Forbidden Novels Chapter 33

Chapter 33

Mainit ang araw nang nasa isang bangka na kami. Kasama namin si kuya Lance, Flor, Lara,Kathlyn ,ako at si Santi. Naghalo ang masayang emosyon sa akin. All my life,I've been afraid, pero ngayon...unti unting gumaan ang aking pagkatao sa bawat araw na dumaan.

Hindi ko inaasahan na ampon si Santi. Dahil magkamukha kami at ang akala kong iisa ang aming magulang.

Every life has their own stories. Every single things have their own style. Every tears has a reason. Every person has an equal.

Katulad ko, bawat detalye ng paintings ko may kanya kanyang hinuhugutan. Kanya kanyang, istorya sa likod ng mga obra. Ang aking mga luha ay may libo libong rason. Ang aking ngiti ngayon ay may libo libong kahulugan.

Pwede ko ba hingin sa diyos na sana...habang buhay na akong ganito? Kami? Away from judgemental people. Away from toxic. Kapayapaan lang at kasiyahan. Pareho ngayon, bawat mukha namin ay may ngiti. Nakita kong mahal na mahal ni Flor at kuya Lance ang isa't isa. Ang pinsan kong si Lara at Kathlyn na naka ngiti sa gilid. Si Lola Lourdes naman ay nagpaiwan.

Binaling ko ang aking tingin sa lalaking katabi ko. Nabigla ako nang makita siyang nakatingin lang sa akin. Like, he's amused or something.

"Bakit?" Mahinang tanong ko. Bumaba ang tingin ko sa daliri niyang nasa daliri ko rin. He intertwined our fingers.

"I...just can't believe it...this.." mahinang bulong nito at hinalikan ang aking kamay. May dumaan na sakit at kasiyahan sa kanyang mga mata.

Tandang tanda ko pa noon,kung paano ang mukha niya ng pilit ko siyang tinataboy. Parang hindi ko siya kayang makita na ganun ang mukha. Gabi gabi ako binangungot noon ng kanyang mukha at palagi akong gumigising na umiiyak.

It's the biggest struggle of my life. Naramdaman ko kung paano pandirian, kamuhian, hinusgahan ng mga tao. Alam ko ang pakiramdam kung paano tinuring na basura. Sa loob na apat na taon na pag-aaral naging bingi at bulag ako.

Naging bingi ako sa mga salita nila sakin. Naging bulag ako kung paano nila ako ituring. Kahit ganun...narealize ko na malaki ang naitulong nun sakin. Natutunan ko maging matatag. Natutunan ko kung paano lumaban. Those hurtful times made me strong.

"I love you Santi," bulong ko. Dinadasal na sana, mapawi ko ang mga kasalanan ko noon sa kanya.

Mas lalo lang ito naging seryoso. Hindi ko na kinaya at niyakap ko siya ng mahigpit. Nakita kong bumaling ang mga pinsan ko samin.

A warm smile etched on their faces. Mga ngiti na alam kong sumusuporta samin at wala nang hadlang pa.

My heart screaming how much I love him. Kahit noon pa na akala namin na magkapatid hindi ko tinatangging mahal ko siya,ngayon pa kaya?

Nakontento ako ng maramdaman ang mahigpit na yakap nito sakin. Pinatakan nito ng halik ang aking buhok.

"Ayokong sabihin kung gaano kita kamahal Ara, gusto kong iparamdam at ipakita sayo iyon. Six years away from you...was so damn fuck. Ayoko nang magsalita ng I love you sayo..ipapakita ko yun sa paraan na gusto ko." may pilyong ngiti ito sa labi.

"Ano naman yon?" Takang tanong ko.

"Bibili nako ng matibay na kama..'o,magpapagawa.." bigla itong nagseryoso.

Umiwas ako ng maalala ang nangyari sa kama ni lola Lourdes na de kahoy. Ilang dekada na daw ang edad nun kaya siguro nabali? O' talagang tigang si kuya? Seriously? Tigang talaga?

Mula sa probinsya nila lola halos isang oras ang biyahe ng bangka papuntang Bicut Island. Dumaong ang bangka sa mapino at puting buhangin. Namamangha kami sa hugis ng malalaking bato na naging mistulang hagdan papunta sa itaas na parte ng lupa. Halos berde ang buong paligid dahil sa halamanan at mga puno.

Inayos ng mga lalaki ang aming dalang gamit habang hindi magkamayaw sila Lara sa pag picture taking.

Pumasok kami sa mga puno at nakitang may nag aabang doon na mga van. Kahit sila kuya na may sinasabi na sa buhay ay simple lamang at hindi nagpapalandakang mapera. Kaya nila makipagsabayan sa simpleng pamumuhay.

Sumakay kami sa van at itinigil kami sa isang kanto. Yung mga nakikita natin sa international movies na daan na maraming puno sa gilid at tahimik? Ganon na ganon ito. Nakakarelax dito. Mas lalo akong naexcite at kinabahan!

"Wow! Ang ganda dito Santi! Parang farm!" puri ni Lara.

Ngumisi lang si Santi sa kanila at inakbayan ako. Hawak kolang ang sling bag ko habang siya ay isang bag ang dala.

"Kailan mo'to pinagawa Santi?" Lance asked while we're walking.

"Four years ago..." simpleng sagot ni kuya.

"Ay grabe! I'm sure maganda doon."

Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Makikita ko na ulit si papa at si ma'am Garcia. Kaya pala nawala siya sa kasagsagan ng naging modelo ako noon at medyo nakaahon na. Nang nakaahon ako bigla nalang siyang nawala.

"Mabait ang mama mo Santi..nagkausap na ba kayo?"

"Yeah..." hinalikan ulit ako nito sa buhok. Nagiging hobby niya na yata.

Umakyat kami sa hagdan na bato hanggang sa makarating kami sa malawak na lupain. Ang malawak na lupa ay puno ng bulaklak at mga puno at kung hahawiin ang mga dahon makikita mo sa gitna ng malawak na lupa ang isang white house. Nasa tatlong palapag iyon at ang pinakatuktok na palapag ay purong kristal na dingding! Wow!

Ang likod ng mansyon ay may malawak na infinity pool at may fountain!

Alam kong nakaawang ang labi ko! Hindi lang ako makapaniwala at sobrang nagandahan ako sa paraiso na ito sa gitnan ng gubat!

"Wow..." tanging nasabi ko.

Sa kabilang parte ay malaking gate na may pababang daan papuntang gate. Ang hindi ko inaasahan ay ang nakahilerang magagarang sasakyan na malapit doon! Fuck!

Aston Martin! Mercedez Benz! Bughatti! Name it!

"Damn Santi! You knock it!" pagmumura ni Lance at hinimas pa ang Benz!

"Dad's loves to collect.." Simpleng sagot ni Santi.

"Binili niya sayo?" manghang tanong ko.

"Binigay lang.." Simpleng sagot ni Santi.

Pwede makadaan sa syudad dito pero ang malapit na daanan mula kina lola ay magbangka. Kung sasakyan ang gagamitin sa Manila na ang punta nito at malayo na kina lola Lourdes.

Lalo kaming namangha nang makapasok.

"This is ours.." Bulong ni Santi na may pagmamalaki sa kanyang mukha. Nakaabang ito saking reaksyon.

Sa sobrang saya, dumaloy nalang ang luha ko. May isasaya paba ako? Kasi , wala na akong masabi. Wala na akong mahihiling pa.

Nakita nito kung paano nanginig ang aking labi at niyakap ko siya ng mahigpit. Humalakhak lamang ito saking tenga habang hinahagod ang akong buhok.

"Nabuntis na ba kita?" Pilyong tanong nito. Hinampas kolang ito sa dibdib.

"A-Ara..." a voice made me stop from crying.

Pareho kaming napatingin doon ni Santi. Sa sobrang gulat ko hindi na ako nakapagsalita.

Si papa kasama si ma'am Garcia, si Niko, Andre, Sky, Spike at Vivoree.

"I miss you Ara!" niyakap ako agad ni Viv. Umiyak ito sakin habang yakap ako. Nakaawang lang ang labi ko at napangiti. Si Ma'am Garcia ay nilapitan ni Santi at hinalikan sa noo. Si papa nilapitan rin ako at niyakap.

"P-papa..." binaling ko ang katawan s kanya at dinamdam ang init ng yakap nito. "Papa..." I cried more.

Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat nito at pagbasa ng aking balikat.

"Sobrang namiss kita A-Ara. Patawad s-sa lahat ng nagawa k-ko.."

Umiling iling ako at niyakap si papa ng lubusan.

Sa totoo lang, ayoko nang magalit sa mga taong may kasalanan man sakin. Mas mabuti ang magpatawad at ilipat ang pahina ng ating buhay sa bagong yugto. I don't want to preserve any hatred.

Pagkatapos ang eksenang iyon nasa isang mesa na kaming lahat. Lara and Kathlyn is quiet. Siguro, naiilang pa. Lance and Flor has their own world. Si ma'am Garcia ay niyakap ako ulit bago umupo. Si papa ay katabi ko at sa kabila ay si Santi katabi si ma'am Garcia. Si Niko at Andre ay nakangisi lang. Si Spike and Sky, ay tahimik lang rin.

"So ano ang plano mo Santi? Susunod ang papa mo...and he want to change your surename."

Unang sabi ni ma'am Garcia.

"Wala akong babaguhin mama.."

Napatikhim si ma'am Garcia. May sarisariling topiko naman ang mga pinsan namin.

"Bakit Santi?" Tanong ni ma'am.

Umiling ito, "Malalim ang kahulugan ng apelyidong dala ko ngayon mama at...ayokong baguhin.."

"But wala ba kayong balak na magpakasal ni Ara?"

Napatikhim si papa. Namula nalang ang pisngi ko.

My heart boomed so loud.

"Magpapakasal..." Tiningnan ako nito. "Wala na akong idadagdag pa sa pangalan ni Ara." He bit his lips. "Dadagdagan ko lang ng isang Ara...at isang...Santi.."

Umubo ng todo si papa tila nabulunan. Humagalpak nalang sa tawa si Andre na noon paman ay pilyo.

Nakipag appear si Santi sa mga pinsan. Lihim akong ngumisi. Parang deja vu lang? Kasi noon ganitong ganito kami...nabawasan lang.

But everything happened for a reason. Alam ko naman na maligaya na si ate Anna at mama sa langit. Natanto kong dalawang babae na nagmahal ng taong hindi sila kayang mahalin....

Umiling iling si ma'am Garcia. "Sobrang bait na bata si Ara. Swerte na ako na siya ang mapapangasawa mo Santi. Hindi ako hahadlang, susuporta ako." ngumiti ito sakin. "Ikaw Alfonso? Anong masasabi mo?"

Tumikhim ulit ito at kinamot ang kilay. Hinawakan ko ang kamay ni papa. Nag aabang kaming lahat sa sasabihin nito.

"Alam ko naman na kung gusto ni Santi, gusto niya kaya....hindi na ako tututol pa."

I bit my lower lip so tight!

"Kasalan na!" hiyaw ni Vivoree.

Santi chuckled and kissed my neck.

"Ang swerte ni Santi kay Ara...sana all," ngumisi si Kathlyn. Nakita ko naman ang matalim na titig ni Sky sa kanya na hindi ko inaasahan.

"Ako, kaya kong abutin ang langit at bituin para sa future asawa ko," pagmamalaki ni Andre.

" Ikaw Santi?" Niko smirked.

"Kaya kong bumali ng maraming kama.."

Natahimik kaming lahat ng sinabi iyon ni kuya. Halos maramdaman ko ang init ng aking pisngi! Ayokong ideny kasi totoo naman iyon! Humagalpak naman sa tawa ang mga pinsan namin.

"Ano kama?" nalilitong tanong ni papa. Shit!

I heard Santi muttered a curse. Yan! Kabaliwan mopa Santi!

"A-Ah, pa..gusto mo pang kumain? Ano diyan ang gusto mo pa?" Pilit kong dinidistract si papa mula sa kanyang narinig. Nanginginig ang kamay ko habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito.

Our night went smooth like the old times. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko.

"Matibay ang kama Ssa kuwarto natin Ara.." bulong ni kuya sa gitna ng kainan.

"Tumigil ka nga!" saway ko dito.

Tumingin ako sa mga kasama namin. We are all happy at sana tuloy tuloy na. This is the life I'd dreamin' of.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.