Chapter 26
Kinang
Ang aking mga kamay ay may bahid na dumi, dumi ng pagpinta. Ginugol ko ang oras sa pagguguhit at hindi na pintulan ang pag anyaya ng mga ka klase ko sa akin na mag break. Hindi rin ako makapaniwala na kaya kong maging matalino sa bawat klase.
Libro, computer, paintings, at iba pa ang routine ko araw araw. Ang Linggo ay ginugugol ko parin sa pagpipinta. Dalawang linggo ang nakalipas at hindi ko na nakita pa si kuya. Hindi rin ako nakadalaw kay papa.
Yung pananabik ko sa pamilya ay binaling ko sa aking kinahiligan. Lahat na emosyon ko nilagay ko sa aking paintings. Maraming gustong bilhin ito at minsan, pinatulan ko na sa saktong halaga. Mahirap dahil studyante lang ako at may pangangailangan.
"Hmm..mga anghel ba 'yan Ara?"
Napalingon ako kay miss Garcia. "Opo!"
"Ang galing mo talaga , Ara. Sa paglipas ng panahon,lalo kang gumagaling.."
"Hindi naman po.."
Sinubukan kong tapusin ang kulang.
"Bakit anghel?" tanong nito sakin.
Huminga ako ng malalim. "Kasi, 'yong mga anghel ay wala raw gender Miss Garcia. Hindi rin daw nila alam kung.. baka...magkapatid sila o magkapamilya. Kasi raw kapag anghel ka,hindi mo na alam kung ano ang iyong kasarian at hindi mo maalala kung sino ang kaibigan o..pamilya mo. Kung anghel raw kasi..pantay pantay lahat.."
"You're such a mistery for me Ara. Alam mo ang gaan ng loob ko saiyo. Keep up the good work Ara. Nandito lang ako."
Ngumiti ako at tinapik ako nito sa balikat bago lumabas ng room.
Nag ayos narin ako para makalabas. Sinigurado kong wala na akong kahit na anong dumi sa mukha. Ngayon, may sarili na akong tambakan ng paintings ko. Medyo, marami rami narin kasi. Ang iba, dinala ko na sa bahay.
Tulad ng dati..nakaabang sa labas si Niko , Andre at Sky. Nakatingin na ang mga ito sakin ng lumabas ako.
"Hindi niyo na sana ako hinintay." Sabi ko.
Kinuha naman ni Andre ang aking bag at siya na bumitbit.
"Santi is getting worst Ara.." panimula ni Niko.
Dinagundong ang aking dibdib sa kaba. Kaba ng pangungulila.
"Sana kausapin mo siya." Sabi ni Andre.
"Akala ko ba ayaw niyo sa relasyon namin noon ni kuya?"
Huminga ng malalim si Andre at ginulo ang buhok. Tahimik naman sa tabi si Sky pero nakatingin sa akin.
"Hindi mo kasi alam Ara. Ibang iba na si Santi! Nagiging terror doctor na!"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Andre.
"Cool down muna tayo guys! Inom tayo mamaya, libre ko." Pag anyaya ni Niko. Iniiba ang usapan.
"Cool.." sagot ni Sky.
"Sama ako.." Sabi ko.
"Minor is not allowed." Si Niko, "Pero pinsan kita..sige nalang!" Ginulo pa nito ang buhok ko.
Hindi mawala wala sa aking panaginip ang mga nangyari samin ni kuya sa loob ng sasakyan niya.
Pakiramdam ko hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang bawat dampi ng labi niya at nga haplos niya.
Ayoko na maging magulo ang lahat. Pag hindi ko ginawa ang tama ,kakalat ang video namin ni kuya. Ayokong masira ang mgaT oppurtunity ni kuya ngayon. Malalaking hospital ang nag ooffer sa kanya abroad kaya sayang rin.
Sisirain lang siya ng aming makasalanang pag ibig. Hindi ko yon kayang mangyari.
Nang gumabi na, sinundo na ako ni Andre at Niko sa bahay. Hindi ko pinababayaan ang bahay namin. Nililinisan ko ito at pinaganda pa. Ito lang meron ako ngayon. Kaya hindi ko pwedeng pabayaan. Tsaka, isa narin ito sa mga alaala ni mama samin.
"Kamusta si Tito Alfonso?"
Ngumuso ako, "Hindi ako dun pumupunta e."
"Seriously Ara?"
"Niko, hindi pa ako handa na magkaharap kami..natatakot ako."
"Dapat lang talaga.." Andre butt in.
Nangunot nalang ang noo ko at umiwas. Mas pinili nalang tignan ang iba't ibang kulay ng mga gusali. Si Niko ang nag ddrive sa bago niyang kotse. Bigay ito ni tita sa kanya. Legal age naman siya kaya pwede na at may student license.
Hindi ako pamilyar sa club na pinuntahan namin. May mga studyante akong namumukhaan. Maraming sumasayaw sa dance floor. Hanggang tatlong palapag itong club. Sa ikalawa ay may mga billiards. Sa ika'tlo raw ay mga VIP space.
Hinila ako ni Andre at Niko sa pinakadulo at nakita ko na doon si Sky. May inumin na doon at busy ito sa cellphone.
"Mas masaya sana kung nandito si Santi.." Sabay upo ni Niko. Tumabi ako sa kanya. Bale ang kabila ko ay si Sky.
"Kung nandito si Santi..gugulo lang."
Sumenyas si Andre sa waiter. Tumingin naman si Niko sakin.
"Oo nga pala, possessive pala yun."
Huminga ako ng malalim at kinuha ang beer na nilapag ng waiter.
"Oh Ara. Hanggang tatlo kalang ha?"saway nila sakin.
"Kayo ang wa'g masyadong maglasing kasi isa sainyo ang mag ddrive."
Lumipas ang oras na wala na ang dalawa saking tabi. May kasayawan na si Andre sa dance floor at si Niko ay hinila ng isang babae palabas. Habang si Sky ay sinasaway ako bawat kuha ko ng beer.
Umiinit na ang sistema ko at nahihilo sa mga makukulay na liwanag.
"Ang hirap pala magmahal no?" wala sa sariling sabi ko.
"Sabi ko naman sayo di'ba? Minsan ,paganahin rin natin ang utak hindi puro puso."
"Sabi mo noon...naranasan mo na magmahal? Pero, hindi sayo?" Tiningnan ko siya sa mata. Mapupungay na ito at malalalim ang mga tingin sakin.
Umiwas ako.
"Dahil alam ko na.. wala na akong pag-asa Ara. Pero kung ako ang masusunod...liligawan ko sana siya."
"Ba't hindi mo ligawan?" Tinungga ko ang beer. Pumikit ako at hinilig ang ulo sa sandalan ng mahabang sofa.
Umiikot na talaga ang paningin ko at humihilab na ang aking sikmura.
"Mahirap Ara..alam kong wala akong laban."
"Kung mahal mo Sky..ipaglaban mo." Dumilat ako.. malapit na pala siya sakin at nalulunod na ako sa mga tingin nito. Tila nawala ang ingay ng tugtog. Wala na akong makita kundi kaming dalawa lang..
"H'wag kang gumaya sakin Sky, naging duwag ako."
Pumikit ito ng mariin. He licked his lips before cupping my cheeks. "May pag-asa ba ako Ara?" Bulong niya, sakto lang na marinig ko.
Namilog ang mata ko at umiling. Mapait akong ngumisi. "Hindi kita maintindihan Sky.."
"Ikaw Ara, ikaw ang gusto ko." Huminga ito ng malalim. "Hindi ko sasayangin ang pagsasakripisyo mo Ara. Sasaluhin kita..nandito l-lang ako Ara.."
"Sky..pasensya na.."
Mabilis ang pangyayari. Namalayan ko nalang na hinalikan ako nito at halos umurong ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Hindi ko alam na ganito siya kabihasa humalik.
He move his lips expertly. Hindi ako makagalaw sa kanyang ginawa. Ilang beses niyang ginalaw ang labi at mahigpit ang pagkakahawak saking pisngi. Umiling ako at tinulak siya...
Ang pagtulak ko sa kanya ang pag suntok rin sa kanyang mukha.
"Santi kalma!" sigaw ni Andre at pilit hinihila ito palayo samin.
Naagaw namin ang maraming atensyon. Napalunok ako ng makita si kuya na naka itim na t shirt. Magulo ang buhok at may munting balbas.
Galit at pagkalumo ang nakikita ko sa mga mata niyang nakatingin sakin. Umiling ako at yumuko.. He saw us..
"Bitaw Andre.." Banta nito.
"Santilior come on...sa labas na natin pag usapan." Pag aalo ni Niko.
Ngumisi si kuya at mapanuyang tiningnan si Sky. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Naghalo halo ang aking emosyon.
"Santi!!" Pigil ni Andre at Niko ng susuntukin pa sana ni kuya si Sky.
Ngumisi lamang si Sky habang tiningnan si kuya.
"Eto ba ang gusto mo Ara?" Malamig na sikmat ni kuya sakin. "Pagkatapos ng lahat lahat-"
"Shit Santi! Sa labas na!" kahit dalawa sila ang humihila kay kuya ay hindi parin nila kaya.
Lumalabas ang ugat nito at namumula ang dibdib.
"Tama na kuya..umalis ka na.." Napalunok ako at inayos ang aking sarili.
Gusto kong mapag isa. Gusto kong lumayo sa lahat. Nagmamadali akong umalis at hindi alintana ang mga matang nakatingin.
Sa kabilang bahagi akong dumaan pero mabilis nahawi ni kuya ang dalawang pinsan at pinigilan ako.
"Mag uusap tayo Ara!" Umiigting ang panga nito at nanggigigil.
Umiling ako, "Kuya tama na..ano ba!"
"Hindi, mag uusap tayo.." marahas akong kumawala at hinihila ang brasong ayaw niyang pakawalan.
"A-Ano ba! Sabing tama na e!" Nang makawala ay sinampal ko ito sa pisngi.
Namayani ang bulong bulongan ng paligid.
Umiyak ako at pinunasan ang luha. Umiling ito at yumuko,tila sumusuko.
"Wa'g mo nang pilitin kuya dahil ayoko na. I-I kiss Sky because I-I like him." Mahinang bulong ko na nanginginig.
Napamura ang dalawa kong pinsan sa aking sinabi.
Pinagkakatitigan ako ni kuya Santi. Nananantiya tila hinahalugad ang mga mata kung ako'y nagsasabi ng totoo. Dahil sa kagustuhan ko, buong tapang ko siyang tinignan sa mga mata.
"Ikaw yung pinakamasamang nangyari sa buhay ko kuya.Yung nangyari noon? Iyon ang pinagsisihan ko ng sobra. At hindi ako magiging masaya kung nandito ka. Umalis ka! Mag abroad ka! Naiintindihan mo ba?-"
"Iyan ba? Iyan ang gusto mo? Bullshit!" Sinipa nito ang mesa at nabasag ang mga bote sahig.
"Oo!" lumuluha kong sigaw. Sa mga mata nang taong nandito. Aakalain nilang away magkapatid lamang.
"Hindi yan ang gusto mo Ara-"
"Yan ang gusto ko kaya sana umalis kana!"
"Ara!" Sabay sabay na saway sakin ng dalawang pinsan.
Tumindig ang balahibo ko ng pumikit si kuya at matinding pagkahulog ng luha ang dumaloy mula sa mata niya.
"A-Ara.." Umiwas ako dahil parang nilulukumos ang dibdib ko.
Tumango siya at biglang umalis. Halos mabunggo rin niya ang mga tao na nasa daan kung hindi lamang ito nagbibigay daan sa kanya.
NAKATINGALA ako sa malaking hospital kung saan nakaconfined si papa nang halos ilang buwan.
Napagpasyahan kong dalawin siya. Wala na akong ibang pakay pa.
Pilit akong ngumiti nang makasalubong ang mga nurses na ' kakilala ko.
"Ara!"
"P-Pitchy.. "
"Oh, naparito ka!"
Ngumiti ako. "Uh, bibisitahin ko si papa."
"Ha? Ang papa mo? Hindi mo ba alam?"
Kinabahan ako bigla.
"Alam ang?"
"Wala na diyan ang papa mo..hindi ba nasabi saiyo?"
Napalunok ako at uminit ang gilid ng aking mata. "H-Hindi e.."
Nakita ko ang kalituhan sa mata ni Pitchy.
"Di'ba nga..tinanggap ni Doc Sandoval ang offer abroad. Sinama niya doon ang papa mo dahil libre na doon ang maintainance at paralysis ng papa mo. Six years contract yun Ara."
Fuck..
"A-Ah...S-Si Flor a-ang kasama niya?"
Pinunasan ko ang luha saking mata. Mas lalong nalito si Pitchy.
"Hindi e. Pinaalis si Doc Fuentes dito. Tsaka ang usap usapan dito hindi tinuloy ang offer sa kanya abroad dahil sa nireport na attitude niya. Ang alam ko...umalis yun e."
"At tsaka, eto oh! Nakalimutan ko." Hinila nito mula sa bulsa ang isang bagay na dapat iningatan ko. "Nakita kong tinapon ni Doc Sandoval sa basurahan..sayang. Pero tingin ko kailangan ibalik ko to saiyo.."
Nanginginig ang kamay kong kinuha iyon. Ang kinang ng ginto sa gitna ay kasing kinang ng aking luha.