuya mo? Halikan lang ba talaga huh ,Ara!?"

Bumagsak ang luha ko na tinignan siya. "Wala kaming ginagawang masama."

I was cut off by her slap. Lumagapak ang palad niya sa pisngi ko.

"Wake up! Nabubulag kalang Ara kasi buong buhay mo si Santi lang ang lalaking nakasama mo! Open your eyes. Hindi kaba takot malaman ng pamilya niyo? Mag club ka! Mag boyfriend ka!"

"Hindi ako katulad mo Flor-"

"Atleast hindi kami magkadugo."

Shit!

"I am telling you this dahil concern ako kay Santi. Hindi mo alam ang mga nangyayari. Kung hindi dahil sayo sana hindi lang ganito ngayon si Santi. Balakid ka sa pangarap niya. He neglect the offer abroad dahil sayo! He rejected the offer from the highest hospital dahil ayaw niyang mapalayo sayo. Cant you see? Lahat nang tungkol sayo ay balakid sa mga pangarap niya."

"Umalis kana.."

"Hindi! Kung ayaw mong lumayo ako ang gagawa ng hakbang Ara. This is'nt for me kundi para sainyong dalawa."

"Pakiusap umalis kana!"

Ngumisi ito sakin at umiling. Litong lito na ako at sumasakit na ang ulo ko.

"I love Santi so much Ara. Alam mo yan....magkasama kami buong gabi. Kung mahal ka niya talaga magsisinungaling ba siya sayo? Hindi."

"You're trespassing Flor kaya umalis kana!"

"Nachachallenge lang sayo si Santi Ara. Hindi niya ako ikakama kung mahal ka niya." tinapik pa nito ang aking pisngi.

"Wake up Ara.It's not too late. Kung ayaw mo malaman ng lahat tungkol dito....luyuan mo si Santi."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.