Forbidden Novels Chapter 50

Chapter 14

Ahas

"Tubig oh!" abot sa akin ni Jez habang nagpupunas ako ng tuwalya sa leeg. Kakatapos ko lang magpractice ng sayaw para sa talent portion namin. Kasalukuyan akong magpa practice para Ms & Mr. St. Dominic.

I smiled at her at kinuha iyon sa kamay niya. "Thank you. Hindi ka pa ba aalis? It's six. Uuwi na nga ang trainor ko." Sabi ko sa kanya. Umiling siya at nagpasada ng tingin sa kabuuan ng kwarto kung saan kami ng nagpractice ngayon. Bakanteng room ito ng bahay na ginawa naming practisan.

"Siguro dito na ako mag didinner? Pwede ba?" Nakangiti niyang wika.

I nodded. " Of course pwede. Tara sa room ko. Mag aayos lang ako."Pumasok kami sa room ko at ginawa ang dapat na gawin. Doon kami nagpalipas ng oras . Lumabas ako ng walk in closet at nakitang nag tetext si Jezel. Sinulyapan niya ako at hininto ang pagtetext.

"Kanina kopa napansin,wala si Tito Henry a'. Tsaka yung step mom and step sister mo?". Umismid ako at umupo sa kama. Nakita kong pinasadahan ni Jezel ang aking suot. I am wearing a peach silk night dress na hanggang hita habang siya ay naka t shirt at jeans.

"Nasa Bora sila." Maikling sabi ko at sinuklay ang aking buhok.

"Oh? Hindi ka sinama?"

I shrugged. "Nope, Busy ako sa pagpapractice Jez. I need to put my mind on it. I wanna win. I need to win." Nasanay na kasi ako mula pa noon na palagi akong nananalo.

"Uh. okay, So sinong kasama mo dito?"

"Si Nana Sena ,ang katulong,at Savier."

"Oh.." Tumango tango siya. "So, ano yung ugali ng step sis mo? I think sa gwapo ni Sav hindi iyon nakaligtas. Mukha pa namang aggressive yun."

I laughes a bit. Paano napunta ang usapan doon? "Uhm sort of,yeah. But, wala akong oras patulan iyon. And I know Sav loves me so much."

"Really?" tila umiba ang tono ng boses niya. "Alam mo Rox. Sinusuportahan naman kita e'.Kaso I am worried."

"Hm? Why?"

Ngumisi siya at umiling. "You're so stupid. I know that your feelings is just a puppy love and we all know that in the future,your feelings will change eventually. We still young and you know that you and Savier ?" She tsked. "So taboo Rox!"

Napawi ang ngiti ko at sumeryoso ang mukha. "Hindi ko nakikita ang sarili ko na magmahal ng iba Jez. Ayokong magmahal ng iba." Yumuko ako at nangilid ang luha.

"I know it's complicated that's why I need a friend right? I need you,Jez.Kailangan ko ng taong susuportahan ako. Hindi ko din alam kung hanggang kailan to. Nakahanda akong damhin lahat ng sakit sa pagkakahulog kong ito."

She held my hand. "You're too young to feel this pain Rox. Savier gives you pain." she whispered.

Ngumiti ako sa kanya . I held her hand back. "I love the pain ,you are talking about Jez. What ever will people say.Then sorry. I am stubborn to listen to their judgements." Huminga siya ng malalim at umiwas.

Sa dinner ay magkaharap kami sa hapag. Kakadating lang ni Savier galing trabaho niya. Masyadong tahimik at tanging kutsara at plato lang ang umiingay.

Jez cleared her throat. "Sav, Diba may sariling condo unit ka?" Nangunot ang noo ko sa kanyang tanong pero binalewala iyon.

Savier nodded and look at me. "Eat more,baby." he said. Napapikit ako ng mariin dahil wala siyang pake sa kanyang kilos! baka makita pa kami ni Nana sena! he even call me Baby?! Darn!

Binalingan ni Jez si Sav."E' bakit dito ka nakatira?"Masyadong naging madaldal itong si Jez ngayon ah.

"Kuya wants it and because Rox is here " Sinulyapan ako nito at nabigla ako ng punasan niya ang bibig ko.

"Sav!" banta ko. Ngumisi lang ito sa akin.Hindi na muli nagsalita si Jez at tinuon ang buong atensyon sa kanyang pagkain.

Hinila ni Sav ang upuan sa aking gilid at bumulong. "What are you doing?" Tinaas ko ang kilay at tinignan ang aking pinggan na tinitignan niya. Naka hiwalay ang gulay sa karneng baboy. Nilagay ko iyon sa gilid at hindi kinain.

"I dont like veggies!" I hissed.

"Uh no. Stop being a headache to me baby. Eat..."

Umirap ako sa kawalan. "Stop being a headache to me too. Can you please step back? Baka may makakita." Bulong ko pabalik dito.He muttered a curse like he's having a problem.

"What?"

"Eat or else....You wont sleep alone tonight." Napamura ako dahil doon at napasulyap kay Jez na nalapag ang kutsara na maingay.

"The fuck Sav?" I cursed him.

"Stop cursing too...Or else you'll sleep naked to--"..

"Rox? Uuwi na ako. Nawalan ako ng gana." Malamig na wika ni Jez at pareho kaming napatingin sa kanya ni Sav. I cleared my throat.

"Uh okay..but your food." turo ko sa pagkain.

Umiling siya. "N-Nawalan talaga ako ng gana. M-Medyo hindi maganda ng pakiramdam ko." Sabi nito na nakatingin kay Sav. And I feel some strange with that look. But then again. Hindi ko dapat pagdudahan sila ng basta basta.

"Okay,Pahahatid kita sa driver. Nana Sena!" Tinawag ko si nana Sena pero ibang katulong ang lumapit.

"Ma'am , wala po si Nana Sena. Nasa palengke po. Kasi nakalimutan niya ang binili niyang gamot." Sabi nito.

"Sige. Sinong avail na driver diyan?"

"Naku! wla ho ma'am si Manong Ruben ho sinama ni Nana Sena. Si Dodong umuwi dahil nanganak ang gelpren niya po."

"Oh!Ganon ba." Napatingin ako kay Sav na hawak hawak ang labi niya at kanina pa pala nakatingin sa akin. Bago ko pa masabi ang nasa isip.

"Pwedeng pahatid Sav?"Tanong ni Jez na ngumisi.Tumango si Sav .

"Of course.." And I feel my heart hurt and scattered like a scratch.

"Pero sasama si Rox. Right Rox?" He grinned evilly like he had some evil idea in his mind.

Napakagat labi ako."O-Oo ,sige."

"But , I thought you're tired Rox?"Sabi ni Jez.

"Yeah. But not so tired para hindi ka maihatid." Ngumiti ako at ngumiti si Jez sa akin pabalik.

"Sige tara na.Thanks for the dinner!"Nasa front seat ako habang nasa likod namin si Jez.

"Anong kailangan mo para sa competition?" Si Sav. Kanina pa kami nag uusap at paminsan minsan siyang humahalik sa aking palad.

"Uh.. Some talent outfits. Night gowns. Tsaka may trival outfits din daw. I need a new six inches heels and new make ups." Sabi ko na nasa daan ang tingin.

"Just list that all. Bibilhin ko."

"Naku, Wag na. I know dad can afford it ".

"Me too.." madiin na sabi niya.

"What can you say Rox? Si Caleb or William ang magiging Mr St. Dominic? Their both hot right?" Jez change the topic.

Tumawa ako "Hindi ko alam Jez. Well, lets see. It's not about the looks. Dapat may utak din at strategy. You know, I won a lot of pageants before and I have my own techniques and strategies. Hindi dapat puro mukha. Dapat may utak at gawa."

"That's my baby.." Ngumisi si Sav.

"Tss. Pasikat." Jez uttered some words lowly na hindi ko maintindihan. Nakita kong matalim siyang tinignan ni Sav sa rearview mirror sa ulohan nito at umiling.

"Jez? Did you say something?"

"Uh no. I said...I am so sleepy." I giggled when I remember a moment in our past.

"I remember you sleep so noisy before Jez."

Tumawa ito sa likod namin. "Gosh! you dont have to say that out loud. Nakakahiya kay Sav! Hindi ko nga maalala yan. Naalala ko lang natutulog akong nakahubad." She laughed so hard.

Really Jez? Who the hell care? Nakakahiya pala?Napeke ang ngiti ko ngumuso. Ngayon koblang nakita na may pagka talkative na ngayon si Jez.Nahatid na namin si Jez at pauwi na kami sa bahay.

"You want some drive thru food ,hmm?" Hinimas ni Sav ang aking pisngi. Sobra sobrang tibok ng puso ko ngayon lalo na't hindi siya nagmamadali na umuwi.

Tumango ako. "Oo. Fries at coke lang please."

"Fine."Lumapit siya at kinintalan ako ng halik sa labi. "Shit! I miss your lips". He whispered while looking at my lips. Mabuti naka stop light pa.

"Gosh, Sav. Tumigil ka nga--".Napahinto ako ng humalik na naman siya ulit.

"Ayan.. I'm full charge." He teased.

"Che! ewan sayo." Humalakhak siya at pinaandar na ang kotse. That night we ate together inside his car. Pansamantalang tinigil niya ang sasakyan sa park malapit sa subdivision sa amin. Kinain namin ang pagkain sa loob ng kotse niya na umaandar.

Hindi ko siya na saway sa kahahalik sa akin at pakiramdam ko nangapal ang labi ko sa mga halik niya. Hindi niya iyon tinigilan hanggang lumalim na ang gabi. Halos hindi ako nakakain ng maayos dahil puro halikan lang ang ginawa namin sa loob ng kotse niya.

"Chin up ganda!" Sabi ng aking make up artirst. This is the night! Naka casual attire pa ako at kaka pasok lang ulit dito sa loob ng dressing room sa backstage. Natapos na ang intoduction namin at kasalukuyan akong nireretouch rito s back stage. May sari sarili kaming dressing room. Which is so good to me dahil hindi ako sanay na sobrang madaming tao sa paligid ko at hindi ako nakaka pag concentrate. I've memorize all my style on ramping at may naiisip na ako na maaaring itanong. May naisip na din akong isasagot.

"Gosh! Kahit may freckles ka bagay sayo! parang may half ka!" Sabi ng bakla kong make up.

"Oh well,since birth and yes, may half ako. Half ganda at half sexy.That's why." I was just kidding.

Humagalpak sa tawa ito. "Naku! Gandang ganda saiyo ang papa mo!" Nanood si Papa at nandoon siya sa pinaka harap ng stage ganon din si Sav. Kaya sobra sobrang kaba ko hindi dahil sa mga audience kundi dahil sa tingin ni Sav! So Darn!

Narinig namin ang pag salita ng emcee at palakpak ng mga audience. Tumunog din ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakitang si Sav ang nagtext.

From Savier:I'm here in the stock room. I'll wait.

Shit! Abot tahip ang kab ng puso ko. ''Wait lang ha. I need to pee." I excused.

Tumango ito. "Sige. Bilisan ha?! At mauubos na ang break time. Magbibihis ka pa ng gown mo."anito at tumango ako.Binilisan ko ang pagpunta sa stockroom malapit sa CR.

Hindi pa nakakapasok ay may humila na sa akin papunta doon. Madilim doon at naramdaman ko nalang ang isang kamay na humahawak sa likod ko at isa sa baywang. Naramdaman ko ang labing uhaw na humahalik sa akin. Fuck.

''Sav! Ugh!" I groaned when he bit my lip.

"Shit! kung alam ko lang na ganito ka ka sexy sana hindi nalang ako pumunta! All boys were gawking at you like a dog!"

Hinampas ko siya sa balikat. "Ganito yung outfit namin e. Bakit kaba nandito? Alam mo namang magbibihis ako!" I whispered.

"I miss you!" Naging busy ako ng ilang araw bago ang gabi nato kaya mailap kaming mag kita ni Sav lalo na't busy siya sa trabaho.

"Ako din naman. Pero kailangan ko na bumalik! Mag-sstart na mamaya."

Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

"I love you damn much ,you know that. hmm". Shit! I'll win this competition! I am inspired!Fucking inspired!

"I love you too." I said back. He cupped my face and we kissed a long moment. Pabalik na kami sa dressing room ko na nagmamadali kasama ko si Savier na nakapamulsa. Malayo palang ay naririnig ko na ang mura ng bakla kong make up artist.

"Bakit mo to ginawa ha! Sino kaba?! Alam mo bang napakamahal niyan-"

"Shut up!"Jezel screamed.Napamaang ako ng makita ko siyang may hawak na gunting at ang gupit gupit ko na gown at iba pa sa sahig.

"W-What d-did-" Napahigpit ang hawak ni Sav sa aking baywang at niyakap ako. Alam kong ramdam niya ang nginig ko sa madaming dahilan.

"I hate you Rox!" Binalingan niya si Sav gamit ang luhaan niyang mga mata. "I -I hate you so much Sav!" Fuck it! she ruined my dress! She ruined my night! How dare she is?!Bigla siyang tumakbo palabas at tinulak ako kaya medyo napaatras pa.

Hindi ko alam anong sasabihin at gagawin.

My best friend did this to me?! At paano'ng si Sav huh?!Tinignan ko si Sav na seryoso lamang akong tinitignan.Tumulo ang luha ko dahil nabigo ako sa kagustuhang manalo! Ngayon lang ako nabigo ng ganito dahil ayoko man na isipin ang matagal ko nang naiisip pero parang totoo nga ito.

"Naku ganda! Umalis ako sandali! pagbalik ko sinisira na ng babaeng iyon ang gown mo." Natataranta na sinabi ng bakla. Hindi ko siya tinignan at sinagot nakaderekta kay Sav ang aking mga mata.

"Anong ibig niyang sabihin Sav?" Umiling ito at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi ko alam ,Rox." Sabi niya.

Binalingan ko si bakla. "Dugong , pwede kaba munang umalis?"Napangiwi ang bakla dahil tinawag ko siya sa pangalang niyang iyon na alam ko.

"E-E' ma'am ,the show will start in any minute-''

"Yeah, I know.Labas ka muna." Walang emosyon ko na sabi. Tumango ito at lumabas. Napa hilig ako sa lalagyan ng mga make ups sa harap ng salamin na malapad.

"Talk Sav! Anong ibig niyang sabihin?!" Halos isigaw ko na iyon. Umigting lang ang panga niya at marahas na hinawi ang buhok. And with that..I know there's something. I wanna know.I need to know.

"You know what? Nag dududa na ako sa mga kilos niya pero hindi ko binigyan ng kahulugan because she's my bestfriend! Pero bakit? Bakit ka niya hate? bakit siya galit?!"

"Baby... calm down."

"No!" hinampas ko siya sa dibdib.

"Tell me! I've been wondering why she looking at you pareho nang pagtingin ko sayo?! She blushed on your simple gesture na nakagawian ko rin!" He remained silent. And it's killing me.

"Fine! Ayaw mo?! From now on.Ayaw ko nang makita ka! Kung anuman ang meron tayo ngayon I am cutting it now! Ayoko na! hindi ko na alam kung mapag kakatiwalaan pa ba kita! Labas!"

"No you're not doing this!" Umiling iling siya at pilit akong hinawakan.

"Labas!" I cried.

"Fucking fine! Your bestfriend were drunk the time I saw her! Nilapitan ko siya at tinulungan. She kissed me ,Rox! She kissed me! Simula nun she's always bothering my phone! I don't know where did she got my number!"Isang malutong na sampal ang ginawad ko sa kanya. Narinig ako ang pagtawag ng emcee sa pangalan ko.

"You two kissed and you did'nt tell me!"

"Dahil ayaw kong maging rason na magkasira kayo!Rox! Look,I am sorry. It's nothing!"

"Well! Sira na kami Sav! Ayoko sa lahat ang ahas at sa nagpapa ahas! magsama kayo!" Lumabas ako na luhaan. Lutang ako sa nangyayari. I feel so sick and hopeless!

Talo na ako sa laban."Roxette!" Sav shouted.

"Ganda! Tinatawag kana!" Nasalubong ko ang make up artist na bakla.

"I quit" Malamig na sabi ko at nilampasan siya. Narinig ko ang mura niya.Maraming nakatingin sa akin pero isa lang ang hinahanap ng mata ko. Alam kong imposible ko siyang makita s dagat ng tao kaya sa parking lot ako ng school pumunta.

And there I saw her typing on her phone..

"Shit." I heared Sav cursed at my back.

Sinundan niya ako.Dahil sa yapak ng sandals ko ay napa angat ang tingin niya at napatingin sa akin. Nakitaan ko siya ng takot pero kalaunan ay ngumisi.

"What? You're a crying queen now?!"Lahat yata ng dugo ko umakyat sa ulo. Hindi ko siya nakitaan ng Jezel na matalik na kaibigan ko. She's wearing a mid riff top and short shorts.So very far of being my bestfriend. This is not her.

Tumulo ang luha ko at tumingala. Humampas ang pang gabing hangin at parehong tinangay ang aming buhok.

"Ikaw ba yan..Jezel?" pumiyok ng boses ko dahil sa iyak. I saw her gulped at umiwas.

"Anong tingin mo sa akin? Hayop?" Sagot niya.Naramdaman kong niyakap ako ni Sav at napatingin doon si Jez.

"Alam mong...mahal ko si Sav!" I hissed.

Lumaki ang mata niya at kalaunan ay ngumisi tila naintindihan. "So he told you atlast?"

"Oo.Kung paano mo siya hinalikan?Huh!?"

"Kahit ilang beses ko siya halikan pwede Rox! Alam mo iyon!"

"So, Anong ibig mong sabihin?" I step forward.

"S-Sinubukan kong iwasan ang nararamdaman ko pero ayoko nang itago Rox. I like Savier.I like him so much!"

"Shut up! you two!" diin na saway sa amin ni Sav. ''Baby,come on."

"Ang manhid mo Sav! Kahit anong gawin mo hindi kayo pwede! Bakit pinipilit mo pa din?! Hindi kayo pwede! Why not me? I am here-"

Sinampal ko siya bago siya matapos.

"Ahas ka!''

Sapo niya ang pisngi niyang sinampal ko.

"Kaya kong gawin ang lahat Rox. Para mahalin ako ni Sav."

"At dahil diyan sinira mo ang tiwala ko. Ang pagkakaibigan natin. I treated like my sister Jez.Alam mo ang masakit? Dahil sa dinami daming tao ikaw pa? Bakit ikaw pa ang nag traidor sa akin?!" Umiwas siya at pumatak ang luha niya.

"Baby.. lets go. Your dad's calling." Sav whispered. Nanghihina na ako sa lahat lahat.

"P-Please Sav, let's talk." Pakiusap pa na Jez kahit nandito ako. Napapikit ako sa sakit.

"No". Malamig na sabi ni Sav. "Stay away from me and stay away from her. Get it?Dahil kung hindi, kakalimutan ko na babae ka." Banta ni Sav at yakap yakap ako na umalis. Rinig ko ang hikbi ni Jez sa malayo at sobra sobra akong nasasaktan sa nangyayari.

It's okay if she kissed Sav accidentally because she's drunk. Pero yung hinalikan niya dahil mahal niya?That's a different story. Alam niyang mahal ko si Sav. Gusto ko si Sav. Pero sinusurot niya ng palihim?

Bago kami magtungo pabalik sa loob ay hinarap ako ni Sav. "Baby, please tell me I wont lose you this time. I am so sorry for not telling you."Pagod ko siyang tinignan gamit ang mata kong pagod na sa iyak.

"Stay away from me. Please."Tinalikuran ko siya at pumunta sa kinaroroonan ni papa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.